Bibitinin? May iniisip ba itong gawin sa akin. Gagantihan niya ba ako? Kasi kung gagantihan niya ako sa oras na ito ay alam kong hindi ako makakapaglaban. Dagdag pa na tanging kumot na lang ang ginamit kong pantakip sa katawan ko. Paano kung madiskubre nito na may ginagamit lamang ako sa aking dibdib upang hindi iyon mapansin? Paano kung malaman nito ang totoo? "Kung nakikita mo lang ang itsura mo ngayon, Briel." Mapang-akit na sambit nito habang inilalandas ang daliri nito sa aking pisnge pababa sa aking leeg hanggang sa bumaba pa iyon sa aking balikat. "Makikita mo rin kung gaano ka kahina sa harap ko at kung paano mapuno ng paghangad at takot ang iyong mga mata. You look like a delicious prey waiting to be devour." Pigil ang aking paghinga sa nararamdaman kong kakaibang kuryente na