Haelyn POV*
Napamulat ako at nasa isang magandang kwarto ako ngayon. Di ko alam kung nasaan ako ngayon pero di ako nakaramdam ng kaba pero nagtataka pa din ako kung paano ako nakarating dito. At kanino ba talaga ang kwartong ito?
Inalala ko ang nangyari bago ako makatulog. Naalala ko na kukunin ako ni Mr. Garcia dahil binenta na ako ng mga magulang ko. So ang ibig sabihin mansion ito ni Mr. Garcia!
Napatingin ako sa damit ko at naiba na ito naging pantulog ang sout ko. Ginalaw ba niya ako? Kung iisipin ko na nangyari talaga ang bagay na iyon ay di ko mapigilang umiyak.
Tinakpan ko ang mukha ko at umiyak dahil ang dumi dumi ko na ngayon. Panaginip lang ba ang lahat na pununta si Nex sa restaurant at nagpanggap na isang mayamang tao? Mas lalo akong napaiyak. Wala na akong maalala dahil blur na ang lahat sa isipan ko.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok doon ang isang lalaki na kanina ko pa iniisip.
"Nex!"
Di ako makapaniwala na nandito siya at nakikita ko mismo sa mga mata ko.
"Lyn, bakit ka umiiyak?"
Lumakad siya hanggang makarating siya sa gilid ng higaan na hinihigaan ko ngayon.
Agad akong lumapit sa kanya at agad siyang niyakap ng mahigpit. Akala ko panaginip lang ang lahat. Akala ko hindi talaga siya dumating at akala ko hindi ko na siya makikita ulit. Pero nandito siya ngayon sa harapan ko at naaamoy ko ang mabangong buhok niya na mukhang bagong ligo siya.
"Lyn."
Natigilan ako at doon ko na realize na nakayakap pala ako sa kanya kaya agad akong lumayo sa kanya at napaiwas ng tingin. Nakakahiya ka Haelyn!
Grabe hindi na siya yung kababata mo noon. Mayaman na si Nex ngayon at di kayo magkalevel dalawa.
"May problema ba, Lyn? Bakit ka umiiyak?"
"Akala ko hindi na kita makikita pa at tuluyan na akong kinuha ng matandang iyon. Akala ko panaginip yun lahat."
Mukhang naintindihan na niya ang ibig sabihin ko kaya dahil nakahinga naman siya ng maluwag.
"Lyn, totoo ang lahat ng ito at hindi ito panaginip lang. Magkasama na tayo at nagkita na tayo. From now on po-protektahan na kita."
Nagulat ako sa sinabi niya.
"N-Nex, di mo naman ako kailangan protektahan dahil wala naman ako sayo. Wala naman tayong relasyon at hindi naman kita kapamilya."
Nakayuko ako dahil totoo naman ang sinabi ko. Tanging magkababata lang kami at dun lang yun at wala ng iba.
Kailangan ko na ngayon mamuhay ng normal at maghanap ng trabaho para buhayin ang sarili ko at doon pa din ako titira sa bahay namin.
"Lyn, nakalimutan mo na ba ang sinabi ko?"
Napatingin ako sa kanya. Anong sinabi niya? Bakit nawala sa isipan ko?
"Bumalik ako para sayo. Nagsikap akong mag aral hanggang sa grumaduate ako at sa magtrabaho na at dahil yun lahat sayo dahil gusto kong ibigay ang magandang buhay na nararapat sayo. At di ko alam ganun pala ang trato ng mga magulang mo. I'm sorry nahuli ako ng dating."
Nanlaki ang mga mata ko dahil umiiyak siya at nakita ko na pa kamao ang kanyang kamay.
Ginawa niya yun dahil sa akin?
"Nung nasa Italya ako ikaw lang ang parating nasa isipan ko. Ikaw ang inspirasyon ko habang tinitingnan ko ang hairpin mo. Kahit masakit sa puso na mapalayo sayo ng ilang taon ay tiniis ko dahil alam ko sa kahulihan ay magiging masaya din tayo."
Ang boung taon na pag hihirap ay nawala dahil kay Nex. Binigyan niya ulit ako ng pag asa at para mabuhay ulit.
Napaiyak na lang ako dahil sa sinabi niya. Naramdaman ko na lang na yumakap siya sa akin.
"Lyn, gagawin ko ang lahat mahalin mo din ako pabalik. Ayos lang sa akin na hindi mo muna sagutin ang nararamdaman mo sa akin. Maghihintay ako sayo kasi may forever pa naman tayo."
Dahan dahan akong tumango. At nakikita ko na nirerespeto niya ang desisyon ko. Di pa din ako makapaniwala na ang lalaking kalaro ko lang noon at nakita kong tambay lang sa palaruan noon ay isa ng pinakamayamang nilalang sa boung mundo.
Naalala ko pa noon nung unang pagkikita namin.
Nasa parke ako naglalakad habang dala ang mga pinamili ko sa palengke. Inutusan kasi ako ng Stepmother ko na bumili ng gulay sa palengke at natigilan ako nang may nakita akong lalaking nakaupo sa gilid ng swing at madumi ang kanyang damit dahil sa putik na mukhang na tripan siya ng mga bata sa paligid.
Napansin ko na napahawak siya sa kanyang tiyan at bigla itong tumunog. Nagugutom siya?
Napatingin ako sa binili ko at nakita ko ang mansanas doon. Lumapit ako sa kanya at inilahad ko sa kanya ang mansanas na kinatingin niya sa akin.
"Ano yan?"
"Kainin mo."
"No thanks."
Napakunot ang noo ko dahil ang sungit niya at nakikita ko na may dumi sa mukha niya. Inilapag ko ang mga binili ko at kinuha ang panyo ko at pinunasan ko ang pisngi niya nang bigla niya akong natulak na kinaupo ko sa lupa. Ang sakit ng pwet ko. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang mansanas na nasa sahig na. Sayang nun.
Kinuha ko iyon at pumunta sa fountain at nilinis doon ang mansanas at bumalik sa pwesto niya at nakita ko na nakatingin siya sa akin na may pagtataka sa mga mata niya.
Pinatong ko ang panyo ko sa swing at pinatong ko ang mansanas sa panyo ko at tiningnan siya at ngumiti ako bago kinuha ang pinamili ko at lumakad na ako. Napahawak ako sa pwet ko kasi ang sakit ng pagkaka undak ko sa sahig kanina.
"Sana kinain niya ang mansanas."
Tumingin ako sa langit sabay ngiti. Pagkauwi ko nun sa bahay namin ay agad akong pinagalitan dahil kulang ang mansanas na inutos ng Madrasta ko at ang sabi ko ay kinain ko dahil nagugutom ako. Kaya mas lalo akong pinagalitan at di ako pinakain nung gabing iyon at pinatulog ko na lang ang gutom ko.
'Kumain na ba ang batang yun?'
Napamulat ako nang marinig ko ang boses ni Papa at tatayo sana ako nang magsalita ang Madrasta ko.
'Tapos na. Inubos nga niya ang ulam na niluto ko. Pero iniwanan din naman kita at iinitin ko lang.'
'Wag na kumain na ako sa labas. Kaarawan kasi ng kaibigan ko.'
'Ah, ganun ba. Sige ipapakain ko na lang ito sa mga pusa sa labas.'
Napakagat ako sa labi ko at napayakap ako sa tiyan ko at tahimik na umiiyak.
Kinabukasan ay pinabili ulit ako at pinagbantaan na hindi na kakainin ang mansanas dahil sa susunod makakatikim na ako sa Madrasta ko.
Naglalakad ako at nakita ko siyang nakaupo sa swing at nakatingin siya sa malayo at napatingin siya sa akin at tumayo siya bigla at lumapit sa akin at kinuha niya ang kamay ko at binigay niya sa akin ang panyo ko na kinangiti ko.
"Tsk."
At umalis na siya at napatingin ako sa panyo at bagong laba ito.
Inamoy ko iyon at ang bango nun.
Lumakad ako at napatingin sa mga batang naglalaro sa park. Mabuti pa sila masayang naglalaro at nandoon din ang mga magulang nila masayang pinapanood ang mga anak nila. Bigla na lang may luhang tumulo galing sa mga mata ko.
Hinawakan ko iyon at basa iyon. Ibig sabihin ay umiiyak ako at napatingin ako sa panyo ko at pinunasan ko ang luha ko at nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makauwi ako.
At napalo pa din ako nun dahil bakit natagalan daw ako nun.
Pero sanay na ako sa palo at wala na iyon sa akin. Parang habang tumatagal ay namamanhid na ako at di na umiiyak sa harapan nila.
Isang araw ay limang araw mawawala sila Papa at ang Madrasta ko dahil may reunion ang pamilya ni Dad sa probinsya at iniwan nila ako dito sa bahay at kailangan kong tipirin ang mga pagkain na iniwan nila sa akin.
Tatlong subo lang ng kanin ang ginagawa ko sa umaga, tanghali at gabi at iniinom ko ng maraming tubig para madali akong mabusog at yun lang ang parati kong ginagawa para maka survive ako.
Nang mapahinto ako nang may kumatok sa pinto at tiningnan ko kung sino iyon at nakita ko yung batang lalaki sa may parke.
Binuksan ko ang pinto at nakita ko siya at may dala siyang cellophane na may lamang mga prutas.
"Here."
Inilahad niya ang cellophane sa akin na kinataka ko.
"Ano toh?"
"Prutas yan."
"Teka paano ka?"
"Marami ako niyan."
Napangiti ako at napatingin sa prutas.
"Salamat."
"Hmm."
"Teka anong pangalan mo?"
"Nex."
"Nex? Ang cool ng name mo. Ako pala si Haelyn pero Lyn na lang para katulad sayo one word lang."
Nakangiti ako sa kanya at di na siya nag sakita at tumalikod na siya at umalis na at napangiti na lang ako.
Simula doon ay minsan nagpupunta siya dito sa bahay para mamigay ng pagkain at unti unti na din kaming naging mag kaibigan.
End of Flashback...
"Tayo na kumain na tayo."
Inilahad niya ang kamay niya sa akin. Napangiti na lang ako dahil pagkain pa din ang inaalok niya sa akin hanggang ngayon.
Dahan dahan kong hinawakan ang kamay ko at inaalayan sa pagtayo.
"But first put some new clothes first."
Napatingin ulit ako sa damit ko at pantulog ito. Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kami papunta sa banyo at natigilan ako dahil baka may nagmay ari ng kwartong ito.
"Nex, kanino tung kwartong ito? Baka kasi magalit ang may ari nito na pinakealaman ko ang mga gamit niya at tinulugan ko ang higaan niya."
Nakita ko na natawa siya sa sinabi ko.
"Nah, hindi naman siya nagagalit."
Hala meron ngang may ari?
"Hala nandito ba ang may ari ng kwartong ito sa mansion mo?"
"Yeah, she's here, in front of me."
Eh? Ako? Agad kong tinuro ang sarili ko dahil sa sinabi niya. Ako lang naman ang taong nandito ngayon. Ang weird niya talaga.
"Me?"
"Oo nga ikaw. Sayo naman talaga ang kwartong ito. Pinagawa ko talaga sayo ang kwartong ito."
Napakagat ako sa labi ko.
"Nex, gusto ko sa bahay namin ako tumira. Hindi naman tayo kasal para tumira tayo sa iisang bahay."
"Mabilis ba ako?"
Napakamot siya sa ulo niya at nakita ko na nalungkot siya. Agad akong umiling at ngumiti para hindi siya malungkot.
"Kung bibisitahin kita at gusto kong mag sleep over pwede naman ako makitulog dito."
Nakita ko na lumiwanag ang mukha niya at agad siyang tumango.
"You're always welcome here, Lyn."
Napangiti na lang ako. Akala ko magiging malungkot na talaga siya.
"So maligo ka na o gusto mo ako na ang magligo sayo."
"Waaa, ako na!"
Naalala ko na naman ang nangyari sa kwarto ko nung isang gabi. Waaa muntik na yun mabuti natigilan ko. Waaa tukso layuan mo ko sa gwapong Nex na yun!
Kailangan ko pang makatapos ng pag aaral. Kailangan na may maharap din ako sa kanya at hindi pabigat. Gagawin ko ang lahat para sa pangarap ko.
*****
LMCD22