CHAPTER 11

1503 Words
Chapter 11: Sickness ISLA SENA's P.O.V Umagang-umaga ay ramdam na ramdam ko na kaagad na mabigat ang pakiramdam ko. Bukod sa para akong ta-trangkasuhin ay hindi ko mapigilang magsuka. Kasalukuyan akong nakatayo sa harap ng sink dahil pakiramdam ko ay hinahalukay ang sikmura ko kahit na kakabangon ko lang sa higaan. Kahit na gusto kong kumain ay parang wala rin akong gana kaya naman nagmumog na lang ako ng maligamgam na tubig. Huminga ako nang malalim bago ko na-realize na kailangan kong pumasok sa trabaho kahit na masama ang pakiramdam ko. Inisip ko na lang na magpatingin sa doctor pag-uwi ko mamaya galing trabaho. Kaya naligo na lang ako bago nagbihis at saka humanda sa pagpasok ko sa kumpanya. Pagkatapos kong makapagbihis ay agad naman akong pumunta sa kotse ko at saka sumakay bago nagmaneho patungo sa company building namin. Saglit lang naman ang binyahe ko dahil medyo malapit lang ang kumpanya ni Cyrus kung saan ako nangungupahan. Kaya rin siguro malapit ang loob ko kay Cyrus dahil pareho kaming wala ng mga magulang. At gaya ni Cyrus ay sarili ko na lang ang binubuhay ko. Wala rin akong kapatid kaya naman madali lang sa akin mamuhay mag-isa pero sa totoo lang ay madalas ko rin nami-miss ang parents ko. Namatay kasi ang nanay ko pagpakapangak sa akin habang ang ama ko naman ay namatay sa sakit niya sa puso pagka-graduate ko ng college. Sumakay lang ako sa elevator ng company pagkapasok ko sa loob ng building pagkarating ko dun. Nang makarating ako sa palapag ng opisina ni Cyrus ay agad akong pumwesto sa cubicle ko. Napangiti ako ng maramdaman ko ang cushion ng upuan ko. Pakiramdam ko kasi talaga ay ang sama ng pakiramdam ko kaya siguro na-relax ako matapos kong umupo. Sakto namang nakapwesto na ako sa cubicle ko ng makita ko si Cyril na kakarating lang. Nalaman ko lang na si Cyril ang pumasok ngayon dahil ang aga-aga pa ay nakakunot na naman ang noo niya. Hindi lang iyon. Mannerism kasi ni Cyril na kapag naiinis siya ay niluluwagan niya ang necktie na suot niya. "Good morning, boss." bati ko sa kanya. Nakita ko naman si Cyril na napatingin sa akin bago siya huminto sa harap cubicle ko. "Morning, Sena." maiksing sagot niya. Pumasok siya kaagad sa opisina pagkatapos kaya naman sumunod ako sa kanya papasok. Naisip ko kasi na baka may kailangan siyang sabihin sa akin dahil mukhang may problema siya. "May problema ka ba?" agad na tanong ko. Naupo muna si Cyril bago bumaling ulit ang tingin niya sa akin. Huminga pa siya nang malalim. "You know what? Cyrus is getting bolder each day! Alam mo bang magkasama sila ni Elvira sa condo-unit kagabi? Kaya ako na-late ngayong araw dahil hinatid ko pa sa studio yung babae niya." halatang inis na turan niya. Naramdaman ko na parang piniga ang puso ko. Sa naisip ko kasi na imposible nga naman na hindi sila magkasama buong araw dahil binilhan pa ni Cyrus ng bulaklak at alahas si Elvira. "A-ano pang nangyari?" nilakasan ko nalang ang loob ko para magtanong ulit. "I woke up naked with her. Obviously, may nangyari sa kanila kagabi." seryosong sabi ni Cyril kaya naman napahawak ako kaagad sa dibdib ko. Parang hindi ako makahinga at naramdaman ko na lang na may bumara sa lalamunan ko dahil sa mga sinabi ni Cyril. Nasasaktan ako na malaman na ayos na ulit sila Cyrus at Elvira. Nagulat naman ako ng maramdaman ko ang paghawak ni Cyril sa kamay ko. Hindi ko namalayan na tumayo na pala siya at pumunta sa harapan ko dahil sa sobrang lalim nang iniisip ko. "Are you okay?" he asked me worriedly. Napatitig ako nang matagal sa mga mata ni Cyril at naramdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko kaya agad kong pinaypay ang sarili kong kamay para pigilan ang sarili kong 'wag maiyak. "O-oo naman..." pilit na sagot ko. Agad namang napabuntong-hininga si Cyril bago ako niyakap at napasubsob na lang ako sa dibdib niya. Pinilit ko talaga na huwag maiyak at mas pinili ko na pakalmahin ang sarili ko. Pagbitaw ko sa yakap ni Cyril ay ngumiti ako sa kanya at naramdaman ko naman ang paghaplos niya sa ulo ko. "Don't be sad, Sena. I told you didn't I? That I'm always here for you. Wala akong paki-alam kung hindi makita ni Cyrus ang halaga mo, kasi ako? Hindi kita iiwan." pagpapalakas niya sa loob ko. Tumango naman ako na may ngiti sa labi. "Alam ko, Cyril. Sobrang thankful ako kasi nandyan ka palagi sa tabi ko. Sana hindi kita nasasaktan nang sobra kagaya ng ginagawa ni Cyrus sa akin ngayon." malungkot na sabi ko. Nakita ko namang natawa si Cyril nang mahina. "Syempre, nasasaktan din ako kasi kahit na ikaw lang ang may nararamdaman kay Cyrus ay siya pa rin ang pilit na pinipili mo sa aming dalawa. Pero hindi naman kita masisisi kung sa kanya ka mas sumasaya 'di ba? Huwag mo intindihin ang nararamdaman ko dahil mas gusto kong unahin ang kaligayahan mo. Iyon ang mas mahalaga sa akin, Sena. Kapag nakita kitang masaya ay sumasaya na rin ako." Ewan ko ba, dahil sa sinabi ni Cyril na 'yun ay napaluha ako nang tuluyan. Sobrang naa-appreciate ko kasi ang kabutihan niya para sa akin. Hindi ko mapigilan na masaktan para kay Cyril dahil alam ko kung gaano kahirap magmahal ng taong 'di kaya ibalik iyong pagmamahal na binibigay mo sa kanila. Sobrang selfless ni Cyril at hindi ko magawang magalit sa kanya kahit gusto niyang iparaya ang pagmamahal niya para sa akin para sa kaligayahan ko. Kung madali lang sanang maturuan ang puso ko ay nagawa ko na rin sigurong ibalik ang pagmamahal ni Cyril. Siguro ay hindi na ako nasasaktan ng ganito kung siya na lang ang mas pinili kong mahalin. "C-cyril, pasensya ka na talaga ha? I'm sorry, kung hindi kita kayang mahalin gaya ng pagmamahal mo sa akin. Nagagalit ako sa sarili ko kasi nagagawa kitang saktan. Ang m-magagawa ko lang para sa'yo ay ang damayan ka sa oras na kailangan mo ng taong masasandalan." mahinang sabi ko sa kanya habang humihikbi. Marahan namang pinunasan ni Cyril ang luha ko gamit ang hinlalaki niya saka ngumit nang matamis sa akin. "Hindi mo kailangan ma-guilty dahil hindi mo ako pinili na mahalin, Sena. I know that you want to try to reciprocate my feelings and that is enough for me. I know you're trying to be a good friend for me. I already told you and I will always tell you that my first priority is your happiness and that will never change." he told me firmly. Hindi ko na nagawang sumagot sa sinabi niya dahil wala naman akong ibang magagawa pa kundi ang pakinggan siya. Naramdaman ko na lang na pinulupot ni Cyril ang kamay niya sa bewang ko saka ako sinamahan na bumalik sa cubicle ko. "Let's go back to work first. Mamaya ay kakain tayo sa labas para mabawasan naman iyong stress mo." nakangiting sabi ni Cyril at tumango na lang ako. Iniwan niya na lang ako sa cubicle ko at saka siya bumalik sa opisina niya. Nang makabalik siya sa loob ng opisina niya ay agad namang ako nagsimulang magtrabaho. Inasikaso ko ang schedule ni Cyril para ngayong araw at saka ko tiningnan iyong mga proposal na ipapasa sa kanya mamaya. At dahil nakaramdam na lang ako nang gutom ay nagpasiya akong huminto sa ginagawa ko saka ako bumaba sa cafeteria. Um-order lang ako ng makakain at hindi ko napansin na ang dami ko palang binili na pagkain. Bigla na lang kasi akong nag-crave sa mga pagkain na nakita ko sa menu kaya naman binili ko na lahat ng pagkain na gusto ko. Nang makabalik ako sa seat ko ay agad akong nagpatuloy sa trabaho ko habang kinakain ko iyong burger na binili ko. "Ang dami naman niyan madam!" natatawang wika ng katrabaho ko ng makita niya ako sa cubicle ko na kumakain at katabi ko ang supot ng pagkaing binili ko kanina. Lumunok muna ako ng burger na nginuya ko bago ko tumingin sa kanya. "Gutom na gutom ako eh! Kakausapin mo ba si boss?" Tumango naman siya at pinakita sa akin ang folder na hawak niya. "Ipapasa ko lang." "Ay, akin na 'yan. Ako na ang magbibigay sa kanya mamaya. Nandito rin iyong ibang proposals para sa kanya kaya isasabay kona iyang sa' yo." sabi ko naman sa kanya. Inabot naman niya sa akin iyong folder na hawak niya. "Sige, balik na ako sa cubicle ko. Hinay-hinay sa pagkain, at baka mamaya niyan naglilihi ka na pala." ngising biro niya sa akin. Pagka-alis niya ay agad akong nahawak sa tiyan ko. Napalunok ako nang ilang beses dahil sa sinabi niya sa akin. Doon ko napagtanto na bigla na lang ngang sumama ang pakiramdam ko kanina. Hindi lang iyon, kahapon pa naging sensitibo ang pang-amoy ko at panay din ang pagsuka ko. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan dahil paano nga kung sintomas na pala ito nang pagbubuntis ko? Anong gagawin ko? ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD