Haelyn POV*
Nakauwi kami sa mansion ni Nex dahil boung araw kaming naglibot sa mall at hanggang mag hapon ay wala pa ding mga kustomer kaya kinabahan ako sa part na yun. Parang ang weird kasi eh. Parang naging lugar sa mga zombie ang paligid. Pero okey lang kasi nasa mall kami. Pero bakit nga walang kustomer kanina. Ang weird talaga.
Napatingin ako sa katabi ko habang naglalakad kami papasok sa mansion. Mukhang may alam siya sa mga nangyayari kanina at kailangan kong mag isip kung paano ko siya mapapa amin.
"My Queen, are you okey?"
Napatingin ako kay Nex dahil tinawag niya ako.
"Mukhang malalim ang iniisip mo. May problema ba?"
Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa kanya at binabasa ko ang mga mata niya pero di ko mabasa. Paano ba toh?
"Why?" nagtatakang tanong niya sa akin.
"Tell me, Phoenix Thombson, ang nangyari kanina?"
"Saan doon?"
"Bakit tayo lang ang tao sa mall at wala man lang kahit isang kustomer doon na naglalakad. At puro mga trabahador ang mga nakikita ko doon?"
Napatingin ako kay Nex na biglang napalunok dahil sa tanong ko.
Pakana niya ba yun?
"Galit ka ba, my Queen?"
"Mukha ba akong galit?" kunot noong ani ko sa kanya.
"Slight?"
Pumunta kami sa sala at umupo ako sa sofa at ganun din siya at tiningnan ko siya para mag paliwanag.
"Ganito kasi iyon, my Queen."
Naramdaman ko na kinabahan siya at bakit naman siya kinakabahan?
"My Queen, alam mo naman na mayaman na ako diba at di na ako katulad noon na palaboy sa kalsada."
Tumingin tingin ako sa mansion niya bago pumunta ang paningin ko sa kanya at tumango. Mayaman nga siya.
"Yeah, aware ako doon."
"Nakikita mo naman na marami akong bodyguards diba?"
Marami nga siyang bodyguards at marami ding katulong dito and also butlers.
"Yeah, teka iba naman yan sa tanong ko."
"Maraming gustong pumatay sa akin, my Queen."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig mula sa kanya. At biglang nahinto ang mundo ko dahil sa sinabi niya at ngayon ko lang narealized ang totoong katayuan niya.
"Ha? Bakit anong ginawa mo?"
"Once na maging mayaman ka ay marami ka ng kalaban at kaya ako nag hire ng mga Bodyguards para may prumotekta sa akin. Kaya ko ginawa yun kanina. Tayo lang ang kustomer kanina kasi natatakot ako na baka madamay ka."
Biglang kumirot ang puso ko at tumulo ang luha ko. Bakit ngayon lang niya sinabi sa akin ang ganyang bagay? Na delikado ang buhay niya sa mga panahong ito?
"My Queen?"
Kaya pala pinapalibutan kami ng guards parati. Di kasi ako sanay sa ganun dahil wala namang nagtatangka sa buhay ko at hindi espesyal ang buhay ko.
Nakita ko na lumapit siya sa akin at nag aalala siyang nakatingin sa akin. Pinunasan niya gamit ang panyo niya ang luha ko at agad akong yumakap sa kanya at tinago ko ang mukha ko sa leeg niya. Ayokong mamatay siya. Ngayon ulit kami nagkita at ayokong tuluyan na siyang mawala sa buhay ko.
"Nex, bakit ngayon mo lang sinabi? Di ko alam na ganun pala kahirap ang buhay mo na maraming nagtatangka sa buhay mo."
"Hindi na mahirap ngayon dahil kasama na kita. Wag ka ng mag aalala sa akin."
Tiningnan ko siya at hinawakan ko ang pisngi niya. Di ko kayang mawala ulit siya.
"Po-protektahan kita, Nex. Di ko kayang may mangyari sayo. Okey lang sa akin na ako ang masaktan wag ka lang. Please mag iingat ka."
Once makikita ko na bigla na lang siyang matutumba sa harapan ko at may tama ng baril at maliligo sa sariling dugo niya ay parang kikirot na agad ang puso ko once makita ko iyon. Umiling iling naman siya.
"Nah, don't be like that. Ayokong masaktan ka. Di ko hahayaang saktan ka nila. Don't worry mag iingat ako. Kaya wag ka ng magalit sa akin kung bakit ko pinasirado ang Mall kanina."
"Naintindihan ko naman pero paano mo yun napasirado? Yun ang pinakamalaking mall sa boung mundo?"
"Kaibigan ko ang may ari at magkaparehas kami ng katayuan na delikado ang buhay kaya tinulungan niya ako."
"Eh? May bigatin ka pa lang kaibigan? Ngayon ko lang nalaman. Marami pa akong hindi nalalaman sayo, Nex."
Bigla naman siyang napalunok dahil sa sinabi ko.
"Wag mo ng problemahin iyon ayokong madagdagan ang problema mo. At don't worry ipapakilala kita sa ibang kaibigan ko na makakatulong sayo sa hinaharap."
Tumango na lang ako at sabay ngiti.
"Mag iingat ka ha. Araw araw kong iche-check ang kalagayan mo."
"Okey, thank you, my Queen. I'm always ready."
Hala ginusto pa niya?
"You can check me now. Mukhang masama ang pakiramdam ko, my Queen."
Nanlaki ang mga mata ko at agad hinawakan ang noo niya at may mild fever nga siya at sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.
"Bakit ka nilagnat? Hindi ka naman naitan o nabasa ng ulan kanina."
"Sobra po sa trabaho, Madame."
Sabay kaming napatingin ni Nex sa nagsalita na lalaki na kakarating lang. Teka sino ang lalaking ito?
Sino siya? At mukhang kilala niya ako at di naman siya tinaboy ni Nex.
"Madame, I'm Adrian Fernandez, Mr. Thombson's Secretary."
Ah, secretary pala siya. So alam niya lahat ng ginagawa ni Nex. At marami akong gustong itanong sa kanya.
"Why are you here, Adrian?"
"May ipaperma po sana ako na report pero mukhang bukas na lang po dahil may sakit po kayo. Alis na po ako."
At umalis na nga siya at nagkatinginan kami ni Nex.
"May maayos kang Secretary. Naintindihan niya ang kalagayan mo."
"Yeah, since high school ay magkasama na kami."
"Oh, kilalang kilala ka na nga niya."
Napasandal ang ulo ni Nex sa sofa at sabay napapikit. Mukhang masakit nga ang ulo niya. Naalala ko noon nung nagkasakit ako ay ako lang ang nag aalaga sa sarili ko.
At ayokong iparamdam kay Nex ang naramdaman ko noon.
"Halika wag ka dito at sa kwarto ka magpahinga."
"Okey."
Inalalayan ko siyang tinayo at di naman siya mabigay pero inaalayan ko lang siyang maglakad nang may dumaan na katulong sa gilid namin.
"Ah, excuse me po pwede po bang kumuha ka po ng bimpo at maligamgam na tubig at gamot at soup na din para sa lagnat at paki dala sa kwarto ni Nex."
Nakita ko na nagulat ang mukha ng katulong dahil sa sinabi ko.
"Masusunod po, Madame."
At agad naman itong tumakbo palayo sa amin. Anyare dun? Ang weird ng katulong. Di ko na lang pinansin.
Tiningnan ko siya na pulang pula na ang pisngi at tenga nito at nakapikit na parang umiikot siguro ang paningin niya dahil sa lagnat.
Inalalayan ko pa din siya hanggang makarating kami sa kwarto niya at binuksan niya ang kwarto niya at namangha ako sa kwarto niya dahil ang linis linis at wala ka talagang makikitang alikabok sa paligid. Mahiya na ang alikabok sa kanya.
Inalalayan ko siyang inilapag sa higaan niya. At tinulungan ko siyang hubadin ang sapatos at medyas niya.
"Kaya ko naman ang sarili ko. Wag ka ng mag aalala sa akin at magpahinga ka na, my Queen."
"Bakit di mo sinabi na todo hardwork ka sa trabaho mo? Sana nagpahinga ka na lang ngayong araw."
Hinawakan niya ang kamay ko at agad umiling.
"Ayoko, I want to be with you, my Queen. Masaya ako dahil nakasama kita at mukhang date na din ang ginawa natin ngayong araw at di ko iyon pinagsisihan kailanman."
Namula naman ako pero hindi! Nagkasakit na siya eh! May tamang araw naman ang ganun.
"Hey, magpahinga ka."
Biglang may kumatok at mukhang yung katulong na inutusan ko kanina.
"Teka bubuksan ko muna ang pinto."
"No need to do that. Sabihin mo lang come in."
"Pasok ka."
Agad naman pumasok ang katulong at dala nga niya ang sinabi ko sa kanya kanina. At nakikita ko na ang putla putla nito habang hinahatid ang sinabi ko.
"Salamat po."
Yumuko lang ito bago ito nagmamadaling umalis. Ang weird talaga niya. Para kasi siyang takot na ewan.
"Yung sinabi mo kanina sa katulong."
Napatingin ako kay Nex dahil bigla siyang nagsalita.
"Bakit anong meron? Di ba ako pwede mag please sa kanila kasi inalalayan kita kanina at di ko makuha agad ang--"
"Nah, I don't mean like that. Ang mean ko ay feel free na umutos sa mga katulong at wag kang mahiya. Sinabihan ko na sila na kung ano ang trato nila sa akin ay yun din ang trato nila sayo."
"Hala hindi naman ganun. Di naman ako ang amo nila at nakikitira lang naman ako dito."
"My Queen, alam ko na naninibago ka pa lang pero balang araw masasanay ka din lalo na kung ikaw na ang magiging Asawa ko. Pwede nga na pakasalan na kita ngayon mismo."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
"Ano ka ba. Bakit ang advance mong mag isip parate ha?"
Pero sadyang ngiti lang ang ginawa niya. Napansin ko na pawisan siya kaya agad akong tumayo at naghanap ng damit.
"Where are you going, my Queen?"
"Naghahanap ng damit mo. Pawisan ka na."
Binuksan ko ang isang drawer dahil mukhang nandoon ang damit niya.
"Teka hindi diyan!"
Pero huli na ang lahat dahil puro boxers ang nakikita ko sa closet niya. Nakatulala ako habang nakatingin doon. Ang laki ng boxer niya na parang...
"My Queen?"
Nagising ako at agad isinira ang closet.
"I'm sorry, di ko alam na mga underwear mo doon... Basta saan ba banda ang mga damit mo?"
Ang pula pula na ng mukha ko. Dahil sa kahihiyan na ginawa ko ngayon. Bakit naman kasi tinuloy ko pa!
"Doon banda."
Agad naman akong pumunta doon at pagbukas ko ay puro damit pangbahay na ang nakita ko.
Kumuha ako ng damit niya doon at may partner na din itong pang ibaba na pantulog na pants.
Bumalik ako sa higaan at inalalayan siyang umupo at tiningnan ko siya at nakatingin lang din siya sa akin.
At napatingin ako sa leeg niya na pinagpapawisan. Bakit ang hot niyang tingnan?
"H-hubad mo muna ang damit mo at pati pants mo."
Umiwas ako ng tingin at kinuha ko ang bimpo at piniga ko yun sa maligamgam na tubig. Pero naririnig ko pa din ang pag hubad niya at napakagat ako sa labi ko. Kinakabahan ako dahil ito ang unang beses na may lalaking nagbihis sa harapan ko.
"Done."
Tiningnan ko siya at nahinto ang tingin ko sa katawan niya na may abs. Sekreto akong napakagat sa labi ko dahil sa nakikita.
"My Queen, don't stare me like that. Baka di ako makapagpigil."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya at agad akong kumurap at agad kong pinunasan ang mukha niya at ang katawan niya at pinipigilan ko ang sarili ko na hindi gumawa ng nakakahiyang bagay basta pinunasan ko lang niya. At kumuha ako ng tuyong tuwalya at agad pinunasan ang matigas niyang katawan. Lumuhod na ako sa higaan para maabot ko ang likod niya at naramdaman ko na sinandal niya sa balikat ko ang ulo niya.
"You know, my Queen. Kahit nagkasakit ako ngayon ay masaya ako."
Napahinto ako sa ginagawa ko at napakunot ang noo.
"Bakit naman?"
"Dahil nandito ka na nag aalala sa akin. Alam mo ba nung nasa ibang bansa ako ay ako lang ang umaalaga sa sarili ko. Ayokong hawakan ako ng mga katulong ko. Parang di ako safe sa kanila."
Naawa ako sa kanya dahil nga baka may papatay sa kanya once aalagaan siya ng iba baka di niya alam kalaban iyon.
"Nex, tandaan mo tawagan mo lang kung kailangan mo ko at dadating agad ako."
"Nah, ako ang hahanap sayo kung saan ka man pumunta. Ako ang hahanap sayo para mayakap kita."
"Ito na ba ang resulta sa lagnat mo? Ha?"
"Ang weird kasi naalala ko ang sabi ng mga magulang ko na once magkasakit ako ay natatakot sila sa akin dahil nag aamok daw ako."
Mabuti di siya ganun sa akin ngayon. Kaya pala ganun ang reaksyon ng katulong kanina na nagmamadaling umalis baka mabugahan siya ng apoy ni Nex.
"Mukhang di naman."
Kinuha ako ang damit niya at pinasout ko sa kanya at siya na din ang nagsout ng terno nun.
Akmang hihiga siya nang agad ko siyang pinigilan. Dahil nakita ko na may soup sa gilid.
"Hephep! Kain ka muna ng soup."
Napabuntong hininga siya at umayos ng upo.
"Teka lang hihipan ko muna."
Dahan dahan kong inihipan ang soup at agad iyong tinapat sa bibig niya at agad naman niya iyong kinain na kinangiti ko. Ayan ang good Boy niya.
At nang maubos na niya ang soup ay hihiga sana siya ng pigilan ko ulit.
"Bakit na naman, my Queen? Gusto ko ng humiga."
"Gamot."
Natigilan siya at napatingin sa gamot.
"Gamot?"
"Yeah, gamot. Gamot ito sa lagnat kaya inumin mo na para gumaling ka na."
Napansin ko na parang ayaw niya talaga ng gamot.
"Bakit ayaw mong uminom ng gamot?"
"Di naman sa ayaw ko. Di ko kasi sinasanay ang sarili na uminom ng mga gamot."
Tiningnan ko siya mukhang hindi lang doon kung bakit ayaw niyang uminom ng gamot.
"Ah ganun."
"Mild fever lang naman ito kaya magiging maayos na ako bukas lalo na't ikaw ang nagbabantay sa akin. Ikaw ang special nurse ko."
Mukhang nakasanayan na nga niya ang pag inom ng gamot. Pinainom ko na lang siya ng tubig.
At tatayo na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko na kinatingin ko sa kanya.
Nakita ko na di na siya nakasandal at nakaupo siya ngayon sa higaan at sa mga mata niya ay makikita na nanghihina talaga siya.
"My Queen, pwede bang tabihan mo ko ngayon? Pakiramdam ko kasi na parang nasa North pole ako ngayon dahil sa sobrang lamig."
Dahan dahan na lang akong tumango at umupo sa tabi niya.
Naramdaman ko din yan noon na habang nilalagnat ako ay sobrang ginaw ng paligid at umiiyak na lang ako dahil doon.
Tumabi ako sa kanya at humiga na kaming dalawa at niyakap ko siya at nagulat siya sa ginawa ko. Kailangan niya ngayon ng body heat para di siya mas lalong ginawin ngayong gabi at di din namin binuksan ang aircon dahil malamig naman ang paligid.
"My Queen."
"Shh, natulog ka na para makapagpahinga ka naman. Don't worry nandito lang ako sa tabi mo."
Tumango na lang siya at naramdaman ko na gumalaw siya at humarap sa akin para mayakap din niya ang bewang ko.
"Good Night, my Queen."
"Hmm, good night at sana gumaling ka na bukas, Nex."
*****
LMCD22