Chapter 7

2600 Words
Haelyn POV* Hinatid ako ni Nex sa bahay ko at bubuksan ko sana ang pinto nang biglang pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak niya sa kamay ko na kinatingin ko sa kanya. "Wait a minute." Binitawan niya ang kamay ko at agad siyang bumaba at napahawak ako sa kamay ko na hinawakan niya at napatingin ako sa kanya at nanlaki ang mga mata ko dahil pumunta siya sa pintuan sa gilid ko at pinagbuksan niya ako ng pinto. Hala first time ko na may nagbukas sa akin ng pinto sa sasakyan! Bigla niyang inilahad ang kamay niya sa akin na kinatulala ko. "Nex." "Halika na." Tinanggap ko ang kamay niya at inalalayan niya akong lumabas at napakagat ako sa labi ko dahil ang sweet niya habang inaalayan niya ako. "Salamat." "No problem basta ikaw, Lyn." Nakangiting ani niya at tiningnan niya ako. Napatingin ako sa paligid at mukhang tulog na ang mga tao dito. Marites pa naman ang mga iyon. Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig ng hangin at naramdaman ko na ipinatong niya ang business suit niya sa akin. At agad kong naamoy ang mabangong amoy niya. Napatingin ako sa bahay namin at naalala ko na naman ang trauma ko sa bahay na yan. Napahawak ako sa polo na pinatong niya sa balikat ko. "Why, Lyn? May problema ba?" "Ha? Wala, umuwi ka na delikado pag gabi na at mukhang busy ka din bukas." Natigilan siya sa sinabi ko. "Kasasabi mo pa lang na delikado na sa daan. Uhmm pwede bang dito muna ako makikitulog? Ayos lang sa akin kung sa sofa lang ako." Napakagat ako sa labi ko kasi nahihiya pa din ako kahit nagkatabi na kaming natulog nung isang gabi at muntik nang may nangyari sa amin. Pero may tiwala ako sa kanya. Wala naman sigurong problema kung dito siya matutulog. At mukhang mawawala ang phobia ko pag nandito siya sa tabi ko. Pero baka... "Oh sige." Natigilan ako sa sinabi ko. Teka nasabi ko yun? Teka nasaan na ang pagka dalagang pilipina mo niyan, Haelyn! "Oh, really? It's good to hear that." Kinuha niya ang bring home namin kanina na kinain namin at lumakad na kami papasok sa bahay. Natigilan pa ako dahil nasa isipan ko na naman na baka sasalubungin na naman ako ng Madrasta ko ng lumilipad na tsinelas. "Lyn." Napatingin ako sa kanya at nakita ko na nag aalala siya habang nakatingin sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko na kinatingin ko sa mga mata niya at mas lalong nagulat ako sa ginawa niya. "Wag ka ng matakot. Wala na sila sa bahay na ito." Tama siya wala na dito ang mga magulang ko na walang araw na mananakit at magkakapasa pa ako. Tumango tango ako at naramdaman ko na ligtas ako sa tabi niya. Pero ayokong umasa dahil baka makakita pa siya ng babaeng nababagay sa kanya. Wala pa akong lakas ng loob. Gusto ko siya pero baka di pa sure ang puso niya. "B-Bubuksan ko muna ang pinto." "Go ahead." Agad kong kinuha ang susi at binuksan ko ang pinto at pumasok kami at natigilan ako sa nakikita ko sa boung bahay namin. "Lyn." Parang dinaanan ng bagyo. Nagkalat ang mga gamit at ang ibig sabihin nun ay ninakawan ako. "Teka ang kwarto ko." Agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko at nakasunod lang si Nex sa akin at napatingin agad ako sa kwarto ko na basement at mabuti di nabuksan dahil baka ang akala nila na puro lumang gamit lang ang meron sa basement. Nakahinga naman ako ng maluwag at napasandal sa dingding. Akala ko kinuha na nila ang ipon ko at baka makuha nila ang natitirang gamit ko. Pero ang kwarto nila Papa nung pinuntahan namin ay parang dinaanan din ng bagyo. "Mukhang kinuha ang mga alahas ng Madrasta ko at gamit din ni Papa." "May sulat na iniwan ang magnanakaw, Lyn." Agad ko naman iyong kinuha at binasa ko iyon. 'Hindi pa ito sapat para kabayaran ng lahat ng utang ng pamilya mo kaya babalik kami at susunod bahay mo naman ang kukunin namin.' Namutla ako at nanghina akong napaupo sa higaan nila Papa. "Lyn," agad ma tawag ni Nex sa akin at niyakap niya ako. "Babalikan nila ang bahay ni Mama. Ayokong makuha nila ang bahay ni Mama dahil sa utang lang ng Papa ko at Kabit niya." Di ko na mapigilan ang sarili ko na maiyak dahil sa mangyayari ngayon na isang iglap mawala ang bahay ni Mama ko. "Hush, di ko hahayaang mangyari iyon. Poprotektahan natin ang bahay ng Mama mo." Mas lalo akong napaiyak at mas lalo niya akong niyakap hanggang sa tumahan na ako. "By the way, delikado ngayon dito sa bahay mo baka balikan ka ng mga iyon. Doon ka muna tumira sa bahay ko. Malapit naman ang pasukan at lilipat ka din sa Dorm ng school na papasukan mo." Naintindihan ko siya at tiningnan ko siya. "Please, tulungan mo kong protektahan ang bahay ng Mama ko." "I will kung yan ang gusto mo." "Sa bahay ka muna matulog. Magpapadala ako ng mga tauhan ko dito para maglinis at magbantay at sa gamit mo naman ay ipapadala ko na lang sa mansion." "Thank you so much, Nex." "Paano na lang kung umuwi ako kanina." Hinawakan niya ang kamay ko. Oo nga paano na lang kung yun ang mangyayari. Baka makita ko pa ang magnanakaw sa bahay namin pag nagkataon. "So let's go?" Tumango na lang ako at lumakad kami. At pumunta muna ako sa kwarto ko at kinuha ko ang ilang gamit ko para may masout ako doon na pangtulog. "Dito ka natutulog?" Natigilan ako at dahan dahan na tumango. "Naalala ko noon na may kwarto ka sa taas. Bakit dito ka sa maliit na basement natutulog? Anong nangyari sa kwarto mo?" "Ah dito talaga ang totoong kwarto ko pero pag may mga tao doon sa taas ako pinapatulog. At ang kwartong yun ay ang dressing room ng madrasta ko." Nakita ko ang gulat sa mga mata niya na hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig na katotohanan. "Hindi ko hahayaan na mangyari ulit sayo ang mga nangyari sayo noon, Lyn." Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Agad naman akong napailing at ngumiti. "Nadaanan ko nga ang lahat ng iyon pero nakayanan ko naman at ang ibig sabihin lang nun ay malakas ako." "Yeah, you're right. You're a fighter." Napangiti ako. Laking pasasalamat ko na nandito siya ngayon sa tabi ko at di niya ako pinabayaan ngayong mga panahon na nag iisa na ako. "Can I hug you?" Nagulat ako sa tanong niya. Teka kanina pa niya akong niyayakap ha ngayon pa siya natatanong kung pwede ba niya akong yakapin. Nakikita ko sa mga mata niya na gustong gusto niya talaga akong mayakap. Tumango na lang ako at lumapit siya sa akin at niyakap niya ako at naramdaman ko agad ang hininga niya sa leeg ko. "I feel calm when I touch and hug you, Lyn." Namula naman ako at mabuti nakatago ang mukha ko sa balikat niya. "Wala namang masama kung yakapin mo ako. Kaya feel free to hug me. Kung may problema ka din o pagod ka sa trabaho mo ay feel free to hug me." Naramdaman ko na mas lalo niya akong niyakap. "Okey, I will do that. Thank you. my Lyn." Nasa sasakyan na kami at papunta na kami sa mansion niya. Napapikit ako dahil pakiramdam ko na makakapag pahinga na ako ng maayos dahil sa loob ng ilang taon na paghihirap ko ay di pa ako nakakapag pahinga ng maayos. Habang nakapikit ako ay inaalala ko ang lahat na kasama ko sila Papa at ang Madrasta ko. Binubugbug ako ng Madrasta ko habang si Papa naman ay nakatingin lang sa akin wala lang pake alam. Iyak ako ng iyak hanggang sa biglang may yumakap sa akin at nanlaki ang mga mata ko dahil nakita ko ang Mom ko na nakayakap sa akin. Alam ko ang itsura ng Mom ko dahil sa litrato na binigay sa akin ng Lolo at Lola ko noon na mga magulang ni Papa. Pero maaga silang namaalam sa amin sila lang sana ang nakakaintindi sa akin. "Mom." Mas lalo akong naiyak at mukhang wala na sila Papa at yung Madrasta ko at kami na lang dalawa ni Mom ang nandidito ngayon. "My lovely Haelyn, don't cry." "Mom, sama na lang po ako sa inyo. Di naman ako mahal ni Papa." Tiningnan ko ang napakagandang mukha ng Mom ko. "Haelyn, ang lahat ay may dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. May mga bagong makikilala ka at magsisimula na din ang bagong buhay mo sa kamay ng isang lalaking matagal mo ng mahal." Naguguluhan ako kung sino ang sinasabi niya. Naramdaman ko na hinalikan niya ako sa noo na kinapikit ko. "May kasabihan na papunta ka pa sa exciting part ng buhay mo. And always remember you deserve happiness, my Haelyn." Dahan dahan na bumitaw ang Mom ko sa akin na kinalaki ng mga mata ko. "Mom, teka wag mo kong iwan." "Be happy, Haelyn, my Baby." "Mom!" Napamulat ako at agad ako habang hinihingal at naramdaman ko ang luha sa mga mata ko. "Lyn, nananaginip ka lang," tawag sa akin ni Nex at nasa tabi ko pala siya at agad ko siyang niyakap. Hinaplos niya ang buhok ko habang ako ay umiiyak pa din. "Mom... I miss my Mom, Nex." "Yeah, I know, I know." Nananatili lang akong nakayakap sa kanya. Ayokong umalis sa bisig niya. Hanggang sa tuluyan na akong makatulog habang nakakapit ako sa kanya. Nex POV* Nakatingin ako kay Lyn na natutulog sa higaan niya. Hinaplos ko ang buhok niya at nakita ko na kumalma ang mukha niya na kinahinga ko ng maluwag at bigla niyang hinawakan ang kamay ko at inilapit niya sa pisngi niya at parang niyakap niya iyon. Para siyang pusa sa ginagawa niya and it's adorable. Madami nang pinagdaanan ang babaeng mahal ko pero ngayon bumalik na ako di ko na hahayaang mangyari ulit iyon sa kanya. "Lyn, nandito na ako sa tabi mo kaya wag ka ng mag aalala sa lahat ng problemang dumaan sa buhay mo dahil kahit anong gawin nila ay di ka na nila masasaktan." "Nex, magapahinga ka na." Nakita ko na parang nasa malalim na tulog pa din siya at napangiti na lang ako. Kahit tulog siya ay ako pa din ang iniisip niya. "Simula bukas magbabago na ang buhay mo, my little Kitty." Kinabukasan... Haelyn POV* Dahan dahan akong gumalaw habang nakapikit at naramdaman ko na ang sarap talaga ng tulog ko lalo na't may kayakap akong unan na malaki. Masa lalo ko pa siyang niyakap dahil kaamoy niya pa si Nex. Gising na ako pero pikit pa din ang mga mata ko kaya dahan dahan akong nagmulat at nanlaki ang mga mata ko dahil sa nasaksihan ko ngayon. Nasa tabi ko siya at siya ang unan na kayakap ko! Napapikit ulit ako. Inalala ko ang lahat ng nangyari kahapon at naalala ko na pinasukan ng magnanakaw ang bahay namin at sinama ako ni Nex pauwi at nakatulog ako sa bisig niya. Teka bakit ako nakatulog sa bisig niya? Dahan dahan akong napamulat at nanlaki ang mga mata ko dahil yakap yakap ko si Nex at nakaharap siya ngayon sa leeg ko at ramdam ko ang hininga niya doon na kina pula ng mukha ko. Naramdam ko na yakap yakap din niya ako at kaharap ko ngayon ang malambot niyang buhok at ang bango nun. Dahan dahan kong hinaplos iyon at ang lambot nga nun. Naramdaman ko na gumalaw siya at umungol ng mahina na kinapula ng mukha ko. Napatingin ako sa orasan at 8am na. "Nex, gising na. 8am na baka late ka na sa trabaho mo." "Extend 10 minutes." Napakunot ang noo ko. Dahil anong akala niya ngayon internet cafe? Biglang tumunog ang tiyan ko na kinalaki ng mga mata ko. Gosh! Nakakahiya! Biglang napatingin si Nex sa akin at bigla siyang napangiti. Teka yun ang naging alarm clock niya! "Lyn, bakit di mo sinabi sa akin na gutom ka na?" "D-Di ako yun. Wag kang mambintang baka ikaw yun." "Am I?" Natawa naman siya at umupo sa higaan at ako ay nakatakip sa mukha dahil sa kahihiyan. Pero naalala ko bakit kami nagkatabi? "Teka, Nex, bakit tayo magkatabi sa higaan?" "Ah, about that hinawakan mo kasi ang kamay ko kahapon at di mo binitawan kaya tumabi na lang ako at malayo ako sayo nun at kamay ko lang ang hawak mo pero di ko sinasadya na yakapin ka." "Me too, di ko alam." Tumango tango naman siya bago ngumiti. "Okey, tayo na baka nakahanda na ang almusal sa baba." Tumango naman ako at inalalayan niya akong tumayo at bumaba siya sa higaan at may inayos siya sa baba ng higaan at pagtingin ko ay malambot na tsinelas pala yun na pang indoor. At meron din siyang sa kanya at namula ang mukha ko dahil couple slippers pa kami. Lumakad kami at nakasunod lang ako sa kanya hanggang makarating na kami sa hapagkainan at nanlaki ang mga mata ko sa pagkaing nakalatag sa mesa. Sa fiesta lang ako nakakita ng ganitong handaan at hindi sa almusal lang. "Nex, may party ba ngayon?" Natawa na naman siya at napahawak pa sa tiyan niya. Hala nakakatawa ba ang tanong ko? "Nah, a normal breakfast. Have a sit." Hinawakan niya ang upuan at umupo naman ako doon at inayos naman niya agad at umupo din siya sa upuan niya. Feeling mo para kang Emperor at Empress pag naka upo ka dito dahil ang lambot din ng upuan at may mga katulong pa na nakalinya sa gilid. Nilagyan ni Nex ng pagkain ang plato ko na kinatingin ko sa kanya. Mukhang nag eenjoy pa nga siya sa ginagawa niya at pagtingin ko sa mga katulong ay gulat sila na makita na si Nex ay nilalagyan ako ng pagkain. "Thank you, Nex." "You're always welcome. Kung kulang pa yan kumain ka pa." Nahihiyang tumango naman ako at napatingin ako sa kutsara at tinidor at may maliit na kutsilyo din doon. Ano ba ang gagamitin ko dito? Yung normal na ginagamit sa pagkain. Biglang tumayo si Nex at kinuha ang kutsara at tinidor at binigay sa akin. Ah yun pala yun? "Thank you." Ngumiti lang siya at umupo ulit sa upuan niya. "Mamaya ay pupunta tayo sa mall para makabili ka ng mga kailangan mo doon sa Dorm mo and also school supplies." "Eh?" Teka di pa malaki ang ipon ko at di ko din tatanggapin ang pera ni Nex. Marami na siyang naitulong sa akin. "Tungkol sa pera na gagastusin natin ay nagbigay ang University ng pera para pambili mo ng gamit." Tumingin siya sa isang katulong at lumapit ang katulong sa akin at pinakita ang isang papel na nagbigay ito ng pera sa akin. "For your first money, you get 500k para makabili ka ng lahat ng gusto mong gamit na ilalagay sa dorm mo and also school supplies." Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa nakikita ko. "Waa, ganito ba talaga kalaki ang binigay nila?" "Yup, and here's your credit card. Diyan inilalagay ang lahat ng baon at binibigay na pera ng school sayo. At kahit saan pwede kang mag withdraw at ang password ay ang kaarawan mo syempre." "Thank you so much, Nex." "Wala naman akong ginawa at pinabibigay lang yan sayo ng school." "Hindi doon. Ikaw ang nagpapasok sa akin sa school na yun kaya laki ang pasasalamat ko sayo." Napaiyak tuloy ako at tumayo siya at niyakap ako. "Anything for your happiness, my Lyn. I'll do anything for you." ***** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD