Chapter 5

2407 Words
Haelyn POV* Hinatid ako ni Nex dito sa bahay namin at tiningnan ko ang boung bahay ko. Akala ko hindi na ako makakabalik dito. At kailangan kong tapusin ang pag aaral ko para may kinabukasan din ako. "Lyn, may kailangan ka ba dito sa bahay mo o gamit mo sa school?" Naalala ko sinabi ko sa kanya na gusto ko ulit ipagpatuloy ang pag aaral ko kaya alam niya na mag aaral ako. Mabuti pa siya dahil tapos na siyang mag aral at may magandang trabaho na. Agad akong umiling dahil sobra sobra na ang ginawa at binigay niya sa akin dahil sigurado akong hindi ko na talaga iyon mababayaran. "Wala na. Ayos lang ako, Nex. Don't worry about me." Tiningnan niya ako na parang binabasa ako kaya umiwas ako ng tingin. Bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan niya ang kamay ko na kinatingin ko sa kanya. Mabuti nandito kami sa loob ng bahay at wala sa labas dahil sigurado akong maraming chismosa na makikichismis sa buhay ko. Alam nila ang boung buhay ko kaya di na ako magtataka kung pati ang Ending alam na din nila. "If you need anything wag kang mahiyang sabihin sa akin, okey?" Pinat niya ang ulo ko at sabay ngiti. Bakit ang gwapo na niya? Noon pa man gwapo din naman siya pero bakit mas lalo siyang gumwapo ngayon? "Nakahanap ka na ba ng papasukan mong school?" Napatingin ako sa kanya at tumango. Na kick out kasi ako sa dating pinapasukan ko dahil napag bintangan ako doong kumuha ng cellphone at di ko naman iyon ginawa at dahil sa paratang na iyon ay kinahinto ko sa pag aaral. Gusto kong makatapos, gusto kong maipakita kay Nex na kaya ko ding tumayo sa sariling mga paa ko. "Kinuha mo na ba ang mga papeles mo?" Tumango ulit ako pero sa totoo lang ay nandoon pa sa school kung saan ako nag aaral noon. Kailangan kong makuha ang papeles ko para mapatuloy ko ang pag aaral ko para makatrabaho na ako. Tiningnan niya ako sa mga mata ko at ako naman ang di talaga makatingin sa mga mata niya. "Mamayang gabi bibisitahin ulit kita. Kung wala lang sanang meeting ngayon boung araw kitang kasama ngayon." Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan niya ang likod ng palad ko na kinagat ko sa labi ko. Ang sweet niya. Siya lang ang nagparamdam sa akin na ganung pakiramdam. Gusto kong angkinin siya, yung angkin na ako lang ang nag iisang babae sa buhay niya kaya gagawin ko ang lahat maging successful ako sa buhay ko. I want him mine pero di ko alam kung saan ako magsisimula. Pero mukhang hindi muna ngayon. "Unahin mo ang meeting mo. Importante iyon, Nex." Nahihiya na ako sa kanya dahil ang dami na ng tinulong niya sa akin ay di sapat ang presensya ko kabayaran ng lahat ng iyon. Napabuntong hininga siya habang nakatingin sa mga kamay naming nakahawak. "Okey, kung yan ang gusto mo, Lyn. Don't worry babalik agad ako mamaya. Maaga kong tatapusin ang trabaho ko para maaga kitang makasama." Nakita ko na nakangiti siya habang nakatingin sa akin at uminit naman ang mukha ko at tumango tango na lang ako at nagulat ako dahil niyakap niya ako bigla. "Don't worry, dahan dahanin ko ang lahat. Alam ko na di ka pa ready sa relationship at hihintayin ko ang approval mo. Maghihintay ako at palagi mong tatandaan na ikaw lang ang babaeng nasa puso ko noon pa man." Tiningnan ko siya at dahan dahan na tumango na kinangiti niya. Bakit ang gwapo niya pag ngumingiti? "Sige, una na ako." Tumango ako at tumalikod na siya at lumakad na palabas ng bahay ko at tiningan ko siya sa may pinto at nakasakay na siya sa sasakyan at nagpaalam na siya sa akin. Bago umalis at sinirado ko ang pintuan at napabuntong hininga. Kailangan kong magawan ng paraan ang mga requirements ko ngayon dahil next week na ang pasukan. Pumasok ako sa kwarto ko at natigilan ako at nanginginig ang katawan ko dahil pakiramdam ko lahat ng parte ng bahay ay lalabas sila Papa at yung kabit niya at bigla na lang nila akong sasaktan at ang mas malala ay baka tuluyan na nila akong mabenta sa matandang iyon. Agad akong umupo sa higaan ko sa sahig at napayakap ako sa unan ko at umupo sa pinaka gilid. Masasanay din ako sa ganito. Wala na sila Papa at nasa kulungan na at nag iisa na ako ngayon dito at wala ng mananakit sa akin. Nakikita ko na nanginginig ang katawan ko dahil sa mga nangyayari sa akin noon. Mukhang pag nandito ako sa bahay ko parang bumabalik ang lahat. Bumalik ang lahat sa isipan ko ang mga ginawa nila sa akin noon. Flashback... "Ikaw, wala ka talagang kwenta!" Di ako makahinga dahil sinasakal ako sa leeg ng Madrasta ko na galit na galit at ako naman ay umiiyak habang nakahawak sa kamay niya na sumasakal sa leeg ko. Nabasag ko kasi ang make up kit niya na kinagalit niya at di ko iyon sinasadya dahil natabig ko lang yun habang naglilinis. "D-Di po ako makahinga! Di ko po iyon sinasadya po!" "Alam mo ba ang kasalanan mo! Ha!" "Opo, alam ko po. Patawad po! Mag iingat na po ang sa susunod!" Habang sinasakal niya ako ay pinagsasampal sampal niya pa ako ng malakas at malakas akong binalibag sa sahig. "Bakit ka pa binuhay ng walang kwenta mong Ina? Sana ay sumabay ka na lang sa kanya at namatay na lang kayong dalawa. Bakit di ka pa sumabay sa kanya!" Mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi niya. Nasasaktan ako dahil dinadamay na naman niya si Mama. "Wag mong sabihan ng ganyan si Mama! Ayos lang sa akin na saktan mo pero wag mong dinamay damay ang Mama ko!" "Magsasalita ka pa? Ha!" Kinuha niya ang kahoy na upuan at yun sana ang ipapalo sa ulo ko nang biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Papa na nakatingin sa akin at napakunot ang noo niya. "Anong nangyayari dito?" Agad binaba nito ang upuang hawak. "Papa, tulungan niyo po ako. Ang sakit po." "Binasag niya ang make up set ko. At dinidisiplina ko lang siya." Napatingin si Papa sa akin habang ako ay dahan dahan na lumalapit sa kanya dahil sa panghihina at kasabay na ang paghihingal. Please, Papa. Iligtas mo naman ako dahil anak mo naman ako. Pero nakikita ko na wala siyang reaksyon sa mga mata niya. "Linisin mo yang ginawa mo. Ayoko ng makalat." Nakita ko na tumalikod siya at lumabas ng pintuan at nanghihina akong napayuko. "Linisin mo yan." At umalis na din ang Madrasta ko. At sa kahulihan ay hindi pa din niya ako kinampihan. Kahit na siguro patayin niya ako ay wala siyang pake sa akin. Umasa pa ako. Ang sumunod naman ay nung nagsusugal ang madrasta ko kasama ang mga friends niya at nakita ko ang isang lalaki na mukhang asawa ng isang kaibigan ng Madrasta ko. Grabe itong nakatingin sa akin na parang hinuhubaran na niya ako sa isipan niya. Agad akong umalis doon dahil di ako komportable sa titig niya. Nasa kusina ako at naghuhugas ng plato nang biglang naramdaman ko na may tao sa likod ko at naramdaman ko na nasa likod ko siya pero akala ko di niya ako hahawakan pero nagulat ako nang hawakan niya ang bewang ko na kinalayo ko sa kanya at takot na tumingin sa kanya. "A-Ano pong kailangan ninyo?" "Ah, nasaan ba ang baso niyo? Nauuhaw kasi ako." "Nandoon po." Tinuro ko ang gilid at dahan dahan na bumalik sa pwesto ko para manghugas at pinagpatuloy ang paghuhugas at akala ko umalis na siya pero ngayon ay nakahawak siya ngayon sa pwet ko na kinagulat ko kaya nahulog ang hawak kong plato. "Anong ginagawa ninyo!" Napatingin ako sa nagsalita at ang Madrasta ko iyon. "Anong ginagawa?" agad na ani nung lalaki. Biglang dumating ang Madrasta ko at kasama ang mga kaibigan niya. "Ano na naman yan, Haelyn! Ikaw bata ka talaga!" Lumapit ito sa akin at sinabunutan ako dahil nakabasag ako ng pinggan. "Wala ka talagang ginawang tama!" "Binastos niya ako! Hinawakan niya ang pwet ko! Totoo ang sinasabi ko!" "Anong pinagsasabi ng batang yan?" Nakita ko ang pag react nung lalaki at tumatanggi pa siya sa ginawa niya. "Nanghihingi lang ako ng baso sa kanya at wala naman akong ginawa sa kanya." "Nagsisinungaling ka pa!" Sinampal na naman niya ako ng malakas na kina upo ko sa sahig at nakita ko na dumugo ang kamay ko dahil sa bubug ng plato. Tahimik akong umiiyak hindi dahil sa sakit sa sampal o sakit sa bubog kundi sa sakit sa puso ko. Walang maski isa ang pumuprotekta sa akin. "Sa mundong ito walang maski isa ang po-protekta sayo dahil wala kang silbi." Nakatingin ako sa Madrasta ko. "Hindi ka naman talaga dapat nabuhay sa simula pa lang! Hindi ka dapat nabuhay!" Manhid na ako sa lahat ng sigaw at p*******t nila pero ngayon nanginginig na ulit ang matawan ko at pakiramdam ko ay may mananakit sa akin ngayon. Di ko napansin na nawalan na ako ng malay sa kama ko. Di ko kakayanin na pati si Nex ay lalayo na sa akin at sasabihan din akong walang kwenta. Nagising ako at nakita ko sa cellphone ko na 1pm na at hindi pa ako nakakapunta sa school. Nagmamadali akong naligo at nagbihis. Di ako nakakatagal sa bahay na yun. Lumabas ako sa bahay at nakahinga ako ng maluwag dahil tanging labas lang ng bahay na iyon nakakaramdam ako ng kalayaan. Nakarating ako sa school at nanlaki ang mga mata ko dahil sirado iyon at ngayon ko pa na realized na linggo ngayon. Napaupo ako sa gilid at napahawak sa ulo ko. At napayakap ako sa sarili ko dahil wala akong nagawa ngayong araw. Naglakad ako papunta sa parke at at umupo doon. Gusto kong makita si Nex pero baka nasa trabaho pa siya ngayon at ayokong ma istorbo ko siya baka makukulitan na siya sa akin at baka tuluyan na niya akong iwan. Tumingin ako sa paligid at nakikita ko na masaya silang lahat. Napakagat ako sa labi ko. Bakit ayaw ibigay sa akin ang pamilyang gusto kong makamit sa boung buhay ko? Bakit ang hirap makamit ang ganung pangarap? Ang gusto ko lang naman maging masaya. Kinuha ko ang pitaka ko at tiningnan ang nag iisang litrato ng Ina ko na nakangiti sa litrato at ang hairpin na sout niya sa picture ay nasa akin pa din. Ito yung kinuha ni Nex noon at binalik na nga niya dahil nakita na niya ulit ako. Kinuha ko sa bulsa at inilagay ko iyon sa buhok ko para di tumakip sa mga mata ko ang buhok ko. "Mama, balang araw magkikita din tayo. Gusto kong maramdaman ang pagmamahal ng isang Ina. Kahit ganun na lang at kahit hindi na kay Papa dahil alam ko noon pa man ay hindi na niya talaga ako gusto." "Gusto kong magpakamatay pero mali iyon at ayokong masayang ang sakripisyo mong binuhay mo ko dito ngayon sa mundong ito. Gagawin ko ang lahat maging successful ako sa hinaharap." Para akong baliw na kinausap ang litrato sa pitaka ko. "Darating ang araw na maging proud ka sa akin, Mom. Hindi na ako ang dating Haelyn na ginugulpi ng Madrasta ko at binabastos at inaapi ng kahit sino man. Promise ko yan na hindi na yan mangyayari sa akin." Pero bakit ang sabi ng madrasta sa akin noon na sana hindi na lang daw ako nabuhay? Wala akong alam noon bakit ako ang sinisisi nila noon? Wala naman akong kasalanan kung bakit ako napunta sa mundong ito. Hindi naman siya ang legal Wife ng Papa ko? Kasal sila Papa at Mama at kabit lang talaga siya sa buhay namin. At bagong labas labas pa ako sa mundo at nawala na ang Mama ko. Napahawak na lang ako sa ulo ko at lumakad nang biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Nex at agad ko iyong sinagot. "Hello?" "Hello, Lyn. Nandito na ako sa bahay mo, mukhang wala ka sa bahay. Nasaan ka? Sabay tayong mag dinner." "Pauwi na ako at malapit na ako." "Saan ka banda? Para makita kita?" "Sa may dalawang kanto lang." "Okey, papunta na." Binaba na niya ang tawag at wala pang dalawang minuto ay nakita ko ang sasakyan niya at huminto siya at bumaba siya at nakangiti siyang nakatingin sa akin at lumapit siya at niyakap ako. "I miss you so much, Lyn." Napangiti ako at niyakap din siya pabalik. I feel secure pag nandito siya sa tabi ko. Siya lang ang nakaparamdam sa akin ng ganito. "I miss you too." Tumingin siya sa akin habang nakayakap siya sa akin at ngumiti at inayos niya ang buhok ko at inipit sa likod ng tenga ko. "Are you hungry?" Umiling ako nang biglang tumunog ang tiyan ko na kinalaki ng mga mata ko dahil sa gulat. "Di ko yun narinig. Let's go gutom na ang Baby ko." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya at namula naman ako at ang puso ko ay naging abnormal dahil ang bilis ng t***k nun. Eh sa tinawag niya akong Baby. Nagising ako sa pagkatulala at inanalayan niya akong lumakad papunta sa kabilang pinto at pinagbuksan niya ako ng pinto at inalayan niya akong pumasok sa loob at siniraduhan na niya ako ng pinto at tumakbo siya papunta sa tabi ko dahil siya ang magdadrive sa sasakyan. "Saan mo gusto kumain?" "Kahit saan." "Okey." Nakangiting ani niya at nakita ko ang pagka excite niya sa mukha niya. Di ko alam kung bakit. "Bakit ang saya mo?" "Ito ang unang kain natin sa labas. I'm happy dahil nasa tabi na kita at di ko hahayaang masaktan ka ng mga taong iyon." Hinawakan niya ang kamay ko na kinatingin ko sa kamay niya. Napangiti ako at biglang may lumabas na luha sa mga mata ko. Sa pagsisimula ko sa pangarap ko masaya ako na kasali siya sa pangarap ko. "Me too, Nex. I'm happy dahil kasama na kita ulit." Flashback... "Lyn, once babalik ako sa tabi mo ay di na kita papakawalan. Ibibigay ko ang lahat at di ko hahayaang masaktan ka ulit hanggang sa huling hininga natin." "Tatandaan ko yan, Nex. Hanggang sa muling pagkikita natin." Pinagdikit namin ang mga noo namin at napangiti ako dahil pakiramdam ko na magkikita pa din kami. "Hanggang sa muling pagkikita." ***** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD