Chapter 10

2541 Words
Haelyn POV* Nandito kami ngayon sa mansion ng kaklase ko noon. Mayaman siya at di pa din ako makapaniwala na inamin niya ang kasalanan niya na nangyari nung isang taon na ang nakalipas. At di pa din ako makapaniwala na ang kaklaseng matalik kong kaibigan ay siya mismo ang nagtraydor sa akin. At akala ko kinalimutan na nila ang nangyari noon pero hanggang ngayon ay dala pa din niya ang pagka guilty niya sa ginawa niya noon sa akin. Kasama ko ngayon si Nex dahil baka daw may mangyari sa akin kaya din na nandito siya ngayon pero naka disguise siya para di siya makita ng mga gustong pumatay sa kanya. Naka cap, mask, jacket, pants and shoes siya ngayon. May slight fever pa din siya pero papagaling na din naman siya. "Paano kung magtatanong sila kung sino ka? Baka di ka kasi nila papasukin eh." "Sabihin mo na boyfriend mo ako." Natigilan ako at napatingin ulit ako sa kanya at magsasalita sana ako nang magsalita agad siya. "Let's go?" Tumango na lang ako at lumapit kami sa gate at nakatingin ako sa door bell at agad ko iyong pinindot. This is it. Ito na ang pagkikita muli namin ni Katie. Alam ko sobrang yaman nila dahil sa Mayor naman ang Papa niya kaya nga ako natatakot nung nag aaral pa ako baka ipapatay ako ng Papa niya once malaman na ninakaw ko kuno ang cellphone niya. Napaatras ako at napakapit sa jacket ni Nex dahil sa panginginig. Resulta ito sa p*******t ng madrasta ko sa akin kahit wala akong kasalanan may parang takot pa din sa akin na baka kung ano ang gawin sa akin sa loob. Biglang kinuha ni Nex ang kamay ko sa Jacket niya at hinawakan niya ito na kinatingin ko sa kanya. "Don't worry di kita iiwan at walang mananakit sayo o sa atin dahil nandyan naman ang mga bodyguards natin. Malalakas sila kumpara sa kanila." Napatingin ako sa mga bodyguards ni Nex na nakabantay sa paligid at tumango tango na lang ako. Napangiti na lang ako at ganun din siya. Bumukas ang gate at nakita namin ang isang butler atah ng Mansion nila. "You must be, Miss Lopez." "Yes po." "Okey, come inside." Tumingin ako kay Nex at tumango siya at Papasok sana kami nang bigla niya kaming pinatigil. "And you are?" "I'm her Boyfriend. May karapatan akong samahan siya." Napatingin ang butler sa akin. "B-Boyfriend ko po siya." Napataas ang kilay ng Butler. What the hindi naniwala? Dahil ba sa pangit ako sa paningin niya? "Totoo po ang sina---" Nagulat ako nang bigla niya akong hinalikan kahit naka mask siya pero parang nagkadikit pa din ang labi namin pero may mask nga lang. Pero waaa halik yun! Hindi yun ang unang halik namin pero halik talaga yun! Namula naman ako at agad napakagat ng labi at napahigpit ang hawak ko sa kamay niya. "Okey na ba?" "Oh yes, come inside." At napahinto ulit kami at napatingin siya sa likuran namin at may limang Bodyguards pala ang sasama sa amin. "Boyfriends?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ng Butler. Waaa anong tingin niya Harem ko ang dala ko ngayon? "Bodyguards namin sila." "Okey." At pumasok na kaming lahat at marami ding gwardya sa mansion nila at magkahawak kamay lang kami ni Nex at nakikita ko na kalma lang siya at mukhang di takot. Mabuti pa siya hindi takot baka nasanay na siya dahil maraming gustong pumatay sa kanya at marami namang nga bodyguards sa paligid niya. Kahit di siya marunong lumaban ay marami pa ding po-protekta sa kanya. "Nex, di ka ba natatakot?" Napatingin siya sa akin at agad tinanggal ang reading glass niya at nakita ko na natatakot ang mga mata niya. Hala kawawa ang Nex ko! Mali ako kasi ang akala ko di siya takot pero takot pala siya na para siyang maiiyak na ewan. "Don't worry po-protektahan kita, Nex. Wag kang matakot, okey?" Hinawakan kong maigi ang kamay niya at agad siyang tumango tango. Naintindihan ko siya dahil maraming gustong pumatay sa kanya at may parang fear din siya sa maraming tao o di niya kilala ang mga taong nasa paligid niya. "Balik mo na yang eye glasses mo." At agad naman niyang ginawa at tumango ako at nagpatuloy kami sa paglalakad. Nakarating kami sa sala at nakita namin ang Mayor doon at nandoon din ang Anak niyang si Katie. Nakatingin ako kay Katie na nakataas ang kilay niya sa akin at naka cross arms pa siya na parang naiinis. Bakit parang galit siya sa akin ngayon? "Miss Lopez, pasensyahan mo na ang anak ko." Nanlaki ang mga mata ko dahil ang huling kita ko kay Mayor ay galit na galit siya sa akin na parang papatayin ako pero bakit ngayon para siyang maamong Aso? At noon pinagbantaan niya pa ako. Tiningnan ko lang si Mayor kasi naalala ko noon na hindi niya pina imbestigahan ang mga nangyayari at agad akong pina kick out ng school. Hindi nila ako pinakinggan ang paliwanag ko. At muntik na din akong mapatay ng madrasta ko nun dahil sa nangyari nun. Puro pasa, sugat at nandilim pa ang paningin ko nun dahil tumama ang ulo ko nun sa mesa. "Miss Lopez? Did you hear what I said?" Nagising ako sa katotohanan at napatingin ako kay Nex na biglang hinawakan ang kamay ko. Naramdaman ko din ang pagkainis sa boses ng Mayor dahil di ako nakikinig sa kanya dahil naalala ko ang lahat nang nangyari sa akin noon. "I think we're done here, Mr. Mayor." Biglang tumayo si Nex na kinagulat ko at nakatingin siya kay Mayor at hawak na niya ang eye glasses niya at binaba niya ang mask niya para makita nung Mayor ang mukha niya at agad napatayo ang Mayor at nakita ko na parang namutla siya. "Katie, humingi ka ng tawad kay Miss Lopez!" di din niya maiwasang sigawan ang unica iha nito na kinagulat ko dahil ang nabalitaan ko ay sobrang mahal niya ito at di kailanman sinisigawan o sinasaktan. Pero ngayon nakikita ko ang galit nito sa anak nito at namumula na din ang mukha nito at pinagpapawisan. "D-Dad, you shout at me!" Biglang humarap si Nex sa akin at inilahad niya ang kamay niya. "Let's go home, my Queen." "No, hindi, hindi pa kami nakahingi ng tawad kay Miss Lopez. Please, patawarin niyo po ang anak ko. She's immature that time at di niya iniisip ang kanyang mga ginagawa. Mali ang pagpapalaki ko sa kanya. Nagiging spoiled brat siya habang lumalaki." Bakit sila takot? Bakit ganito ang reaksyon nila? Parang mamaya na ang kamatayan nila? "Mr. Thombson and Ms. Lopez, give me and my Daughter a chance at wag muna kayong umalis." Natulala akong napatingin sa kanila dahil biglang bumalik ang lahat sa alaala ko na lumuluhod ako sa kanila at nanghihingi ng tawad at kahit lumuha ako ng dugo ay di nila ako pakikinggan. "My Queen?" Bigla akong napaiyak dahil ganyan din ako nun. Lumuhod ako sa harapan nilang mag ama para magpaliwanag pero di nga nila ako pinakinggan. "Yang ginawa niyo ngayon. Yan ang ginawa ko nung araw na yun. Lumuhod ako sa harapan niyo at nagmamakaawa na pakinggan niyo ang paliwanag ko pero hindi kayo nakinig sa sinabi ko at pina kick out niyo ko sa school ko noon." Natahimik naman sila sa sinabi ko habang nakaluhod pa din at napayuko ang Mayor na parang di alam kung ano ang gagawin niya. Napatingin ako kay Katie na galit na galit na nakatingin sa Ama niya at lalo na sa akin. "Katie, alam mo ba na totoo ang lahat ng pinapakita ko sayo? Di ko alam kung bakit mo nagawa sa akin ang bagay na yun? Hindi ako nagtanim ng galit sayo. Pero bakit ikaw? Ano bang ginawa kong kasalanan sayo? Naging matalik na kaibigan kita pero bakit ganun ang galit mo sa akin para gawin ang ganung bagay?" Tiningnan niya ako sa mga mata ko. "Anong wala? Alam mo na crush ko ang Bestfriend mo sa College na si Joe pero bakit inagaw mo siya sa akin! Sinabi sa akin ni Chloe ang lahat na ang sweet sweet ninyo at parati kayong nagsasama parati at di naghihiwalay! Ikaw ang unang traidor sa ating dalawa Haelyn! Inagaw mo sa akin si Joe!" Natigilan ako sa sinabi niya at tiningnan siya at tumulo ang luha ko. "Hindi mo ba alam na magkapatid ang mga Ama namin? Ang ibig sabihin nun ay pinsan ko siya kaya bago ka makikinig sa chismis ng iba ay tinanong mo sana sa akin at bago mo ginawa ang pagbibintang sa ginawa mong paglagay ng cellphone mo sa bag ko sana inisip mo sana kung ano ang mangyayari sa akin." Natahimik siya at nakikita ko ang gulat sa mga mukha niya. Kailangan niyang malaman ang katotohanan. "Sana alam mo na muntik ko ng kinamatay ang ginawa mo sa akin. Muntik na akong mapatay ng Madrasta ko nun at mabuti buhay na buhay ako ngayon. Still survive at di kailanman mamamatay. Kaya ito ang tatandaan mo. Bago ka gumawa ng desisyon pag isipan mo muna na wala kang idadamay na tao o walang masasaktan na tao. Be matured enough at harapin mo ang kasalanan mo mismo." Tiningnan ko muna sila bago tumingin kay Nex. "Let's go." Umuna akong lumakad. "Prepare." Rinig kong ani ni Nex pero di ko na yun pinansin at lumabas na kami ng mansion nila at huminto kami at pinunasan nito ang luha ko na kinatingin ko sa kanya. "Thank you, Nex." "Let's go home?" Tumango ako at inalalayan niya akong lumakad papuntang sasakyan ni Nex. Kailangan kong maging malakas. Kailangan ko ding maprotektahan si Nex. Nakapasok na kami sa sasakyan at tiningnan ko siya. Paano na lang kung nasa loob ako ng School at di ko siya nakikita dahil pareho kaming busy. Pwede naman kaming magkita pero di ko alam baka busy siya pag rest time ko na. "Anong iniisip mo ngayon?" "Tungkol sa araw ko sa school na papasukan ko ngayong Lunes." "Ano naman ang iniisip mo nun?" "Paano na lang kung busy tayo sa isa't isa." "Hmmm, magkasama naman tayo sa Sabado at Linggo kaya wag kang mag aalala na di tayo magkikita sa boung araw. Solong solo kita sa dalawang araw na yun." Namula naman ako parang iba atah ang means sa sinabi niya. "A-Ano naman ang gagawin natin sa dalawang araw na yun?" "I want to date you. Gusto ko na magkasama tayo na walang gagambala sa masayang araw natin." "Paano kung may mga importante tayong gagawin sa sabado ay linggo?" "Next na naman." Napangiti na lang ako at tumango. "Ready ka na ba sa pasukan?" "Yeah, pero may kaba pa din akong naramdaman." "Don't worry safe ka doon. Just call me if may mga nambubully sayo." "Bakit anong gagawin mo sa kanila?" Nakangiting ani ko sa kaniya. "Hmm, ano nga ba ang gagawin ko? Ipapatorture ko na lang siguro sa mga bodyguards ko." Nagulat ako nung lumapit ang mukha niya at natigilan din siya kaya nagtitigan ang mga mata namin. At dahan dahan na inilapit nito ang labi sa akin. Hala anong gagawin ko! Unti unting lumalapit ang labi niya sa akin! Kahit naka kiss na kami nung huli para kasing ang weird pa din. Agad kong pinigilan ang bibig niya at napaiwas ako ng tingin. Waaa nakakahiya! "Ehem... Nagugutom ka na?" Umiwas naman siya ng tingin at ganun din ako parang naging awkward eh! "Oo." "Saan mo gustong kumain?" Napatingin ako sa kanya. "I think sa bahay mo na lang." Ayokong gumastos ako eh! "Okey." Biglang nag ring ang phone niya na at agad niya iyong kinuha at tiningnan ko kung sino iyon. At pangalan ng babae ang nandodoon. At ang nakalagay ay Phennie. "Excuse me, my Queen." Tumango lang ako at ngumiti at agad niya iyong sinagot. "How's my Baby?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nung babae. Sino ba yang babae bakit siya tinawag na Baby? Bakit biglang kumirot ang puso ko. "Why did you call me. Do you need something else?" "I want to see you and I miss you also, Baby. Kailan ba tayo magkikita? Umuwi ka na." "Nah, I'm busy. I'm also with my Queen." Hala bakit niya sinabi yun sa girlfriend niya? Wag kang magselos dahil wala naman kayong libel sa isa't isa, Haelyn. May Girlfriend na pala siya tapos nilalandi niya pa ako at may pa my Queen pa siyang nalalaman. May Baby naman pala siya. Ang sakit sa puso na marinig na may ibang mahal ang lalaking unti unti mong minamahal. "Nge, dalhin mo din siya dito sa susunod. I want to see her para makita ko ang Childhood friend mo na matagal mo ng hinahanap." Bakit niya pa ako gustong makita? Para sasabihin niya na mas Maganda at mayaman siya? Ganun ba yun? "Ayoko baka di mo na siya isasauli sa akin." Kukunin niya ako? Napayakap ako sa sarili ko dahil sa sinabi niya. Hala ano naman daw gagawin sa akin? "Okey, I'll hang up now. Kakain pa kami." "Okey! Bye! Ingat kayo, Baby." Napaka energetic ng katawag niya pero di pa din mawawala sa point na yun ang mahal niya. Dahil Baby ang tawag nito sa kanya. Natahimik ako at tumingin sa labas at napakagat ako sa labi ko. Kailangan mong pigilan ang nararamdaman mo sa kanya, Haelyn. Wala namang kayo at mukhang Mutual understanding lang kayo eh. Napabuntong hininga na lang ako. "My Queen?" "Nex, pwede mo naman akong tawaging Lyn o Haelyn. Wag lang iyon." Di ako tumingin sa kanya at nakatingin lang ako sa labas. "Why? May problema ba?" Tumingin ako sa kanya at ngumiti bago umiling. At binalik ko ang tingin ko aa labas at napakagat ako sa labi ko at pinipigilan na umiyak. Nakarating kami sa mansion niya at di ko hinintay na pagbuksan niya ako kasi ako ng pinto dahil ako na mismo ang lumabas at umuna ng lakad papasok. "My Queen..." Napahinto ako dahil tinawag niya ako at tumingin ako sa kanya. "Are you mad?" "Mad? Hindi ako galit." Umiling iling pa ako. "Are you sure?" "Oo, uhmm... Naiihi na kasi ako kaya CR muna ako, pwede?" Nanlaki ang mga mata niya at agad tumango at ngumiti ako at nagmamadaling tumakbo papunta sa kwarto ko at pagpasok ko ay agad ko iyong sinira at napakunot ang noo ko dahil nafeel ko nga na naiihi ako ngayon at wala naman ito kanina. Lumabas ako ng banyo at nagulat ako nang makita ko si Nex na nakaupo sa kama ko at mukhang kanina niya pa ako hinihintay. Lumabas ako at lumapit sa kanya. Nakita ko na malungkot siya di ko alam kung bakit. "Bakit, Nex?" Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at bigla niyang niyakap ang tiyan ko na kinagulat ko. "Nex?" "I love you so much. Please, don't mad at me." Namula ang mukha ko dahil bigla bigla siyang nagsasalita ng I love you sa akin. "Can you kiss me? Just once kung hindi ka galit sa akin." Napalunok ako nung makita ko na nakatingin siya sa akin at mas lalo akong napatingin sa labi niyang malambot. Hinawakan ko ang pisngi niya. Hahalikan ko ba talaga siya? Kaya ko ba kung may mangyayari pang susunod once matapos ang kiss? Waaa I don't think so... ****** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD