VvH Chapter 10

1812 Words
"Gising ka na pala," saad ko. Para siyang nagtataka sa akin. I know, hindi ko rin naman siya kilala tapos kakausapin ko siya na parang magkaibigan kami. "Maiwan ko muna kayong dalawa ha? Minlei, nandiyan ang pagkain ni Denver. Ikaw na muna ang bahala sa kaniyang magpakain ha? Aasikasuhin lang namin ang iba pang pasiyente," saad ng nurse. Ganoon na ba sila kabilis magtiwala kapag nalaman nilang tao ang kausap nila? Pinapaubaya niya agad sa akin ang lalaki na ito. "Sino ka?" masungit na tanong ng nagngangalang Denver. Napatingin ako sa kaniya. Malaking advantage sa amin kung mare-recruit ko siya. Alam kong hindi maririnig ang usapan namin dahil itong clinic ang pinakamahigpit ang privacy. "Ako si Shin Minlei. Dito lang kita nakilala. Nakita kita sa loob ng clinic na duguan at walang malay. Kanina ata ay ginagamot ka kaya ka napapasigaw. Ngayon ay nagkamalay ka na ulit. Si Mio ang nagdala sa ito rito," saad ko. Kinuha ko ang pagkain na sinasabi ng nurse. Ipinatong ko iyon sa harapan niya. May table naman na nakahanda sa higaan para sa mga pasiyente. "Kung si Mio ang nagdala sa akin dito, anong ginagawa mo? Hindi naman kita kailangan," masungit na sabi niya. Nagtitimpi lang ako sa kaniya. Sa paraan nang pagsasalita niya ay alam ko na kung bakit nagalit sa kaniya si Chelly. "Pwede mo naman akong kausapin sa mahinhing paraan. No wonder kung bakit ka sinaktan ni Chelly," balik pagsusungit ko sa kaniya. Tumaas ang kilay niya sa akin. "Kilala mo si Chelly at kung ano ang kaya niyang gawin?" tanong niya. Humalukipkip ako at tinaasan ko rin siya ng kilay. "Unang kita ko sa kaniya ay may sinasaktan na siya. Pangalawang beses ay napansin kong iniiwasan siya, pangatlo naman ay hinarangan niya ako dahil pinuna niya ang suot ko. Kay Minari ko lang nalaman ang pangalan niya pagkatapos akong pagsabihan ni Chelly," sagot ko. Huminga siya nang malalim. Parang may gustong sabihin, pero mukhang wala pa siyang tiwala sa akin. "Kung wala kang tiwala sa akin, expect mo na rin na ganoon din ako sa iyo. Hindi ako basta-basta nagtitiwala, lalo na kung alam kong posibleng may ibang anyo ang ibang mapagpanggap," dagdag ko pa. Umupo siya mula sa pagkakahiga. Nakipagtitigan siya sa akin. Sinusuri niya ba ako? Wala naman siyang mapapala kung iisipin niya na kalaban ako. "Aware ka pala na may bampire, Ms. Shin?" manghang sabi niya. Ngumiti ako sa kaniya. Ika ko, "Of course. Kaya nga ako nandito ay para kilatisin silang mabuti. May kasalanan sila sa akin na kailangan nilang pagbayaran." Kapag naiisip ko kung paano namatay ang aking mga magulang, parang gusto kong bumawi agad. Pero hindi, kailangan kong magtiis dahil hindi ako pwedeng mamatay agad. Hindi pwedeng magkamali at pangunahan ng galit. "Kung ganiyon ay parehas lang pala tayo ng pakay dito. Namatay ang mga magulang ko nang dahil sa kanila. Sinubukan kong lumaban kay Chelly dahil siya ang nauna. Doon ko napatunayan na isa siyang bampira," saad niya. Bagong impormasyon na naman ito mula sa kaniya. Siguradong-sigurado na kami na bampira si Chelly. "Paano mo nasabing bampira siya? May nakita ka bang kakaiba?" tanong ko. Tinanggal niya ang nakapulupot na benda sa kaniyang braso. May malalim na kalmot doon. "Kung mapapansin mo, hindi iyan kaya ng normal na tao. Bampira lang ang may kaya niyan sa haba ng kuko nila. Namula rin ang kaniyang mga mata nang dahil sa galit. Sinaktan-saktan niya ako hanggang sa mawalan na ako ng malay," saad niya. Wala talagang takot si Chelly kung mabuking man siya na bampira siya. Napapaisip tuloy ako kung may kakaibang kakayahan ang mga nakatataas na bampira. "Pasalamat ka at nakita ka ni Mio, kung hindi, baka pinaglalamayan ka na. Alam mo naman pa lang bampira siya, nag-test ka pa kung totoo nga," saad ko. Nagkibit-balikat lang siya. Hanga ako sa katapangan niya ha. "Pero bakit ka nga ba nandito? Bakit parang concerced ka sa akin? Matagal mo na akong minamanmanan?" seryosong tanong niya. Sumimangot ako sa kaniya. Ang feeling niya rin minsan. Akala naman niya matagal na ako sa academy na ito. "Excuse me? Ngayon lang kita nakita. Nasaktuhan lang na pagpunta ko rito ay nakahandusay ka at duguan. Nagtanong lang ako tungkol kay Minari dahil nawawala siya," paliwanag ko. Sandali, kilala niya kaya si Minari? Kung kilala niya ay mas madali ko itong mapapasal isa clan. Kung may sakit man si Minari, at least ay makakatulong siya gamit ang mga impormasyon lang. Hindi niya kailangang lumaban. "E bakit ka nga nandito?" tanong niya ulit. Sabihin ko na ba sa kaniya ang totoo kong pakay? Kailangan ko na bang sabihin na ako ang leader ng Vampire Hunters Clan? "Ipangako mo muna sa akin na mapagkakatiwalaan kita. Sasabihin ko sa iyo ang totoong katauhan ko," saad ko. "Sa tingin mo ba, magagawa ko pang magloko sa lagay ko na ito? Paghihiganti lang ang pakay ko sa lugar na ito. Pinatay nila ang mga mahal ko sa buhay. Wala na akong pakialam kung patayin din nila ako," saad niya. Hinataw ko ang braso niya kaya napainda sita sa sakit. "Ano ba iyon? Malala ka pa kay Chelly!" inis na sabi niya. "Sira ka ba? Sasayangin mo ng ganun-ganon na lang ang buhay mo? Gusto mo ng hustisya, hindi ba? Bakit hindi mo subukang sumali sa clan namin?" ika ko. Natigilan siya sa sinabi ko. Sana naman ay maisipan niyang may sense ang kaniyang buhay, katulad ko. Kung maghihiganti, dapat sa magandang paraan. Pinagpaplanuhan iyon, hindi basta-basta susugod. "Huwag mong sabihing member ka ng Vampire Hunters Clan? Matagal ko nang gustong sumali roon, pero wala na akong panahon noon dahil kailangan kong makahabol sa enrolment dito," saad niya. Napangiti naman ako. Mabuti at may ideya na siya sa aming clan. Maganda na hindi ko na masyadong ipapakilala ito. "Yes. Ang goal ko ay mabigyan din ng hustisya ang aking mga magulang. Naghahanap ako ng mga estudyante rito na magiging miyembro ng clan. Alam kong marami sa mga taong pumapasok dito ay parehas natin na gustong maghiganti," saad ko. Inilahad ko ang aking kamay sa kaniya para makipagkasundo. Medyo nag-aalangan pa siya, pero tinanggap niya pa rin. Sa wakas ay nakakuha na ulit ako ng bagong miyembro. Mas mapapalawak ko ang komunikasyon dito. "Siguraduhin mo lang na legit na member ka. Hindi ako basta-basta sumasali sa mga ganito. Magtitiwala ako sa iyo, tutal ikaw din naman ang nag-aasikaso sa akin at nagbibigay ng motibasyon na lumaban," natatawang sabi niya. Napataas ang dalawa kong kilay nang makita siyang tumawa. Kanina ay panay pagsusungit lang ang kaniyang ginagawa, ngayon ay may sumilay na ngiti na sa kaniya. "Mas totoo pa ako sa totoo. Ipapakilala ko sa iyo ang kaibigan ko na kasamahan kong pumasok dito. Kailangan mo munang magpagaling sa ngayon," saad ko. Inilahad ko sa kaniya ang pagkain na dinala kanina ng nurse. Medyo hirap siyang gumalaw kaya ako na ang nagsubo sa kaniya ng pagkain. Saktong huling subo kay Denver ay bumukas ang pintuan. Hindi man lang kumatok bago pumasok. Si Mio iyon na mukhang bagong ligo pa. Nadumihan siguro siya ng dugo kanina. Nakakapagtaka nga na kani-kanina lang ako naglalakad, mga tatlong minuto lagpas sa clinic, nadala na agad ni Mio ang lalaking ito. Ibig sabihin ay malapit lang ang pinangyarihan nito. Umupo si Mio sa may upuan. Nakahalukipkip ito habang nakatingin sa amin. Parehas pa kami ni Denver na habol tingin sa kaniya. Isinubo ko na kay Denver ang huling pagkain na nasa kutsara na. Pinainon ko rin siya ng tubig para hindi masinok. "Kailangan ko na ring umuwi sa dorm, Denver. Doon ako sa top 10 na lugar. Kung kailangan mo ng kausap, eto ang numer ko." Inabot ko sa kaniya ang business card ko. Tiningnan niya ito, sabay lagay sa kaniyang bulsa. "Doon din ako, Shin Minlei. Ako ang Top 1 sa sumunod na klase sa inyo. Hindi kita kaklase kaya in-assume ko na sa lower batch ka. Mag-iingat ka," saad ni Denver. Tumayo na ako at nagpaalam sa kaniya. Tumango lang ako kay Mio, dahil nahihiya ako sa kaniya. Pagkalabas ko ng kwarto ay nagpaalam at pasalamat ako sa nurse na nakausap ko. Mabilis akong naglakad pauwi ng dorm. Nakasalubong ko si Chelly, pero siya mismo ang umiwas sa akin. Ang weird na dire-diretso lang siyang maglakad. Maraming bampira ang nagkalat sa gabi kaya delikadong mag-stay pa ako nang matagal sa labas. Baka nag-aalala na rin si Den sa akin. Kakamadali ko ay muntik na akong madapa. May isang kamay na umalalay sa akin para hindi tuluyang lumagapak sa sahig. Pagtingin ko ay si Mio pala. Ang bilis naman niyang makasunod sa akin. "Salamat. Ang bilis mo naman maglakad?" tanong ko sa kaniya. "Magkasunod lang tayong lumabas. Masyado ka atang maraminy iniisip kaya hindi mo na ako napansin na kasunod mo lang ako kanina. Matuto kang mag-ingat," saad niya, sabay diretso papuntang dorm. Humabol ako sa kaniya at sinubukang sumabay sa paglalakad niya. Totoo ngang napakabilis niyang maglakad. Napansin ko na pinagtitinginan kami ng iba, kaya medyo lumayo ako sa kaniya. Baka mabigyan pa ng kahulugan. Nakasalubong namin si Den na masama ang tingin sa akin. Ngumiti lang ako sa kaniya. "Anong oras na Shin Minlei? Bakit ngayon ka lang? Pinag-alala mo ako," ika ni Den, sabay hila sa akin papalayo kay Mio. Ang galing niyang magpanggap. Talagang mapagkakamalan kami na magkasintahan sa kaniyang inaasta. "Bukas na ako magpapaliwanag. Sa ngayon ay magpahinga na muna tayo," saad ko. Hinatid niya ako sa aking dorm na kalapit lang din ng kaniya. Sinamaan niya pa rin ako ng tingin. Nalimutan ko kasi siyang i-message tungkol dito. Pagkaligo ko ay nahiga na rin ako sa aking kama. Medyo maraming nangyari ngayon kaya kailangan ko na talagang magpahinga. Bukas na magkaka-alaman kung effective talaga ang lunas na aking ginawa. Sana naman ay hindi iyon palpak para pwede na akong magsimulang maggawa ng mga bagong stocks para sa lunas. Naka-receive ako ng mensahe galing kay Kaliex. Alam kong tulog na siya ngayon, pero nag-reply pa rin ako. Kinakamusta niya lang ako at pinag-iingat. Kung may mapagkakamalang magkasintahan, kami siguro iyon ni Kaliex. Napangiti ako nang makita ang pictures namin ni Kaliex sa aking cellphone. Dalawang linggo na kaming hindi nagkikita kaya sobra ko na siyang nami-miss. Pangako ko sa sarili ko na hindi ang pag-ibig ang sisira sa mga plano ko sa buhay. Hindi rin ako mahuhulog sa lalaking bampira dahil iyon ang pinakalabag sa aking kalooban. Mas masahol pa ako sa mga taksil kung mai-in love ako sa masasamang nilalang na kagaya nila. Hinding-hindi ako papatol sa mga bampira. Sila ay pawang kalaban lang sa aking paningin. Hinding-hindi ko sila mapapatawad sa kahangalang pagpatay nila sa aking mga magulang. Pagsisisihan nila na nabuhay pa sila sa mundo na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD