Chapter 27: Together
THIRD PERSON's P.O.V
"Sir mag-iingat kayo sa pag-uwi n'yo ah!" nakangiting sabi ng ginang kila Isla at Cyrus.
Tumango naman ang dalawa bago nila makitang iabot ng asawa nang ginang ang supot na may lamang bulalo.
"Dalhin n'yo na rin ito. Sobra-sobra na kasi ang binayad n'yo sa amin, sir. Kainin n'yo na lang ito pag-uwi n'yo." nakangiting sabi naman ng ginoo sa kanila.
"Maraming salamat po ulit sa bulalo." nakangiting pasalamat naman ni Isla bago siya inalalayan ni Cyrus papasok sa sasakyan.
Tumango lang si Cyrus at ngumiti sa dalawang tindero bago nagpasiyang sumunod kay Isla sa pagpasok sa loob ng kotse.
Mabilis din na pinaandar ni Cyrus ang kotse niya pabalik sa condo-unit. Inabot na rin kasi sila ng ala-una sa labas.
Nabalot din ng katahimikan ang paligid nila Isla at Cyrus sa loob ng kotse habang nasa byahe sila. At habang parehong tahimik ang dalawa ay muli na namang naalala ni Isla ang sinabi ni Cyrus.
Hindi pa rin makapaniwala ang dalaga na nagawang sabihin sa kanya ni Cyrus na maganda siya pagnakangiti.
Kahit kailan naman kasi ay hindi nakatanggap ng papuri si Isla mula kay Cyrus lalo na sa panlabas niyang katangian.
Kaya hindi magawang mapakalma ni Isla ang puso niya dahil kapag nagre-replay sa isip niya ang sinabi ni Cyrus kanina ay hindi mapigilan magwala ng puso niya.
Sobrang saya kasi ang naramdaman ni Isla dahil sa sinabing iyon ng lalaki. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Isla at medyo napawi ang lungkot na nararamdaman niya kanina.
Kapag kasi sila lang ni Cyrus ang magkasama ay hindi maiwasan ni Isla na makaramdam ng suffocation dahil kapag natatauhan si Isla sa realidad na may ibang nobya si Cyrus ay para siyang inuuntog nang ilang beses sa pader.
Sa sobrang pag-iisip ni Isla ay hindi naman niya namalayan na nakatulog na pala siya. Nang sulyapan siya ni Cyrus ay napangiti ang lalaki ng makita niyang tulog na si Isla.
Mukha itong kumportable habang nakasandal sa head rest ng front seat. At dahil na kay Isla rin ang coat ng lalaki ay inayos lang ni Cyrus ang coat na pinahiram niya kay Isla para maikumot iyon sa katawan ng babae.
Pagkatapos ayusin ni Cyrus ang jacket ay nagpatuloy na ulit siya sa pagmamaneho. Ilang saglit lang din ay nakarating na sila sa parking lot ng condominium.
Naunang bumaba ng kotse si Cyrus at sinunod naman niya buksan ang pinto sa front seat. Hindi pa rin nagigising si Isla kaya nagpasiya na si Cyrus na buhatin si Isla paakyat sa condo-unit niya.
Mahimbing ang pagkakatulog ng dalaga kaya hindi nito namalayan na binuhat na pala siya ni Cyrus hanggang sa condo-unit nito. Sa sobra sigurong kabusugan sa kinain nitong bulalo ay naging mahimbing ang tulog ni Isla.
Nang makapasok sila sa loob ng condo-unit ay nilapag lang ni Cyrus si Isla sa kwarto niya ng mabuksan niya ito. Dahan-dahan lang niya binaba ang babae para hindi rin ito magising bigla.
Nag-unat lang si Cyrus ng katawan niya bago niya sinalin ang supot ng bulalo sa bowl at saka nilagay iyon sa ref. Pagkatapos ay saka muling bumalik si Cyrus sa pagkakahiga niya sa sofa.
At habang nakatitig siya sa kisame ng condo niya ay hindi napigilan ni Cyrus na mapangisi nang maalala niya kung anong sinabi niya kay Isla kanina.
"Jeez, I can't believe that I really said that to her earlier. What am I thinking when I said that?" he murmured.
Pagkatapos naman magmuni-muni ni Cyrus ay hindi niya na rin namalayang napapikit siya at nakatulog na sa sobrang pag-iisip.
Nagising naman si Isla ng marinig niya ang alarm clock ni Cyrus. Nang idilat ng babae ang mga mata niya ay napatingin kaagad siya sa bintana ng kwarto ni Cyrus at nakita niya kaagad na maliwanag na sa labas.
Mabilis na umupo si Isla sa kama saka nag-unat bago magpasiyang tumayo sa higaan ng lalaki. Napangiti si Isla nang ma-realize niyang nakatulog pala siya sa byahe kagabi at mukhang binuhat pa siya ng lalaki patungo sa kwarto nito.
Nang makalabas si Isla ng kwarto ay naamoy niya kaagad ang nilulutong pagkain ng lalaki. Pagkapasok niya sa kusina ay nakita niyang nagluluto nga ang lalaki.
"Gising ka na pala, Sena. How's your sleep?" Cyril smiled after he asked.
"Okay naman. Wala pa naman akong nararamdaman na morning sickness." nakangiting sagot naman ni Isla.
Tumango naman ang lalaki. "Mabuti naman. Nagulat ako ng makita kong sa sofa ako nagising kanina. Pagtingin ko sa kwarto natutulog ka. Hindi ka ba pinauwi ni Cyrus kagabi?" tanong ulit ni Cyril.
Umiling naman si Isla bilang tugon saka nagsalita. "Hindi na ako nakauwi kasi naging abala kami ni Cyrus. Actually, company n'yo na ang bagong owner ng TTC. Saka si Cyrus din ang sumama sa akin kahapon nung bigla akong naglihi ng bulalo nung hating-gabi na."
Natigilan naman si Cyril sa ginagawa. Napansin din ni Isla na iniinit ni Cyril ang bulalo na inuwi nila kagabi. Bukod pa dun ay nagluto rin si Cyril ng ibang putahe tulad na lang ng kare-kare.
"I'm glad that Cyrus was successful with the transaction." Cyril smiled.
"Hindi lang iyon. Nalaman ko na iyong isa palang kumpanya na gustong kunin ang ownership ng TTC ay ang kumpanya ng ama ni Cyrus." sabi naman ni Isla.
Inilapag lang ni Cyril ang mga pagkain sa mesa bago napatingin kay Isla. Sa pagkakataong iyon naman ay seryoso na si Cyril na nakatingin sa dalaga.
"Really? Ano namang nangyari nung malaman ni Cyrus na kalaban niya pala ang ama niya sa pagkuha ng ownership ng TTC?" seryosong tanong ni Cyril.
"They argued at first but then Cyrus won with the argument. Dahil din sa tulong ng kapatid niyang si Sydney ay napapayag nito ang ama nila." kwento ni Isla.
Natahimik sandali si Cyril. Kilala naman kasi niya kung sinong tinutukoy ng babae. Magkaiba lang sila ng katauhan ni Cyrus pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na kilala ni Cyril ang kapatid at ama niya na nagbuhay sa katauhan niya.
"I know them. Nasabi na siguro ni Cyrus sa'yo na kaya ako nabuhay dahil ang ama namin ang nagbigay ng pangalan ko at bumuo sa katauhan ko." seryosong paliwanag ni Cyril.
Agad namang kumunot ang noo ni Isla at saka hinawakan ang kamay ni Cyril. Na-realize kaagad ni Isla na kung may naging past trauma man si Cyrus ay sigurado siyang pati si Cyril ay alam ang tungkol sa past trauma nila ni Cyrus.
"Huwag ka mag-alala, Cyril. Nangako na ang ama n'yo na hindi na niya kayo guguluhin ulit. Nabanggit niya rin na kapag na-realize niya na ang mga kasalanan niya sa inyo ay hihingi siya ng tawad pagdating nang araw." seryosong sabi naman ni Isla.
Cyril smiled knowing that Isla was trying to comfort him. Dahilan para mas lalong lumalim ang nararamdaman niya para sa babae.
Hindi man sila pareho ng nararamdaman ay balewala lang naman kay Cyril dahil alam naman niya, una pa lang na wala silang pag-asa ni Isla.
Sadyang masaya lang siya makitang nag-aalala si Isla para sa kanya dahil mas nasanay siyang si Cyrus ang madalas na may taong sumusuporta sa kanya at nagagawa siyang damayan sa mga ganitong sitwasyon.
"Napakabuti mo talagang tao, Sena. Siguro kung hindi mo kaagad ako nakilala ay matagal na siguro akong naglaho sa buhay ni Cyrus. May mga panahon din naman kasi na naisip ko na bitawan ang katauhan ko at maging isa na lang sa katawan ni Cyrus. Ikaw lang talaga ang dahilan ko kaya ako nag-stay sa katawan na 'to bilang si Cyril." seryosong sabi ni Cyril at napangiti pa ito nang mapait.
Napalunok naman si Isla saka mabilis na tumayo saka umupo sa tabi ni Cyril. At nang mga sandaling iyon ay walang ibang ginawa si Isla kundi ang bigyan ng yakap si Cyril.
"I'm sorry if I couldn't reciprocate your feelings for me, Cyril. I hate to admit that we're in the same boat for having unrequited love for someone. But I hope you wouldn't think of leaving again. Hindi ko kasi alam kung paano pa ako magiging masaya kapag wala ka na. Alam kong hindi ka naman talaga mawawala pero iba pa rin kasi talaga ang pakiramdam kapag ramdam ko ang presensya mo sa tabi ko. Ang selfish ko man sa bagay na 'to pero sana huwag mo ako sukuan. Pinapangako ko sa' yo na kahit hindi man kita magawang mahalin gaya ng pagmamahal ko kay Cyrus ay mahalaga ka sa akin, higit pa sa inaakala mo. Para sa akin, ikaw lang meron ako, Cyril." sabi ni Isla at hindi na nito napigilang mapaluha.
Naging emosyonal ang babae dahil sa takot na baka sumuko na si Cyril. Kaya naman nang makita ni Cyril ang reaksyon niya ay agad niyang niyakap nang mahigpit ang babae saka ngumiti.
"I won't give up on you, Sena. You don't have to worry. I promise that I'll stay by your side always." Cyril assured her.
Mas lalong napahikbi si Isla dahil nakahinga siya nang maluwag sa sinabi ng lalaki. Totoo naman kasi ang sinabi niya kay Cyril.
Hindi man magawa ni Isla na mahalin ito tulad nang pagmamahal niya kay Cyrus ay natatakot naman si Isla na mawala si Cyril sa buhay niya.
Mahalaga kay Isla si Cyril dahil bukod sa kaibigan ang turing ni Isla sa lalaki ay parang isa na rin ito sa tinuturing ni Isla na pamilya.
Kapag kasi hindi nagagawa ni Cyrus ang mga bagay na gusto niya maranasan sa lalaking mahal niya ay si Cyril palagi ang nagpaparamdam nun sa kanya.
At naisip ni Isla na magiging sobrang lungkot niya siguro kapag nawala si Cyril sa buhay nila ni Cyrus. Si Cyril kasi ang nagtatanggol sa kanya madalas at kapag naiisip pa lang ni Isla na mawawala si Cyril ay parang hindi siya makahinga.
Para kasing pakiramdam ni Isla kapag naiisip niyang mawawala si Cyril sa buhay niya ay parang nawala na rin ang kalahati nang buhay niya.
At para sa taong hindi nagawang makasama nang matagal ang mga magulang ay masyado talagang nangungulila si Isla sa pagmamahal at atensyon ng mga taong mahalaga sa kanya.
Si Cyril, hindi niya nagawang magkulang sa atensyon at pagmamahal para kay Isla. Kahit pa kasi pinipilit si Cyril nang nobya ni Cyrus na huwag na itong lumapit kay Isla ay hindi naman sinusunod ng lalaki.
Iyon naman ang nagustuhan ni Isla kay Cyril. Hindi kasi basta-basta sumusunod si Cyril sa tao lalo na kung ayaw niya ang inuutos sa kanya.
Tanging ang parte lang ni Cyril ang kayang tanggapin ni Isla at hindi ang parte ni Cyrus na matagal nang pagmamay-ari ni Elvira.
Kaya naman bumabawi na lang si Isla sa pagmamahal na pinaparamdam sa kanya ni Cyril. Kapag wala kasi si Elise ay si Cyril lang ang nakakasama niya na kaibigan niya.
Araw-araw hinihiling ni Isla na sana sa tuwing magigising sila Cyrus at Cyril sa iisang katawan ay hindi pa rin nawawala si Cyril.
"Pangako mo iyan, Cyril ah? H-hindi ko talaga alam kung anong mangyayari sa akin kapag pati ikaw nawala pa sa buhay ko. Pasensya ka na talaga kung hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo pero mahalaga ka sa akin kaya huwag ka sana muna sumuko sa akin." humihikbing sabi ni Isla.
Huminga nang malalim si Cyril bago hinagod ang likod ng babae. "I know. Alam kong ako lang naman ang madalas mong sandalan kapag nalulungkot ka at may problema ka. Kung mawawala man ako alam kong hindi pa ngayon lalo na't hindi ka pa handang mawala ako."
Nakagat ni Isla ang ibabang labi niya dahil hindi niya magawang maging kampante. Alam kasi niyang mananatili si Cyril hangga't kaya nito manatili.
Ngunit alam naman ni Isla na may hangganan ang pananatili ni Cyril sa katawan nila ni Cyrus. Kapag kasi kinasal si Cyrus at Cyril ay alam ni Isla na baka ipagamot na ni Cyrus ang sarili niya para hindi na magising si Cyril.
Labag man sa loob ni Isla ay pinilit na lamang niya ang sarili na tumango kahit na ayaw niya talaga mangyari ang nasa isip niya.
Kaya naman naisip ni Isla na kung sakaling mangyari man ang bagay na iyon ay magmamakaawa siya kay Cyrus kahit anong mangyari para lang hindi matulog si Cyril nang habang-buhay.
---