Haelyn POV*
Isang bagong umaga at isang bagong araw at napamulat ako at nakita ko na nasa tabi ko si Nex. Walang nangyari sa amin dahil ako mismo ang pumigil dahil natatakot pa ako.
Flashback...
Hinalikan ko pa din siya at ramdam ko ang pagdikit ng mg labi namin at pag lalaro ng mga dila namin. Bakit ang sarap ng halik niya? Di ko aakalain na dumating kami sa ganito.
Humiwalay kami ng halik at naghahabol ako ng hininga. Napatingin ako sa mukha ni Nex na nakangiting nakatingin sa akin.
"That's very sweet, my Lyn," nakangiting sabi niya na kinapula ng mukha ko.
Lumapit siya sa akin at ang leeg ko ngayon ang hinalikhalikan niya. Napakagat ako sa labi ko para walang lumabas na ungol galing sa bibig ko.
"N-Nex, nakikiliti ako," mahinang sabi ko sa kanya. Pero imbes na huminto inalalayan niya ako hanggang sa mahiga ako sa higaan ko at nandoon pa din siya sa leeg ko.
At pababa siya ng pababa na agad ko siyang pinahinto baka saan mapunta ang gagawin niya. Tiningnan niya ako at ngumiti.
"Let's sleep."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Teka di ba siya hinahanap sa kanila?
"Di ka ba hinahanap sa inyo?"
"Don't worry about that. Gusto kitang makatabi matulog. And don't worry matutulog lang tayo."
Pinat niya ang ulo ko at tumabi sa akin matulog. Niyakap niya ako na kinangiti ko at niyakap ko din siya. Ang bango niya.
End of Flashback..
Nakita ko si Nex na mahimbing pa ding natutulog sa tabi ko. Hinaplos ko ang pisngi niya at napangiti ako dahil nandito siya sa tabi ko. Sana ganito na lang gumigising ako na nasa tabi ko siya.
Bigla akong natigilan nang marinig ko ang mga tunog ng paa sa pagbaba sa hagdan. Gising na sila Papa.
Napatingin ako kay Nex at ginising siya.
"Nex, kailangan mo ng umalis kasi gising na sila. Baka makita ka ni Papa."
Kinakabahan ako sa nangyayari at napamulat naman siya at kinusot kusot ang mga mata niya.
"My Lyn," inaantok na ani niya sa akin.
"Kailangan mo ng umalis baka kung ano ang gawin ni Papa sayo."
Pero imbes na nagmadali ay hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon.
"See you mamayang gabi," natulala ako sa kanya at hinalikan niya ang labi ko bago tumayo at nanlaki ang mga mata ko dahil bigla siyang tumalon sa bintana.
Agad akong tumakbo papunta sa bintana at ngumiti siya sa akin bago lumakad na parang walang nangyari at naka pamulsa pa.
"Di ka pa gising, Haelyn? Buksan mo ang pinto," rinig kong sabi ng Papa ko.
"Gising na po ako."
Binuksan ko ang pinto at nakita ko sila.
"Dalian mo sa pagbihis at ito ang soutin mo kasi may lakad tayo ngayon."
Agad niyang inilahad ang isang box at agad ko iyong binuhat.
"Po? Saan po tayo pupunta?"
"Sa isang Lunch meeting."
"Sasama po ako?"
"Wag ka ng maraming tanong, dalian mo," sabi ng Stepmother ko.
At umalis na sila at ako pumasok na at agad ko iyong binuksan at nakita ko ang isang dress at sandals. Bigla akong kinabahan ng wala sa oras.
Nakabihis na ako at tiningnan ko ang sarili sa salamin. Maganda ako sa sout ko ngayon at di ko iyon maitatanggi. Pero ngayon kinakabahan ako na di ko alam sa kung ano ang mangyayari sa akin. Kasi ngayon lang ako sinama ng Ama ko sa isang Meeting.
"Haelyn, tapos ka ng magbihis."
Napatingin ako sa may pinto dahil narinig ko ang boses ni Papa.
"Opo, tapos na."
Nakita ko na binuksan ni Papa ang pintuan at tiningnan niya ako.
"Tayo na baka malelate na tayo."
Kagaya ng dati malamig pa din ang boses niya kahit totoong anak niya ako. Di ko alam kung bakit di lumalambot ang puso niya sa akin.
"Dad, sa huling pagkakataon po," agad na sabi ko na kinahinto niya sa paglalakad.
"Ano yun?"
"Sabihin niyo nga sa akin, bakit ganun na lang ang galit ninyo sa akin. Simula bata pa ako ay parang di niyo na ako anak. Di ko naramdaman ang pagmamahal ng isang Ama sa isang Anak. Ang unfair dahil ang ibang bata ay nakakasama, nakakalaro, at inaalaagaan sila ng mga Ama nila pero ako bakit ang hirap wasakin ang pader na pumapagitna sa atin? Pa, please naman sabihin niyo sa akin para malinawan na ako sa katotohanan."
Di ko mapigilan ang sarili ko at nasabi ko iyon lahat sa kanya ng harap harapan. Di ko kasi siya maintindihan kung bakit ganun na lang ang trato niya sa akin at ngayon ibebenta pa ako sa matandang iyon para sa mga utang nila.
"Gusto mong malaman ang katotohanan?"
Tumango ako sa tanong niya.
"Ikaw ang dahilan kung bakit namatay si Hael. Kung di ka sana pinanganak sa mundong ito ay di mamamatay ang Asawa ko."
Nagulat ako sa sinabi niya at tumulo ang luha ko nang marinig ko ang katotohanan.
"Kasalanan mo kung bakit namatay siya! Okey na sa akin na ikaw ang mamatay wag lang si Hael!"
Mas lalong kumirot ang puso ko dahil sa sinabi ng Ama ko. Harap harapan na sinabi na sana ako na lang ang namatay kesa ang Mama ko. Ang Ama ko pa na dapat nagmamahal sa akin dahil kadugo niya ako at pumuprotekta sa akin. Pero mas okey na kung ganun kasi wala na akong poproblemahin.
"Alam mo na ang katotohanan kaya lumabas ka na baka mahuli na tayo."
Umuna na siyang lumakad at napayuko ako at kinuha ang sulat at inilagay sa mesa para madaling makita ni Nex na aalis ako na baka di na ako makakabalik sa bahay na ito dahil ibibigay na nila ako sa matandang iyon.
Lumakad na ako palabas at sumakay ng kotse at napatingin na lang ako sa labas at di pinansin silang dalawa sa harapan.
Nakarating kami sa isang magandang restaurant at pumasok na kami. Wala na akong pake sa mangyayari ngayon kasi mukhang wala nang plano ang tadhana sa akin.
Nakarating kami sa isang VIP room at pumasok kami doon at nakita namin ang isang matandang mataba na nakaupo sa upuan. Siya na ba ang sinasabi nila Papa?
"Mr. Garcia," nakangiting bati ni Papa sa kanya.
"Mabuti at nakarating ka at mabuti napapunta niyo din ang anak ninyo."
Nakita ko na ngumiti siya at napatingin sa akin mula ulo hanggang paa. At nandiri ako sa ginawa niya dahil may pa kagat labi pa siyang nalalaman.
"Hmm, napakaganda nga niya sa personal at di ako nagkakamali sa pag pili sa kanya. Halika nga dito, Haelyn."
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya na ipatawag daw niya ako.
"Haelyn," mahinang tawag ng Papa ko pero di ko siya pinansin.
"Nahihiya pa po siya, Mr. Garcia," laking ngiti na sabi ng Stepmother ko at sinamaan ako ng tingin ng pasekreto.
Lumapit si Papa sa akin at hinawakan niya ang braso ko na kinaigik ko ng mahina.
"Makinig ka sa amin."
"Pa, sigurado ka ba na ibebenta mo ako sa kanya? Anak mo ako, Pa."
Tiningnan niya ako at di pa din nagsasalita.
"Pa, please, di ko naman kagustuhan na mamatay si Mama. Pa, wag niyo kong ibenta sa kanya. Palayasin niyo na lang po ako kung ayaw niyo talaga sa akin."
Umiiyak na ako habang nagmamakaawa sa kanya.
"Wala ka ng magagawa dahil nakaperma na ako."
Sabay kaming napatingin kay Papa sa stepmother ko na may hawak na papel at ballpen at inilapag niya sa mesa.
Natulala ako sa sinabi niya.
"Heto po, sa inyo na po siya," nakangiting sabi nito at ibinigay kay Mr. Garcia ang papel na kontrata.
Tiningnan ko si Papa at ang kabit niya at mahinang natawa kahit sunod sunod ang tulo ng luha ko.
"Seriously?" nailing iling ako dahil sa nangyayari ngayon.
Tinulak ako ng kabit ni Papa at napakapit ako sa mesa dahil muntik na akong madapa.
"Itong araw na ito tatandaan ko ang araw na ito. Simula ngayon hindi mo na ako Anak. Yun naman ang gusto mo diba na mawala ako sa paningin mo," walang buhay na sabi ko kay Papa.
Humarap ako kay Mr. Garcia na nakangiting nakatingin sa akin.
"My Haelyn, ang ganda mo talaga. Akin ka na!"
Dahan dahang lumapit si Mr. Garcia sa akin hanggang sa nasa harapan ko na siya at napapikit ako dahil hahawakan na niya ang mukha ko nang biglang makaranig kami ng malakas na pagbukas ng pinto.
Na kinatingin naman lahat doon at nanlaki ang mga mata ko dahil nandoon ang lalaking kanina ko pa dinadasal na sana ay iligtas ako pero narealized ko ang lahat dahil mayayaman ang nandidito at di kakayanin ni Nex ang matandang ito dito na may bodyguards pa.
"Don't touch my Woman!"
Ramdam ko ang lamig sa boses niya dahil sa pamamaraan ng pagkasabi niya at ngayon ko lang narinig na ganun ang tono ng boses niya parang isa siyang leader na dapat ginagalang.
"Who are you, Bastard!" sigaw ni Mr. Garcia at tinutukan siya ng baril ng mga Bodyguard nito sa gilid at prinuprotektahan naman siya ng ibang Bodyguard.
"How dare you to put that fvcking gun at me, Garcia."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Nex. Parang mas mataas pa siya kay Mr. Garcia. Nakita ko ang pamumutla sa mukha ni Mr. Garcia dahil sa nangyayari ngayon.
"G-Grande Capo," namutlang sabi ni Mr. Garcia at lumapit naman si Nex sa akin at hinubad ang jacket niya at ipinatong sa balikat ko. Pinunasan niya ang luha ko gamit ang daliri niya.
"Nex, mabuti dumating ka."
"Nabasa ko ang sulat mo at mabuti naiwan nga ang phone ko doon kaya binalikan ko and thank God naabutan pa kita."
Dinikit niya ang mga noo namin at napapikit ako at napangiti.
"G-Grande Capo, di ko po alam na sa inyo po siya," nakaluhod na ani nito kay Nex na may panginginig at malamig lang niya itong tiningnan.
"Ilagay sila sa tamang lalagyan nila at kayo ding dalawa."
Tiningnan niya ang Papa ko at ang stepmother ko na parang nagpapanik. At ngayon ko lang napansin na di nag iisa si Nex na sumugod dahil marami pala siyang kasama at sinunod nila ang inuutos ni Nex.
"Yes, Boss!"
"Haelyn, Mama mo ko diba? Patawarin mo na kami ng Papa mo," sabi ng Babaeng kinaiinisan ko sa boung buhay ko.
Di ko siya pinansin hanggang sa lumabas na sila at ang Ama ko ay tahimik lang.
Napatingin ako kay Nex.
"Nex, ginagalang ka ni Mr. Garcia na pinakamayamang tao sa lugar na ito. Bakit parang under mo siya?"
"Gaya ng pinangako ko sayo noon. Ibibigay ko ang buhay na nararapat sayo. Nagsumikap ako hanggang mapunta ako sa pwestong ito. Magpapakilala ulit ako sayo, my Lyn."
"I'm Phoenix Thombson, ako ang nag mamay ari ng mga kompanya ng mga Thombson."
Ang Thombson na pinakamayaman sa boung mundo di ko alam na siya pala ang heir ng pamilyang iyon. Ang Nex na kilala ko ay siya si Phoenix Thombson!
"You're mine, my Lyn."
*****
LMCD22