Haelyn POV*
Nakarating kami sa isang magandang restaurant. Napalunok ako at napakapit din ako sa seatbelt ko. Mukhang pang canteen lang kasi ang pera ko hindi sa pang mamahaling restaurant. My God mukhang mauubos ang pera ko nito kung di ko sasabihin sa kanya pero nakakahiya. Waaa kailangan kong sabihin sa kanya ang katotohanan. Wala ng hiya hiya pa!
"Lyn, may problema ba?"
Parang nakakita ako ng multo nung napatingin ako sa kanya at kasabay pa ng napalunok. Kaya ko ito! Kaya kong sabihin sa kanya na wala akong pera na hindi ako katulad niya na mayaman.
"Nex, mukhang gusto kong kumain sa fast food?"
Napakunot ang noo ni Nex dahil sa sinabi ko. Kailangan ko na siyang sabihan bago kami makakain dito sa restaurant sa harapan namin. Tanging one hundred lang ang pera ko dito. Nasa mga 4k lang ang naipon ko at mukhang kakasyahin ko iyon at kailangan kong maghanap ng trabaho para lumaki din itong ipon ko.
"Okey, kung yan ang gusto mo. Wala namang problema sa akin. I'm sorry di ko natanong sayo kung saan mo gusto kumain."
"Ayos lang. Wag kang mag sorry ako nga dapat ang magsorry eh."
"Nah, by the way saan mo gusto kumain?"
"Fastfood."
"Okey."
Mabuti naintindihan ako ni Nex at inatras na niya ang sasakyan niya at nakahinga naman ako ng maluwag at tumingin sa kanya sabay ngiti.
"Thank you."
"No problem, go ako kung saan mo gustong kumain."
Ngumiti ako at tumango tango.
Nakarating kami sa fastfood at mabuti walang masyadong tao dito at naglinya na kami dahil may dalawang tao na nauna sa amin sa linya at pinili ko sa isipan ko ay yung fried chicken lang dahil 99 pesos lang iyon dito sa Wowebee.
"Anong kakainin mo?"
Napatingin ako kay Nex at tinuro ang fried chicken.
"Yung C2 na 99 lang."
"And..."
Napatingin ako sa kanya.
"Yun lang."
"Hindi ka mabubusog niyan."
"Madali lang akong mabusog, promise."
"Hmm."
Mabuti naintindihan niya ako. Madali lang naman kasing kausap si Nex at wala na siyang madaming tanong. Hanggang kami na ang nasa harapan ng Cashier.
"I want that, that, that, and that. Tig dadalawa."
Natigilan ako sa sinabi niya. Teka mauubos niya ang lahat ng iyon? At puro yun big meal ang pinili niya.
"Nex, mauubos mo ba ang lahat ng yan?"
Di siya nagsalita at ngumiti lang sa akin na kinapout ko at kumuha na lang ako ng one hundred sa bulsa ko at inilahad ko sa kanya.
"Nex, ito bayad ko sa inorder ko."
Napatingin si Nex sa akin at agad umiling. Teka di niya tatanggapin?
"Nah, Ako na ang babayad."
"Eh? Nex, babayaran ko ang inorder ko."
Hinawakan niya ang kamay ko na may hawak na pera.
"Lagay mo na yan sa bulsa mo. Treat ko yan sayo ngayon kaya pag bigyan mo na ako."
Napabuntong hininga ako at tumango. At inilagay ko na lang sa bulsa ang one hundred pesos ko at hinawakan niya ang kamay ko nung nakuha na niya ang number namin na kinapula ko dahil may mga tao pa din na nakatingin sa amin.
Naramdaman ko ang kamay niya na sobrang lambot at di ito katulad sa akon na parang magaspang na ewan. Nahiya naman ang kamay ko sa kanya pero hindi! Hinawakan niya ang kamay ko!
Naramdaman ko ang mga mata ng mga tao sa paligid na mas lalo kong kinahiya.
"Nex," mahinang tawag ko sa kanya at napatingin siya sa akin.
"Hmm?"
Ngumuso ako sa kamay namin na kinatingin din niya doon at natawa siya ng mahina at mas lalong ininterwise pa niya ang kamay namin na kinainit ng mukha ko at ang mas malala ay hinalikan niya ang likod ng palad ko at akmang babawiin ko yun pero hindi agad iyon natatanggal agad dahil mahigpit ang hawak niya.
Ang resulta ay wala akong nagawa at umupo kami sa parang sofa na upuan sa pinakadulo at mabuti parang kulong kami dito at wala din kaming katabi sa gilid.
Magkatabi kami ni Nex at nakatalikod kami sa maraming tao at nakahawak pa din siya sa kamay ko.
"Can I rest my head in your shoulder?"
Napatingin ako sa kanya at nahihiyang tumango at sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko habang hinihintay namin ang order namin. Agad na naamoy ko ang mabangong buhok niya na mas lalong nakakaatract niya sa akin.
Nakikita ko na mukhang pagod na pagod siya sa nangyayari ngayon. Ano kaya ang ginawa niya boung araw. Bigatin na siya ngayon kaya sigurado bigatin din ang problema niya.
Kailangan kong makahanap ng topic ngayon.
"Nex, kumusta ang trabaho mo? Mukhang pagod na pagod ka kasi ngayong araw."
Napatingin ako sa kamay namin dahil pinaglalaruan niya ang mga daliri ko.
"I'm super tired pero nawala ang lahat ng yun dahil nandito ka na sa tabi ko at nakita na kita. I think ikaw lang ang maka charge sa akin."
Naramdaman ko na niyakap niya ang braso ko.
"I love your smell. Ito na atah ang bagong kina addict ko na amoy ngayon."
Nanlaki ang mga mata ko dahil kakagaling ko lang sa lakaran pauwi ng bahay at sigurado akong amoy pawis pa ako. Waaa nakakahiya!
Tiningnan ko siya at natigilan ako dahil nakatingin pala siya sa akin at malapit nang magkadikit ang labi namin at mukhang inamoy niya ang leeg ko kaya ganito na ang position namin.
Dahan dahan na lumalapit ang labi niya sa akin at tiningnan ko ang mga mata niya na ang gaganda nun nang biglang naramdaman ko na may paparating kaya napalayo ako sa kanya.
"Here's your order, Ma'am and Sir. Enjoy."
Namula ako at napakagat ako sa labi ko. Muntik na kaming nahuli. Ano ba yan. Teka nasaan na ang pagkadalagang pilipina mo, Haelyn!
Mahinang natawa naman si Nex dahil sa nangyari at napakagat lang ako sa labi ko dahil sa kahihiyan at natulak ko pa siya kanina!
Inayos niya ang pagkain sa lamesa at ang lahat ng inorder niya kanina ay may sa akin din pala. Kaya pala dinalawa niya every food.
"Nex, di ko mauubos ito."
Umiling naman siya at tumingin sa akin at hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan niya ang likod ng palad ko.
"Kumain ka para magkalaman ka naman."
Napapout ako at kinuha ang kutsara at tinidor at dahan dahan na kumain.
Napatingin ako sa gilid at may uupo sana doon nang biglang namutla ng di ko nalalaman at nakatingin pala si Nex doon.
"Mukhang maganda yung pwesto doon," ani nung lalaki sa kasintahan niya.
"Oo nga."
At umalis na sila na kinakunot ng noo ko.
"Anyare dun?"
"I don't know."
Tiningnan ko ang mukha ni Nex di naman nakakatakot ang mukha niya. Baka guni guni ko lang yun.
"By the way tungkol sa papasukan mong school may irerefer ako sayo."
Napatingin ako sa kanya. May school siyang nakita?
"Baka mahal."
"Nah, scholar ka doon at wag kang mag aalala dahil wala kang babayaran kahit piso, libre ang pagkain sa canteen, libre ang uniform, at may matitirhan ka din doon kung gusto mong tumira doon imbes sa bahay mo at may Monthly Baon ka din doon dahil scholar ka nga."
Natigilan ako dahil gusto ko ngang umalis muna sa bahay na iyon may plano din kasi ako na renovate ko yun para di ko maalala ang lugar kung saan ako suki sa bugbug. At di ako makapaniwala na may mothly baon din ako doon!"
"Okey, doon ako. Mukhang ang swerte ko doon."
"About sa requirements mo--"
Naalala ko di ko pa pala nakuha sa school kasi linggo ngayon.
"Sa susunod na araw ko na ibibigay iyon."
"No need. Ako na ang bahala doon at bukas ipapadala na sa bagong school na papasukan mo ang mga papeles mo."
Teka alam niya na di ko pa nakukuha ang papeles ko?
"Wag kang mag aalala dahil ang kailangan mo lang gawin ay pumasok at mag aral lang. Yun lang."
Nahihiya naman akong tumango.
"Wag kang mag aalala once ma successful na ako ay ibabalik ko ang lahat ng naitulong mo sa akin."
"Nah, no need to do that. As I promise before I'll do anything to make you happy."
Nakalimutan ko na ang pinangako niya noon na akala ko di na natutupad pero siya malinaw pa sa kanya ang pinangako niya na di niya kailanman nakakalimutan.
Nex POV*
Flashback, bago sila nagkita ni Lyn at nag dinner Date.
Nasa opisina ako ngayon at busy ako ngayong araw. Gusto ko ng makita si Lyn pero di pa pwede at kailangan ko pang trabahuin ito para wala na akong problema mamaya.
"Sir," ani ng Secretary ko.
"Nagawa mo na ba ang pinagagawa ko?"
"Yes po, naakusahan noon sa kaso si Miss Lyn sa pagnanakaw ng cellphone kaya siya kinick out sa school niya noon at isang taon na di nag aral at ayon sa info na nakuha ko di pa niya nakuha ang mga papeles niya."
Napaisip naman ako. Pagnanakaw?
"Tell that school na ipa transfer sa bagong school ang mga papeles niya at about sa pagnanakaw ay imbestigahan mo para malinis ang pangalan niya at managot ang dapat managot sa may gawa nun kay Lyn."
"I understand, Sir."
"You may go now."
Tumango na ako at napakamao.
Bakit nila ginagawa ang lahat ng ito kay Lyn? Bakit ganun na lang ang kamalasang dumaan sa buhay niya? Mukhang kailangan kong malaman ang pinagmulan ng lahat ng ito at kung sino ang may kagagawan ng lahat ng ito.
Napag pasyahan ko pagkatapos ko sa Kompanya ay dumiretso ako sa kulungan dahil nagpapatuloy pa din ang kaso sa mga magulang ni Lyn.
Nakaupo ako ngayon at hinihintay sila na dumating.
At nakita ko ang dalawa na nahihiyang tumingin sa akin. Naaalala ko pa silang dalawa. Noon sinusundan ko si Lyn na umuuwi at sumisilip ako sa bintana niya at grabe ang p*******t at pang iinsulto ang ginawa nila kay Haelyn at ngayon nakaharap ko ulit silang dalawa.
"M-Mr. Phoenix Thombson?" ani ng Madrasta ni Lyn.
Nakatingin lang ako sa kanila nang biglang lumuhod ang Madrasta ni Lyn sa akin.
"Magbabago na kami. Palabasin niyo na kami dito."
Tiningnan ko ang Ama ni Lyn na tahimik lang.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Gusto ko lang malaman kung bakit ganun na lang ang trato niyo kay Haelyn. Lalo ka na. Ama ka niya bakit ganun ang trato mo sa nag iisang anak mo."
Napaiwas naman siya ng tingin at di nagsalita.
"Nakikita ko na mahal na mahal ka ni Lyn bilang Ama niya pero anong ginawa mo? Dahil sa babaeng ito binago mo ang relasyon mo sa anak mo?"
Napatingin siya sa akin.
"What?"
"Anong alam mo? Bakit matagal mo na bang kilala ang anak namin? Wag kang mag salita ng ganyan hindi mo kami kilala. At mukhang bago ka lang kaibigan ni Lyn. Wag kang maniwala sa pinagsasabi ng batang iyon."
Natawa ako sa sinabi ng Madrasta ni Lyn. Lalo na itong babaeng ito.
"Mukhang di niyo na nga ako nakikilala. Pwes ipapaalala ko sa inyo."
Flashback...
Sinama ako ni Lyn sa bahay nila para painumin ako ng tubig dahil uhaw na uhaw na ako nun. Tumatakas ako nun sa mansion namin para makita si Lyn at di ko alam kung bakit habang tumatagal ay mas lalo kaming naging close sa isa't isa.
Nang biglang bumukas ang pinto at nakita ko ang mga magulang ni Lyn at nakita ko na namutla si Lyn at agad niya akong itinago sa likod ko.
"Ano yan? Sino yan!"
"K-Kaibigan ko po, Pa."
"Nagdadala ka ng lalaki sa pamamahay ko!"
Biglang sinampal ng Ama ni Lyn ang pisngi ni Lyn at malakas iyon na kina tumba niya sa sahig.
"Lyn!"
Inalalayan ko siya at masamang tumingin sa mga magulang niya. Di pa ito ang unang kita ko dahil patagong tinitingnan ko si Lyn at ganun talaga ang ginagawa ng magulang niya sa kanya.
"Ikaw umalis ka dito!"
"Umalis ka na, Nex, baka masaktan ka ni Papa."
"No, Lyn."
"Please."
"Umalis ka dito at wag kang magpapakita sa anak namin!"
Binalibag nila ako palabas ng bahay nila at nagkasugat pa ako sa tuhod ko nun.
"Lyn!"
Malakas kong kinatok ang pinto at di nga nila ako pinansin at naririnig ko ang iyak ni Lyn dahil sa palo sa kanya ng Madrasta niya.
Napakamao ako nun dahil wala akong magawa at iniisip ko na balang araw itatakas kita sa demonyong bahay na yan.
End of flashback...
"I'm that Boy, the one you throw that day. Ako yung nakita niyo kasama si Lyn sa loob ng bahay ninyo. Naalala niyo pa ba ako?"
Nagulat silang dalawa sa sinabi ko at nagkatitigan pa sila.
"H-Hindi..."
"Nakita ko ang lahat ng panggugulpi ninyo kay Haelyn kaya ngayon di ko hahayaang mangyari ulit iyon sa kanya. Tandaan niyo yan. Pasalamat kayo mahal kayo ni Haelyn kung hindi wala na kayo sa mundong ito."
Nakita ko na namutla sila sa sinabi ko at agad nagmakaawa siya sa akin sabay yuko ang Madrasta ni Lyn pero di ko siya pinansin at tumayo ako at may mga lumapit na jail guard at hinawakan ang Madrasta ni Lyn.
"Patawarin niyo kami di na namin uulitin. Please!"
Umalis na ako sa lugar na iyon at dumiretso na sa bahay ni Lyn pero wala siya doon.
"Lyn, nandito ka ba?"
Pero wala pa ding sumagot kaya agad ko siyang tinawagan at wala nga siya sa bahay niya kaya yun nga ang nangyari bago kami napunta sa Fast food.
Nakatingin ako sa kanya na sarap na sarap na sa pagkain. Napangiti ako dahil mukhang nagustuhan niya ang inorder ko.
"Eat all you can. Kung kulang pa yan sayo sabihin mo lang sa akin."
"Ayos na sa akin toh."
Ang cute niya talaga at kinuha ko ang tissue at pinunasan ang labi niya.
Biglang may tumawag sa cellphone ko kaya agad ko iyong sinagot.
"Yes?"
"Sir, tapos na po ang pag enroll ni Miss Haelyn sa School po ninyo."
Napangiti ako at tumango tango.
"Okey, good job."
Binaba ko na ang tawag at tumingin sa kanya at mas lalong napangiti ako habang tinitingnan siya.
I really love this girl.
*****
LMCD22