Chapter 13: Good or Bad News?
ISLA SENA's P.O.V
Simula ng malaman ko na buntis ako ay nag-send ako kaagad kay Elise ng picture nang ultrasound ko kagabi.
Kasalukuyan akong nakaupo sa cubicle ko dahil maaga akong pumasok para makausap si Cyrus. Nakatingin ako sa ultrasound ko at napapangiti na lang ako kapag naaalala kong buntis talaga ako.
Kinakabahan pa rin ako kung paano ko sasabihin kay Cyrus na buntis ako. Natatakot kasi talaga ako sa magiging reaksyon niya eh.
Mabilis kong tinago ang envelope ng ultrasound ko saka ko tumayo para salubungin si Cyrus na papalapit sa pinto ng office niya.
"Good morning, boss." I tried to greet him.
"Morning to you too. Also, you're so early today, Isla." he greeted me back.
Huminga muna ko nang malalim bago ako sumunod na pumasok sa opisina niya. Naupo muna siya sa swivel chair niya at nang makaupo na siya ay agad akong umupo sa upuan na nasa harap ng desk niya.
"May gusto sana akong sabihin, boss." mahinahong sabi ko kahit na parang lalabas na ang puso ko sa sobrang pagkabog nito.
"I also have something to tell you, Isla." Cyrus told me.
Para makabwelo ay naisip ko na lang na siya ang paunahing magsabi ng nais niya sabihin. "Mauna ka na, sir."
Mabilis siyang ngumiti sa akin at parang malulusaw ako sa ngiti niya. Kumikirot ang puso ko dahil naisip ko kaagad na baka hindi ako ang dahilan ng pag-ngiti niya.
"Finally, Elvira and I are back together again!" he happily announced.
Natigilan ako sa narinig ko at parang nabingi ako. Naramdaman ko rin na parang ilang beses sinaksak ang puso ko dahil nahirapan din akong huminga.
Parang may bumara sa lalamunan ko at parang gustong maluha ng mga mata ko pero para mapanatiling kalmado ang sarili ko ay ikinuyom ko na lang ang kamao ko habang nakahawak ako sa skirt ko.
"W-wow! Congrats sir! Sabi ko naman sa'yo, babalikan ka ni Ma'am Elvira kung talagang mahal ka niya eh." pilit na masayang bati ko sa kanya.
Kahit na parang pumait ang sarili kong laway matapos kong sabihin iyon. Gusto kong umiyak sa harap niya kasi ang sakit na makita na sobrang saya niya habang nakumpirma ko na hindi siya handang maging ama sa anak namin.
"Yeah! And it all thanks to you, Isla. Kung hindi mo pinalakas ang loob ko ay hindi ako magiging ganito kasaya ngayon. I'm super thankful to have you." he thanked me genuinely.
Bigla akong nakaramdam ng guilt dahil alam kong hinihiling ko na sana ay hindi na sila magkabalikan. Kaya ngayon na nakikita ko siyang masaya dahil bumalik ang ex niya sa kanya ay gusto ko magalit.
Gusto ko sigawan si Cyrus na bakit ang napaka-unfair niya. Bakit hindi na lang ako? Bakit si Elvira pa. Pero sa tuwing naiisip ko ang mga bagay na iyon na iyon ay hindi ko naman magawang sisihin si Cyrus.
Bago kasi kami nagkakilala ni Cyrus ay mas naunang dumating sa buhay niya si Elvira. Mas kilala ni Elvira si Cyrus kaysa sa akin na apat na taon pa lang na nakakasama si Cyrus.
Naisip ko na kahit pa alam ko ang tungkol sa sakit ni Cyrus at sa nakaraan niya ay hindi pa rin kayang tumbasan nun ang pinagsamahan nila ni Elvira.
"Isla, can you hear me?" Cyrus asked me. Natauhan lang ako ng ma-realize ko na masyado na akong nakapokus sa pag-iisip nang malalim.
"Sorry, boss! M-may inisip lang." mahinang sabi ko maman.
Nang tingnan ko siya ay nakita ko namang nakangiti lang siya sa akin kaya umiwas agad ako ng tingin saka huminga nang malalim.
"Sabi mo may sasabihin ka 'di ba? Ano iyong sasabihin mo sa akin?" tanong naman ni Cyrus.
Muli akong napabaling nang tingin sa kanya saka ko napatitig sa kanya nang ilang saglit. Hindi ko alam kung paano ko na sasabihin sa kanya na nagdadalang-tao ako sa anak namin.
"Buntis ako, boss." mahinang sabi ko at narinig kong napatayo siya kaagad dahil sa sinabi ko.
Nang tingnan ko ang mukha niya nakita ko kaagad ang ekspresyon niyang mukhang nag-aalala sa akin.
"What? What do you mean you're pregnant. I-I mean how did that happen? Did you have a boyfriend? W-why didn't I not know that you're dating anyone?" he asked me looking confused.
Pilit akong ngumiti at napahawak ako nang mahigpit sa laylayan ng skirt ko. Kinagat ko rin ang ibabang labi ko bago ako nagpasiyang sagutin siya ulit.
"Sir, I'm not seeing anyone." I said calmly.
Nakita ko kaagad napahawak siya sa noo niya at mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Then why did you get pregnant then?" he asked me worriedly.
Napalunok ako bago sumagot. "It's an accident. N-no, what I mean is it's because I had a one night stand with someone."
Agad siyang napatakip sa bibig niya gamit ang palad niya. Hindi yata makapaniwala si Cyrus sa sinabi ko dahil mukhang nagimbal siya sa sinabi ko.
"Sh*t! I didn't know what to say, Isla. Then do you remember the man that got you pregnant? Are you going to find and tell him that you have his child?" he asked me.
Mapait akong ngumiti bago umiling. "Hindi ko maalala kung sino siya. Balak ko na lang na buhayin mag-isa ang anak ko, sir. Sinabi ko lang sa inyo iyong lagay ko kasi baka biglaan akong mag-resign."
Nakita kong kumunot ang noo ni Cyrus at kasabay nun ang paglungkot ng mukha niya. Mukhang nalungkot siya matapos kong sabihin sa kanya na baka biglaan akong mag-resign.
"It's going to be tough for you, Isla. Honestly, I'm sad that anytime you're going to resign because of your situation right now but I can't blame you. It's not as if you want this to happen." he told me genuinely.
Parang kinurot ang puso ko dahil gusto kong sabihin sa kanya na inaasahan ko na mangyayari ang bagay na ito sa akin dahil wala kaming naging proteksyon matapos mangyari sa amin ang gabing iyon.
"Huwag n'yo ako alalahanin, boss. Makakaya kong buhayin ang baby ko kahit mag-isa lang ako. Sa ngayon ay magtatrabaho pa rin ako sa kumpanya habang hindi pa ako nahihirapang kumilos. Kapag nasa third trimester na ako ay saka ako magre-resign." paliwanag ko.
Huminga siya nang malalim at nagulat ako ng kunin ni Cyrus ang kamay ko at saka niya iyon marahang hinaplos bago hinawakan.
"Don't worry, Isla. I will help you to your pregnancy journey. Alam kong mahihirapan kang magbuntis lalo na't walang ibang mag-aalaga sa'yo. Kapag pinaalam ko naman kay Elvira ay alam kong maiintindihan niya ako kapag sinabi ko sa kanya na tutulungan kita." nakangiting sabi ni Cyrus kahit na mukhang malungkot ang mga mata niya.
Umiling naman ako at saka ngumiti nang pilit sa kanya. "Sir, 'wag na kayo mag-abala. Magpokus na lang kayo sa ngayon kay ma'am Elvira. Nakakahiya namang humingi ng tulong n'yo lalo na't nagka-ayos na kayong dalawa." mahinang sabi ko.
Nakita kong ikinuyom ni Cyrus ang kamao niya saka huminga nang malalim. "I insist, Isla. Alam mo namang importante kang kaibigan para sa akin. Hindi ko gustong makita na nahihirapan ka dahil wala kang kaagapay sa pagbubuntis mo."
"Sir, hindi na kailangan. Sanay na akong dumidepende sa sarili ko. Isa pa, hindi ako ganun kahina para mangailangan ng tulong ng iba. Alam naman na ni Elise na buntis ako at siya na ang bahalang tumulong sa akin, sir. Gusto kong sariling kasiyahan mo na lang ang intindihin mo." mariing sabi ko.
Hindi naman nakapagsalita si Cyrus. Tinitigan niya lang ako nang malungkot kaya iniwas ko ang aking tingin. Parang kinukurot ang puso ko dahil nagu-guilty ako sa ginagawa ko.
Di man tamang nilihim ko kay Cyrus ang katotohanang ama siya ng dinadala ko ay hindi ko rin naman magawang sisihin ang sarili ko.
Gusto ko lang protektahan ang sarili ko na huwag masaktan ng sobra dahil baka mag-expect lang ako at sa huli ay pagsisihan ko.
Alam ko namang hindi magiging matimbang kay Cyrus ang pagbubuntis ko sa anak namin dahil nasaksihan ko na kung gaano niya kamahal si Elvira.
Ayoko rin maging dahilan ng paghihiwalay nilang dalawa dahil baka habang-buhay kong dalhin ang guilt sa puso ko.
Hindi na baleng masaktan ako mag-isa dahil gaya pa rin naman noon ay mas mahalaga pa rin sa akin ang kasiyahan ni Cyrus.
"Fine! But if you need my help don't hesitate to ask me, okay? I'm not just your boss because I'm also your friend. Magiging masaya rin ako kapag natulungan kita." pagpupumilit niya.
Napapikit na lang ako saka tumango para hindi na kami magtalo pa. Alam ko naman kasing hindi ko maipipilit kay Cyrus na huwag akong tulungan lalo na't mahalaga rin ako sa kanya.
Sinabi ko na lang sa sarili ko na sana ay handa ang puso ko sa ano mang pagsubok na haharapin namin. Alam ko kasing kapag naging mas close pa kami ngayon ni Cyrus dahil sa pagbubuntis ko ay baka mas lumalim pa ang pagmamahal ko kay Cyrus.
Iyon ang kinatatakutan ko dahil hindi ko kayang maging selfish. Ayoko makasakit ng ibang tao dahil lang sa pansariling kaligayahan ko.
---