VvH Chapter 11

2558 Words
Nandito na ngayon sa dorm ko ang ginagawang tunnel. Medyo kabado nga ako dahil baka may biglaang bumisita. Si Den ay nandito rin sa aking dorm. Hindi naman rinig sa labas ang tunog mula sa loob ng dorm. Worried lang ako na baka marinig sa labas. Although, ginagawa pa rin ang bahay sa kabilang bakod. Mas pina-ingay nila ang paggagawa roon. Nakahinga ako nang maluwag sa pagkabutas na nila ng sahig ng aking dorm. Nagyakapan kami ni Den dahil sa tuwa. Makakalabas na rin ako bukas para asikasuhin ang lunas na ginawa ko. Mamaya ko pa mababalitaan kay Kaliex kung ano ang lagay ng tatlong ginamitan ko nito. "Hay! Salamat at walang naging kapalpakan ang proyekto natin na ito," saad ko. Binati ko ang mga gumagawa ng tunnel. Ngayon at tinatapos na nila ang pinakatakip ng tunnel dito sa aking dorm. Pinalipat ko ang lagusan papunta sa aking kwarto para mas madaling itago. "Bukas pa po magagamit ang tunnel na ito for trial. Mas mabuti po siguro na siguraduhin ng ilang araw para i-test kung safe na po," saad ng isang gumawa. Tumango ako. Siguro ay sa susunod na linggo na lang ako lalabas para makasiguro na ligtas na itong gamitin. "Maraming salamat po, Sir. Sa ngayon ay patutuyuin ko pa ang pagkakasemento para mas ligtas gamitin," saad ko. Kung tutuusin ay maayos naman na ang pagkakagawa. Etong hadgan pababa ay tuyo na at pwede nang gamitin. Itong takip na lang ng tunnel ay itong pinakabungad ang kailangang patuyuin. Wala namang problema sa sweldo nila dahil sila Tito at Tita ang nagbibigay nito. Tinutulungan din ako ng mga pinagkakatiwalaan naming miyembro ng clan na may matataas na posisyon. Wala masyadong nakakaalam na ako ang anak ng leader ng clan na pinatay ng mga bampira. Tinatago rin ng miyembro ang tungkol sa akin, sa takot na rin na baka ako ang isunod. Sa ngayon ay iniwan na namin ang pinaka-main na lugar ng aming clan. Delikado na kung babalik pa kami sa lugar na sinugod sila Mom at Dad. Marami kaming facilities para sa mga miyembro. Napalawak na rin namin sa iba't-ibang lugar ang clan. "Makakalabas-labas na tayo, Minlei. Malaya na tayong magagawa ang mga plano natin," ika ni Den. Napangiti ako. Sa wakas ay may maganda agad kaming nagawa bago matapos ang unang sem dito. Bago ako gumraduate ay kailangan kong maisagawa ang plano. Masyadong mabilis ang panahon kaya hindi dapat sayangin ang mga araw. Itinuro sa amin ng mga gumagawa kung paano gamitin ang tunnel. May hagdan ito pababa para sa diretsong tunnel sa ilalim. Sumunod muna ako papuntang ilalim. Si Den ay pinaiwan ko sa dorm dahil hindi kami sigurado kung may ibang makakapasok. Nakakatuwa dahil may mga ilaw na rin silang inilagay. Hindi ito kasama sa una kong plano. Balak ko sana ay flashlight lang muna. Hindi ko akalain na may magandang ilaw na ilalagay sila. Tinuro rin nila sa akin ang switch kung saan pwede kong buksan ang ilaw. Nasa may bandang pagbaba lang ito. Sa kabilang dulo ay nakita ko si Kaliex. Mahinahon akong naglakad papunta sa kaniya. Ganoon din ang kaniyang ginawa. Napayakap ako sa kaniya dahil sa tuwa at pagka-miss sa kaniya. "Babalik na po kami sa kabila para tumulong naman sa ginagawang bahay," saad ng isang Engineer. Tumango lang kami sa kanila at nagpasalamat ulit. Maganda ang pagkakagawa nila kaya deserve nilang bigyan ng bonus. Mamaya ay kakausapin ko sila Tita tungkol sa sweldo nila. "Kamusta ka na, Kaliex? Bakit ka nandito? Hindi ba delikado sa labas? Maraming nagkalat na mga LCV, baka mamaya ay kung mapaano ka pa," pangangamusta na may sita ko sa kaniya. Yumakap siya sa aking nang sobrang higpit. Para saan naman kaya iyon? Kinakabahan ako sa mga ganitong galawan niya. "Gusto kong sabihin sa iyo na successful ang ginawa mong lunas. Pwede na natin magamit ito sa iba," anunsiyo niya. Halos hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Hindi biro ang mga pinagdaanan ko para makamtan ang lunas na ito para sa mga mahal namin sa buhay. Medyo mahal ang mga ginamit ko para ma-achieve ito. Hindi ko alam kung kaya kong ma-sustain ang quantity na kailangan namin. Kapag inanunsiyo ko ito sa ibang members, sigurado na mag-aabot sila tulong financial. "Masaya ako na naging effective ito. Kamusta na ba ang tatlong inoobserbahan natin?" ika ko. Kinuha niya ang cellphone niya sa kaniyang bulsa. Pinakita niya ang video ng tatlong babae, kasama ang pamilya ng mga ito, na nagpapasalamat sa amin. Halos maluha ako sa tuwa. Masaya na at buo na ulit ang pamilya nila. Makita lang silang masaya, masaya na rin ako. "Sinabi rin nila na tutulong silang pondohan ang mga proyekto mo. Mayayaman din ang tatlong natulungan natin, na anak din ng miyembro ng clan. Plano nila na tumulong sa project mo na iyan. Kung kailangan mo raw ng bagong facilities na paggagawaan niyan ay handa silang magpagawa para sa iyo," saad ni Kaliex. Magandang balita iyan. Sino pa ba ang matutulungan? Kami lang din na mga miyembro ng clan. Marami pa ring mga tao na hindi naniniwalang may bampira. Kung may maging LCV man sa miyembro ng kabilang pamilya ay hindi nila itong makikita pang muli. Hindi mo na rin makikilala ang mukha ng mga LCV, unless ikaw mismo ang makasaksi na kilala mo ang nag-iba ng anyo, gaya ng tatlong ginamitan ko ng Lunas. Ang mga miyembro ng clan ay marunong nang manghuli ng mga LCV na hindi sila nasasaktan. "Malaking bagay iyan para sa atin. Mayaman kami, pero hindi namin kakayanin na pondohan ang lahat ng quantity na kakailanganin natin sa future. Kailangan natin makagawa monthly ng maraming stocks," ika ko. Napansin ko naman na nakatingin lang sa akin si Kaliex. Hinila ko ang kaniyang kamay papunta sa aking dorm. Napansin kong nakasarado ang lagusan. Sumenyas ako kay Kaliex na huwag magsasalita. Mukhang may ibang kasama si Den sa itaas. Dahil protektado ang dorm, hindi namin marinig kung ano ang nangyayari sa itaas. Miski ang ginagawang bahay sa may bandang kabilang bakod ay hindi rin rinig dito. Kinuha ko ang aking cellphone at inilagay iyon sa silent mode. Ganoon din ang ginawa ni Kaliex. Nag-send ako ng message kay Den kung ano ang nangyayari sa itaas. Mga ilang minuto ang nakalipas bago siya nakapag-reply. May bumisita nga na mga taga-linis. Nagtataka nga kung bakit si Den ang naabutan. Hindi na niya sinabi kung anong nirason niya. Pinakita ko kay Kaliex ang text ni Den. Sasabihin naman daw niya kapag tapos na. Siya na mismo ang magbubukas ng tunnel mula sa dorm. Napansin ko na kakaiba ang ikinikilos ni Kaliex. May problema kaya siya na hindi sinasabi sa akin? Bago ko pa siya tanungin ay binuksan na ni Den ang tunnel. Inalalayan ako ni Kaliex paakyat sa aking dorm. "O nandiyan pala si Kaliex! Natutuwa akong makita kang muli. Payakap nga!" natutuwang sabi ni Den. Parehas kaming natawa ni Kaliex sa higpit ng yakap ni Den. Daig pa ang jowa na naiwan ng limang taon sa bansa. "Kamusta ka naman, Kaliex? Buti naman at hindi mo pa ako nakakalimutan," biro pa ni Den. Habang nag-uusap sila ay lumabas muna ako ng kwarto para tingnan ang ginawa ng mga naglilinis sa dorm ko. Sinuri kong mabuti ang paligid. Pinatay ko ang ilaw. Sakto namang walang bintana sa dorms kaya madilim kapag walang ilaw. Ini-scan ko ang buong paligid kung wala silang inilalagay na CCTV. Palagi ko itong ginagawa kapag may maglilinis ng dorm. Hindi ko pinapagalaw ang aking kwarto at sinasabi ko na ako na ang naglilinis noon. So far ay wala namang kahina-hinala sa dorm. Binuksan ko na ulit ang ilaw at bumalik sa kwarto. "Hindi naman nakapasok ang naglilinis sa aking kwarto?" tanong ko kay Den. Chineck ko rin ang buong kwarto para makasigurado. "Hindi naman. Sinabi ko na wala ka at hindi namin pwedeng pasukin ang kwarto mo na walang pahintulot mo," sagot niya. Mabuti naman kung ganoon. Dapat lang na hindi nila pinapakialaman ang gamit ng mga estudyante. May privacy pa rin dapat kami. "Anong sabi nila nang makita ka nila rito? Malamang ay nagtataka sila na nasa dorm kita," tanong ko ulit. Inilagat niya ang mahabang buhok niya sa unahan sa likod ng tainga niya. Proud siyang tumingin sa amin. Sabi niya, "Ako pa ba? Inakit ko lang naman ang mga naglilinis. Magaling ata akong mag-iba ng topic. Sino bang hindi mahuhumaling sa akin?" Nagkatinginan kami ni Kaliex. Binato ng unan ni Kaliex si Den. Nakakatuwa na parang bumalik kami sa pagkabata kung magbiruan. "Yabang naman. May bago ka bang naakit na estudyante?" asar ko sa kaniya. Tinaas niya ang kilay niya. Sagot niya, "Tanong mo kung ilan. Ang dami ko na kayang nabibihag ang damdamin. Sa gwapo kong ito, sinong mag-aakalang pusong babae ako? Proud ako na hindi ako straight! Pero para sa plano natin, magkukunwari muna ako. Ang ganda ko kaya!" Totoo naman na proud siya kunt ano pa man siya ngayon. Noong una nga ay hindi natanggap ng mga magulang niya. Kung kailan tanggap na ang pagkatao niya, tsaka pa namatay ang mga magulang niya dahil sa mga bampira. Nakakalungkot na kailan lang sila nagka-ayos, tapos ganito pa ang nangyari. "Sobrang proud kami sa iyo, Den. Hindi ka naman naiiba. Ang maganda ay alam mong maging mabuti sa kapwa at may paninindigan ka," saad ko. Nagyakapan kaming tatlo. Nawala na sa isip ko ang kinikilos ni Kaliex kanina. Siguro ay sobrang pagod lang siya kaya medyo kakaiba siya ngayon. "Kaya ko kayo kaibigan e. Kayo lang ang naging totoo at tumanggap sa akin. Ang hirap mabuhay sa mundo na panay panghuhusga sa desisyon ng isang tao," malungkot na sabi ni Den. Minsam ay naaawa ako sa mga pinagdaanan niya. Naranasan niyang ma-bully at masaktan ng ibang tao dahil hindi siya straight. Simula nang maging magkaibigan kami ay natuto siyang maging matapang. Tinuruan ko siya na magkaroon ng paninindigan at tiwala sa sarili. "Kailangan ko na rin pa lang magpaalam. Baka abutan pa ako ng 5pm dito. 5pm ang alis ng sasakyan. Kailangan kong sumabay sa kanila para ligtas ang byahe," paalam ni Kaliex. Oo nga pala, hindi siya pwedeng maabutan ng pahapon dito. Delikado na kung may iba pa ang makakita sa kaniya. "Ihahatid na kita, Kaliex." Niyakag ko siya papunta sa tunnel. Napansin kong nakatayo lang siya habang nakatingin sa akin. "Ako na lang, Minnie. Kailangan mong magpahinga. Bukas ay magkikita naman tayo kung sasama ka sa amin pauwi sa mansion. Weekend naman na bukas kaya wala ka namang klase," saad niya. Wala akong nagawa. Nagpaalam at yumakap na lang kami sa kaniya ni Den. Hinayaan na namin siyang makaalis. Bumaba pa ako sa hagdan para sundan siya ng tingin. Noong nawala na siya sa kabilang dulo ay umakyat na ako pabalik sa aking kwarto. Sinara namin iyon ni Den. Nilagyan namin ng carpet iyon para hindi mapansin. May signal din sa aking cellphone kapag may bibisita sa akin dito. May CCTV din para siguradong ligtas ang pagbubuksan ko rito. Nag-set up kami ng computer table sa kwarto na palaging bukas kapag nandito ako. Doon ko makikita kung anong nangyayari sa pinapagawang bahay at dito sa tunnel. Pinanood namin ni Den kung paano umalis sila Kaliex. Walang natira sa ginagawang bahay. Sa ngayon ay tapos na ang first floor. Ang second floor ay sinisimulan na nila kanina. Pinalagyan ko rin iyon ng kwarto sa pinakataas, tinatawag na attic room. Doon magkakaroon ng paraan para masilip ang Vnight Academy. Maganda ang puwesto nito dahil sinisgurado ko na kita ang malaking parte ng academy. "Hanga talaga ako sa katalinuhan mo, Minlei. Ang matured mo na talagang mag-isip. Parang hindi ka 18 years old ah. Para kang si Tita na laging seryoso sa buhay," puri niya sa akin. Mahirap na kung iaayon ko ang pag-iisip ko sa age ko ngayon. Hindi biro ang makipaglaban sa mga bampira. "Marami na tayong pinagdaanan, Den. Ngayon pa ba tayo hindi mag-iisip ng ganiyan? Life is too short, kailangan na nating maging advanced," saad ko. "Kung sabagay, parehas nga tayong nandito e. Aatras pa ba tayo sa pagsubok? May pinaglalaban tayo kaya kailangang maging matatag at mautak," pagsang-ayon ni Den. Lumabas na kami ng kwarto. Aalis na sana si Den nang may mapansin kaming nag-aaway sa labas. Bago kami lumalabas ay sinisilip muna namin ni Den ang labas gamit ang peephole. Mabuti nga at may ganito ang pintuan namin. "Ang aga para mag-away sila. Sino ba ang mga iyan? Mga higher year ba kaya hindi natin kilala?" tanong ni Den. Sinilip ko ulit ang dalawang nag-aaway. Napansin ko na naglabas ng kuko ang isang babae. Ang isa naman ay namumula ang mga mata. "Bampira sila, Den. Kailangan natin matandaan ang kanilang mukha," saad ko. "Subukan mong picture-an gamit ang cellphone mo. Baka pwede naman. Dali, subukan mo na," utos ni Den. Agad ko siyang sinunod. Medyo malabo, pero may pagkakakilanlan pa rin. Inilagay ko agad iyon sa google drive ko at dinelete sa cellphone. Mahirap na kung bigla nilang manakaw at makuha ang cellphone ko. Maganda kung palagi akong handa sa ganito. "Mamaya ka na makakaalis, Den. Delikado kung madadamay ka pa sa away nila. Pati pala ang kapwa bampira ay ayaw magpatalo sa kauri nila. Amazing," natatawang sabi ko. May nalaman na naman kami tungkol sa kanila. Kung ganiyon, ang pagiging top student ay problema rin nila. Kailangan kong pag-awayin ang ibang estudyante para malaman kung sino ang mga magagalit at mailabas ang tunay nilang kakayahan. Makikita ko iyon sa kanilang mga mata kapag nagalit. "Tulungan mo akong pag-awayin ang mga napupusuan nating mga bampira. Doon natin mao-obserbahan kung bampira talaga sila sa pamamagitan ng mata at kilos nila," dagdag ko pa. Nagulat si Den sa aking sinabi. Napahawak pa siya sa kanitang dibdib. "Ate girl naman, kailan pa tayo naging troublemaker? Ano na naman iyang naisip mo?" stressed na sabi niya. Natawa ako sa kaniya. Pinapaypayan niya ang sarili niya na para bang init na init na. "Kasi nga, kapag nagagalit sila, pumupula ang kanilang mga mata. Mas madali nating makikita kung bampira sila. Kailangan natin malaman kung sino ang kalaban. Plus, marami ring babaeng nahuhumaling sa iyo, bakit hindi natin iyon gamitin para mag-away ang ibang babae?" natatawang sabi ko sa kaniya. Inirapan niya lang ako. Seryoso ako sa pag-aawayin ko ang iba para malaman kung bampira sila. "Ewan ko sa iyo, Minlei. Ginamit mo na naman ang kagandahan ko. Mawawala ang kagandahan ko sa mga pinaplano mo. Pag-iisipan ko iyan nang mabuti. Sa ngayon ay kailangan ko nang umalis. Baka mamaya ay magtaka pa ang mga naglilinis kung bakit nandito pa ako," saad niya. Marupok talaga siya. Kahit na pag-iisipan niya, alam kong gagawin niya pa rin ang pakiusap ko. Hinatid ko na siya palabas. Wala na rin ang dalawang nag-aaway kanina. Hinintay ko siyang makapasok sa kaniyang dorm. Pagkapasok niya ay papasok na rin sana ako. Napansin ko si Mio na nakatingin sa akin. Nasa labas siya sa tapat ng kaniyang dorm. Bakit niya ako tinitingnan? Hinuhusgahan niya ba ako dahil palaging nasa dorm ko si Den? Pumasok na ako sa aking dorm. Napasandal ako sa pintuan. Bakit ba ako affected sa kung ano mang iisipin ni Mio?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD