VvH Chapter 15

1400 Words
Naging normal ang mga araw na nakalipas. Wala pa ring nakaka-alam ng secret tunnel namin. Matiwasay akong nakakalabas-labas kahit hindi kasama si Den. Palagi ko lang tinitingnan ang lagay ng bahay na ginagawa. Malapit na rin iyong matapos makalipas ang ilang linggo. Nagawa na rin ang kadugsong na basement papuntang tunnel. Maayos na ang lahat. Bubong at kulay na lang ng bahay ang kulang. Ang mga kakailanganin naming mga gamit sa bahay ay nakahanda naman nang dalhin once matapos na ang ginagawang bahay. Plano kong sundan si Mio sa kaniyang dorm bulas. O kaya ay isasabit ko sa may pintuan ang toxic bomb sa tanghaling tapat para walang makakita. Katatapos lang ng exam namin kagabi. Alam ko naman na si Mio pa rin ang magta-top. Worried lang ako na baka si Chelly ang pumangalwa. Hindi ako sigurado kung magpapalit-palit ng dorm kung mababago ang rank. Sana ay hindi, dahil ang top 1 lang naman ang naiibang dorm. Actually, magkakatapat lang ang dorm ng bawat rank. Sinusubukan kong makasalubong paminsan-minsan si Denver, pero mukhang iba ang oras ng labas niya. Sana ay okay lang siya at tuluyan nang gumaling ang kaniyang mga sugat. Pumunta ako sa bulletin board ng batch namin para makita kung sino ang makakasama ko sa activity na gaganapin. Sinuwerte ako na kabilang si Mio sa aking grupo. Apat kaming magkakagrupo at malamang ay hindi naman ako agad ang mapagbibintangan kapag marami kami. Magdadala lang ako ng kaunting gamit. Hindi na ako magdadala ng bag para hindi mapagbintangan. Sumakto naman na nasasanay na akong magsuot ng dress sa Academy, kaya hindi na maghihinala ang mga nandito kung naka-dress akong pupunta kila Mio. Bumalik kami sa classroom para magtipun-tipon. Pinaggrupo-grupo na kami ng professor. Si Mio lang ang lalaki sa grupo. Ang isa naming kasama ay parang nerd ang kaniyang itsura. Maganda siya, pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang magsuot ng mga ganitong estilo. Tao rin kaya siya? O bampira na medyo oa sa pananamit? Ang isa naman ay mukhang rich girl na mukhang pang party ang suot. Ngayon ko lang napapansin ang ibang kaklase namin gawa ng mga activities. "Saan tayo gagawa ng project?" maarteng tanong ng babae. Nakadekwatro pa siya at nakaharap pa kay Mio na parang inaakit ito. "Not in my dorm, messy pa iyon dahil hindi ko pa napalinis last time," saad ko. Ngumiti sa akin ang babae na parang tama ang aking sinabi. "O! Same here. How about kila Mio na lang tayo?" maarteng suggestion niya. Imbis na mainis ako sa kaartihan niya, mas natutuwa pa ako sa kagustuhan niya. Mas sasang-ayon ang plano ko kung papayag si Mio, na sa kanila kami gagawa ng project. "As if I have a choice," saad niya. Successful ang kaartihan ng babae na ito. Ang isa naman ay walang kibo, mukhang nakikisang-ayon sa aking plano. "Kailan tayo magsisimula?" inosenteng tanong ko. Sa huling araw na paggawa ng proyekto ko gagawin ang aking plano. Baka magkabukingan agad kapag ginawa ko sa unang ataw. "Bukas at simulan na natin at sa susunod na araw para matapos agad. Wala namang pasok ng buong linggo dahil katatapos lang ang unang exam," saad noong nerd na babae. Ngayon ko lang siya narinig magsalita. Mukhang okay naman siya. Tao kaya ang isang ito? "Okay ako riyan, para hindi tayo gahol sa oras. Hirap magpaka-stress sa acads ha!" natatawang sabi ng isa. Nakalimutan kong tanungin ang kanilang mga pangalan. Sinilip ko na lang ang kanilang ID. Xaphier ang pangalan ng babaeng maarte, Vika naman ang isa. "Okay lang din sa akin kung bukas. Wala pa naman masyadong gagawin para mag-aral dahil wala pa namang panibagong aklat na ibinibigay," ika ko. Pagkatapos ng exam pala rito ay hindi na magagamit ang unang mga libro na ibinigay. Ibabalik lang namin ito para makuha ang susunod na pag-aaralan. Maya-maya ay class dismissed na kami. Kinuha ng noong Xaphier ang mga numero namin. Mabuti at siya na ang tumayong leader namin. Mas magaan iyon para sa akin. Lumabas na kami ng classroom. Nilingon ko ang paligid, hinanap ko si Minari. Gumaan ang pakiramdam ko nang makita ko siyang nakangiti sa skin. Agad ko siyang nilapitan. Sinuri ko ang buong katawan niya para makasiguro na ayos lang siya. "Mabuti at nakapasok ka sa exam day. Kamusta ka na?" saad ko. Umupo ako sa tabi niya. Hinayaan lang namin ang mga naglalabasan. Wala na rin ang professor kaya pwede kaming makatambay dito. "Uy!" bungad ni Den. Mabuti na lang at sinarado ni Den ang pintuan. Nagtatakang tumingin sa kaniya si Minari. Gulat siya sa tono ni Den. Hindi pa kasi namin nasasabi ang totoong si Den. "Bakit ka ganiyan magsalita?" tanong ni Minari. Natawa kami. Hinampas ng mahinhin ni Den si Minari. Sabi niya, "Ano ka ba, Sis? Ako lang naman ito, si Den na napakaganda!" Napanganga si Minari sa sinabi ni Den. Hindi mo talaga aakalain na hindi siya straight. Lalaking-lalaki kasi ang datingan ni Den. "Muntik pa naman kitang maging crush. Ka-uri ka rin pala namin. Mabuti ang galing mong umarte at nakapasok ka rito," ika ni Minari. Lagi nga kaming napagkakamalang magkasintahan ni Den. Mas lagi kaming magkasama kaysa kay Kaliex. Speaking of Kaliex, wala siyang paramdam pa rin sa akin. Miss ko na siya at hindi ko alam kung paano ipapahiwatig sa kaniya iyon. "Pero kamusta ka na Minari?" balik tanong ko. "Naalala ko na hindi ko pinakilala ang sarili ko sa inyo. Nakapag-usap tayo noon na hindi man lang ako nakapagpakilala, pasensiya na ha?" saad niya. Kahit kami ay nawala rin sa isip namin na magpakilala. Na-overwhelm lang siguro kami sa isa't-isa. "Okay lang. Ganoon din naman kami ni Den. Nawala na rin sa isipan ko ang tungkol sa bagay na iyon," pag-aalo ko sa kaniya. Naalala ko na mas matanda sa akin si Minari. Nakita ko kasi ang records niya sa clinic. Suking-suki siya roon. "Mabuti naman na ang pakiramdam ko. Luckily, successful ang operasyon ko. May sakit kasi ako na kailangang magamot agad. Masaya ako na nakabalik agad ako rito. Kailangan ko pang ipagpatuloy ang pakikipagsapalaran ko sa Academy na ito," saad niya. Hindi ko na tatanungin ang kaniyang sakit. Hahayaan ko na siya na ang kusang magsabi noon. "Bakit hindi ka na lang sumali sa aming clan ni Den?" diretsong sabi ko sa kaniya. Kailangan ko na rin siyang maisali sa aming clan para makasama ko siya sa pagpaplano. Marami na siyang nalalaman tungkol sa Academy na ito. Isa siyang asset para sa amin. Nagtataka naman siya ngayon. Sasabihin ko na rin naman na ang clan namin. Gusto rin naman niyang sumali noon, bakit hindi pa totohanin ngayon? "Kasali kayo ni Den sa VHC?" manghang tanong niya. Ginamit niya ang shortcut na tawag sa aming clan. Tama lang ang kaniyang sinabi. Mamaya ay may iba pang makarinig. "Yes, Minari. Kaya ka namin sana gustong makausap ng mga nakaraang mga araw, ay para kumbinsihin na sumali ka sa amin," paliwanag ko. Ngumiti siya na medyo naluluha. Pangarap niya talagang makapasok sa clan namin. Halata naman sa kaniyang reaction. "Gusto ko, pero papaano? Sakitin ako at baka wala pa akong maitulong sa inyo para magawa ang mga plano ninyo," malungkot na sabi niya. Yumakap si Den sa kaniya. Sabi ni Den, "Kahit na ano pa ang nararamdaman mo, basta iisa ang layunin natin ay hindi ka na rin naiiba sa amin. Mas kakailangan ka namin sa clan para mas mapaglawak pa ang connection at impormasyon na makukuha." Ayokong sabihin muna sa kaniya na ako ang pinaka-namumuno sa clan. "Tama si Den, lahat ng kaalaman mo ay magagamit na rin pamukha sa mga masasamang uri. Ang maganda dito ay tulung-tulong tayong tatlo sa pagsasagawa ng plano laban sa mga masamang uri nila," saad ko. Sana ay pumayag siya sa alok namin sa kaniya. Hindi madaling makakuha ng mga bagong miyembro sa loob ng Academy. Kalimitan ang iba ay walang kaalam-alam sa kanilang pinasok. Mahihirapan ako kung pati sila ay isasali ko sa amin. Magsasalita na sana si Minari nang biglang bumukas ang pinto. Halos matigil ang mundo ko nang bumungad sa amin si Kaliex. Ano ang ginagawa niya rito? Anong kailangan niya sa amin ni Den? Ang daming katanungan sa aking isipan. Hindi siya nagparamdam ng ilang linggo, pero nandito na siya sa aming harapan ngayon. Si Kaliex talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD