CHAPTER 2

1785 Words
Chapter 2: Night ISLA SENA's P.O.V It's already past eight in the evening when I decided to go home. Inasikaso ko pa kasi ang mga naiwang papeles ni Sir Cyrus at ang mga meeting niya na naka-schedule para bukas. Papalabas pa lang ako ng elevator ng maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko kaya naman agad kong kinalkal ang loob ng bag ko para hanapin ang phone ko. Incoming call... MY BOSS Iyon kaagad ang bumungad sa screen ng phone ko kaya naman agad kong sinagot ang tawag niya. Kumunot pa ang noo ko nang marinig kong maingay sa background ng call niya. "Boss? Napatawag ka? May kailangan ka ba?" agad namang tanong ko. Ang tanging naririnig ko lang na ingay sa background niya ay ang malakas na tugtog at ang hiyawan ng mga tao sa paligid. "Baby, please don't do this to me... Huwag mo naman sana sayangin a-ang pinagsamahan natin, please?" Nang marinig ko ang sinabi niyang iyon ay muli akong napatingin sa screen ng phone ko at nagtaka ako bigla. Doon ko lang din na-realize na siguro ay mali siya ng tinawagan dahil akala niya siguro ay si Elvira ang natawagan niya. Bigla na lang akong nakaramdam ng pag-aalala kay Cyrus ng ma-realize ko kung ano ba talagang nangyayari kung bakit mukhang nasa bar siya ngayon at nagpapakalasing. "Boss, huwag kang aalis diyan ah? Ako na ang susundo sa'yo." bilin ko sa kanya at hindi ko na siya hinintay na makasagot pa. Pagkatapos kong sabihin iyon ay mabilis kong binaba ang tawag at binalik ang phone ko sa bag bago tumakbo patungong parking lot. Alam ko naman na kasi kung saang bar siya hahanapin dahil ang madalas lang naman na bar na pinupuntahan niya ay ang bar din na pinupuntahan ni Cyril. Hindi na ako nagdalawang-isip na patakbuhin ng mabilis ang kotse ko para lang makarating kaagad sa lugar kung saan ko makikita si Cyrus. Nang mai-park ko ang kotse ko sa parking lot ng bar ay agad akong bumaba ng sasakyan at dali-daling pumasok sa loob ng bar. Usok ng sigarilyo at amoy ng alak ang kaagad na bumungad sa akin kaya marahan kong pinaypay ang aking kamay para ihawi ang usok ng sigarilyo na pumunta sa gawi ko. Napaubo pa ako nang bahagya bago nagsimulang iikot ang paningin ko para mahanap ang taong sinadya ko sa bar na iyon. Agad din namang nahagip ng mata ko si Cyrus na nakaupo sa bar counter. Mabilis akong humakbang palapit sa pwesto niya at nakita ko namang nakasubsob na ang mukha niya sa counter. "Excuse me! Marami na ba siyang nainom?" agad kong tanong sa bartender. Hinarap naman ako kaagad ng bartender bago tumingin sa resibong hawak nito. "Ah yes, ma'am. Siguro po sa pagkakatanda ko nakaubos na po si Sir ng isang bote ng Whiskey." Agad akong napanganga at saka napabaling ng tingin kay Cyrus na nakasubson pa rin ang mukha sa bar counter. Sobra sigurong problemado at stress siya ngayon kaya ganun na lang karami ang nainom niyang alak. Ngunit bago pa man ang lahat, ay mabilis ko namang kinapkap ang magkabilang bulsa ni Cyrus bago ko kinuha ang wallet niya. Pagkatapos nun ay inilabas ko ang black card niya saka ko iyon inabot sa bartender. "Babayaran na namin iyong nainom niya gamit nitong card. Pakibigay na rin sa akin iyong bill niya." nakangiting sabi ko sa lalaki na tinanguan naman ako. Nang mabayaran na ang nakunsumo ni Cyrus ay agad ko namang nilagay sa bag ko ang wallet niya para hindi iyon mawala. At saka ko ikinuwit ang braso niya sa balikat ko para maalalayan siyang maglakad palabas ng bar. Sobrang bigat pa naman ni Cyrus ngunit pinilit kong kayanin na alalayan siya hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya. Mas pinili ko na lang na ipagmaneho siya gamit ang kotse niya dahil pwede ko namang balikan bukas ang kotse ko sa parking lot ng bar, bukas nang umaga. At habang nasakalagitnaan kami ng byahe ay mahimbing pa rin ang tulog ni Cyrus sa passengers seat kaya naman hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. Hindi ko talaga mapigilang maawa sa kalagayan niya ngayon dahil mukhang may ideya na ako kung bakit siya ngayon nagkakaganito. Siguro ay tuluyan na nga silang naghiwalay ng nobya niya. Kahit gustuhin ko mang maging masaya sa parte ko dahil sa wakas ay malaya ko na siyang pwedeng mahalin ngayon na hindi nakakaramdam ng selos ay hindi ko naman magawa. Alam ko kasi kung gaano niya talaga kamahal si Elvira. At sigurado akong walang makakapantay sa pagmamahal na binigay niya kay Elvira, if ever man na magkaroon ng bago si Cyrus ay alam kong hindi na niya magagawang mahalin ang taong iyon gaya ng pagmamahal niya kay Elvira sa loob nang walong taon. Pagtingin ko sa orasan ay napansin kong alas-diyes nang gabi na bago kami nakarating sa parking lot ng condo unit niya. Nang makababa ako ng sasakyan ay agad ko namang binuksan ang pinto ng passenger's seat. Dahan-dahan ko rin siyang inalalayan na makalas ng kotse bago kami nagsimulang maglakad patungong elevator. Narinig ko pang may sinasabi si Cyrus ngunit pabulong lang kaya hindi ko rin masyadong maintindihan ang sinabi niya. Bumukas ang elevator nang makarating kami sa palapag ng condo unit niya. Inanalalayan ko pa rin siyang mabuti hanggang sa tuluyan kaming nakapasok sa loob ng condo unit niya. Mabilis ko siyang dinala sa loob ng kwarto niya at nang makahiga na siya doon ng tuluyan ay agad akong pumunta sa kusina. Nag-stretch pa ako ng braso ko dahil nakaramdam na ako nang pangangalay bago ako kumuha ng tubig sa pitsel at saka ko humanap ng gamot sa counter cabinet niya. Nakakita naman ako doon ng ibuprofen at iyon agad ang kinuha ko bago ako bumalik sa kwarto niya at iniwan ang gamot at baso ng tubig sa bedside cabinet niya. Pagkatapos ay muli akong lumabas para ikuha siya ng face towel at tubig sa plangganita dahil balak ko siyang punasan bago siya bihisan ng pantulog niya. Never ko itong ginawa sa kanya dahil ayaw naman niya akong papuntahin sa condo-unit niya noon dahil si Elvira ang madalas gumawa nito sa kanya. Siguro ay nagagawa ko lang ito sa kanya kapag sinusundo ko si Cyril sa bar pero hindi naman gaya niya si Cyril. Iyong alter niya kasi ay mas mataas ang alcohol tolerance kesa sa kanya. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit nalasing siya ng ganito dahil pareho lang naman sila ni Cyril ng ginagamit na katawan. Unti-unti kong binuksan ang butones ng longsleeves niya bago ko siya sinimulang punasan ng basang tuwalya sa mukha hanggang sa leeg niya. Nahubad ko rin ng tuluyan ang longsleeves niya dahil balak ko ngang palitan siya ng pantulog na kinuha ko pa sa walk-in closet niya. Tatayo pa lang ulit ako para sana simulang tanggalin ang pants niya ng maramdaman ko ang biglang paghawak niya nang mahigpit sa braso ko. Agad akong napalunok ng makita ko siyang nakatitig sa akin ng seryoso. Bigla tuloy ako nakaramdam ng taranta dahil baka bigla siyang magalit sa akin kung bakit ako nandito ngayon sa condo-unit niya. "Baby, are we g-good now? Kaya ba inaalagaan mo ako ngayon? I'm sorry please, don't be mad at me anymore. H-hindi ko talaga kayang maghiwalay tayo please!" sabi niya na bigla ko na lang ding ikinagulat. Nakita kong ang lungkot sa mga mata niya at ang kasunod naman nun ay ang pagpatak ng luha mula sa mga mata niya. Marahan siyang humikbi habang ang kamay ko ay nasa mga labi niya at paulit-ulit niya pa iyong hinalik-halikan. Parang nanuyo ang lalamunan ko at hindi ko alam ang magiging reaksyon. Ang tanging alam ko lang ay nasasaktan akong makita na nagkakaganun siya. Sobrang halata ko kung gaano kahalaga sa kanya ang nobya niya at kung gaano niya talaga ito kamahal. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit kay Elvira. "Sir, hindi ako si ma'am Elvira. Ako 'to si Isla!" sabi ko kay Cyrus. Nang makita kong i-angat niya ang kanyang tingin sa akin ay napansin kong patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Umiling naman siya sa akin. "Baby, p-please... Give me one more chance please?" he begged. Naramdaman ko kaagad na nagsimulang mamasa ang gilid ng mga mata ko dahil parang pinipiga ang puso ko habang nagmamakaawa siya sa akin. Kung pwedeng ako na lang talaga ang sinasabihan niya ng mga katagang iyon ay hindi ako magdadalawang-isip na ibigay ang gusto niya. Ngunit hindi naman ako ang babaeng tinutukoy niya. "Cyrus, you're drunk already. Maybe you should rest for now." I told him calmly. Mabilis naman siyang umiling sa akin at mas humigpit pa ang hawak niya sa kamay ko. Muli niyang hinalikan iyon at hinaplos niya ang kanyang pisngi gamit ang palad ko. "I love you, baby... I-I won't take a break so please... Give me one more chance please? I-I promise, I will never break your trust again. J-just give me a chance to prove you that I will never let you down again." his voice was trembling as he told me that. Mariin akong napapikit at saka napahinga nang malalim dahil nasasaktan akong makita siyang ganito kalungkot. Kung pwede lang na ako na lang sana ang pinili niya ay hindi ko hahayaan na maging ganito siya sa akin. "Please rest, boss. Hindi ako si Elvira kaya hindi ko masasagot ang sinasabi mo." sinubukan kong sabihin ulit sa kanya pero sa pagkakataong iyon ay mas nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Hinila niya ang kamay ko palapit sa kanya at dahil nasa gilid ako ng kama at nakatayo ay bigla na lang akong natumba sa ibabaw niya. Napahawak ako sa hubad niyang dibdib at naramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa aking bewang. Nakita ko kung anong klaseng tingin ang binigay niya sa akin. It was passionate but at the same time, I can see the lust in his eyes. "Baby please, don't say anything just let me love you again." he whispered before he cupped my cheeks and gave me a passionate kiss. I felt my heart race like crazy. I can't catch my breath because I was so surprised with his sudden actions. But one thing is for sure. I just closed my eyes and savor the moment that happened between us. Ang tanging nasa isip ko lang ng mga sandaling iyon, ay ang pagbigyan ang matagal ko ng hinihiling na mangyari. At iyon ay ang mahalikan siya, kahit isang beses lang. Alam kong mali na sinasamantala ko ang pagiging lasing siya pero kahit ngayon lang. Gusto ko munang magpaka-selfish dahil alam ko namang pagtapos ng gabing ito ay hindi na niya maaalala ang nangyari dahil alam kong bukas ng umaga ay si Cyril naman ang kokontrol sa katauhan nila. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD