Chapter 8

2534 Words
Haelyn POV* Napakunot ang noo ko dahil hindi ko kilala ang mga damit na dinala ni Nex sa akin. Hindi ko alam kung kanino ang mga gamit na ito at mukhang bago ito lahat. Napatingin ako sa kanya na nakatingin sa akin. "Nex, hindi ito ang mga gamit ko at mukhang bago din ang mga ito. At mukhang ang mamahal ng mga damit na yan." "Hmmm... Sayo." Napakunot ang noo ko at napatingin ako sa kanya na nakasandal sa pintuan. Ang sabi niya kasi kanina na inilagay na daw sa dressing room ang mga gamit ko at nang puntahan ko kahit isa wala akong makita na akin. Napakagat ako sa labi ko. Ayokong sanayin ang sarili ko sa mga ganito. "Nex." "What?" "Di ko matatanggap yan. Ayos lang sa akin yung mga damit ko na luma. Alam mo naman na di ako sanay na binibigyan ng mga bagong damit dahil ang lahat ng damit ko ay puro luma at ginamit na ng iba." "Nah, that's my gift to you, Lyn." "Nex, alam mo naman na di ako masyadong tumatanggap ng ganyan. Ayokong magkaroon ng utang na loob." "I know that. Hindi mo naman yan hiningi at binigay ko talaga yan sayo." "Wala naman tayong relasyon para magbigay ka ng mga ganyang bagay sa akin." "That's final at sayo na yan and about sa relationship natin gusto mo bang mag upgrade na tayo another level?" "Nex, alam mo naman na susunod ko na yan masasagot. Di pa ako handa." "Okey, okey, kaya tanggapin mo na yan and no buts. Dalian mo na sa pagbihis diyan bibili pa tayo ng gamit mo sa mall." "Opo, your Majesty." Napatingin siya sa akin at biglang sumeryoso ang kanyang mukha at bigla siyang lumapit sa akin at dahan dahan naman akong umatras. Ang mga titig niya na parang nanlalandi na ano basta yun ang nakikita ko sa mga mata niyang napakaganda na kinalunok ko ng todo. Hanggang sa maramdaman ko ang closet sa likuran ko kaya napasandal ako at agad akong napatingin sa kanya at bigla niyang tinukod ang magkabilang kamay niya sa gilid ko. "Did you call me your Majesty?" "Yeah? W-Why?" "So now you can call me my King?" "Ha?" Ano na namang trip ng isang ito? "Call me my King so I call you my Queen, can you?" "Hoy, ano yang pinagsasabi mo?" "Ayaw mo?" Nalungkot ang mukha niya na kinalaki ng mga mata ko. Para siyang puppy! "Nex naman eh. Nakakahiya kung yun ang tawagan natin." "Okey, magbihis ka na." Tumalikod na siya sa akin at lumabas ng dressing room ko. Biglang kumurot ang puso ko dahil pakiramdam ko nagtatampo siya. Ayokong magtampo siya! "Nex!" At di pa din siya lumilingon hanggang makalabas na ng kwarto ko. Hala nagtatampo ba talaga ang isang yun? Sabi niya hindi daw siya nagmamadali bakit ngayon nagtatampo siya? "My King..." Biglang namula ang mukha ko dahil sa sinabi ko. Nakakahiya kung yun ang tawag ko sa kanya at di ako sanay! Naalala ko na once nasa loob na ako ng school ay bihira na kami magkikita ni Nex. At ayokong magtampo siya sa akin habang nag aaral ako doon baka di ako maka concentrate dahil doon. Dahil ang tampo ay habang tumatagal ay nag iiba na ang meaning at nakakasira yun ng relasyon. Pero mamaya na kailangan ko munang mamili ng susuotin dahil mamimili kami ng gamit ngayon. Naghanap ako ng susuotin at napakunot ang noo ko dahil walang maski short doon at ang meron lang ay dress, tshirt at pants. Kumuha ako ng tshirt at pinatungan ko ng blazer at pants at sapatos din ang sinuot ko at nahihiya ako dahil puro bago lahat ang ginamit ko at puro branded pa ang gamit ko. Naglagay ako ng kaunting pulbo at lipstick para di ako parang namumutla ang datingan pag maglalakad kami sa mall. Baka isipin nila na ang kasama ni Nex ay pangit at parang katulong. Hay... Di ko mapapantayan ang ka gwapuhan ni Nex. In short di kami magkalevel. Ang beauty kasi niya ay parang European dahil na sa matangos at maputi siya. At ako? Ano na lang ako? No comment na lang. Lumabas ako ng kwarto at muntik ng humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko nang makita si Nex sa gilid na nakasandal sa pader. Mukhang hinihintay niya ako kanina pa lang. Akala ko nagtatampo ang isang ito? Napahawak ako sa puso ko at napatingin ako sa kanya. "Nakakagulat ka Nex. Teka kanina ka pa ba diyan?" Di siya nagsalita at tiningnan lang niya ako mula ulo hanggang paa at napakunot ang noo ko nung nagtango tango siya habang nakatitig pa din hanggang mapunta sa mga mata ko ang titig niya at nag smile siya. "Hmm, not bad for my Queen." Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Kanina kaluluwa ang muntik na humiwalay sa katawan ko ngayon ay ang puso ko na ang lalabas na sa katawan ko. Napatingin ako sa kanya at sobrang gwapo niya sa sout niya. Naka grey long sleeve siya na damit at naka pants at naka sout ng puti na sapatos at may sunglasses na nakasabit sa damit niya. At napatingin ako sa biceps niya na lantad na lantad. "Nex," mahinang ani ko sa kanya at napabuntong hininga na lang siya at lumapit siya sa akin at akala ko magagalit siya pero hindi. "Yes, my Queen?" "Wag nga yan nakakahiya." "Ano namang nakakahiya dun? Yun ang itatawag ko sayo dahil gusto ko." Napakagat ako sa labi ko at hinaplos niya ang pisngi ko na kinatingin ko sa kanya. "I'll wait for the time na sasabihin mo din ang tamang itawag sa akin." "Ha? Anong tawag na itama ko sayo? Nex naman ang tawag ko sayo noon pa man." Umiling siya at biglang inilapit ang mukha niya sa akin na kinalaki ng mga mata ko. "My King. At yun ang itatawag mo sa akin pag ready ka na at mahal mo na ako, okey?" Napaiwas ako ng tingin at napakagat ako sa labi ko. "Di pa ngayon." "I'll wait nga diba." Natatawa pa siya na kinapout ko. "Let's go?" Inilahad niya ang kamay niya sa akin at tiningnan ko iyon at agad akong umuna ng lakad. Di ko kinuha iyon at narinig ko na lang na tinawag niya ako. "My Queen, wait for me." Sabi niya na maghihintay siya bakit pakiramdam ko pa din nagmamadali siya. Sekreto na lang akong natawa sa kanya at napailing iling at naramdaman ko na nasa gilid ko na siya at tiningnan ko siya at nakita ko na nakangiti siya habang naglalakad kami palabas ng mansion at namangha ako sa sasakyang gagamitin namin kasi ang laki nun parang pang VIP ang sasakay doon. Lumapit si Nex doon at pinagbuksan niya ako ng pintuan at napangiti na lang ako at pumasok ako sa loob at agad namang tumabi ito sa akin at napanganga ako kasi ang laki ng loob ng sasakyan niya at pwede ka ng humiga doon sa laki. "My Queen, about sa huling School na pinasukan mo." Napatingin ako sa kanya at bigla akong kinabahan dahil baka nalaman na niya na kinick out na nila ako doon. Baka alam na niya dahil kinuha nila ang requirements ko doon. Kinakabahan akong tumingin sa kanya at napakagat ako sa labi ko at pinaglalaruan ko ang mga daliri ko. "B-Bakit anong meron? Alam mo na ba ang nangyari sa akin sa School na yun?" Natatakot ako baka magbago ang pananaw niya sa akin. Di ako magnanakaw. Hindi ako ang kumuha sa cellphone ni Katie at inosente ako. Inilagay lang nila sa bag ko ang cellphone ni Katie para ako ang mapagbintangan. Napakagat ako sa labi ko dahil sa kaba at baka di siya maniniwala sa akin at baka palayasin niya ako sa mansion niya. Baka itatakwil na niya ako sa buhay niya. Please, don't hate me. "My Queen." Nagising ako dahil sa tawag niya sa akin at napatingin ako sa mga mata niya. "Alam mo na ba ang tungkol sa nangyari sa akin nung nag aaral ako doon?" Nakatingin siya sa mga mata ko at mukhang alam na nga niya. "Wala akong kasalanan. Di ko kinuha ang cellphone ng kaklase ko. Maniwala ka, Nex. Nilagay nila ang Cellphone ni Katie sa bag ko. Kaibigan ko si Katie at di ko magagawa ang bagay na yun sa kanya at sa kahit sino. Mahirap ako pero hindi ako magnanakaw." Naramdaman ko na tumulo ang luha ko at naramdaman ko na niyakap niya ako ng mahigpit na kinatigil ko. "I know that. Alam ko na hindi mo kayang gawin iyon. Don't cry, my Queen." Niyakap ko siya pabalik dahil sa lahat ng tao ay siya lang ang naniniwala sa akin. "Salamat! Ikaw lang ang naniniwala sa akin, Nex. Kahit Papa ko ay hindi naniniwala o kahit sino sa kanila sa school." Nung mga panahong iyon ay parang gusto ko ng mamatay nung panahong iyon pero iniisip ko na masama iyon di ko iyon tinuloy. "Lumutang na ang estudyanteng naglagay ng cellphone sa bag mo." Napatingin ako sa kanya at natauhan sa sinabi niya. "Ha? Paano nangyari yun at sino ang taong yun?" "I think di niya makayanan ang pagka guilty niya at sinabi niya ang lahat sa Dad niya at sinabi ng Dad niya sa Dean ninyo." Nanlaki ang mga mata ko. Umamin ang totoong kumuha ng cellphone? "S-Sino ang estudyanteng iyon?" "Ang may ari mismo ng cellphone na si Miss Katie Madrigal." Napatakip ako sa bibig ko. Siya ang kaibigan ko nun. Ang kaklaseng katabi ko ng upuan. Akala ko kaibigan ko siya pero bakit niya nagawa iyon sa akin? Nanghihina akong napasandal sa upuan at napatingin sa labas ng bintana. I think tapos na ang kaso at malinis na ang pangalan ko sa School na yun. Pero dhindi kailanman mabubura ang alaalang nangyari sa akin noon sa mga panahong binubully na nila ako at napunta na sa inalis nila ako sa School na iyon at muntik na din akong mapatay ng Madrasta ko nun at maski ang Papa ko. "Gusto mo bang bisitahin siya?" Tiningnan ko siya at tumango. Gusto ko na sabihin niya ang lahat sa akin kung bakit niya ginawa ang bagay na yun. Kung bakit niya ako inilagay sa ganung pwesto na kinasira ng kinabukasan ko. "Bukas ko siya pupuntahan. Gusto ko ipaliwanag niya ang lahat kung bakit niya ginawa ang ganung bagay sa akin." Tumango tango naman si Nex at ngayon nakaramdam ako ng kaligayahan sa puso ko at naramdaman ko na nabuntan ako ng tinik sa puso ko. At napansin ko na ang lahat ng problema ko isa isang nawala simula nung dumating si Nex. Siya ang lucky charm ng buhay ko. Nakarating kami sa mall at napansin ko na mukhang zombie town ang Mall dahil walang masyadong tao at ang nakikita ko lang ay puro Empleyado lang na todo ngiti habang naglalakad kami at binabati kaming dalawa ni Nex. Ang weird naman dahil todo sunod sila sa amin. "Nex, ngayon ko lang nakita na walang kustomer ngayon dito sa mall eh puno ito parati pag bumibisita ako noon dito." "Ewan, baka di trip ng mga kustomer ngayon na mamasyal." Napakunot ang noo ko. May ganun pala? "Choose whatever you like." Sayang yung pera kung marami akong ibibiling gamit. Nagsimula kami sa mga gamit ko sa dorm ko at mga kakailanganin ko doon at lalo na din ang school supplies ko doon. Maraming pinapasan ang mga sales lady at sales man sa likod namin at ang iba ay pina delivery na agad sa School. Marami na kaming nabili at si Nex lahat ang may kapakana nun. Napadaan kami sa Babies supplies at sobrang na kyutan ako sa mga damit ng babies dahil ang liliit. Napangiti ako habang nakahawak sa maliit na sapatos. "Maybe in our future babies babalik tayo dito." Nanlaki ang mga mata ko at agad napatingin kay Nex. Napatingin ako sa mga sumunod namin dahil sure akong narinig nila iyon. At nakita ko na umiwas sila ng nga tingin at ang iba ay kinikilig pa sa sinabi ni Nex. "Nex, ano ka ba. Hinaan mo naman ang boses mo. Nakakahiya sa kanila." "Why? Totoo naman ang sinabi ko at papunta naman tayo doon sa part na yun." Napatakip ako sa mukha ko sabay iwas ng tingin dahil ang pula pula ko na. Walang preno ang bibig niya! "Ewan ko sayo." Umalis na ako sa lugar na yun at lumakad palayo. Ewan ko sa kanya pero iisipin ko na siya ang magiging Husband ko. Nako ako ang pinaka swerteng babae sa boung mundo dahil gwapo, mayaman at hot si Nex. Teka anong sabi ko? Hot? Waaa kasalanan ito ni Nex! "My Queen, are you hungry?" Napansin ko kanina pa pala kami naglilibot at di ko napansin na nagugutom na din ako. Sanay na kasi akong nalilipasan ng gutom kaya di ko lang pinapansin. "Ayos lang nam---" Biglang tumunog ang tiyan ko na kinalaki ng mga mata ko dahil ang lakas ng tunog na yun. Bakit di nakikisama ang isang ito? "My Queen, I think you are." "Hey, di ako yun. Baka isa sa kanila ang tumunog ang tiyan." Tinuro mo ang mga Salesman sa likod ni Nex at mahina namang natawa si Nex at tumango tango. "Oh yeah, they are. So let's go dahil nagugutom na din ako." Tumango na lang ako at lumakad na kami papunta sa isang mamahaling restaurant. "Uhmm, Nex, ilang Zero na ba ang meron sa credit card ko?" Napakunot ang noo ni Nex dahil sa tanong ko na parang question mark pa siya nun. "What do you mean, my Queen?" "I mean ilan na lang naiwan sa pera ko." "Ah, marami ka pa namang pera." Nakarating kami sa isang mesa at inalalayan niya akong umupo bago siya at magkaharap kami at binigay na ng isang Waiter ang menu at nanlaki ang mga mata ko dahil sa presyo na pang mayaman. Nanlumo akong napalapag ang menu sa lamesa. "I want this, this and this." "How about drinks, Sire?" "Red wine." "How about you, Madame?" "Water na lang." Sabay silang napatingin sa akin at si Nex naman ay nakakunot ang noo. "My Queen, choose whatever you want." "Ang mamahal ng pagkain nila, Nex," mahinang ani ko. Napakunot ang noo ni Nex at agad siyang nagsalita. "Anniversary nila ngayon kaya libre ang pagkain nila ngayon. Am I right?" Napatingin si Nex sa waiter at agad naman itong napatango. "Absolutely, Sire." Napakagat ako sa labi ko dahil ang swerte atah namin na nakakain kami ng libre ngayon. "Sure?" "Yes, Madame." "O-Okey... I want this line." Nanlaki ang mga mata nila at maski si Nex at nagulat sa tinuro ko. "Makakaya mo ba yung maubos, my Queen?" "Yes, libre na ito kaya gora na sa libre." "That's all, Madame?" "Isali mo na din itong linyang ito na deserts." "Okey po." Yumuko naman ito sabay alis. Napangiti ako kay Nex na di pa din makapaniwala sa inorder ko. Di siguro siya maniniwala kung sasabihin ko na nanalo ako sa Eating contest noon. Nakakahiya kung sasabihin iyon sa kanya. Pero bahala na walang hiya hiya basta libre na ang pag uusapan. Kahit payat ako may kasabihan ako na Food is Life. Pero sanay din naman akong magutom pero Food is life talaga. ***** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD