CHAPTER TWELVE

1565 Words
Naiwang mag- isa si Arriana at di niya napigilang mainis sa umagang iyon. Para sa kanya ay masamang balita na muli pang nagising ang kanyang kapatid. Sana ay di nalang ito nagising pa. Paano nalang, may kaagaw na naman siya sa lahat Lalo na sa kanyang Asawa. "Sh*t! " Mura ni Arriana. Masama na kung masama siyang tatawagin Basta talagang Hindi niya nagustohan Ang muling paggising ng kanyang ate. Si Kharvin naman ay di rin mapakali ng mga oras na iyon dahil sa magandang balita na natanggap Ng umagang iyon. Gusto niyang puntahan si Alexa at gusto niya itong makita. Hindi naman siguro masama kung dadalawin niya ito ngayon. Naging kasintahan niya ito at ito sana ang Asawa niya ngayon kung Hindi pa sana ito naaksidente. Siguro Naman ay maiintindihan naman siya ng lahat kung dadalawin at pupuntahan niya ito. Nakapagdessisyon nga siyang puntahan ang dating kasintahan lalo na't araw ng linggo iyon at walang office. Napasukan naman siya ng asawang si Arriana habang siya'y nagbibihis. " Hindi ko alam na may lakad ka pala, Saan ang punta mo? pwedi ba akong sumama?" Tanong ni Arriana. Natigil sa ginagawang pagsuot ng t-shirt si Kharvin. Napabuntong-hininga si Kharvin at nilingon si Arriana. "Yes, pweding - pwedi ka namang sumama. Lalo na at kapatid mo ngayon ang dadalawin ko." Sagot ni Kharvin na ikinapanlaki ng mga mata ni Arriana. " What!?? Dadalaw ka kay ate Alexa sa hospital!?" Nagbabanta ang malaking galit na tanong ni Arriana lau Kharvin. "Bakit? Hindi naman masama na sisilipin ko at kakamustahin ang ate mo Arriana, Wala naman akong masamang gagawin.. dadalaw lang, yun lang." Sabi ni Kharvin. "Hindi pwedi! iniinsulto mo ang pagiging asawa ko kung dadalawin mo ang kapatid ko!" Sigaw ni Arriana sa Asawa. Biglang tumigas ang anyo ni Kharvin. " Arriana, walang masama sa gagawin ko! Tanggap ko na man na hindi kami ng ate mo, tanggap ko na, na ikaw ang napangasawa ko at kayo na ng anak natin ang pamilya ko ngayon. Pero sana naman huwag mong mamasamain na dalawin ko si Alexa. tandaan mo, naging kasintahan ko siya at may pinagsamahan kami.. sa anim na taon niya sa coma ay walang masama na dadalawin ko Siya at kakamustahin bilang kaibigan nalang! Kaya nga kung gusto mong sumama sa akin ay pweding-pwedi ka namang sumama." Nagpipigil ang temper na wika ni Kharvin. " Ganoon ha?? Okay Sige! sasama nalang din Ako!" Inis paring tugon ni Arriana. " Dapat ka talagang sasama Arriana, dahil kapatid mo ngayon ang naka-recover sa coma at isang magandang balita ito sa buong pamilya niyo.." Tugon din ni Kharvin. Walang imik na nagbihis nalang din si Arriana. Kahit labag sa kalooban nito na sasama sa Asawa ay napilitan nalang ito. Wala namang problema ang anak nilang 4months na si Baby Avy dahil may yaya naman ito kaya pwedi lang nila itong iiwan sa bahay. " Mauna na na ako sa'yo sa labas, sa garahe nalang kita hihintayin.." Malamig na wika ni Kharvin. At hindi na hinintay pa na sumagot pa si Arriana at tumalikod na ang asawa. Tuloy- tuloy na si Kharvin sa may garahe. Habang siya'y naglalakad ay tumunog naman ang kanyang cellphone. Sinagot niya iyon agad nang makitang Ang Kapatid na si Sheena ang tumawag. " Yes, Sheena?" Sagot ni Kharvin sa Kapatid. "Kuya, totoo ba ang balita? On the way na kami papuntang hospital para dalawin ang best friend ko." Sabi ni Sheena sa kabilang linya. " Yes Sheena. Kami din papunta na rin." Tugon ni Kharvin. " So, Anong nararamdaman mo Kuya?" Tanong pa ni Sheena. Hindi agad nakasagot si Kharvin. Siyempre, Masaya Siya at natutuwa siya na muling nagising ang babaeng mahal niya. Pero Hanggang doon nalang ang lahat dahil hindi na siya malaya na mahalin ito. Aaminin ni Kharvin na nasasaktan siya pero wala na siyang magagawa. May asawa na siya at si Arriana pa iyon. " Kuya??" Untag ni Sheena sa kabilang linya. At nang makitang paparating na si Arriana ay nagpaalam na agad si Kharvin sa Kapatid. " Saka na tayo mag- usap Sheena, aalis na kami." Ani Kharvin. " Okay! good bye. see you." Sagot nito. Pumasok na sa kotse si Kharvin at sumunod naman si Arriana. " Sino yung kausap mo?" Usisa pa nito nang nakaupo na rin sa tabi niya. " Si Sheena. Papunta din sila sa hospital." Sagot ni Kharvin na Hindi man lang tiningnan si Arriana at Pina start na ang kotse nito. " Ahh yeah, muntik ko nang makalimutan, magkaibigan pala ang sister mo at si ate. Kaya nga feel na feel ko na hindi niya ako gusto bilang sister in-law niya." Sabi pa ni Arriana. Hindi sumagot si Kharvin at patuloy lang ito sa pagda- drive nito. Napairap nalang si Arriana nang hindi na magsalita ang asawa. Sa Hospital naman ay naabutan nga Ng mag- asawang Sanchez Ang kanilang anak na gising na. Nakita nilang parang tulala lang itong nakatingin sa kisame. Umiyak na lumapit si Ofelia sa anak. " Oh thank you God! you're woke-up Alexa anak!" Humagulhol na iyak ni Ofelia na nilapitan at niyakap ang tulalang anak. Nakasunod naman ang Daddy ni Alexa sa likod ng Mommy nito. Napangangang napatitig si Alexa sa sariling Ina at lumipat ang tingin nito sa ama nito. " B- bakit po?? S- sino nga po pala kayo?" Nagtatakang tanong ni Alexa sa mga kaharap. Hindi niya Kasi Kilala kung sino ang mga ito at Hindi niya alam kung nasaan siya ngayon. Sumasakit pa Ang ulo niya at napahawak rito nang iisipin kung nasaan Siya at sino ang mga tao sa kanyang paligid. Ang ikinapagtataka niya kung bakit ay nakahiga siya roon sa magandang kama ng kuwartong iyon. Nagtataka namang humiwalay ng yakap si Ofelia sa anak at napatingin sa Asawang nasa likod na nagtatamong Ang mga tingin kung bakit di Sila Kilala ng kanilang anak. " H- Hindi mo kami Kilala anak?? pero bakit?" Patuloy na umiyak at tanong ni Ofelia. " Damian, Hindi nktayo kilala ng ating anak." Dagdag na wika ni Mrs. ofelia Sanchez sa sobrang pagkadismaya na di sila Kilala ng anak. " Hindi ko rin alam ofelia. Kailangan nating makakausap Ang kanyang Doctor.. kung Anong kalagayan niya ngayon." Sagot ni Damian sa Asawa. " B- bakit po ?? Ano po palang nangyari?? Totoo po bang a- anak niyo po ako? pasensya na po kayo, masyadong sumakit yung ulo ko, hindi ko alam k- kung bakit." Napaingit na wika ni Alexa at nagpipigil sa kanyang ulo. " It's okay anak. Magpahinga ka lang okay . huwag mong pilitin kung Hindi mo kami Kilala. huwag kang mag- alala, mga magulang mo kami. relax ka lang iha okay? okay lang si mommy at Daddy kung Hindi mo kami kilala sa ngayon. Ang importante ay gising kana at naka survive ka sa coma." Sumisikip ang dibdib na wika ni Ofelia. " H- ho?? Coma?" Ulit pa ni Alexa. Wala talaga siyang kaalam- alam kung ano ang mga pinagsasabi ng may edad na babae at lalaki na mga magulang daw niya. " Ssshh... relax ka lang anak. huwag ka muna mag- isip ng malalim." Ani Ofelia na saglit pinahid ang mga luha. Tanging tango lang Ang Sagot ni Alexa at minabuting ipikit na nga lang niyang muli Ang kanyang mga mata upang maibsan Ang sumasakit na ulo. Di naman nagtagal ay dumating ang Doctor na nag- aalaga kay Alexa. Ito na ang lumalapit agad sa mag- asawa nang makita Sila nito. " Good morning Doc.." Sabay bati ng mga magulang ni Alexa sa medyo may edad na ring Doctor ni Alexa. " Good morning too, Mr. And Mrs. Sanchez. Mabuti Naman at nagpunta agad kayo dito. Congratulations to both of you because your daughter survived a coma for six years." Wika ng Doctor sabay tanggal nito sa salamin sa mga mata. Pagkatapos ay kusa Silang naupo upang makapag- usap ng maayos. " But Doc. . What happened to our daughter? Hindi niya kami kilala." Tanong ni Mr. Damian rito. " Yes Doc. Hindi kami Kilala Ng anak namin, Anong problema sa kanya ngayon?" Segundang tanong ni Mrs. Ofelia. Napahinga ng malalim Ang Doctor bago sumagot. " I'm so sorry, She has amnesia after the coma." Sagot ng Doctor. " What? Kawawa naman ang anak namin Doc kung ganoon.." Sabi ni Ofelia. " Pero mas okay nalang na iisipin nating survive na Siya sa Comatose, bahala na kung may amnesia muna siya sa ngayon." Sagot naman ng Doctor. "Gaano ka tagal ang memory lost ng aming anak Doc?" Tanong din ni Damian. " Depende. May last for a few minutes, hours, days, weeks or even, in rare cases, months." Sagot ng Doctor. " Oh God." Ani Damian. " Okay Doc. Kayo na ang bahala sa anak namin upang mapadali ang paggaling niya Doc." Ani Ofelia. " Certain types of medication have been used to try to improve the condition of patient. Sadly, there is usually no way of knowing exactly how long it will last. But Don't worry, magiging okay din ang lahat Mr. And Mrs. Sanchez.." Wikang muli ng Doctor. Napatangu- tango Ang mag- Asawa bilang katugon sa sinabi ng Doctor sa kanila. " Okay, that's all. Maiiwan ko muna kayo." Paalam ng Doctor sabay tayo. " Okay Doctor, thank you so much." Sabay na Sagot ng mag- asawa. Pagtalikod ng Doctor ay di naman nagtagal ay dumating si Sheena, ang kapatid ni Kharvin, Kasama ang boy friend nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD