VvH Chapter 6

2049 Words
Pumunta agad ako sa labas nang marinig ko ang malakas na tunog ng busina ng sasakyan. Alam kong si Kaliex na iyon at ang kaniyang pamilya. Masaya ako na makikita ko sila bago ako bumalik sa academy. Magkakaroon pa ulit ako ng pagkakataon para makapagpaalam sa kanila. Nag doorbell sila sa pinto kaya agad ko namang inutusan ang isa sa mga kasama ko sa bahay na pagbuksan sila. "Miss, nakarating na ang pamilya ni Kaliex. Pakibuksan mo muna ang pinto sa ibaba at papasukin sila. Mag aayos lamang ako ng aking sarili, paupuin mo muna sila at bigyan ng maiinom at makakain," utos ko sa kaniya. Tumango siya at sumunod agad sa inutos ko at pinuntahan niya sila Kaliex. Ilang minuto pa ang nakalipas at bumaba rin ako para makita sila. Pagkakitang-pagkakita ko kay Kaliex ay napatakbo ako sa kaniya. Niyakap ko siya nang napakahigpit. Sumilay agad ang maganda niyang ngiti sa akin. Halos maluha-luha ako sa saya habang nakayakap ako sa kaniya. Hindi ako makapaniwala na kasama ko na ulit siya pagkatapos ng mahabang panahon. "Kaliex! Sobrang na-miss kita. After 5 years, nagkita ulit tayo," masaya kong sabi sa kaniya. "Parang wala namang masyadong nagbago sa itsura mo!" Biro ko pa. Pinisil niya ang aking ilong, sabay gulo ng aking buhok. Para tuloy kaming mga high school sa lagay na ito. Ganito ang ginagawa niya sa akin noon sa tuwing nagkikita kami. "Ang tangkad mo na, Shin Minnie," pangaasar niya sa akin. "Dati ang liit mo pa, ngayon ay hanggang tenga na kita," biro niya pa habang hinihimas ang aking ulo. Sinimangutan ko siya, sabay tumawa naman sa amin ang kaniyang mga magulang nang makita kami. Masaya ko rin silang binati at nagmano ako sa kanila. Halos kararating lang ng pamilya ni Kaliex nang sakto namang dumating sila Tito at Tita. Pumasok sila at natuwa noong makita si Kaliex at ang pamilya niya. Umupo muna kami sa may sofa sa living room. Masaya kaming nagbabatian at nagkakamustahan. Matagal-tagal na rin kasi noong huli kaming nagkita-kita. Halata sa bawat isa na galak at eksayted magkakita-kita muli. "Aba! Dalagang-dalaga na si Minlei, Mare. Ang ganda-ganda na niya lalo," ika ng Mom ni Kaliex kay Tita habang kumakain ng biscuit. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Ika niya, "Hindi na ako magtataka kung maraming lalaki ang mahuhumaling sa kaniyang kagandahan. Maswerte ang lalaking pipiliin mong maging kasintahan, iha," "Hindi naman yata totoo yan, Mom. Kahit noong mga bata pa kami, wala namang nagkakagusto dito kay Minnie," biro ni Kaliex. Natawa kami ni Kaliex sa kaniyang sinabi. Sa totoo lang, matagal nang maraming umaamin sa akin, lalo na sa school na pinasukan ko noon sa Singapore. Hindi ko lang alam, kung alam rin iyon ni Kaliex. Pero kahit isa sa mga umamin sa akin na gusto nila ako, ay wala akong nagustuhan. Si Kaliex lang talaga ang gusto ko noon pa man. May kinuha si Kaliex sa kaniyang malaking bag na isang supot. Ika niya, "Eto, pasalubong ko sa iyo. Panay chocolates at pagkain iyan para magkalaman ka ng kaunti, ang payat-payat mo kasi. May mga books at damit din diyan na siguradong magugustuhan mo." Tinanggap ko naman ang lahat ng iyon. Alam na alam niya pa rin kung anu-ano ang mga gusto ko. "Ang dami naman nito, Kaliex. Paano ko ito dadalhin papuntang dorm," natatawa kong sabi. "Salamat sa lahat ng ito," dagdag ko pa, sabay ngiti sa kaniya. Inabutan din nila Kaliex ang ibang miyembro ng clan na nandito ngayon. Kumunot ang noo nila sa kanilang narinig. Nakalimutan ko hindi pa nga pala nila alam ang tungkol sa Vnight Academy. Hindi pa nila alam na doon ako pumapasok. Balak ko namang sabihin din sa kanila ngayon ang tungkol doon, dahil pinagbilin ako ng parents ko sa parents ni Kaliex, para magabayan nila ako habang nag aaral ako doon. "Dorm? Why do you need a dorm? You have so many properties. Saan ka ba nag-aaral, Iha?" tanong ng Dad ni Kaliex. Napatingin ako kila Tita at Tito, kinabahan ako sa tanong sa akin ng Dad ni Kaliex. Ngumuso lang sila sa akin. Ako ang dapat magpaliwanag nito sa kanila, hindi ko pa puwedeng sabihin sa kanila ang lahat. "Hindi ko po agad nasabi sa inyo ang tungkol sa Vnight Academy. Pero pinagplanuhan ko na po ito nang maigi. Buo na po ang desisyon ko at wala na po itong atrasan. Sa Vnight Academy po ako nag-aaral," paliwanag ko. Napakagat ako ng aking labi. Alam ko namang papagalitan nila ako sa aking ginawa. Napasapo si Kaliex sa kaniyang mukha. Ika niya, "Alam naman nating lahat na napakadelikado ng lugar na iyan, Minnie. Bakit mo naisipang pumasok diyan? Hindi ba't maraming bampira diyan, hindi ka ba natatakot na baka gawin din sa iyo ang ginawa ng mga bampira sa mga mahal natin sa buhay?" Napatingin na lang ako sa sahig. Magagalit talaga sila at expected ko na iyon. Isa rin ito sa dahilan kung bakit hindi ko agad sinabi sa kanila. "Iha, kung ano man ang desisyon mo, susuportahan ka namin. Kaso paano ka namin matutulungan kung mahihirapan kaming puntahan at kausapin ka ng personal sa tuwing nandoon ka sa loob ng academy?" tanong ng Mom ni Kaliex. Napatingin na lang ako kay Tita. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong na iyon. "Mare, huwag ka mag-alala dahil matalino ang aking pamangkin. Hindi siya papasok sa Vnight Academy nang walang mga plano. Lahat ng plano niya ay may back up na rin in case na hindi mag-work ang nauna," paliwanag ni Tita habang nakangiti sa akin. Nakakatuwa na suportado sila Tita at Tito sa aking plano. Naiintindihan nila ang bawat sugal at kung ano ang ipinaglalaban ko sa buhay. Alam nilang desedido rin ako na gawin ang mga ito. "May plano na po ako kung paano makakalabas ng academy na hindi nila malalaman. Bukas na bukas din ay sisimulan na po namin ang secret tunnel papunta sa dorm na aking tinitirahan. Magpapagawa rin po ako ng bahay malapit doon para i-distract ang mga bampira sa ingay ng gagawing excavation," paliwanag ko. Ipinaliwanag ko naman sa kanila ang lahat ng tungkol sa mga plano. Binigyan ko rin sila ng copy ng aking plano at map para mas maintindihan nila ang plano ko. Sa haba nang ginawa kong pagpapaliwanag sa kanila, ay sa wakas nakumbinsi ko rin sila na ipagpatuloy ko ang pag-aaral doon. Mahihirapan na rin kasi akong mag-transfer sa ibang paaralan, kung sakaling aalis ako doon. "Para saan pa ang buhay ko kung hindi ko mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Mom at Dad. Para sa kanila at sa mga tao ang laban na aking sinimulan. Ito ang goal ko sa buhay, ang mapuksa ang mga masasamang bampira na pumaslang sa aking mga magulang. Kakayanin natin ito basta magtiwala lang tayo sa kakayahan natin," saad ko. Yumakap sa akin si Kaliex. Pag-aalala niya, "Natatakot ako na baka may mangyari sa iyong masama. Minnie, kailangan mong ingatan ang sarili mo." Nahihiya akong yumakap sa kaniya pabalik dahil maraming nakatingin sa aming dalawa. Tinapik-tapik ko lang ang kaniyang balikat para kumawala sa kaniyang yakap. Maya-maya ay dinala ko sila sa kabilang basement na ginawa ko. Ipinakita ko sa kanila ang isa sa mga ginagawa ko rito. Naabutan naming nag-uusap ang mga kamag-anak ng mga naging LCV. Agad silang bumati sa mga magulang ni Kaliex at kila Tito at Tita. "O bakit may nakakulong diyan, Minlei?" gulat na tanong ni Tita. Ngumiti ako sa kanila. Pinakita ko ang isang maliit na bote. Sample ito ng lunas na para sa mga LCV. "Palihim akong nag-imbento ng lunas para sa mga LCV. May kakayahan ito na ibalik sila sa normal na tao. As of now ay tatlo pa lang silang nasusubukan ko. Kailangan ko pa silang obserbahan ng 2 weeks. Kaya Kailangan ko ang tulong mo, Kaliex. Kung pwede sana ay ikaw muna ang pumalit sa akin dito. Ibibigay ko sa iyo ang kalahati ng aking nagawa," ika ko, sabay abot ng lunas na sinasabi ko. Pinaliwanag ko sa kaniya ang paggamit ng gamot. Kung sakaling hindi ako makakatulong dito kapag na-confirm na effective na ang gamot, ay siya na ang bahala rito. Tiningnan nila ang mga sinasabi kong LCV na bumalik sa dati. Mukhang nasa matinong pag-iisip pa sila. Hindi ko sinabi kay Kaliex na may CCTV akong inilagay sa bawat kwarto nila. Mahirap na kung biglang maisipan ng mga itong maghubad. Babae pa naman sila at lalaki si Kaliex. Inabutan din ng parents ni Kaliex ng pagkain at mga damit ang mga ito. Malaking tulong na ito para sa kanila. Halatang natuwa sila sa mga chocolates at iba pang pagkain. Matagal naman nila iyong mauubos. Hindi ko muna sila hinayaang humawak ng cellphone dahil baka mamaya ay may maka-trace pa sa amin kapag nag-post sila ng kung anu-ano. Kinabukasan ay nag-eempake na ulit ako ng mga gamit na dadalhin sa dorm. Kasama na sa ine-empake ko ang mga pasalubong ni Kaliex sa akin at kay Den. "Ikamusta mo ako kay Den ha? Sayang nga at hindi mo pa siya kasamang umuwi rito. Hindi tayo nakalabas man lang. Hindi bale, ako ang susundo sa inyo ss bakasyon niyo," saad ni Kaliex. Tinutulungan niya ako sa aking mga gamit ngayon. Siya ang nagtutupi ng mga damit na ibinigay niya sa akin. "Pasensiya na kung hindi ko agad nasabi ang tungkol sa pagpasok namin ni Den sa Vnight Academy ha? Masyado kasi kaming busy sa pagmamadaling mag-ayos ng aming mga papeles. Hindi na kami nakatawag sa iyo," ika ko. Hinawakan niya ang aking kamay kaya napatigil ang pag-aayos ko ng aking mga gamit. Ang bilis ng t***k ng puso ko ngayon. Bakit ba kasi ang sweet niya sa akin? "Naiintindihan ko, Minnie. Ang mas mahalaga sa akin ay ligtas ka. Gagawa ako ng paraan para matulungan ka sa loob ng academy. Hayaan mo akong gumawa ng sariling paraan. Dadalawin din kita sa bahay na ipapagawa mo. Tatawagan kita kapag pupunta ako roon," ika niya. Napangiti na naman ako. Kakaibang effort na ang binibigay niya sa akin. Para kaming magkasintahan sa lagay na ito. Yumakap ako sa kaniya. May pagpikit-pikit pa ako para mas maramdaman ang yakap ko sa kaniya. "Mami-miss na naman kita, Kaliex. Babalik na naman ako sa academy mamaya. Mag-iingat kayo rito ha?" malungkot na sabi ko. "Kung pwede nga lang na pigilan kita ngayong umalis, gagawin ko e. Kaso may paninindigan ka at mataas ang pride mo. Sasama ako sa paghatid sa iyo," sambit niya. Naisakay na ang lahat ng kailangan kong dahil na gamit. Ang kalahating lunas ay dinala ko rin para sa aming mga tao na nasa academy. Tsaka ko lang ito magagamit kapag napatunayan ko lang na effective ito makatapos ang dalawang linggong pagsusuri. Kasama ko si Tita at si Kaliex. Nakasandal lang ako sa balikat ni Kaliex. Ang bilis ng oras, kailangan ko na namang magpaalam sa kanila. Bitin na bitin ang Sabado hanggang Lunes na paalam ko. Bago ako bumaba ng sasakyan ay yumakap muna ako sa kanilang dalawa. Parehas ko silang hinalikan sa pisngi. "Minnie, pangako ko, gagawa ako ng paraan para matulungan ka sa loob ng academy," saad ni Kaliex. Nagpasalamat ako sa kaniya. Nagpaalam na rin ako nang mabuti sa kanila. Nagmamadali ako dahil baka maabutan ako ng call time na dapat nandoon na ako. Kumaway na rin ako sa kanila, sabay pasok sa gate. Binigay ko rin sa guard ang card na binigay sa akin ng admin. Medyo mabigat ang aking dala kaya mabagal ang aking lakad. Saktong nakasabay ko si Mio pabalik ng dorm. Napatingin siya sa akin. Mukhang hindi alam ang sasabihin. Lalampasan niya sana ako, pero tumigil pa rin siya. "Want some help?" tanong niya. Tumango ako dahil mabigat naman talaga ang mga dala ko. Kinuha niya ang lahat ng bitbit ko kaya nagulat ako. "Ako na ang magdadala ng iba para hindi ka mabigatan," saad ko. Umiling lang siya at nagpatuloy nang maglakad. Sinundan ko na lang siya. Pagkarating namin sa tapat ng dorm ay nagpasalamat ako sa kaniya. Inabot ko ang kamay ko sa kaniya. Pakilala ko, "I am Shin Minlei. Nice to meet you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD