CHAPTER ELEVEN

1542 Words
At dahil sa kagustohan Ng mga magulang Nina Alexa at Arriana na Hindi bubukod ng tirahan sina Kharvin at Arriana ay nasa pamamahay lang Ng mga Sanchez ang mag- Asawa. Araw- araw ay nasa trabaho naman si Kharvin. Nasa office ito lagi at maraming mga project ang inaatupag. Parang kontento na si Arriana sa kanyang buhay ngayon. Nasa sa kanya na ang atensyon lagi ng mga magulang dahil mabibilang na wala na talaga ang ate Alexa niya. Humihinga ito sa ICU pero alam niyang di na ito magising pa. At napa sa kanya na rin si Kharvin. Kung hindi niya ginawa ang lahat na binabalak sa ate ay tiyak na hindi ganito ka saya ngayon ang kanyang buhay. At isang kakaibang ligaya na para bang siya'y nasa ulap sa tuwing katabi niya gabi- gabi sa kama si Kharvin. At hindi na ito makukuha pa sa kanya dahil kasal na sila nito. "Sorry ate Alexa.. pero kailangan ka talagang mawala eh, bago ko makuha ng buo ang lahat na kaligayahan ko." Wika pa ni Arriana habang nakaharap sa malaking salamin at sinuklay- suklay ang medyo curly nitong buhok. At ang kanilang anak ni Kharvin ay mag- apat na buwan pa since birth nito. Mahal na mahal ng mga Lolo at lola ang bata at lalo na ni Kharvin. "Don't worry my love Kharvin, bibigyan kita ng maraming anak." Matamis na ngiting wikang dagdag ni Arriana habang patuloy na nakatingin sa sarili sa salamin sa kanilang kuwarto. Pagsapit ng linggo ng umaga ay wala silang duty lahat, kaya halos magkasabay naman ang buong pamilya nina Alexa na kumain pati na si Kharvin. Pero si Ofelia ay araw - araw itong nasa hospital kay Alexa. At kagabi pa nga ito umuwi galing sa private hospital at nagpa-proxy muna doon sa isang katulong. Pero ngayon ay babalik din naman ito kaagad sa hospital. Parang nakasanayan nalang ni Ofelia na laging nasa private hospital na nagbabantay sa anak na nacomatose. Buo na ang desisyon ng mag-aswang Sanchez na hinding -hindi nila isusuko sa ICU ang kanilang anak habang humihinga lang naman ito. Bahala na kung napakalaking halaga na ang nagastos nila sa anak. Basta di nila iaalis ito sa ICU. Saka na sila susuko rito kung talagang hindi na ito humihinga. Nawalan na nga sila ng pag-asa na makagising ito ngunit hindi talaga nila ito isusuko. " Mommy, pagkatapos mong mag- almusal ay babalik ka ba sa hospital, kay ate Alexa??" Tanong pa ni Arriana. " Yes iha. Kailangan ako ng ate mo sa lahat ng Oras.." Sagot ni Mrs. Ofelia. " Dapat lang Arriana na babalik ang Mommy mo doon agad. Kawawa naman ang Kapatid mo doon na iaasa lang sa katulong. Sasama na nga rin ako sa Mommy mo para madalaw ko naman ang kaawa- awa kong anak doon.." Wika ni Mr. Damian Sanchez. Natahimik si Arriana. Kahit na comatose ang ate niya ay talagang sumisingit parin ito bilang kontrabida niya sa buhay. Di niya maiiwasang mainggit parin sa ate niya kahit hindi na ito nakagising. Mas lalo kasing nakita ni Arriana kung gaano ka mahal ng kanilang mga magulang ang kanyang Ate Alexa. Habang nag- uusap Sila ay nanatiling tahimik lang si Kharvin at nakikinig lang sa kanilang usapan. Sa isip din ng binata ay gusto na naman niyang dumalaw ulit kay Alexa. Mula nang maikasal ito at ni Arriana ay palihim parin siyang dumalaw sa na coma niyang kasintahan. Tulad kagabi ay nagpunta siya Kay Alexa sa hospital dahil wala roon ang Byenan na si Ofelia. Binigyan naman niya ng Cash ang katulong na nagbantay roon upang di ito magsalita tungkol sa kanyang pagpunta roon. " How about you Arriana? matagal kanang hindi nakadalaw sa ate Alexa mo." Tanong ng Mommy nilang si Ofelia. Muli na namang natigilan si Arriana sa tanong ng kanilang Mommy. " Ahhh.. Saka na Mommy. Ang totoo niyan mommy ay naka move -on na rin ako tungkol sa nangyari kay ate.. Sa anim na taon ba naman ? Kaya dapat isa sa atin ay iisipin nalang na hindi na babalik si Ate Alexa sa kanyang katawan. Dapat kasi ay tinanggap niyo na rin ang nangyari na siya'y di na babalik. it's imposible na siya'y makakagising pa Mommy , Daddy.." Napahaba na wika ni Arriana. " Hayaan mo na kami ng Mommy mo Arriana, tanggap na rin namin ang lahat , pero di ibig sabihin na isusuko na rin namin siya. Hangga't patuloy siyang humihinga ay tuloy parin ang laban. Nothing imposible with God, tandaan mo yan.." Sagot ni Mr. Damian sa anak na si Arriana. Bigla tuloy nawalan ng gana si Arriana at halos di na nito magalaw ang pagkaing nasa harap nito. Si Kharvin naman ay binilisan ang pagsubo nito upang makatapos agad at makaalis na sa mesa sa harap ng mga magulang nina Arriana at Alexa. Nakailang subo pa si Mrs. Ofelia Sanchez nang biglang nag ring ang cellphone nito. Saglit nitong sinilip ang cellphone nito at tiningnan kung sino ang tumawag. Nagtaka ito nang makitang number iyon ng Private Doctor na nag- aalaga Kay Alexa. " Excuse me.." Sabi ni Mrs. Ofelia at napatayo agad upang dumistansya siya bago sagutin niya ang tawag. " Yes, Doc??" Sagot niya sa Doctor na tumawag. Kinabahan tuloy si Ofelia kung bakit tumawag ang private Doctor ni Alexa. Nakatuon naman ang mga tingin ng lahat buhat sa mesa nang malaman ng mga ito na isang Doctor ni Alexa ang tumawag. Maayos namang pinakinggan ng mga ito ang kanilang usapan. At nang marinig ni Ofelia ang balita mula sa private doctor na siyang nag- aalaga sa panganay na anak ay labis itong namangha at gumuhit ang malaking tuwa sa itsura. " Oh my gosh!!. okay Doctor!! Oh thank you, thank you Lord, wait Wait, pupunta kami agad diyan . .." Bulalas na Sabi ni Ofelia na sobrang tuwa sa natanggap na balita. At isinilid nito mula sa loob ng bulsa ang cellphone nito. Nakatingin lahat kay Mrs. Ofelia dahil sa tuwa nito at kung anong magandang balita ang natanggap ng mga sandaling iyon. " Ofelia, b-bakit? Anong nangyari? Bakit ganyan nalang ang tuwa mo? " Tanong naman ni Mr. Sanchez. " Damian!! good news! good news ito sa buong pamilya natin!!" Sabi ni Ofelia na di napigilan na umiyak dahil sa sobrang tuwa sa balitang natatanggap Ng umagang iyon. " Bakit ba Ofelia?" Tanong Naman ni Mr. Damian Sanchez sa asawa. " Mommy, Baki?" Halatang nagtatakang tanong rin ni Arriana. " Damian! At Arriana anak! Nagising na si Alexa sabi ng Doctor, nagbalik na siya! sa katawan niya !" Sagot ni Ofelia. Napanganga Ang lahat Lalo na si Arriana at Kharvin. At parang di matanggap ni Arriana ang balitang iyon. At samantala si Kharvin ay kitang - kita ang tuwa sa mga mata nito sa muling pagkagising ni Alexa. Di naman makakilos sa kinalalagyan si Arriana dahil shocked siya sa balitang iyon. " What a good news!! Hindi na tayo magtatagal pa Ofelia, aalis na tayo agad pupunta sa hospital ! upang makita natin si Alexa kung totoong gising na ba talaga ang anak natin.." Sabi naman ni Mr. Damian Sanchez. " Ok wait, Damian, magbihis lang Ako saglit at Pupunta na kaagad tayo sa hospital!" Sabi naman ni Ofelia na parang di na mapalagay dahil sa sobrang kaligayahan. ' Nagising si Alexa.. nagising siya. Bumabalik Siya.' Anang isipan ni Kharvin na pati ito'y na eexcite. Isang malaking balita nga ang pagkagising ni Alexa na ang buong Akala nila ay di na mangyari iyon dahil sa anim na na taong nasa ICU ito. Ngunit saglit lang na natuwa ang itsura ni Kharvin, nang maalala na di na Sila pwedi ni Alexa. Pumalit agad ang lungkot sa mukha nito. At Nakalimutan nga pala niyang di na siya makakalapit kay Alexa dahil siya'y kasal na kay Arriana at may anak na sila ng youngest sister nito. Ngayong nagbalik at Nagising Ang na coma niyang kasintahan, Ano ang mukhang maihaharap niya rito? Alam niyang kamumuhian Siya nito dahil sa kanyang nagawang kasalanan at pagtataksil. Dahil sa isiping iyon ay mas lalong nalungkot si Kharvin. Ikinatuwa talaga ng mga magulang nina Alexa Ang balitang natanggap mula sa doctor ni Alexa. At hindi lang ang pamilya Sanchez ang natuwa kundi pati na ang buong pamilya Torres ang pamilya ni Kharvin, Lalo na si Sheena, Ang best friend ni Alexa. Wala ng pakialam pa ang mga magulang ni Arriana at Alexa dahil sa kaligayan ng mga ito ay hindi na nakapagpaalam Ang mga ito kina Arriana at Kharvin na aalis na ang mga ito papuntang Hospital. Tahimik namang naiwan ang mag-asawang Kharvin at Arriana sa hapag. Napatingin si Arriana sa Asawa. At nakita nitong tahimik lang si Kharvin at tila may malalim na iniisip. " Now Kharvin tell me, Are you happy that ate Alexa woke- up from six years comatose?" Tanong pa ni Arriana. Napatingin si Kharvin sa asawa. "Why? Aren't you happy that your sister woke- up again? if you ask me, yes, I was happy Arriana. Why not? Dapat matuwa ka rin dahil kapatid mo siya." Parang nainis na sagot ni Kharvin sa Asawa. " Y- yes, I'm happy too. I'm just asking Kharvin." Para namang nainis na tugon ni Arriana sa Asawa. Tumayo na rin si Kharvin at tinalikuran na si Arriana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD