CHAPTER 29

2463 Words
Chapter 29: Parent ISLA SENA's P.O.V Nagising na lang ako nang maramdaman ko na may humahaplos sa pisngi ko at nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko si Cyril na nakangiti sa akin. "Did you sleep well?" he asked me. I immediately felt embarrassed because of what Cyril said. I suddenly remembered that I fell asleep earlier because I was waiting for him earlier. "Y-yeah. Are you done with your work?" I also asked. He just nodded before I decided to get up from lying on the couch. I just fixed the mess in my clothes before Cyril started walking out and I just followed him. Pagkalabas naman namin ng opisina niya ay dumiretso na kami sa elevator at pagkarating namin sa parking lot ay nagmaneho naman kaagad si Cyril pagkasakay namin sa kotse. Hiningi lang ni Cyril sa akin 'yung address ng pupuntahan naming pregnancy class. At dahil medyo may kalayuan din ang address na binigay ko ay natagalan kami sa byahe. At habang nasa byahe kami ay naramdaman ko ang paghawak ni Cyril sa kamay ko. "So, ano na pala ang balita sa TTC?" panimula ni Cyril. Alam ko namang nagtatanong lang siya para hindi manatiling tahimik ang paligid naming dalawa. Habang nakatanaw sa labas nang bintana ng sasakyan ay sumagot naman ako sa tanong niya. "Mukhang may mga pinagbago na rin sa TTC. Nasisanti na rin daw pala si Janette 'yung manager planning department. Ang nakakatawa nga lang din dahil nahuli ko na nag-uusap 'yung dalawang employee ng TTC. Napagkamalan lang naman nilang mag-asawa tayo dahil nga sa ginawa mo nun kay Janette." Nakita ko namang napangisi si Cyril sa sinabi ko. Kumunot kaagad ang noo ko dahil hindi ko inaasahan ang naging reaksyon niya. "Oh really? That's great then. Siguradong wala ng manggugulo sa'yo dahil inakala ng mga empleyado sa kumpanyang 'yun na mag-asawa tayo." tila kampante pang sabi niya. Bigla tuloy nag-init ang pisngi ko. Minsan talaga ay hindi ko mahulaan ang mga susunod niyang sasabihin at gagawin. "Sa tingin mo ba matutuwa si Cyrus kapag nalaman niya na ganun ang kumakalat na tsismis sa TTC?" seryosong tanong ko naman kay Cyril. "I'm not sure. All I know is that Cyrus will let that issue go if that's what's best for you, especially now that you're pregnant and you need someone to protect you." Cyril answered seriously. Napangiti naman ako sa komento ni Cyril. "Siguro nga tama ka. Alam mo bang kahapon nung sinamahan niya ako bumili ng bulalo, bigla na lang ako sinabihan ni Cyrus na mas maganda ako kapag nakangiti." Agad namang napahinto si Cyril sa pagmamaneho at nakita ko rin na napalingon sa akin si Cyril. Mukhang naguguluhan ito sa sinabi ko kaya ngumiti ako. "Totoo 'yung sinabi ko. Bakit? Hindi mo rin expected na sasabihin niya 'yun sa akin, noh? Kasi ako rin eh, hindi ko rin in-expect na magsasabi siya sa akin ng ganun." nakangising sabi ko. Napailing naman si Cyril sa sinabi ko. "Oh my god, he's hopeless. Sa tingin mo kaya, nagkakatama na sa'yo si Cyrus? Kasi kung 'yun nga ang nangyayari mukhang mayayari ka, Sena. Alam mo naman na sila pa ni Elvira 'di ba? Nag-aalala ako kasi baka kapag napansin ni Elvira na nagkakagusto na si Cyrus sa'yo ay baka magkaroon siya nang masamang balak sa'yo." Bakas naman ang pag-aalala kay Cyril pagkasabi niya sa akin nun. Kaagad din nabura ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya. May punto naman si Cyril at alam kong hindi magiging maganda para sa amin ni Cyrus kapag nalaman ni Elvira na medyo nagkakamabutihan na kami ni Cyrus. "Siguro naman nasabi na lang sa akin ni Cyrus 'yun kasi baka opinyon niya lang. Kahit sinong lalaki naman siguro ay hindi maiiwasan magandahan sa ibang babae bukod sa girlfriend nila 'di ba?" napangiwi agad ako sa sinabi ko. Alam kong baluktot ang naging rason ko pero kailangan ko lang naman sabihin kay Cyril na malabong magkaroon kami ng relasyon ni Cyrus dahil lang sa komento niyang 'yun sa akin. Naramdaman ko naman na nagpatuloy na si Cyril sa pagmamaneho at saglit din siyang natahimik pagkatapos ko sabihin sa kanya ang bagay na 'yun. "Ikaw bahala, Sena. Paniwalaan mo ang gusto mo paniwalaan. Sana lang talaga ay nagkakamali lang tayo ng iniisip kay Cyrus. Ayokong malagay ka sa kapahamakan dahil lang biglang nagbago ang nararamdaman niya para sa'yo. Kung balak ka man niyang akitin, sana ay tapusin muna ni Cyrus ang meron sa kanila ni Elvira para hindi masabi ng iba na inagaw mo lang siya sa nobya niya kapag naging kayo na." seryosong sabi ni Cyril. Mapait akong napangiti sa sinabi niya. "Huwag ka mag-alala, Cyril. Sigurado naman akong malabong ako ang magustuhan ni Cyrus." Huminga nang malalim si Cyril bago niya marahang ginulo ang tuktok nang buhok ko. Napangiti tuloy ako sa ginawa niyang 'yun. "Don't be too sad, okay? I told you that whether you and Cyrus are together or not, I will always be here by your side." Cyril said who encouraged me. Wala akong nagawa kundi ang tumango na lang. Alam ko naman kasing kahit anong mangyari ay hindi ako iiwan ni Cyril mag-isa. Maya-maya pa ay nakarating na din kami sa harapan ng pregnancy class center. Pumarada lang si Cyril sa harap ng gusali bago kami nagpasiyang pumasok sa loob nito. At habang naglalakad kami papasok ay napansin naman namin ni Cyril na maraming couples ang nandun sa loob. Lahat ng nakapalibot sa lugar ay puro mag-asawa. Sigurado akong napansin ni Cyril ang pagkagulat ko. Kaya sunod na naramdaman ko na lang ay ang pag-akbay na ginawa niya sa balikat ko. Habang nakaakbay sa akin si Cyril ay lumapit naman kami sa isang counter para mailista ang pangalan ko at makapagbayad na rin kami. Pinapirma lang naman ako ng staff at saka nilista ang pangalan namin ni Cyril bago kami pumasok sa loob ng studio. Napansin namin ni Cyril na marami na ang nandun sa loob kaya naman puwesto na rin kami at naupo sa seat number na binigay sa amin. Matapos lang ang ilang saglit naming paghihintay ay kaagad namang pumasok ang instructor sa loob. Nagpakilala lang ito sa amin bago siya nagsimula mag-lecture sa aming mga parents. "Good afternoon everyone. I am Ms. Madeline and I am your today's instructor. And I'm sure that most of the people here did not expect their pregnancy. But even so, I salute those of you who continued the journey of their pregnancy and did not think anything bad for the child in their womb." the instructor started speaking. Nanatili naman kaming nakikinig ni Cyril sa sinasabi ni Ms. Madeline. At gaya ng nabanggit ng instructor ay hindi ko maiwasan maging proud sa sarili ko dahil kahit na mahirap ay naisip ko ipagpatuloy ang pagbubuntis ko. "I'm also sure that pregnancy is not easy for the single parents who are here today, but I just want to say that you can also be a parent even if you don't have a partner in raising a child. It can't be measured in terms of being a parent, if you are a single parent. As long as you are able to raise your child properly and provide for their needs, you are already a perfect parent from the moment you continue with your pregnancy." she added smiling. Hindi ko maiwasang mapaluha sa sinabi ni Ms. Madeline. At katulad ko ay may ibang mga kasama rin ako na buntis na naging emosyonal sa words of encouragement ni Ms. Madeline. "Hanga ako dahil nandito kayong lahat para magkaroon pa kayo ng kaalaman tungkol sa pagiging magulang at sa pagbubuntis n'yo. Kaya nandito ako ngayon para ipaalam sa inyo ang mga bagay na gusto n'yo pang malaman sa pagiging isang ina. At magsisimula tayo sa pregnancy journey n'yo." sabi pa ni Ms. Madeline. Pinunasan ko lang ang nangingilid kong luha at napansin ko namang nakita ni Cyril ang ginawa ko kaya hinaplos niya ako nang marahan sa braso ko. "Now I will teach you the different types of massage that will help you pregnant women. Starting from the chest down to the belly." Ms. Madeline said then immediately showed the images of different types of massage for pregnant women on the white screen in front of us. Pagkatapos sabihin iyon ni Ms. Madeline ay tumayo naman kaming lahat na naroon saka kami binigyan ng tig-iisang panlatag sa sahig para makapwesto kami nang mas maayos sa lapag. Tiles naman ang sahig ng studio kaya hindi masakit umupo sa sahig dahil patag naman. Bukod pa dun ay mattress ang ginamit na panlatag kaya malambot na rin upuan. Tinuruan lang ni Ms. Madeline ang mga kalalakihan na nandun sa klase kung paano nila kami mamasahihin sa dibdib. Naramdaman ko na lang na hinawakan ako ni Cyril sa magkabilang tagiliran habang ang kamay niya ay nasa ilalim ng dibdib ko. Medyo namula ang mga pisngi ko dahil ito pa lang ang unang beses na magkakaroon kami ng intimate physical contact ni Cyril pero alam ko namang wala lang sa kanya dahil seryoso siyang matuto sa klase. Nang simulan niyang igalaw ang kamay niya ay sinimulan niya ang pagmamasahe sa ilalim ng dibdib ko pataas sa ibabaw ng dibdib ko. "Makakatulong sa mga buntis ang masaheng iyan para hindi masyado magkaroon ng bara sa daluyan ng gatas sa inyong dibdib. May iba kasi rito na pagkatapos manganak ay hindi kaagad nagkakagatas kaya mas mainam na habang buntis pa lang ay masanay tayong masahihin ang dibdib ng mga mommies para hindi na masyado mahirap sa kanila ang magpa-breastfeed." nakangiting sabi ni Ms. Madeline. Saglit lang naman iyon pinagawa kila Cyril at maya-maya pa ay nagpakita na sila ng ibang imahe sa white screen. "Susunod naman ay ang pagmamasahe natin sa may bandang balakang. Kapag mas lumaki ang tiyan ng mga buntis ang parteng balakang ang pinakauna sa sumasakit sa atin kaya kailangan alam natin ang tamang paraan ng pagmamasahe sa mga buntis para hindi natin matamaan ang mga delikado na parts." sabi ng instructor. Bahagya akong yumuko para mas umangat ang balakang ko at nang maramdaman ko ang kamay ni Cyril doon ay napangiti kaagad ako. Medyo nakaramdam kasi ako ng kiliti kaya hindi ko naiwasan mapangiti. Nawala naman kaagad ang kiliting naramdaman ko ng magsimula siyang magmasahe sa akin nang dahan-dahan. Magaan lang ang kamay ni Cyril kaya hindi masyado masakit ang bawat hagod ng daliri niya sa balakang ko. Sa katunayan nga ay parang nawala kahit papaano ang pananakit ng balakang ko. Isa na kasi 'yun sa iniinda ko kahit na maliit pa rin ang tiyan ko ay isa na ang balakang ko sa madalas sumakit kapag naglalakad ako ng matagal kaya malaking tulong talaga ang ginagawa ni Cyril sa akin ngayon. "Are you feeling good?" Cyril tried to ask me. Tumango lang ako bago niya pinuwesto ang kamay niya sa may bandang puson ko. Nang tumingin ako sa harapan ay nakita kong ibang image na ang pinakita ni Ms. Madeline. "Kung saan nakapwesto ang kamay n'yo diyan n'yo dapat hahawakan si misis kapag masyado na siyang nabibigat kay baby. Iaangat n'yo lang ng bahagya ang tiyan ni mother bago n'yo bibitawan. Ganun lang ang masahe na pwede sa mga buntis sa bandang tiyan. Bawal ang iba't-ibang movement dahil baka matamaan natin ang panubigan o ang placenta ni mother lalo na kung malapit na ang kabwanan niya. I highly recommend na mag pregnancy belt kayo kung medyo nahihirapan na kayo maglakad sa second or third trimester. Just make sure, na in-advice din sa inyo ng OB para hindi rin tayo mag-take ng risk." advice ni Ms. Madeline. Pagkatapos ng lesson namin sa mga masahe ay sunod namang tinalakay ni Ms. Madeline ang mga tips na makakatulong para mapakalma si baby sa loob ng tiyan lalo na kung madalas itong maglikot sa loob. "Mas magandang iparinig n'yo sa baby n'yo ang iba't-ibang uri ng musika para maging matalino rin siya paglabas. Huwag din natin kakalimutan na makipag-communicate kay baby habang nasa tiyan pa siya. Madalas kasing ginagawa ng baby sa loob ng tiyan ay makinig sa mga ingay sa labas ng tiyan natin." sabi pa ni Ms. Madeline. Napahaplos naman ako sa tiyan ko dahil ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang excitement sa pagbubuntis ko. Lalo na kapag lumaki na ang tiyan ko at magagawa na itong hawakan nila Cyril at Cyrus. Hindi man malaman ni Cyrus na anak namin ang dinadala ko ay nag-uumapaw na kaagad ang tuwang nararamdaman ko kapag naiisip ko na matutuwa sila ni Cyril kapag nakakausap na nila ang baby ko. Pagkatapos ng ilang oras na klase namin sa pregnancy class ay naglakad naman kami kaagad ni Cyril palabas ng studio. Ginabi na rin kami kaya nagpasiya si Cyril na dumaan kami sa pinakamalapit na restaurant para makakain kami. "Kumain muna tayo bago kita ihatid sa apartment mo. Kanina pa kasi nagme-message si Elvira sa akin kakauwi lang kasi niya galing out of town business trip niya. Hindi ko naman pwedeng pabayaan 'yung nobya ni Cyrus." seryosong sabi ni Cyril. Hindi man gusto ni Cyril kapag magkasama sila ni Elvira ay hindi ko pa rin naiwasan ang mapangiti. Kahit kasi hindi niya talaga gusto si Elvira ay ginagawa pa rin ni Cyril ang duty na in-assign sa kanya ni Cyrus. Iyon talaga ang nakakatuwa kay Cyril dahil kahit pa ayaw niya ang isang bagay ay gagawin niya para lang hindi sila magtalo ni Cyrus. Minsan pa nga ay naiisip ko na may pagka-loyal pa rin pala si Cyril kahit na hindi halata. "Ayos lang naman sa akin, Cyril. Mabuti pa siguro kung i-take out na lang natin 'yung pagkain. Baka kasi mamaya ay magalit si Elvira kapag na-late ka ng punta." nakangiting sabi ko kay Cyril. Napabuntong-hininga naman siya saka tumango. "Okay fine, if that's what you want." Pagkatapos nun ay nagpatuloy na si Cyril sa pagmamaneho. Nakarating din naman kami sa drive thru ng isang restaurant at nag-order lang si Cyril ng pagkain na kakainin ko. Ang sabi kasi niya ay hindi muna siya kakain dahil baka pagdating niya sa studio ni Elvira ay pilitin din siya ni Elvira kumain kasama siya. Naiintindihan ko naman si Cyril kaya sinabi ko lang sa kanya ang pagkain na gusto kong kainin at pagkatapos nun ay nagmaneho na siya ulit. Gaya ng balak niya ay naihatid naman ako ni Cyril sa apartment ko ng ligtas. At pagkatapos nun ay umalis din siya kaagad. Pumasok ako sa loob ng apartment ko bago ko sinalin ang mga pagkain sa mangkok at saka kinain ang mga in-order ni Cyril para sa akin. Hiniling ko na lang na makarating siya ng ligtas sa studio ni Elvira. Pagkatapos ko namang kumain ay naligo lang ako bago ako nagpalit ng damit pantulog at nagpasiya na lang akong magpahinga. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD