Nandito na kami ngayon sa mansion.
Kasama ko ang sekretarya ko at ang mga magpaplano sa paggawa ng secret tunnel papunta sa aking dorm. Paguusapan namin kung paano isasagawa ang paggagawa ng tunnel.
Pumunta kaming lahat sa isang parang conference room. Doon ay may isang malaking lamesa na nakapaikot sa buong kwarto, meron lamang itong isang metrong awang na daanan papunta sa gitna. Marami ring upuan para sa lahat ng mga mag me-meeting. May lamesa at upuan rin sa gitna para sa mag sasalita.
May inalabas ako na parang mapa. "Ito ang sketch ng map papunta sa aking dorm. Napag-aralan ko na iyang mabuti. Na check ko na ang bawat lugar. May naisip na rin akong mga paraan para makapag sagawa ng tunnel," saad ko.
Inabot ko sa kanila ang ilang copies ng mapa. Maganda na kung lahat sila ay mayroon para mapag aralan din nila iyon at makapag bigay ng input o suhestiyon sa paggawa ng tunnel.
"Mas maganda kung sa cellphone niyo na i-save iyan kapag maggagawa na kayo. Pag aralan niyo na rin itong mabuti. Magandang makasigurado tayo na walang ibang makaka-alam na mayroon tayong ganitong klaseng mapa, para hindi mahalata ng iba at baka pumalpak ang ating plano," dagdag ko pa.
Pinaliwanag ko sa kanila nang masinsinan ang mga dapat naming gagawin pati na rin ang mga preperasyon sa aming gagawing project.
"Paano po pala ang lupa na paghuhukayan ng kabilang dulo ng tunnel, na kung saan sisimulan natin gawaan? Kinausap niyo na po ba ang owner nito? Ano ang napagusapan niyo?" tanong sa akin ng Engineer, miyembro rin ng aming clan.
Siya ang napagkatiwalaan kong makasama namin sa project, dahil maraming beses na namin siya nakatulong sa sa mga project sa aming clan. Sigurado akong malaki ang maitutulong niya sa bagong project ko na ito.
Inilabas ko ang isang case at binuksan ko ito. Naglalaman iyon ng iba't ibang papeles. "Mabilis naming napapayag ang may-ari ng lupa dahil malaki ang offer namin sa kaniya. Pinasabi ko na sa kaniya pa rin iyong property na gagamitin natin," paliwanag ko habang hinahanap ang titulo at mapa ng lupa. "Kailangan niya lang ipagamit sa atin. Sumakto naman na miyembro rin siya ng clan natin sa ibang lugar, kaya madali na ring napapayag," dagdag ko pa.
Ang sekretarya ko naman ay patuloy lang sa paglilista at pag no-note sa lahat ng mga napagusapan at napagplanuhan. Wala na ring problema sa budget. Lagi kaming all-out pag may mga ganitong klaseng malalaking project. Lalo na kung tungkol ito sa pag puksa ng mga bampira.
Pagkatapos ng aking mga sinabi tungkol sa mga preparasyon at plano ay mabilis nilang nakuha ang mga ipinapagawa ko. Malinaw naman ang pagkakasabi ko sa kanila kaya inaasahan kong magagawa nila ang mga ito agad.
At dahil kailangan ng pang-distract sa pandinig ng mga bampira, naisip ko na habang ginagawa ang tunnel sa ilalim, ay may ginagawa rin sa itaas na bahay. Ito na rin ang gagamitin namin pasimpleng pang-espiya sa mga nasa loob. Kukuha kami ng mga trabahador mula sa aming clan. Kami na rin ang bahalang mag explain sa kanila kung para saan ang mga ginagawang mga project.
"Pagagawan din natin ng second floor ang bahay para pasimple niyong mamatyagan ang kilos ng mga estudyante rito. Maganda ang naisip kong ito, sigurado akong walang mag aakalang gumagawa tayo ng kung anong project dito." saad ko.
Ang bakod ng Vnight Academy ay hindi basta-basta bakod lamang. Mahirap makalusot dito. Sinubukan kong magbato ng kahoy palabas sa bakod, pero parang may kung anong parang kuryente ang dumaloy doon kaya bigla itong nasunog at naging abo. Kaya siguro walang kahit sino ang nagtatangkang tumawid doon.
"Hindi kaya magtaka ang mga namamahala sa Vnight Academy kung magpapatayo ng bahay na malapit sa kanila? Hindi kaya usisain nila ito?" tanong ni Tito.
Napaghandaan ko na rin ito. Alam kong susubukan nilang alamin kung ano ang ginagawa sa lupang malapit sa kanila. Pinag-isipan kong mabuti kung ano ang pwedeng irason.
Inabot ko kay Tito ang pina-drawing kong klase ng bahay.
"Pagmumukhain ko na for business purpose lang siya. Kung tatanungin man ay sasabihin ko na kailangang malapit sa akin ang isang facility natin para mas mabilis ko matulungan ikaw sa business. Ang alam nila ay may sakit ka, kaya iyan ang naisip kong paraan," paliwanag ko.
Napapa-isip sila sa aking sinabi. Hindi agad sila nakapag salita. Matapos ang ilang minuto ay nagtaas ng kamay ang aking sekretarya.
"Paano iyon makakatulong sa iyo kung hindi ka naman masyadong papalabasin. Hindi kaya sila magtaka?" tanong ng sekretarya ko.
Good question. Iyan ay posibleng pumalpak at walang kasiguraduhan. Kung tutuusin kasi, sa una pa lang at isang malaking risk na ang pasok ko sa academy. Kaya isusugal ko na ang lahat para makamit ang hustisiya para sa aking mga magulan.
"Sasabihin ko na tuwing bakasyon ay diyan lang ako mamamalagi. At tsaka, hindi naman kanilang properties ang pagtatayuan natin. Kung kaya nating magpatayo pa ng ilang mga bahay pa sa malapit, mas maganda," saad ko.
Depende rin sa mga mangyayari kung magtatagumpay ang mga plano ko.
"Ibig sabihin ay parang magiging normal na tirahan ang mga iyon, na hindi na magtataka ang mga bampira kung bakit dumadami na ang mga bahay?" tanong ni Tita.
Tumango ako. Tama siya, sisimulan na namin paisa-isa ang mga bahay na siyang makakatulong pa lalo sa amin, lalo na kung kinakailangang lumusob kami. Pwede rin naming gawing isang village iyon para sa iba naming ka-clan. Mas madali naming ma-ma-matyagan ang mga bampirang nasa academy.
"Yes po, Tita. Pwede rin nating gawin iyan. Hindi po natin mamadaliin ang pagpapagawa ng mga bahay. Palalabasin natin na binebenta ng may-ari ang lupa at pwede nang patayuan ng mga bahay. Kahit ang mga bampira ay hahayaan nating makapagpatayo roon, para hindi tayo mabuko," paliwanag ko.
Pagkatapos naming mag-usap-usap ay nagpasya akong tapusin na ang meeting. Ipinaubaya ko na sa bawat isa sa kanila ang kaniya-kaniyang task nila. Pumunta muna ako sa aking kwarto para magpahinga.
Humiga muna ako saglit sa kama. Pinag iisipan ko pa ulit kung mayroon pa bang kailangan ayusin sa mga plano.
Hindi ko naman namalayan na nakatulog na pala ako saglit. Pagkagising ko ay kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Den. Kinakamusta ko siya kung ayos lang ba siya. Okay naman daw siya at wala pang kakaibang nangyayari sa loob ng academy.
"Kamusta nga pala iyong pinapa imbestigahan ko sa iyo? May balita ka na ba tungkold sa kaniya?" Tanong ko kay Den.
"Nako girl, wala pa e. Normal pa rin kasi ang lahat dito. Wala pa akong napapansin na kakaiba sa kaniya. Ganun pa rin naman katulad noong dati. Basta pag meron akong nalaman, ay ipapaalam ko agad ito sa iyo," bulong ni Den sa cellphone.
Palihim ko rin sa kaniyang pinapabantayan si Mio. Kailangan naming makumpirma kung totoo nga bang tao si Mio. Malaking tulong ito sa amin kung sakali.
Hinayaan ko na muna si Den at nagpaalam na ako sa kaniya. Nagpunta ako sa basement para makita ang progress ng toxic bomb na ginagawa namin laban sa mga bampira.
Pagdating ko sa basement ay nag suot ako ng lab gown at personal protective equipment para ingatan ang sarili ko. Marami kasing nakamamatay na kemikal doon, na pinag eexperimentuhan ng mga scientist namin. Kailangan din mag ingat sa pag kilos sa tuwing nandoon.
"Ma'am, halos malapit na namin itong matapos. Sa palagay ko ay may isang material na lang ang kulang para maging successful ito," ulat sa akin ng isa kong Scientist.
Tiningnan ko naman ang epekto nitong latest experiment. Medyo ayos na nga siya. Mukhang mas epektibo nga ang bagong ginawa nilang ito.
Kinuha ko ang isa bote at inangat sa ere. "Malapit na pala natin makamtam ang inaasam natin. Halos 30 minutes na lang ang itinatagal. Magandang sign ito na malapit na nating makuha ang tamang kombinasyon," saad ko.
Marami kaming nakuhang LCV. Nakakuha kami ng normal na bampira, pero isa lang. Na-prove naman namin na parehas lang sila ng kinakatakutan.
Lumapit sa aking ang isa pang scientist at inabot ko sa kaniya ang boteng hawak ko. "Kami na po ang baha sa kulang na material. Mga isang buwan o dalawang buwan ay ayos na po ito. Depende rin po sa gaano katagal mahahanap ang kulang para rito," saad ng isa pang Scientist.
May mga ipinakita rin sila sakin na iba't ibang uri ng mga chart at experiment. Naintidihan ko naman kung ano ang mga iyon. Iniwan ko na sila sa kanilang ginagawa.
Iniwanan ko sila ng kanilang budget para sa project na ito. Ang sweldo nila ay direktang napupunta na sa kani-kanilang bank account. Hindi rin biro ang ginagawa nilang pag e-eksperimento.
Ngayon naman ay pumunta ako sa lihim kong ginagawa na lunas para mawala ang epekto ng pagiging bampira ng mga tao. Iyon ang dapat magawan ng paraan, dahil kawawa ang mga walang kamuang-muang na tao kapag naging LCV na sila.
May tatlo akong tinagong mga LCV sa isang kuwarto, kung saan kami lang ni Den ang nakaka-alam. Sibusubukan ko silang ibalik sa pagiging normal na tao.
May ginagawa akong formula sa dorm sa tuwing vacant kami. Hindi naman ito maaamoy at mapapansin ng mga bampira, kaya ligtas ko itong natapos.
Inihalo ko ito sa nauna ko nang nagawa. Naghintay ako ng ilang minuto, para umepekto, bago kumuha ng sample.
Lumapit ako sa isang LCV na nakapikit. Ang dalawa naman ay nagwawala pa rin. Kahit anong gawin nilang pag wawala ay hindi sila maririnog sa labas. Sinigurado kong kulong na kulong ang silid na iyon. Walang kahit anong tunog ang makakalabas.
Tinurukan ko ang LCV na nakapikit. Agad na nag-react siya sa gamot na ginawa ko. Para siyang robot kung gumalaw, nag pupumiglas ang kaniyang katawan.
Medyo naawa ako sa nakikita kong nangyayari sa kaniya. Pero walang puwang ang awa para sa mga katulad nilang bampira. Sila ang dahilan kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito.
Ilang saglit pa ay nawalan siya ng malay kaya medyo nag-panic ako. Hindi siya pwedeng mamatay, dahil uulitin ko na naman sa umpisa ang project ko na ito kung nakamamatay ang bagong formula na ito.
Nilapitan ko ang LCV na aking tinurukan. kinapa ko ang kaniyang pulso, sinigurado ko kung buhay pa ba siya. Pagkatapos kong kapain ang kaniyang pulso ay naramdaman kong tumitibok ito. Buhay pa ang LCV na iyon. Lumayo ako sa kaniya at hinintay siyang magising.
Ilang minuto ang nakalipas bago siya magising. Nakahinga ako nang maluwag. Mukhang epektibo ang formula na ginamit ko. Tagumpay ang isa sa mga plano ko.
"Nasaan ako? Sino ka?" tanong ng LCV na tinurukan ko. Isa pala siyang babae.
Manghang napatingin ako sa kaniya. Sa ngayon ay hindi ko pa siya pwedeng pakawalan.
"Naging Low Class Vampire ka kaya ka nandiyan. May itinurok ako sa iyong gamot na ako mismo ang gumawa, para bumalik ka sa normal. Sa ngayon ay kailangan muna kitang obserbahan. Kaya kailangan mo pa munang mag tiis ng konti," paliwanag ko.
Takot siyang napatingin sa mga katabi niyang nagwawala. Napadikit siya sa pader at halatang naguguluhan. Kita ko sa mukha niya na parang may sumasakit sa kaniya.
"Panoorin mo ang gagawin ko sa kanila para mas maintindihan mo ang nangyari sa iyo," utos ko sa kaniya.
Kumuha ulit ako ng gamot para sa dalawa pang natitirang LCV. Maingat ko silang tinurukan. Hinawakan ko sila isa-isa nang mahigpit para pigilan ang kanilang pag wawala. Hindi normal ang lakas nila.
Sa wakas at naturukan ko ang dalawang LCV na nakagapos. Medyo nahirapan akong turukan ang dalawang ito dahil sa likot nila. Ngayon ay parehas silang walang malay dahil sa gamot na itinurok ko.
"Naging katulad ko sila?" nanginginig na tanong ng babae. Takot na takot siya sa mga nasasaksihan niya.
Tumango ako sa kaniya. Sagot ko, "Oo. Masuwerte ka pa kung tutuusin, dahil ako ang nakakuha sa iyo. Patay ka na sana kung hindi ako ang nakakita sa iyo. Ini-report ka sa akin ng pamilya mo, kaya nakuha ka ka-agad namin. Ang ibang LCV na hindi galing sa clan ay nasa kabilang room. Sa kanila sinusubukan ang toxic bomb na panlaban sa mga totoong bampira."
Umiyak siya nang marinig ang sagot ko. Kahit naman siguro ako ay maiiyak kapag nalaman ko ang katotohanan.
"Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para maibalik kayo sa dati. Wala ka namang nasaktan na ibang tao, kaya walang may galit sa iyo at hindi ka makukonsensiya. Biktima ka lang din ng kasamaan ng mga bampira," pag-aalo ko sa kaniya. "Sa ngayon ay pag pasensiyahan mo na kung hindi pa kita mapapakawalan. Kailangan ko pa kasi ng konti data tungkol sa epekto ng gamot sa inyo," dagdag ko pa.
Tumango lang siya ngunit patuloy pa rin sa pag iyak.
Nang magising na ang dalawa niya pang kasama ay siya na ang hinayaan kong magpaliwanag. Gusto kong makita kung may improvement ba sa kaniya ang ginawa ko.
Anytime ay baka bumalik sila sa dati. Hindi ko alam kung gaano kalakas ang dugo at kagat ng mga kumagat sa kanila. Kaya nag dodoble ingat pa rin ako.
Binuksan ko ang pader sa likuran nila. May magkakahiwalay silang room. Inihanda ko na ito, in case na manumbalik sila sa pagiging tao.
"Mayroon kayong sariling kwarto. Itong bakal na pinagkulungan niyo ang tanging labasan. Kailangan ko pa kayong obserbahan ng dalawang linggo. May mga refrigerator at TV diyan. Ang mga kailangan sa isang bahay ay mayroon na rin bawat kwarto. Ang pagkain niyo ay dito ko rin ipapadala. Hahayaan ko na ang mga kamag-anak niyo ang magpakain sa inyo," saad ko.
Nagpasalamat sila sa akin. Humihingi ng tulong na sana ay tuluyan na silang gumaling.
Tinawagan ko ang kanilang kamag-anak. Kada isang tao ay isa hanggang dalawa lang ang pwedeng pumunta rito para magdala ng pagkain.
Sinabi ko na may sarili silang pagkain dito at may isa akong pinagkakatiwalaan na siyang mag-a-assist sa kanila simula bukas.
Mukhang naging mabisa naman ang gamot na nagawa ko. Maganda ang mga naging resulta nito sa unang subok. Pero kailangan ko pa ng konting oras para mas lalo pa itong maobsebahan.
Lumipas ang isang araw mula noong ginamit ko ang gamot.
Hinihintay kong makauwi na ang kababata ko noon. Manggagaling siyang Singapore kasama ang kaniyang mga magulang.
Mas matanda siya sa akin ng apat na taon. Graduate na siya ng college at siya na ngayon ang nagma-manage ng kanilang kumpanya.
Bestfriend din ni Mom ang Mom niya kaya kami mas lalong magkalapit. Kinailangan niya lang umalis para mag-aral ng kolehiyo sa ibang bansa. Pagka-graduate niya ay dumiretso siya sa Singapore para sa business nila.
Ako na mismo ang nag-iwan ng mga pagkain sa tatlong LCV na nagbalik sa pagiging tao. Bukas pa kasi makakarating ang mga kamag-anak nila dahil gabi na. May mga pagkain din naman sa refrigerator at sa mga cabinet doon. May kami-kaniyang comfort room din.
Nakatanggap ako ng tawag mula kay Kaliex. Mukhang nasa Pilipinas na sila. Sobra akong na-excite dahil pagkatapos ng limang taon ay magkikita na kaming muli.
Bukas pa siya makakadalaw sa akin dahil gabi na rin. Nagpagawa rin sila ng mansion malapit dito para raw mababantayan ako kapag kailangan ko ng gabay at tulong. Hindi pa nila alam na pumasok ako sa Vnight Academy.
Alam kong magagalit sila, pero wala rin namang saysay ang buhay ko kung hindi ko mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ko.
Kinabukasan ay in-assist ko muna ang mga kamag-anak ng mga naibalik ko sa normal na tao. Sa ngayon ay maayos naman sila.
Naglagay din ako ng CCTV para makita ko ang ginagawa nila kahit nasa dorm ako. Mas mabuting wala ng iba pang mapapahamak. Kailangan nilang tiisin muna ang hirap at inip sa bahay ko.
"Maraming salamat talaga, Madam. Hindi ko sukat akalain na maibabalik sa katinuan ang aking kapatid. Malaki ang utang na loob ko sa inyo. Sana ay magtuluy-tuloy na ang paggaling nila," saad ng isang kamag-anak ng inoobserbahan ko.
Bago pa sila makapunta rito ay nailipat ko na ang aking mga gamit sa aking kwarto. Marami akong nagawa at mas dadamihan ko pa ito kapag successful ang project ko.
Ang bahay na itatayo namin sa tabi ng Academy ang magiging gawaan ko nito. Pinapalagyan ko rin ng secret basement sa ilalim para iyon ang magsilbing pagawaan. Sigurado naman akong hindi noon matatamaan ang secret tunnel sa ibaba, pero palalagyan ko rin ng pintuan papunta roon, tunnel to basement.
"Walang ibang makaka-alam nito. Sa ngayon ay dito ko muna kayo patutuluyin. Si Kaliex na ang bahala mag-assist sa inyo. Hindi pwedeng malaman ng iba na nakagawa na ako ng gamot laban sa pagiging bampira. Kapag may nakaalam nito na galing sa inyo, alam niyo na ang consequences niyo," paalala ko.
Lahat naman sila ay um-agree sa aking sinabi. Mabuti naman at naiintindihan nila. Hindi pwedeng pumalpak ito.
May sarili na ring kwarto ang mga kamag-anak nila. Pinagsama-sama ko muna sila sa isang kwarto para hindi makahalata ang iba, at sinabi ko na kailangan nilang magpanggap na katulong o ano mang pwedeng trabaho. Ito ay para maiwasan ang pag-iisip ng ibang members ng clan na may inililihim ako.
Ang kwarto nila ay nandoon din malapit sa kwartong pinagkukulungan ng mga kamag-anak nila.
Iniwan ko muna sila dahil hinihintay ko ang pagpunta ni Kaliex dito.
Sila Tita at Tito naman ay bumalik muna sa kanilang company. Sila rin ang tumutulong sa company na ipinamana sa akin. Tinutulungan nila ako ngayon dahil wala pa akong sapat na kakayahan para i-handle iyon. Ilang taon pa lang din naman kasi ako.
Palakad-lakad ako rito sa sala. Sabik na akong makita si Kaliex. Siya ang unang lalaki na nagustuhan ko, pero sa hanggang ngayon ay hindi niya pa ito alam.
Gustong-gusto ko pa rin siya hanggang ngayon.