CHAPTER 28

2074 Words
Chapter 28: Gossip ISLA SENA's P.O.V Pagkatapos namin mag-almusal sa condo-unit nila Cyril ay nagpasiya naman si Cyril na ihatid muna ako sa apartment ko para makapagpalit ng damit bago kami pumasok sa trabaho. Mabilis naman akong naligo at nagbihis bago ako muling lumabas ng apartment ko para sumakay sa kotse ni Cyril. Nang makapasok ako ulit sa kotse ay saka naman kami nagpasiya ni Cyril na bumyahe na patungo sa kumpanya. At habang nasa byahe kami ay nanaig naman ang katahimikan sa paligid namin. "Sena, pwede bang ikaw na lang ang mag-observe sa TTC? Sigurado kasing kailangan natin malaman kung ano ng ginagawa ng mga employee sa TTC. Ipasa mo na lang sa office ko iyong report mo kapag nakabalik ka sa TGC." sabi naman ni Cyril kaya ngumiti ako at tumango. "Sure no problem. Mas maigi nga siguro kung malaman na natin kung may binabago na sila. Dadalhin ko na rin pala kay Mr. Ramos iyong documents para sa susunod na ila-launch nating gadget." sagot ko naman. "That's a good idea. Thank you!" Cyril thanked me and I just nod and smiled at him. Ilang saglit lang naman ang binyahe namin bago kami nakarating sa harap ng TTC. Paghinto ni Cyril sa harap ng company building ay mabilis siyang bumaba sa sasakyan para pagbuksan ako ng pinto bago niya ako inalalayan pababa. Pagbaba ko ng kotse ay saka naman siya tumingin sa akin. "Just make sure to take care of yourself while I'm away okay?" Natawa naman ako sa sinabi ni Cyril. Para kasing mawawala naman siya ng napakatagal kahit na magkikita rin naman kami mamaya sa company. "Para namang mawawala ka nang matagal. Huwag ka masyado mag-alala, Cyril. Babalik pa naman ako mamaya sa kumpanya eh. Magkikita pa naman tayo kaya hintayin mo lang ang pagbalik ko." nakangising tugon ko. Cyril chuckled when he heard my response. "Yeah, you're right. Just be careful okay?" Tumango na lang ako bago nagbeso sa kanya. Pagkatapos nun ay saka naman siya bumalik sa loob ng kotse at saka sumakay. Hinintay ko lang na makalayo ang sasakyan niya bago ako nagpasiyang pumasok sa loob ng TTC building. Pagkapasok ko sa loob ay may bumati kaagad sa akin na mga gwardiya sa entrance. At bilang pag galang ay binati ko lang din sila pabalik bago ako nagsimulang maglakad papasok nang tuloy-tuloy. Sumakay lang ako sa elevator para makapunta ako sa opisina ni Mr. Ramos. Habang wala pa kasing napipili si Cyrus na hahawak sa TTC ay si Mr. Ramos na muna ang mamumuno sa kumpanya. Hindi pa man ako nakakalapit sa opisina ni Mr. Ramos ay may narinig na kaagad akong nag-uusap na mga employee sa planning department. "Huy! Alam mo bang nasisante na si Janette?" "Seryoso ka ba? Di ba manager natin iyon? Paano naman siya nasisante?" "Balita ko may hinaras daw si Janette. Ang malas lang niya dahil 'yung babaeng hinaras niya pa ay asawa pala ng bagong owner nitong kumpanya." "Oh my gosh? Seryoso ka ba?" "Seryoso ako! Well deserve naman ni Janette matanggal kasi masyadong mataas ang tingin niya sa sarili niya." "True! Masyadong matapobre akala mo naman talaga mayaman siya. Puro fake naman mga designer clothes at bags niya." Pagkasabi nun ng isa sa mga employees ay nagkatawanan ang magkausap. Habang ako naman ay natigil sa paglalakad dahil na-realize ko na baka ang pinag-uusapan nila na natanggal sa trabaho ay ang babaeng umaway noon sa akin. "Narinig ko rin kay Sir Ramos na 'yung asawa pala nung bagong owner na inaway ni Janette ay buntis din pala kaya ayun wala tuloy siyang kawala lalo." "Ang malas talaga ni Janette. Pero mabuti na rin na wala na siya dahil napapayag ni Sir Ramos 'yung bago nating boss na hindi tayo palitan sa kumpanya 'di ba?" "Oo, kaya dapat maayos ang pakikitungo natin sa asawa ng bago nating boss para hindi tayo tanggalin sa trabaho." Hindi ko malaman ng mga sandaling 'yun kung ako ba talaga ang pinag-uusapan nilang asawa ni Cyrus dahil hindi naman kasi talaga kami mag-asawa. Di ko rin malaman kung paano nila naisip na mag-asawa kami ni Cyrus dahil wala namang binanggit si Cyrus na may relasyon kami. Pinakilala niya lang naman ako bilang sekretarya niya at wala nang iba. Ngunit kahit na ganun ay hindi ko maiwasan ang mapangiti. Ang saya lang kasi marinig na ang tingin sa akin ng iba ay asawa ni Cyrus kahit na hindi dapat ako makaramdam ng tuwa. Pero kahit na ganun ay naisip kong huwag na linawin ang sitwasyon dahil alam ko namang si Cyrus mismo ang tatanggi kung siya ang makaalam na mag-asawa ang tingin sa amin ng mga empleyado rito sa TTC. Hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatayo kaya nang makita ko ang dalawang empleyado na nag-uusap kanina na biglang lumabas sa department nila ay agad na nanlaki ang mga mata ko. At gaya nang naging reaksyon ko ay mukhang nagulat din sila na makita akong nasa labas ng department nila. Mabilis silang nagkatinginan at saka yumuko sa harapan ko. "Ma'am pasensya na po kung narinig n'yo kaming nag-uusap kanina. Hindi na po namin uulitin." halatang takot na sabi ng isa sa kanila. "Pasensya na po ma'am! Magtatrabaho na po ulit kami!" sabi pa ng isa. Umiling naman agad ako saka ngumiti. "Hindi ayos lang. Nagkataon lang na napadaan ako rito at narinig ko ang usapan n'yo pero hindi naman ako galit sa inyo." Nakita ko kung paano sila nakahinga nang maluwag sa sinabi ko saka sila napatingin sa akin nang may pag-aalinlangan. "Seryoso po ba na hindi kayo galit sa amin?" Tumango lang ako bilang tugon. "I'm actually here because I have to talk with Mr. Ramos. I'm on my way to his office. Kung hindi naman kayo busy, pwede n'yo ba ako samahan sa opisina niya? Hindi ko kasi alam kung saan banda ang office niya sa building na 'to eh." palusot ko na lang sa kanila. "This way ma'am!" masayang sabi naman nila sa akin at talagang nagsabay pa sila na sabihin iyon. Pagkatapos nun ay nagsimula na rin silang maglakad sa harapan ko kaya naman nakasunod lang ako sa kanilang dalawa. "Bakit po pala mag-isa lang kayo?" tanong naman sa akin ng isa. "Ah, inutusan kasi ako ni Cyrus na mag-observe sa TTC kaya nandito ako ngayon kasi kailangan ko rin magpasa ng report." hindi ko alam kung bakit naisip kong sabihin ang pangalan ni Cyrus imbis na tawagin siyang boss. Napatango lang sila sa sinabi ko bago sila nagkatinginanang dalawa. Saglit pa kaming natahimik bago sila muling tumingin sa akin. "Kumusta naman po ang pagbubuntis n'yo?" sabi naman ng isa. "Maayos naman. May mga pagkakataon lang talaga na inaatake ako ng morning sickness ko pero may mga pagkakataon naman na hindi. Ang mas nararanasan ko lang ngayon ay 'yung madalas ako maglihi ng kung anu-anong pagkain." sagot ko. "Mabuti naman po kung ganun, ma'am. Ang swerte n'yo po talaga sa bagong boss namin kasi halata naman kung paano ka niya protektahan at alagaan." sabi naman ng isa na halatang kinikilig pa. Hindi ko tuloy naiwasang mapangisi dahil hindi ko alam kung sasang-ayon ba ako o kokontrahin ang sinasabi niya dahil tama naman ang sinabi nito. Maswerte naman talaga ako sa dalawang iyon dahil kahit sino sa kanilang dalawa ay walang ibang ginawa kundi ang protektahan ako at tulungan ako sa pagbubuntis ko. I'm grateful for the both of them. Kung wala kasi ang dalawang iyon ay malamang sa malamang na mahihirapan talaga ako sa pagbubuntis ko. "Yes, I'm grateful to him because he's been taking care of my pregnancy lately. Kung wala siguro siya sa tabi ko ay na-stress na ako nang sobra dahil hindi talaga madali ang magbuntis." pagsang-ayon ko. Hindi ko namalayan na nasa harapan na kami nang office ni Mr. Ramos kaya naman ngumiti at nag-bow lang sila sa akin bago nila ako iniwan sa labas ng office ni Mr. Ramos. Kumatok muna ako sa loob bago ako nagpasiyang pumasok sa loob pagkatapos ako bigyan ng permiso ni Mr. Ramos na pumasok. "You're right on time! Hinihintay kita kanina pa. Sigurado naman akong alam mo na nasisanti na 'yung babaeng nangharas sa' yo. Bukod pa dun ay nag-message na rin sa akin si Mr. Heinrich na ikaw ang mago-observe ngayon sa company at ibibigay mo na rin ang tungkol sa bagong gadget na balak i-launch ng TGC. I'm looking forward to it. Alam ko naman na anytime ay kailangan ko na umalis sa posisyon ko kapag nakahanap na si Mr. Heinrich ng papalit sa akin pero kung wala naman kayong iba na pwede ipalit ay handa naman ako manatili bilang mata ni Mr. Heinrich sa kumpanya at nangangako akong hindi ako makikialam sa kung paano kayo mamamahala sa kumpanyang 'to." paliwanag ni Mr. Ramos. Ngumiti lang ako bago tumangu-tango sa sinabi niya. "Alam ko na lahat ang tungkol diyan, Mr. Ramos. Pwede ko naman sabihin sa boss ko ang tungkol sa proposal mo sa posisyon na hawak mo ngayon. Pero sa ngayon ay gusto ko munang ilibot n'yo ako sa kumpanya para na rin malaman ko kung sinu-sino ang nagma-manage sa bawat department ng kumpanya." Sumang-ayon naman si Mr. Ramos at pagkatapos nun ay nagsimula na kaming lumabas sa opisina niya. Pagkatapos nun ay nagsimula kaming maglibot sa loob ng kumpanya. Gaya ng TGC ay may mga department din naman silang namamahala sa bawat trabaho sa kumpanya kaya hindi na rin sila mahihirapan kapag nagpasiya na si Cyrus na i-release ang new version ng smartphone ng TGC. Hindi lang 'yun dahil pagkatapos i-release ang new version ng smartphone ay magre-release rin ang TGC ng bagong app na magiging useful sa mga user ng smartphone namin. At dahil kailangan ni Cyril ang report ko ay nililista ko na lahat ng report ko sa notes ko gamit ang phone ko. Ipi-print ko na lang 'yun mamaya pagnakabalik na ako sa kumpanya. In-interview ko lang ang bawat manager sa bawat department para malaman ko kung anu-ano ang pwede kong ilagay sa report ko. Inabot din ako ng hapon sa TTC kaya nang matapos kami ni Mr. Ramos sa paglilibot ay nakaramdam na ako nang pagod. "Salamat sa cooperation, Mr. Ramos. Babalik na ako sa TGC dahil ipapasa ko pa ang report ko." nakangiting paalam ko kay Mr. Ramos. "Salamat din. Bumalik ka na lang ulit kapag may ibabalita ka na sa akin." nakangiting sabi namam ni Mr. Ramos. Lumabas na ako ng TTC building at saka ako nagpasiyang pumara ng taxi at mag-commute pabalik sa TGC. Kailangan ko muna kasi asikasuhin ang report ko para makapagpaalam ako kay Cyril. Ngayong araw kasi naka-schedule ang pregnancy class ko. Nung nakaraan ko pa kasi 'yun inasikaso at dahil medyo naging busy kami nitong nakaraang araw ay hindi ko nagawang pumunta kaya nausod ang original sched ko. Pagkarating ko sa TGC building ay hindi ako nag-aksaya pa nang oras. Mabilis akong sumakay sa elevator at nang makababa ako ay agad akong pumunta sa cubicle ko. Kinonekta ko lang ang phone ko sa mismong PC para mai-print ko ang report na tinype ko kanina sa notes ng phone ko. Kalahating oras din siguro ang inabot bago ko natapos i-revise at saka pinrint ang lahat ng reports na ipapasa ko kay Cyril. Nang mai-ayos ko ang pagkakasunod ng report ko ay inilagay ko lang din iyon sa folder bago ako kumatok sa office ni Cyril at saka pumasok. Pagkapasok ko sa office niya ay nadatnan ko naman siyang busy habang nakaharap sa monitor ng computer niya. Nilagay ko lang sa desk niya ang folder ng reports ko bago ako nagsalita. "Sir, kailangan ko pala umuwi ngayon ng maaga. Meron kasi akong schedule ngayon para sa pregnancy class ko kaya sana mapahintulutan mo ako." Nakita ko namang napatingala kaagad siya sa akin habang nakakunot ang noo. "Why didn't you tell me this earlier? Can you wait for another five minutes? I want to accompany you." Napangiti naman ako sa sinabi ni Cyril. Hindi na ako tumanggi dahil alam ko namang kapag tumanggi ako ay mamimilit lang siya kaya hinayaan ko na lang. Naupo na lang ako sa couch na nasa harap lang niya at saka ko isinandal ang likuran ko. Bahagya ko rin hinilot ang mga binti ko dahil sa ngalay na natamo ko kanina nung naglibot kami sa TTC. At dahil sa pagod ay medyo naramdaman ko ang pagbigat ng mga talukap ng mata ko at hindi ko na rin namalayan na nakatulog na pala ako. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD