VvH Chapter 7

1001 Words
Nakatingin si Mio Clarence sa akin kamay na nakalahad sa kaniyang harapan. Aalisin ko na sana ang aking kamay, pero kinuha niya ito at nakipagkamay na sa akin. Ngumiti ako sa kaniya. Akala ko ay masungit siya. Kailangan ko lang malaman kung talagang tao siya. "Mio Clarence Park, Mio na lang," saad niya. "Kaano-ano mo ang mga Park na bampira?" curious na tanong ko. Hindi naman siguro masamang itanong iyon, ano? Kumunot ang noo niya sa akin. Parang nagtataka sa aking tanong. "Hindi ko kilala ang mga sinasabi mo. At hindi ako naniniwala sa bampira, maliban na lang kung makakita ako," masungit na sagot niya. Hindi pa rin ako convinced sa kaniya. Mahirap magtiwala, pero kailangan ko siyang makilatis nang mabuti. Kailangan ko rin kasing makapag-recruit ng mga tao sa aming clan. "Kung ganiyon ay ikinagagalak kong makilala ka. Mag-ingat ka palagi at huwag masyadong pagala-gala rito. Hindi mo kilala ang mga nilalang dito," paalala ko sa kaniya. Tumango lang siya. Maya-maya ay nagpaalam na rin siya. Mas nauna pa siyang pumasok ng kaniyang dorm. "Masungit pa rin talaga," saad ko sa aking sarili. Napailing na lang ako. Sana nga ay totoong tao siya. Ang hirap magtiwala sa panahon ngayon. Kinuha ko na ang aking mga gamit pagkabukan ng pintuan. Saktong bumungad sa akin si Den na nakapamewang. "Yes, Den? Bakit ang taray mo ngayon? Hindi ka ba masaya na nakabalik ako ng buhay?" natatawang sabi ko sa kaniya. Inirapan niya ako, sabay kuha ng mga gamit na bitbit ko. "Akala mo ba ay hindi ko nakita na nag-usap kayo ni Mio?" saad niya. "O anong problema roon, Sis? Hindi ba kailangan natin ng bagong miyembro ng samahan na nag-aaral din sa Vnight? Ayaw mo ba ng bagong kaibigan?" biro ko sa kaniya. Inabot ko sa kaniya ang binigay ni Kaliex na pasalubong para sa kaniya. Kinuha niya naman ito, pero inirapan niya pa rin ako. "May pagbuhat si Mio ng gamit mo. Para saan naman iyon?" tanong niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Akala naman niya kung anong mayroon sa amin ng Mio na iyon. "Nakasabay ko lang siya sa paglalakad. Hindi ko nga akalain na lalampasan niya lang ako, pero tumigil din para tulungan ako," paliwanag ko. "Ikaw ha? Paano na si Kaliexer? Pero, in fairness ha? Bagay kayo ni Mio. Siguro kung hindi ko bet sa iyo si Kaliexer, si Mio ang magiging boto ko. Kaso sa akin na lang si Mio, pwede ba?" tanong niya. Ako naman ang umirap sa kaniya. Nahalata niya noon na gusto ko si Kaliex, pero hindi ko pa rin inaamin sa kaniya na totoo ang hinala niya na may gusto ako kay Kaliex. Inaasar niya lang ako kay Kaliex kapag kaming dalawa lang ang magkasama. Alam niya rin kasi na gusto ng isa kong pinsan ito. "Kaliexer ka riyan. Kaibigan natin iyon. Napakama-issue mo ha? Pasalamat ka at dinala ko pa iyang bigay ni Kaliex," sambit ko. Binuksan ni Den ang mga pasalubong para sa kaniya. Mukhang natuwa naman siya dahil iba't-ibang klaseng pasalubong ito. May mga damit at iba ring gamit. "Ang bongga naman talaga ng friend natin na 'yan ha? Nakakatuwa naman na naalala niya ako at hindi puro ikaw," biro niya. Inirapan ko na lang ulit siya. Inilahad ko sa kaniya ang lunas na aking nagawa. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ito. Mukhang nakuha na niya ang gusto kong ipahiwatig dahil sobrang laki na ng ngiti niya. "Wow, effective na? Don't tell me may ayos na?" excited na tanong niya. Tumango ako. Pinakita ko sa kaniya ang aking laptop. Nandito ang mga kuha sa mga LCV na tao na ngayon. Kaya kong makita ang kasalukuyan na ginagawa ng mga inoobserbahan ko. May iba pang device na nakakonekta roon, bukod pa sa mismong CCTV. "So far ay wala namang negative effects. Si Kaliex na rin ang susubaybay sa kanila habang tayo ay nag-aaral. Pansamantala lang naman iyon, dahil sa loob ng dalawang linggo na maayos na sila ay pwede na silang makalaya," paliwanag ko. Kinuha ni Den ang isang nasa syringe na sample. Ika niya, "Kailangan din natin na subukan ito sa bagong kagat pa lang. Baka mas mabilis ang epekto nito." Ganoon din ang plano ko. Si Kaliex na ang bahala roon. Plano ko rin na ipaliwanag ang paggamit ng lunas sa mga nakatataas na miyembro ng clan. Sila ang tuturuan ko kung paano gawin ito, iyan ay kapag napatunayan ko lang na effective ito. Mas gusto ko kasi na walang masyadong nakaka-alam ng mga plano ko. Ipapaalam ko lang ito kapag natapos ko na o napatunayan ko na ang aking sarili. "Bibigyan din kita ng sample. Kailangang lagi tayong may dala. Huwag kang mag-alala, sinigurado ko na hindi iyan basta-basta masisira at---" Hindi ko natuloy ang ang sasabihin. Baka madulas na naman ako. Mahirap ngayon dahil nasa pugad kami ng kalaban. Pagkatapos kong ipaliwanag kay Den ang paraan ng paggamit ay umalis na rin siya. Inayos ko muna ang aking mga gamit. Napansin ko na nandoon ang isang maliit na gamit na para kay Kaliex. Hindi ko alam kung para saan ito, pero tinago ko na lang sa aking cabinet sa kwarto. May naririnig na akong ingay mula sa kabilang bakod. Sinisimulan na ata ang aking plano. Tiningnan ko ang aking cellphone. Tama ang aking hula na sinisimula na nila ang secret tunnel at ang isang bahay. Si Kaliex ang naunang nagsabi sa akin ng tungol dito. Siya rin ang nag-utos na simulan agad ito. Laking pasasalamat ko na nandito na ulit si Kaliex. Isa siya sa tumutulong sa aking mga plano at gustong gawin. Inayos ko muna ang aking dorm para sa secret tunnel na gagawain. Inalis ko ang mga gamit na nakaharang sa tapat ng paglalagyan ng tunnel. Makalipas ng mga gawain ko ay pumasok na ulit ako sa aking klase, kasama si Den. Nakaramdam ako ng kaba na hindi ko maintindihan. Parang may hindi magandang mangyayari ngayong araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD