Chapter 12: Result
ISLA SENA's P.O.V
Pagsapit ng alasingko nang hapon ay tumayo na ako sa seat ko at saka ako kumatok sa office para ipaalam kay Cyril na oras na nang meeting niya.
Maya-maya pa pagkatapos kong kumatok ay lumabas na rin si Cyril sa opisina. Nagsimula na rin akong maglakad para pumunta kami sa parking lot.
Naka-schedule kasi ngayon na meeting ni Cyril sa ibang kumpanya. Balak kasi bilhin ni Cyrus ang shares ng Tech Tribe Company.
Palugi na kasi ang TTC kaya balak ni Cyrus na bilhin ang malaking shares ng kompanya nila para mas mapalaki pa ang branch ng TECH GO Company.
Si Cyril ang nagmaneho ng sasakyan at ang kotse nila ang sinakyan namin. At dahil hindi naman masyadong malayo ang TTC sa TGC ay mabilis lang kaming nakarating sa company building nila.
Matapos makapag-park ni Cyril sa parking lot ay agad kaming bumaba ng sasakyan saka nagsimulang maglakad patungo sa meeting room nila.
Naiwan ako sa labas dahil tanging mga shareholders at board of directors lang ang pwedeng mag-meeting sa loob.
At habang naghihintay ako sa labas ay tinitingnan ko sa phone ko ang iba pang naka-schedule kay Cyril para ngayong araw.
Ngunit bigla na lang sumama ang pakiramdam ko ng maamoy ko ang isa sa mga assistant ng mga nasa meeting room.
Sobrang tapang ng pabango niya at hindi ko iyon nagustuhan kaya naman nagmamadali akong tumakbo palayo sa meeting room para hanapin ang pinakamalapit na comfort room sa loob ng TTC building.
Pagkapasok ko sa loob ng comfort room ay agad akong sumuka sa harap sink. Ramdam na ramdam ko ang paghalukay sa sikmura ko habang pilit akong sumusuka.
Lahat ng kinain ko kanina ay inilabas ko dahil sa sobrang pagsusuka. Naramdaman ko rin ang pamamasa ng mga mata ko at pananakit ng lalamunan ko dahil sa pagsusuka ko.
Napapikit ako nang mariin bago ako huminga nang malalim. Pagkatapos ay saka ako nagmumog bago ko pinunasan ang labi ko gamit ang panyo ko.
Paglabas ko ng banyo ay agad na bumungad sa akin si Cyril na naghihintay sa labas ng C.R.
"Boss, anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko sa kanya at nakita ko namang seryoso siyang tumingin sa akin.
"I followed you here. After the meeting was finished, I can't find you anywhere so I tried asking for other people outside of the meeting room and they told me you went here." he answered.
Napalunok ako bago tumango sa kanya saka ako nagsimulang maglakad. At dahil hindi talaga naging maganda ang pakiramdam ko dahil sa naamoy kong pabango kanina ay nakaramdam pa ako ng konting hilo.
Muntik na akong ma-out balance kung hindi lang ako nasalo ni Cyril. Nakapulupot ang braso niya sa bewang ko habang nakaalalay sa akin.
"Are you alright, Sena? You look pale. Are you sick perhaps?" he asked me.
"Wala ito, boss. Nakaramdam lang ako ng hilo." sinubukan kong magpalusot.
"Mukhang hindi talaga maganda ang complexion mo. May sakit ka yata eh! Halika, pupunta tayo ng hospital ngayon din." sabi ni Cyril. Hindi na ako nakasagot dahil kinaladkad niya na kaagad ako habang hawak ako sa braso ko.
"Boss, okay nga lang ako." sinubukan ko siyang pilitin pero umiling siya sa akin.
"Pupunta tayo sa hospital ngayon na. Mas mahalaga ang kalusugan mo kaysa sa ibang trabaho ko! Kapag nagkasakit ka walang ibang mag-aalaga sa'yo lalo na ngayon nasa malayo na naman ang kaibigan mo." seryosong sabi ni Cyril.
Napangiti na lang ako sa komento niya dahil ramdam na ramdam ko talaga ang pag-aalala niya. Hinayaan ko na lang siyang hilahin ako patungo sa sasakyan saka kami nagsimulang bumyahe patungong hospital.
Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa harap ng hospital at agad namang nagsimulang magwala ang puso ko. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung anong pwedeng maging resulta kapag nagpatingin ako ngayon kasama si Cyril.
Hinawakan lang ako ni Cyril sa pulsuhan ko saka ako hinila papasok sa hospital. Wala naman akong ginawa kundi ang panoorin siya habang siya na ang nakipag-usap sa nurse para sa appointment ko sa doctor.
Naghintay lang kami saglit sa waiting area at nang tawagin na ako ng doctor ay sinamahan ako ni Cyril sa loob ng office nito.
"Kamusta po ang pakiramdam n'yo miss?" tanong sa akin agad ng doctor.
Hindi ko napigilan na lingunin si Cyril na nakatayo sa gilid ko at nakita ko namang tulad ng doctor ay naghihintay din siya sa sasabihin ko.
"H-hindi po maganda ang pakiramdam ko, doc. Pagkagising ko po kaninang umaga ay mabigat na po ang pakiramdam ko. Naging sensitibo na po ang pang-amoy ko at kapag may bagay akong 'di nagustuhan iyong amoy ay bigla na lang po akong naduduwal at nasusuka." seryosong paliwanag ko sa doctor.
Tumango lang ito at nakita ko namang may sinulat ito sa papel na hawak niya. "Iyon lang ba? Nagke-crave ka ba sa mga pagkain?" dagdag pa ng doctor.
"Opo. Maya't-maya po ako may gustong kainin. Bukod pa po dun, madalas sumakit iyong sikmura ko." sagot ko ulit.
"Kailan ang huling araw nang buwanang dalaw mo, miss?" sabi ng doctor.
Napansin ko naman na kumunot ang noo ni Cyril kaya huminga muna ako nang malalim. "Last month pa po ng first week iyong last na menstruation ko." mahinang sagot ko naman sa doctor pero sapat lang para marinig nito.
"Base sa mga sintomas na nararanasan mo, maaari natin sabihing buntis ka miss. Para makasiguro tayo ay mas maiging sa ob-gyne kayo magpakunsulta." suhestiyon ng doctor bago nito tinapos ang check up ko.
Tumango na lang ako bago tumayo sa silya at saka kami lumabas ni Cyril ng opisina nito. Naglakad ako patungo sa nurse station para itanong kung saan ang pakonsulta sa ob-gyne.
At habang naglalakad kami ni Cyril papuntang ob-gyne ay napansin kong kanina pa siya tahimik. Tila wala siya sa sarili niya dahil nakatitig lang siya sa kawalan.
Nag-alala na ako kaya agad ko siyang hinawakan sa kamay niya at napansin kong natauhan lang siya ng makita niya ako sa tabi niya.
"Cyril, are you alright?" I asked worriedly.
I felt that he also held my hand and it was stronger than I held him. "I should be asking you that, Sena. Are you okay?" he asked me worriedly.
Tumango naman ako. "Oo, ayos lang ako."
Narinig ko naman kaagad ang pagbuntong-hininga niya. Kasunod nun ay napahawak siya sa noo niya na para bang sumasakit ang ulo niya kakaisip.
"This is not good. Paano nga kung buntis ka?" nag-aalalang sabi ni Cyril.
Bumilis naman ang t***k nang puso ko bago ako napalunok. Nagsimula na naman akong kabahan dahil malaki ang posibilidad na buntis nga ako ngayon.
"Wala pa namang kasiguraduhan. Mamaya na lang natin ito pag-usapan kapag nalaman na natin iyong tunay na resulta ng check up ko ngayon." sabi ko nalang saka nagsimulang maglakad papasok sa loob nang ob-gyne office.
Mabuti na lang at kakatapos lang ng isang pasyente na magpa-check up kaya nakapasok ako kaagad. Gaya ng ginawa ko sa kaninang check up ko ay sinagot ko lang ang tanong ng doctor.
At pagkatapos niyang marinig ang sagot ko sa tanong niya ay agad na inabot sa akin ng doctor ang pregnancy test kit.
"Dito ka na magbanyo." sabi ng doctor saka binuksan ang pinto ng banyo sa loob nang opisina niya.
Nakita ko namang nag-aalalang nakatingin sa akin si Cyril bago ko pumasok sa loob ng banyo saka iyon sinara. Nakailang hinga ako nang malalim bago ko nagpasiyang maupo sa inidoro para gamitin ang pregnancy test kit na binigay sa akin ng doctor.
Pagkatapos nun ay hindi na ako nag-abalang tingnan ang resulta ng PT dahil kinakabahan din ako sa naging resulta. Lumabas lang ako ng banyo saka inabot sa doctor ang PT.
Ilang saglit pang tinitigan ng doctor ang PT na inabot ko bago ito ngumiti sa akin. "It's positive miss. You can see that it has two lines." sabi ng doctor saka pinakita samin ang resulta ng PT.
Naikuyom ni Cyril ang kamao niya pagkatapos marinig ang sinabi ng doctor. Habang ako naman ay napahawak sa dibdib ko dahil mas tumindi pa ang pagkalabog ng puso ko.
"Para mas makasiguro kung ilang weeks ka ng buntis ay magsasagawa tayo ng transvaginal ultrasound." sabi ng doctor.
Pagkatapos ay inalalayan ako ng doctor sa hospital bed niya at saka ako pinahiga roon. "Miss pakihubad lang ng underwear n'yo para maipasok natin iyong transducer sa loob ng pwerta mo." paliwanag sa akin ng doctor.
Nahihiya man ako dahil nakatingin sa amin si Cyril ay pinili ko na lang na makinig sa doctor. Tinakpan naman ng tela ang pagitan ng hita ko kaya hindi nakita ni Cyril kung paano ko hinubad ang underwear ko.
Naramdaman ko nalang na dahan-dahang pinasok ng doctor ang transducer sa pwerta ko at hindi ko mapigilang mapangiwi dahil bukod sa malamig iyong gel na nilagay sa transducer ay matigas din ito.
Maya-maya pa ay naramdaman kong napasok na nang tuluyan ang transducer sa loob ko at nang tumingin kami sa screen na nasa harapan ko ay agad naming nakita ang maliit na imahe ng fetus sa tiyan ko.
"Sa nakikita n'yo sa screen, ito ang baby mo miss." sabi ng doctor saka tinuro ang imahe ng baby ko sa screen.
"May heartbeat naman ang fetus at mukhang wala namang problema sa development niya. Sa ngayon ay nasa three weeks of pregnancy ka palang. At ngayon na nakumpirma natin ang pagbubuntis mo ay mas maiging magdoble ingat tayo. Iwasan munang ma-stress at mapagod dahil prone sa early stage of pregnancy ang miscarriage. Para maiwasan natin ang pagkakaroon ng problema sa pagbubuntis mo ay kailangan healthy ang katawan at isip natin, maliwag po?" payo ng doctor sa akin kaya tumango lang ako.
Hindi ko namalayan na pumatak na ang luha sa mga mata ko habang nakatingin parin ako sa screen. Nagiging emosyonal ako dahil hindi pa rin ako makapaniwalang may nabubuhay nang nilalang sa tiyan ko.
"Hindi pa natin makikita kung ano na ang nadedevelop sa baby mo kaya kailangan mo bumalik sa akin para sa monthly check up mo. Mas maigi if kaya mo bumalik every week para mas makasiguro tayo sa lagay ng baby mo. Reresetahan lang kita ng mga vitamins na kailangan mong inumin. Ililista ko na rin ang mga pagkain na pwede at bawal sa'yo. Ililista ko na rin ang mga activities na hindi pwede sa inyo ng baby mo." nakangiting sabi ng doctor.
Pagkatapos nun ay tinanggal niya na ang pagkaka-insert ng transducer sa pwerta ko. Nagpunas lang ako gamit ang tissue na binigay sa akin ng doctor bago ko sinuot ulit ang underwear ko.
Bumaba na ako sa hospital bed at bumalik sa pagkakaupo sa harap ng desk niya. At gaya ng sinabi sa akin ni Doc ay nilista niya nga ang mga bagay na pwede at bawal sa akin.
Binigyan niya rin ako ng booklet para sa motherhood and pregnancy guides. At nang makalabas na kami sa opisina ni Doc ay naramdaman kong hinawakan ako ni Cyril sa braso ko.
Hinila niya ako paupo sa bench sa harap ng opisina ni Doc. Nakita kong mukhang balisa si Cyril at nag-aalalang napatingin sa akin.
"Sena, ano ng balak mong gawin ngayon? Napatunayan na natin na nagdadalang-tao ka nga." malumanay na sabi ni Cyril kaya napangiti ako.
"Ipagpapatuloy ko ang pagbubuntis ko Cyril. Balak ko sanang huwag na ipaalam kay Cyrus dahil wala naman siyang ideya sa nangyari sa amin. Isa pa mukhang masaya na sila ni Elvira at ayokong makagulo sa relasyon nila." seryosong sabi ko habang sapo ko ang tiyan ko.
Napatingin naman si Cyril sa tiyan ko at narinig ko pa ang paghinga niya nang malalim.
"Pero kailangan malaman ni Cyrus na siya ang ama ng bata sa sinapupunan mo, Sena. Oo, wala nga siyang alam sa nangyari sa inyo pero siya pa rin naman ang kasama mo nung gabing iyon 'di ba? Kailangan mapanindigan ka niya dahil siya ang ama ng anak mo." mariing sabi ni Cyril.
Hinawakan ko ang kamay niya at naramdaman ko kaagad ang pamamasa ng mga palad niya. Doon ko na-realize na kinakabahan din si Cyril tulad ko.
"Sige, susubukan kong kausapin si Cyrus bukas. Aaminin ko sa kanya na may nangyari sa amin at hihingi na rin ako ng tawad sa kanya dahil nilihim ko to nang matagal. Pagkatapos ay saka ko sasabihin ang tungkol sa pagbubuntis ko. Pero kapag naging maayos na ang pagsasama nila ni Elvira ay hahayaan ko na lang silang dalawa na maging masaya. Ipapaalam ko na lang sa kanya na may ibang lalaki ako na naka-one night stand kaya nabuntis ako para alam pa rin niya na baka anytime ay mag-quit ako sa trabaho ko." paliwanag ko kay Cyril.
He sighed heavily before hugging me. "Okay fine. Kung iyan na ang desisyon mo ay hindi na ako ko-kontra sa gusto mo. Basta hayaan mo lang ako na gampanan ang pagiging ama sa anak mo. Ayos lang sa akin kung hindi ako gumawa niyan sa'yo at kahit hindi naman talaga ako ang ama. Iisang katawan lang ang ginagamit ni Cyrus kaya kahit iyon na lang ang pwede kong magawa para sa inyong mag-ina. Kapag ako ang gising ay sasamahan kita palagi sa check up mo. Kapag may mga kailangan ka sabihin mo lang sa akin ang lahat ng gusto mo at bibilhin ko. Hindi na muna ako magpupunta sa bar. Aalagaan kita sa abot ng makakaya ko hanggang sa makapanganak ka." seryosong sabi ni Cyril.
Muli ay parang piniga ang puso ko. Hindi ko magawang tanggihan ang offer ni Cyril dahil ayoko rin ipagkait sa kanya ang pagkakataon para mapalapit kami sa isa't-isa.
Lalo na ngayon na wala akong ibang masasandalan bukod sa kanya at kay Cyrus. Pinagpapasalamat ko na lang talaga at may Cyril sa tabi ko.
Kasi kung wala si Cyril sa buhay ko ay sigurado akong hindi ko makakaya ang lahat ng pagsubok na nararanasan ko ngayon.
"Okay, Cyril. Pumapayag ako sa gusto mo." nakangiting sabi ko at naramdaman ko namang humigpit ang yakap niya sa akin at nagpasiya kaming manatili muna saglit sa ganung posisyon.
Ang sarap sa pakiramdam nang mainit na yakap ni Cyril. Ramdam ko talaga na hindi ako nag-iisa ng mga sandaling iyon. Hiniling ko na lang na sana ay maging handa ako sa pagharap kay Cyrus at sana hindi ako sobrang masaktan kung ano man ang maging resulta ng pag-uusap namin bukas.
---