Natapos ang klase na wala namang masamang nangyayari.
Pagkalabas namin ni Den ay biglang humarang sa amin ang babae na kailangan naming iwasan.
"May problema ba, Madam?" tanong ni Den sa kaniya.
Tumaas ang kilay sa amin. Ang daliri niya ay pinapaikot-ikot niya sa kaniyang buhok.
Napahawak ako sa gilid aking bag, kung nasaan nakatago ang armas ko laban sa mga bampira.
Lumapit siya sa amin. Saad niya, "Hindi ko kayo kilala, pero sana ayusin mo ang pananamit mo. Nagmumukha kang spy."
Tinuro niya ako. Napatingin ako sa aking suot na leather top at pants.
"Ganiyan talaga outfit ni Minlei, simula pa lang noong high school siya sa ibang bansa," sagot ni Den.
Parang natawa naman ang babae sa sinabi ni Den.
"Hindi ba marunong magsalita ang kaibigan mo?" puna nito.
Biglang lumampas si Mio mula sa aming likuran. Siya pala ang nahuling lumabas ng classroom.
Napansin kong masama ang tingin niya sa babaeng kausap namin.
"Whatever," saad ng babae, sabay naglakad palayo sa amin.
Sinundan namin siya ng tingin. Kalimitan sa bampira ay bigla na lang nawawala.
Siya ay maarteng naglalakad lang pauwi ng dorm. Napansin ko na papunta rin iyon sa dorm sa amin. Malamang ay kabilang siya sa Top 10.
Napansin ko na may babae na kasunod si Mio. Mukhang nanood din sa usapan namin.
Dire-diretso lang si Mio papunta sa kabilang direction. Sa library siguro ang kaniyang punta.
Aalis na sana kami nang bigla akong hilahin ng babae sa aming likuran.
"Sandali," saad nito.
Natigilan din si Den sa sinabi ng babae. Ano kayang gusto niyang sabihin?
"Bakit?" tanong ko.
"Mag-iingat kayo sa babaeng kausap niyo kanina. Masyado siyang matapang at walang kinakatakutan," saad nitong babae.
Nagkatinginan kami ni Den. Tama ako na kailangan naming iwasan ang namuna sa amin kanina.
"Anong mayroon sa kaniya? Bakit kailangan namin siyang iwasan?" tanong ko.
Bumuntong-hininga siya. Huwag mong sabihin na hindi pa niya sasabihin ang rason?
"Siya si Chelly Eisaia. Pamangkin siya ng asawa ng may-ari ng academy na ito. Kung ayaw niyong ma-kick out ay umiwas kayo hanggang maaari," paliwanag niya.
Kaya pala ganoon kataas ang tingin niya sa sarili niya. Malakas ang kapit niya sa academy na ito, kaya kayang-kaya niyang saktan ang ibang nag-aaral dito.
"Kung ganoon ay iiwasan namin siya. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ito sa iyo, pero nakita ko na may mga sinampal siyang mga estudyante habang nakaluhod," kuwento ko.
Mukhang hindi na siya nagulat sa aking sinabi.
"Normal na iyon, kaya nga pinag-iingat ko kayo. At huwag kayong magsasalita ng kung ano na laban sa ibang nandito. Hindi niyo sigurado kung naririnig kayo o hindi," saad niya.
Nagtataka ako sa kaniyang sinasabi. Aware ba siya na may bampira? Isa kaya siya roon kaya niya nasasabi ang mga bagay na iyan sa amin?
"Aware kami na may mga ibang uri. Sinabi na rin ito ng ibang matatanda sa amin. Kaya maingat naman kami sa kinikilos at salita namin," saad ko.
Nagulat ata siya sa sinabi ko. May kinuha siya sa kaniyang bag. Ako naman ay napahawak ulit sa armas na nasa gilid ng aking bag.
Hindi ito pansin dahil ginawa ang bag ko na kasama ang armas, kaya magkakukay sila.
Inilahad niya sa amin larawan ng pamilya niya. In-assume ko na pamilya niya iyon dahil kamukha niya. Dalawa silang magkapatid, base sa kaniyang larawan na pinakita.
Hinila niya kami papasok ng classroom. Isinarado niya ang pinto.
"Soundproof ang lahat ng classrooms dito, na kahit ang mga bampira ay hindi maririnig ang nag-uusap sa loob. Ito ay para hindi ma-distract ang iba sa naririnig mula sa labas," paliwanag niya.
Tumango kami ni Den. Dapat pala ay palagi kaming nagpapahuli ni Den kapag pauwi na, para makapag-usap kami.
"Ngayon ko lang nalaman na ganito pala ang mga classrooms. Teka nga, sinabi mo na may bampira. Ibig bang sabihin ay alam mo ang pinasok mo rito?" ika ni Den.
Either bampira siya o kaaway ng mga bampira kaya siya nandito.
"Ang larawan na pinakita ko sa inyo ay mga magulat at kapatid ko. Walang awa silang pinatay ng mga bampira. Nakatago lang ako sa may cabinet, pero kitang-kita ko kung paano sila pinatay," maluha-luha niyang sinabi.
Parehas kaming napa-atras ni Den nang maglabas siya ng maliit na kutsilyo mula sa kaniyang ballpen.
Sinugatan niya ang kaniyang daliri. Napangiwi ako sa kaniyang ginawa.
"Ito ang patunay na totoong tao ako kung hindi pa kayo naniniwala," saad niya.
Agad kaming nag-panic ni Den dahil sa kaniyang dugo. Naglabas siya ng band-aid. Tinulungan namin siyang ilagay iyon.
Hindi naghilom ang sugat niya, senyales na totoong tao nga siya.
"Para kang sira. Bakit mo iyon ginawa? Paano kung naamoy ka nila? Edi tapos ang buhay nating tatlo?" pagsusungit ni Den.
Tiningnan ko ulit ang sugat ng babae. Hindi talaga nawala ang kaniyang dugo, kita ito sa kaniyang band-aid.
Kumuha ako sa aking bag ba parang leather na gloves. Kailangan niya ito para hindi mas maamoy.
"Suotin mo iyan kung ayaw mong maamoy ka ng mga bampira. Malakas ang pang-amoy nila kaya hindi tatalab na band-aid lang ang nakalagay diyan," ika ko.
Kinuha niya ito at sinuot naman. Buti ay hindi siya makulit at mataas ang pride.
"Salamat sa pag-aalala niyo. Alam ko naman ang aking ginagawa. Tiningnan ko lang din kung magkakaroon kayo ng kakaibang reaction sa aking dugo. Napatunayan na natin sa isa't-isa na normal na tao tayo. Hindi rin naman tayo maaamoy sa loob ng classroom," saad niya.
Napapaisip ako kung isasama ko siya sa clan. Ngayong kumpirmado na isa siyang tao, baka malaking tulong na makasali siya sa amin.
"Aware ka ba sa Vampire Hunters Clan?" tanong ko sa kaniya.
Parang nalungkot siya sa aking sinabi. May nakaraan ba siya roon?
"Oo, alam ko. Gustuhin ko mang sumali roon, pero hindi ko pa kaya. Hindi ko alam kung matatanggap nila ako," saad niya.
Nagkatinginan ulit kami ni Den. Ano kayang ibig sabihin niya tungkol sa kung matatanggap siya?
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Den.
Iyan din ang gusto kong itanong.
Bumukas ang pintuan ng classroom kaya napatingin kami roon.
"Nandito pala kayo. You may leave the room. Gagamitin kasi namin ito maya-maya. Pasensiya na ha?" saad ng isa naming professor.
Nagpaalam kaming tatlo sa aming professor. Mabuti ay wala kaming ibang pinag-uusapan.
"Mauuna na rin ako ha? Pupunta pa ako sa library. See you around!" paalam niya.
Naglakad na rin kami ni Den sa kabilang direksiyon. Nakalimutan namin tanungin ang kaniyang pangalan.
"Hindi pala natin natanong ang pangalan niya, ano?" ika ko.
"Kaklase naman natin siya. Malalaman at malalaman pa rin natin iyon. Nakapagtataka lang na iniisip niya na hindi siya matatanggap sa sinasabi niya," saad ni Den.
Kung sabagay, pwede naman kaming mag-usap ulit bukas kapag siguro ay nasa tamang tiyempo.
"Tama ka. Makakausap pa rin naman natin siya. Hintayin na lang natin na siya ang mag-approach para hindi siya nabibigla," saad ko.
Dumiretso kami ni Den sa dorm. Papapasukin ko sana si Den ng dorm ko, pero nakita ko si Mio sa labas ng kaniyang dorm.
"Bye, Den!" kunwaring pagpapaalam ko.
Ginulo ni Den ang aking buhok. Kunwaring hinatid niya lang ako sa aking dorm. Kasama rin sa Top 10 si Den, kaya magkalapit lang kami. Mabuti nga at nakabawi siya sa ranking.
Pagkapasok ko ng dorm ay na-receive ko ang text ni Den.
May nadaanan daw siyang mga nag-uusap na nagrereklamo tungkol sa ingay sa kabilang bakod. Malamang ay dahil sa tunnel at bahay na pinapagawa ko.
Malamang ay titignan iyon ng management ng academy. Well, wala naman silang laban dahil hindi sila ang nagmamay-ari ng lupa na iyon.
Kahit pa ipaglaban nila iyon, as long as bahay naman ang aming pinapatayo, wala silang magagawa. Hindi rin naman kami papayag na bilhin nila ang lupa.
Nagtingin namab ako ngayon sa social media. Kamakailan ay nauso ang mga ganito.
May mga nakikita akong mga larawan ng LCV na nagkakalat na. May isa pang video na may nilalapa ang LCV. Ang iba ay nilalabanan ng mga tao.
Bakit biglang dumami ang mga kalaban? Anong nangyayari na?
Sinubukan kong tawagan ni Kaliex. Kailangan ko siyang maabisuhan tungkol dito.
"Hello, Minnie? May problema ba?" tanong niya sa akin.
"Nasaan ka?" hanap ko sa kaniya.
Kailangan niyang mag-ingat dahil marami na ang nagkalat na masasamang bampira sa paligid.
"Nasa mansion niyo. Dito na ako tumutuloy simula nang umalis ka. May problema ba?" saad niya.
Mukhang wala siyang alam sa mga nangyayari. May signal naman at internet sa bahay, kaya kailangan niyang laging updated.
"Kailangan mong tingnan ang mga balita at trending ngayon sa online. Palagi kang manood ng news. May hindi tamang nangyayari," utos ko sa kaniya.
"Sandali," saad niya.
Parang naglakad siya. Narinig ko ang pagbukas ng TV.
"Hindi ko alam na ganito na pala ang nangyayari. Kailangan natin malaman kung effective ang ginawa mo," saad niya.
Hinihilot-hilot ko ang sentido ko. Sobrang nakaka-stress nag mga nangyayari. Hindi pa nga 100 percent effective ang ginawa ko, nagkaroon na agad ng mas matinding laganap ng mga LCV.
"Ganito, Kaliex. Gamitin mo na ang mga nasa iyo na lunas. Kailangan na rin natin iyan kahit pansamantala lang. Nagpagawa na ako ng facility para sa mga gagamitan natin. Nandiyan sa aking nakatagong laptop ang details. Nandiyan sa may ilalim ng sofa, malapit sa aking kwarto. Magpapadala na lang ako ng mensahe sa phone," ika ko.
Mabuti na lang at palagi akong handa. Lagi akong may plano para sa kanila. Nagpagawa ako ng malaking facility para i-accommodate ang mga LCV na matuturukan ng lunas.
"Mag-iingat ka, Minnie. Kami na ang bahala rito," saad niya.
"Mag-iingat din kayo, Kaliex. I am counting on you. Please be safe as always, I will see you soon." Nagpaalam na rin ako sa kaniya.
Bakit ba kasi walang TV sa dorm na ito. Pwede kayang mag-suggest na magkaroon? Kahit ako na ang magpo-provide.
Ngayon ko lang nalaman na soundproof din ang doram namin. Hindi ko naririnig ang ingay sa labas.
Ibig bang sabihin nito ay hindi kami rinig ng mga bampira sa labas?
Kailangan ko itong makumpirma sa babaeng nakausap namin kanina.