PROLOGUE

1711 Words
Prologue: My Boss' Dual Identity ISLA SENA's P.O.V It's still early in the morning, but the only thing I can hear is my boss swearing non-stop inside his office, and because I was a bit worried about the reason he was cursing, I tried to knock outside of his office to let him know that I would come inside. Hindi na ako nag-alangan pang buksan ang pintuan ng opisina niya. Pagkapasok ko sa loob ay nakita kong hindi maipinta ang mukha ng amo ko. Kaagad namang kumunot ang noo ko ng mapansin kong galit na galit ito base sa emosyong pinapakita nito. Huminga muna ako ng malalim bago lumapit sa harapan ng desk niya. "Sir, are you alright? Did something happen that made you so angry?" I tried to ask him calmly. I immediately saw how he looked at me and I almost jumped when I heard him hit his desk hard which created a loud noise. "s**t! I really don't know what to do with bastard Cyril, anymore! He has done nothing but ruin my life! Damn it!" Cyrus said as he gritted his teeth and his jaw clenched. Nagkaroon ako kaagad ng ideya kung anong tinutukoy niya dahil naging daily routine ko na yata ang makinig sa mga hinaing niya tungkol kay Cyril. "Ano na naman bang kalokohan ang ginawa ni Cyril para magalit ka nang ganyan, boss?" sabi ko saka naghintay sa susunod na sasabihin niya. "Elvira just broke up with me a while ago! And do you know for what reason? It's because she saw me last night at the bar kissing with another girl! Damn it, Isla! How could I do that to Elvira? It's only been a month and we were going to get married, but Elvira canceled it because she said she couldn't marry a cheater like me!" Cyrus angrily explained to me and I could clearly see the pain and sadness in his eyes as he told me his complaint. At dahil nabigla ako sa sinabi niya ay wala akong ibang nagawa kundi ang mapabuntong-hininga. Pagkatapos nun ay nag-isip ako sandali ng magandang sabihin sa kanya para mapakalma siya kahit pa-paano. "Boss, naiintindihan ko na nasasaktan ka dahil sa ginawa ng alter mo. Hindi naman kasi talaga tamang ginawa iyon ni Cyril kahit alam niyang may fiance kana. Huwag kang mag-alala, boss. I will talk to Cyril and scold him when he comes out." I tried to cheer him up. Mabilis namang napaupo pabalik si Cyrus sa swivel chair niya. Ngunit sa pagkakataong iyon ay nakahawak naman siya sa noo niya at hindi ko namalayan na palihim na pala siyang umiiyak. Napapikit ako nang mariin bago ko siya nilapitan at saka siya hinagod sa kanyang likuran. "Boss, huwag kang mag-alala. Sigurado akong magiging maayos lang ang lahat. Huwag ka munang panghinaan nang loob dahil hindi pa naman natatapos ang lahat." "I don't know anymore, Isla. I don't know what to do anymore... I'm so afraid! I don't want to be emotional, but when I think that Elvira is really going to cancel our engagement, I feel like it's breaking my heart and I can't breathe when I think about that." he explained while his voice was shaking as he told me that. Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko habang patuloy lang ako sa paghagod ng likuran niya. Sinubukan ko ring i-abot sa kanya ang tissue box para mapunasan niya ang mukha niya habang umiiyak. "I know how hard, all of this is for you. This is just a test, sir. I know you can overcome these things. For now, think about how you can win back ma'am Elvira's trust in you. Maybe you should prove to her that you're not really cheating on her, or maybe it's better to just confess about your Dissociative Identity Disorder." I tried to suggest. Nakita ko namang nilingon niya ako dahil sa sinabi ko at nakita kong malungkot siyang napailing. "Hindi ko magagawa iyong huling sinasabi mo, Isla. Alam kong hindi maganda na ilihim ko 'to sa kanya pero ayoko lang naman kasing mawirduhan siya sa akin. Ayokong mag-iba ang tingin sa akin ni Elvira kapag nalaman niyang ang fiance niya pala ay may sakit sa pag-iisip." pumiyok pa si Cyrus matapos sabihin sa akin iyon. Napalunok ako dahil hindi ko kinaya ang narinig ko mula sa bibig niya. Sa totoo lang, naaawa talaga ako sa boss ko pero wala naman akong magawa para mapagaan ang nararamdaman niya. Sa loob ng apat na taon na nagtrabaho ako sa kumpanya niya ay wala akong ibang hinangad kundi ang maging masaya siya. Mabuting amo sa akin si Cyrus at iyon ang pinapasalamatan ko sa lahat. Iyon nga rin siguro ang pinaka-dahilan kung bakit nahulog ang loob ko sa kanya. Minabuti ko lang na huwag ipaalam sa kanya ang tungkol sa nararamdaman ko dahil alam ko naman kung gaano niya kamahal ang nobya niya. Kuntento na rin naman akong manatali sa tabi niya bilang sekretarya niya. Ayokong maging sakim ng dahil sa pag-ibig dahil ayokong iyon ang maging dahilan para masira ang lahat ng pinagsamahan namin ni Cyrus. Bilang sekretarya niya ay alam ko rin na tinuring niya na rin ako bilang kaibigan niya. Dahil sa tuwing may problema siya ay ako ang unang-unang sinasabihan niya. Ikinuyom ko ang isang kamao ko saka ako huminga nang malalim. "Para sa akin kasi, boss... mas magandang aminin mo na sa kanya ang tungkol sa totoong kalagayan mo dahil kapag ikinasal kayo ay magiging asawa ka na niya. At mas masasaktan lang siya kapag sa huli niya pa malaman ang tungkol sa sakit mo." "Sa tingin ko kasi mas maganda pang magpakatotoo ka kaysa nagsisinungaling ka. Isa pa, kung totoo namang mahal ka niya, handa siyang tanggapin ang kahit anong mali sa pagkatao mo dahil kahit ano mang mangyari, ikaw pa rin naman iyong taong minahal niya eh." dagdag ko pa. Nakita ko namang mas nalungkot ang ekspresyon ng mukha niya. At habang nakikita kong ganun siya ay parang hindi ko rin maiwasang makaramdam ng lungkot. "What should I do if she thinks of me as a weirdo? Yes, we are already there—that she loves me but she may still change her view of me when she finds out the truth about me. That's why I can't help but be afraid because I don't want us to break up for real, just because I've admitted the truth to her." Cyrus said to me as his voice was trembling. Wala akong ibang nagawa kundi ang mapabuntong-hininga. Alam ko namang sobrang hirap ng sitwasyon ni Cyrus at hindi ko siya masisisi kung nahihirapan siyang ayusin ang problema niya ngayon. Tiningnan ko siya nang sinsero sa mga mata saka ako ngumiti ng bahagya. "Diba mas magandang umamin ka habang may chance ka pa dahil kapag iyon ang pinili mong gawin, kahit man maghiwalay kayo ng tuluyan, atleast hindi ka magsisisi sa huli dahil masasabi mo sa sarili mo na ginawa mo naman ang lahat ng makakaya mo para hindi kayo maghiwalay nang tuluyan." I saw how he clenched his fist and then gently wiped his face with a tissue and I saw that he also stopped crying. "Okay, okay. I'll do what you told me. I know I'll be gambling if I do that, but it's better that I did something instead of nothing, right? I don't want to regret that I didn't do anything so I'll follow your advice. It's up to Elvira what will happen next. I'll probably just prepare myself for what the result will be afterwards." he said with determination. Ngumiti naman ako ng marinig ang sinagot niya. "Tama, boss. Ganyan nga! Huwag kang matakot sumugal dahil hindi mo naman masasabi kung anong pwedeng mangyari pag hindi ka kumilos 'di ba? Hintayin na lang natin ang magiging desisyon ni ma'am Elvira pag nasabi mo na sa kanya ang katotohanan tungkol sa'yo." Tumango naman siya saka huminga nang malalim bago tumayo sa swivel chair niya at saka inayos ang damit niya. "Ikaw munang bahala rito, Isla. I-cancel mo muna ang mga meeting ko mamaya dahil aalis ako. Pupuntahan ko si Elvira at kakausapin ko na siya ngayon." sabi niya sa akin na tinanguan ko na lang bilang tugon. Pagkalabas niya ng opisina niya ay agad naman akong napabuntong-hininga bago ako nagpasiyang lumabas at bumalik sa cubicle ko. Sinalansan ko ang mga papeles na dapat ay pipirmahan ni Cyrus bago ako naupo sa upuan ko. Huminga ako nang malalim at napahawak sa dibdib ko. Pagkatapos ay napangiti ako nang mapait. Ngayon ko lang kasi naramdaman ang bigat ng pakiramdam dahil mas naging sigurado ako ngayon na wala talagang pag-asa para sa amin ni Cyrus. Ang hirap pala kapag ikaw lang ang nagmamahal sa inyo ng taong mahal mo. Sabagay, nasanay naman na akong palaging nasa tabi niya at naging sapat na iyon para sa akin. Ayokong maghangad ng malaki lalo na kay Cyrus dahil ayokong masira ang tiwala at tingin niya sa akin kapag nalaman niya may lihim akong nararamdaman para sa kanya. Hindi lang talaga ako sanay kapag nakikita ko siyang malungkot dahil parang ako ang mas nasasaktan para sa kanya. Di ko kasi kayang makita siyang malungkot ng dahil sa ibang babae. Kahit kailan naman kasi ay hindi ako gumawa ng dahilan para maging malungkot siya. Kaya nga ako tumagal sa pagiging sekretarya niya dahil alam kong malaki ang tiwala niya sa akin. Bukod pa dun ay ako lang kasi ang taong tunay na nakakaalam sa kondisyon niya. Alam kong may split personality si Cyrus at kahit sa alter niya ay close kami. Ganun kami ka-close ni Cyrus at Cyril kaya hindi ko maiwasang mas mahulog kay Cyrus dahil ako lang ang taong nakakaalam sa sekreto niya at mas kilala ko siya kahit na apat na taon lang ang pinagsamahan namin. Kaya ang tanging hiling ko lang ngayon ay 'wag na sana siyang saktan ni Elvira dahil kapag bumalik sa akin si Cyrus na nasasaktan at malungkot ay hindi ko na talaga alam kung makakapagpigil pa ako sa nararamdaman ko. At kung ako lang ang tatanungin, ibibigay ko kay Cyrus ang respeto na nararapat para sa kanya. At sisiguraduhin kong magiging masaya siya sa akin kapag binigyan niya lang ako ng pagkakataong patunayan sa kanya ang pag-ibig ko. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD