CHAPTER 1: Revelations
CYRUS DELROY's P.O.V
When I finally got out of my office, I hurried to the parking lot to get into my Ferrari. After getting into my car, I immediately drove to Elvira's studio.
Nang marinig ko kasi ang pinayo sa akin ni Isla ay wala agad akong ibang naisip kundi ang sundin ang payo niya. Alam ko naman kasing tama rin ang suhestiyon sa akin ni Isla dahil mas mainam nga namang magsabi na lang ako ng totoo sa fiance ko.
I am very grateful that Isla became my secretary and a friend because she is the only person who understands me the most and accepts my condition even after she found out the truth about me.
If Isla wasn't by my side, I may not be able to be happy because she is the only one who always supports my decisions. So I am happy to have a reliable secretary and also a good friend.
Kahit na sa totoo eh, natatakot ako sa magiging resulta ng desisyon kong 'to. Hindi ko naman kasi masasabi na magiging pareho lang si Elvira at Isla ng reaksyon, kapag nalaman ng fiance ko ang tungkol sa sakit ko.
Talagang nilihim kong mabuti ang tungkol sa pagkakaroon ko ng split personality, pero si Isla lang ang nakaalam tungkol sa sekreto kong iyon dahil kaya niyang alamin kung sino sa amin ng alter ko ang bawat isa.
Siguro nga kasi ay kilalang-kilala na ako ni Isla. Nilalakasan ko na lang talaga ang loob ko na sana ay matanggap ni Elvira ang tungkol sa akin dahil walong-taon din kaming naging magkasintahan.
Alam ko namang magagalit siya sa akin kapag nalaman niyang nilihim ko ito sa loob ng ilang taong pagsasama namin, pero 'di naman ako masisisi ni Elvira.
Ayoko lang kasing maging weirdo ako sa paningin niya dahil mahal na mahal ko siya. At nasasaktan ako kapag naiisip ko pa lang na mag-iba ang tingin sa akin ni Elvira.
Sana lang ay may magandang idudulot sa relasyon namin ang pag-amin ko. Gusto ko lang naman kasing sumaya kami ni Elvira. At ang nais ko lang ay matuloy ang kasal na matagal na naming pinaghahandaan.
Kung bakit pa kasi kailangang sirain ni Cyril ang relasyon namin ni Elvira! Sinabi ko naman kasi sa lalaking iyon na hahayaan ko siya sa gusto niya basta huwag lang siyang magpapakita kay Elvira!
Bakit kasi minalas pa na nakita siya ni Elvira at ang nakakainis pa dun ay nambababae lang pala siya kapag siya ang gising sa aming dalawa!
Huminga muna ako nang malalim nang matanaw ko na ang studio ni Elvira. Kaagad kong pinark ang kotse ko sa parking lot ng studio niya bago ko lumabas ng sasakyan ko.
Pagkalabas ko ng kotse ko ay nagmamadali naman akong pumasok sa studio at nang makita ko si Elvira na abala sa pag-aayos ng bagong gawa niyang gown ay hindi ko maiwasang mapangiti.
Makita ko pa lang siya ay masaya na ako. Lalo na't medyo magulo ang buhok niya na naka-messy bun. At hindi lang iyon, napansin ko rin na medyo lukot ang damit niya dahil siguro sa pag-aayos ng bagong design niyang damit.
Kaagad naman akong napatayo ng tuwid ng makita kong bigla siyang napatingin sa gawi ko. Nakita ko kaagad kung paanong dumilim ang ekspresyon niya.
"What are you doing here?" she asked me coldly.
"Baby, let's talk. I'm here because I want to clear things up. I-I know you're still mad at me but please let's talk. I don't want us to break up." I immediately told her.
I immediately heard her sigh heavily before coming a little closer to my direction. "Didn't I tell you that I'm canceling the engagement? I don't want to marry you anymore, Cyrus! How many times do I have to repeat that to you? We're done, so leave!" she told me coldly, not even looking at me.
After that, she immediately went to her desk and sat on the chair, then faced her laptop monitor.
"I won't agree to that, baby! Please, talk to me! Give me a chance to explain! I-I don't want us to break up because of a misunderstanding!" I tried to protest. I feel like I'm going to cry again at any moment because I really can't handle it when Elvira treats me coldly. It feels like my heart was breaking apart.
Nagulat ako ng marinig kong hampasin niya ang desk niya nang malakas at napatayo siya mula sa pagkakaupo bago ako tinitigan nang masama.
"Ano bang hindi pagkakaintindihan dun, Cyrus?! Nakita kitang may kahalikang babae, tapos sasabihin mo sa akin, hindi iyon pagkakaintindihan? Ano ako, t*nga?!" singhal niya sa akin.
Napalunok ako at pakiramdam ko ay may bumarang tinik sa lalamunan ko. Alam ko namang nagagalit siya ngayon dahil iniisip niya na gumagawa lang ako ng palusot.
"Totoo namang hindi lang tayo nagkakaintindihan, baby. Mali ka ng akala mo! H-hindi ako iyong nakikipaghalikan sa babae! At mas lalong hindi ko magagawang magloko sa'yo, lalo na't ikaw lang naman iyong babaeng minahal ko sa loob ng walong-taon!" hindi ko na napigilan pang sabihin sa kanya.
Narinig ko namang pagak siyang natawa. "Ginag*go mo ba ako, Cyrus? Sa tingin mo ba ay madadala mo ako diyan sa mga palusot mo? Kung hindi ikaw iyong lalaking nakita ko sa bar, eh sino pala iyon? Multo mo ganon?" sarkasmong tanong niya.
Umiling naman kaagad ako. "No, baby. But I'm telling you the truth. It's really not me! Hindi talaga ako iyong nakita mo. A-alam ko mukha lang akong nagdadahilan sa'yo pero sana naman makinig ka muna sa akin bago mo ako husgahan." mahinang pakiusap ko.
Tinitigan naman ako ni Elvira ng ilang saglit bago siya napailing. Kaya naman huminga muna ako ng malalim bago magsalita ulit.
"I know when you hear my side, you will be even more angry with me because I haven't been honest with you, but this is the only hope I have left for you to believe me. I have DID, and the man you saw at the bar kissing another girl is my alter. Yes, you heard it right, I have a split personality. But I hope you don't hate me just because you found out about the secret I've been hiding from you for a long time. It's just I don't want you to see me like a freak." I confessed. I felt that there's something stuck on my throat and I felt my eyes became blurry.
I immediately saw how her forehead wrinkled. "Are you really going to make excuses like that for me to believe you?! For Pete's sake, Cyrus! We have been in a relationship for eight years and do you think I will believe you if you tell me you have DID? How can I believe that if I have never seen you with such illness? Are you that desperate to make excuses for me just to make me believe you?" she told me disappointedly and it was like my heart was squeezed after hearing that from her.
"No, I'm not making excuses, baby! I'm telling the truth. C-can't you just believe me for once? Have I ever lied to you?
I didn't do anything else but to be honest with you, didn't I? This is the only thing I couldn't tell you because I was afraid of your reaction. I thought that you'll leave me when you realize that your boyfriend is a freak." I told her and from the moment, I couldn't stop my tears from flowing down to my cheeks.
Nakita ko namang iniwasan niya ako ng tingin at saka niya pinagkabit ang magkabilang braso niya.
"Ewan ko, Cyrus. Hindi ko na rin alam kung anong paniniwalaan ko sa'yo! Gaya nga ng sabi mo nagpakatotoo ka sa akin sa loob ng walong-taon, pero matapos mong banggitin na nilihim mo ang bagay na iyon sa akin ay para ka naring nagsinungaling sa akin! At kung totoo man ang sinasabi mo tungkol sa pagkakaroon mo ng DID, ikaw man iyong lalaki sa bar o hindi—niloko mo pa rin ako! Iisang katawan lang ang gamit n'yo at kung may tiwala ka talaga sa akin, hindi mo iyon magagawang ilihim sa 'kin! Tinanggalan mo lang ako ng karapatan na malaman ang totoo tungkol sa kalagayan mo."
"And that only means one thing, Cyrus. You really don't trust me completely, so you can't tell me the important thing about you. Maybe you don't really trust my love for you, so I'm sorry if I don't want to change my decision to end everything between us. You've already hurt me, and you can't change that!" she said firmly.
Hindi naman ako nakaimik. Naramdaman ko lang ang tuloy-tuloy na pag-agos ng luha ko. Naikuyom ko rin ang kamao ko dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko.
Nawalan na kasi ako ng pag-asa. Lalo na't ito ang unang pagkakataon na nakita kong galit na galit si Elvira.
"W-wala naba talagang chance na mag-kaayos tayo, baby? Ito ba talaga ang gusto mong mangyari sa 'tin?" mahinang tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang luha ko nang paunti-unti.
Huminga naman siya nang malalim bago tumango. "I'm sorry, I've already made up my mind. I know it's absurd that I'm going to throw the eight years we've been through together, but you can't blame me. Ayoko na kasi masaktan ulit dahil sa' yo, lalo na't sinira mo na ang tiwala ko!"
Ngumiti ako nang mapait bago ko siya tiningnan ulit. Nakita ko namang nakayuko na siya at nakatingin sa sahig. Hindi ko maiwasang matawa nang pagak dahil nakita kong ayaw na rin niya akong tingnan.
"K-kung ito talaga ang desisyon mo, sige hindi na kita pipilitin. I'm sorry if I broke your trust. Pero sana isipin mo rin na hindi ko naman ginusto ang lahat ng 'to. Ayoko talagang maghiwalay tayo, pero kung buo na ang desisyon mo hindi na kita pipilitin. S-sana lang ay maging masaya ka sa naging desisyon mo. I love you, baby. I hope that you won't forget our memories together. Goodbye!" I told her before walking away.
Nagmamadali akong bumalik sa sasakyan ko at nang makapasok ako sa loob ng kotse ko ay malakas kong nasuntok ang manibela ko habang napapamura na lang. Ramdam na ramdam ko iyong pangingilo ng kamao ko dahil sa malakas na pagsuntok ko pero hindi nun matutumbasan ang sakit na nararamdaman ko ngayon sa puso ko.
Kung pumayag lang sana si Elvira na ayusin namin ang relasyon namin ay hindi siguro ako nasasaktan ng ganito. Dapat siguro ay tanggapin ko na lang na tapos na ang lahat sa amin.
---