CHAPTER 5

2074 Words
Chapter 5: Changes THIRD PERSON'S P.O.V Ilang oras din ang nakalipas simula ng pumasok si Cyril at Isla sa kompanya kanina. At habang abala si Cyril sa pag-aasikaso ng mga papeles para sa approval ng mga proposal sa kanila ni Cyrus ay sumagi naman bigla ang nangyari kaninang umaga sa condo unit nila ni Cyrus. Napabuntong-hininga ang lalaki at saka napailing ng makita niya ang reaksyon ni Isla ng akalain nitong siya si Cyrus ng mga sandaling iyon. "I really don't get it. Why is she so scared if Cyrus finds out what happened to them last night? Well, wouldn't it be more favorable to Sena if Cyrus found out that something happened to them? After all, she has been hiding her feelings on Cyrus for a long time." Cyril whispered to himself. Napailing na lang siya ulit bago huminga nang malalim at saka nagpatuloy sa trabaho niya. Kahit pa na nag-aalala siya para kay Isla. Simula kasi ng malaman ni Isla ang tungkol sa sitwasyon ni Cyril at Cyrus ay hindi napigilan ni Cyril na maka-develop ng feelings para kay Isla. Iyon nga ang dahilan niya kung bakit lagi siyang tumatambay sa bar. Pag-inom at pambababae ang ginawang pantakas ni Cyril sa realidad nila ni Isla. Alam kasi ni Cyril kung gaano kamahal ni Isla si Cyrus kaya hindi na siya naglakas ng loob na umamin kay Isla kahit gaya ng babae ay may feelings din siya para rito. Isa rin kasi sa pumipigil kay Cyril sa pag-amin ay ang naging kasunduan nila ni Cyrus na kapag si Cyril ang kumukontrol sa katawan nila ay kailangan niya pa ring gampanan ang mga bagay na ginagawa ni Cyrus. Kaya minsan kahit ayaw niya man ay wala siyang magawa kundi ang magpanggap minsan na siya si Cyrus kapag biglang sumusulpot ang ex-fiance ni Cyrus na si Elvira. At dahil alam naman ni Cyril kung paano magpanggap bilang si Cyrus ay hindi sila na buko ni Elvira ni-minsan. Pero hindi naman ine-expect ni Cyril na kapag sinubukan niyang magpanggap na si Cyrus ay hindi malalaman ni Isla ang pagkakaiba nila ni Cyrus. Doon nagkamali ng akala si Cyril. Simula kasi ng makita ni Cyril na kayang malaman ni Isla kung sino sila ni Cyrus kapag kaharap sila ng babae ay hindi maiwasang sumaya ni Cyril. Alam ni Cyril na sobrang mahal ni Isla si Cyrus kaya ang akala niya ay hindi malalaman ni Isla ang pinagkaiba nila ni Cyrus kapag siya ang kaharap nito pero hindi niya napatunayan iyon. Kaya naisip ni Cyril na kahit walang nararamdaman si Isla para sa kanya ay may concern parin ito sa kanya. Iyon ang dahilan kung bakit sapat na kay Cyril ang maging kaibigan lang ni Isla dahil para kay Cyril, ayos lang na masaktan siya kung magiging masaya naman ang babaeng mahal niya. Hindi gumawa si Isla ng paraan para masira si Elvira at Cyrus kaya hindi makapaniwala si Cyril ng masaksihan niya si Isla na nagtatangka na layasan si Cyrus sa kama nito pagkagising nila kanina. Nakaramdam kaagad ng selos si Cyril ng ma-realize niya na may namagitan sa dalawa kagabi pero agad niyang pinapawi iyon dahil ayaw niyang makahalata si Isla sa feelings niya. Kahit masakit kay Cyril ang nasaksihan niya ay wala naman siyang ibang magawa kundi ang manahimik nalang para sa kapakanan ni Isla. At kung desisyon ng babae ang manahimik tungkol sa nangyari kagabi ay sino naman ba si Cyril para kumontra sa desisyon ng babaeng gusto niya? Kaya imbis na kumontra kay Isla at pagsabihan ito na ipaalam kay Cyrus ang nangyari ay hindi na tinangkang gawin ni Cyril dahil alam niya rin sa sarili niya na natatakot siyang malaman ang magiging resulta ng pag-amin ni Isla. Pwede kasing panindigan ni Cyrus ang nangyari sa kanila ni Isla, knowing na napakaresponsableng tao ni Cyrus. Ngunit sa kabilang banda ay nag-aalangan naman si Cyril dahil baka hindi matanggap ni Cyrus ang nangyari at baka kamuhian niya si Isla. Hindi naman kakayanin ni Cyril kung ganun ang mangyayari dahil hindi niya makakaya na makitang malungkot at masaktan si Isla. Kaya kahit pa na ibaon niya sa utak niya ang nangyari kay Cyrus at Isla ay pananatilihin ni Cyril na nakabaon iyon sa utak niya kung iyon lang ang paraan para mapasaya ang babaeng mahal niya. Sa sobrang abala ni Cyril sa pagtatrabaho habang nag-iisip sa nangyari kay Isla at Cyrus kagabi ay hindi niya namalayan na madilim na pala sa labas ng building. Narinig na lang ni Cyril na kumatok sa pinto ng opisina si Isla. "Sir, uuwi na ba kayo? Oh mauuna na akong umuwi sa inyo?" Agad namang napangiti si Cyril saka mabilis na isinalansan ang papeles sa desk niya bago nagpasiyang tumayo sa swivel chair saka naglakad patungo sa pinto ng opisina nila. "Let's go?" he asked while smiling sweetly. Hindi naman malaman ni Isla kung anong magiging reaksyon dahil hindi niya maiwasang maramdaman ang pagiging awkward niya sa lalaki. Simula kasi ng malaman ni Cyril ang nangyari kay Isla at Cyrus ay napansin na rin ng babae ang pag-iiba ng kilos ni Cyril. "May nakain ka ba kanina? Parang ang bait mo yata ngayon, Cyril ah?" mahinang tanong niya kay Cyril at sinubukan iyong sabihin nang pabiro. "Nothing! I'm fine, Sena." he answered firmly. Wala namang nagawa si Isla kundi ang tumango bago napakamot sa gilid ulo niya at ngumiti nang pilit. Nagsimula na lang silang maglakad palabas ng building habang si Cyril naman ay matiyagang ino-obserbahan si Isla na kanina pa tahimik. "And because it looks like it's still early. Why don't we eat out first before I take you to the bar so you can get your car. What do you think, Sena?" Cyril asked Isla seriously. Pagkatapos itanong ni Cyril iyon kay Isla ay agad siyang naglakad sa harap ng babae para makita ang magiging reaksyon ng babae. Huminga naman nang malalim si Isla bago tumango nang dahan-dahan. "Sure, tutal libre mo naman." nakangising sagot naman ni Isla. Cyril chuckled softly at Isla's answer, and then he shook his head as well. "Yeah, right!" Cyril said smiling. Pagkatapos nun ay nagpasiya na silang sumakay sa kotse ni Cyril. At habang nasa byahe sila ay binalot naman sila ng katahimikan at nagpasiya naman silang bumaba ng sasakyan ng makarating na rin sila sa restaurant kung saan napili ni Cyril kung saan sila kakain. Nang makapasok sila sa restaurant ay naramdaman naman ni Isla ang pagpulupot ng braso ni Cyril sa bewang niya. Hindi naman na pinansin iyon ni Isla dahil sanay na siya sa ugali ni Cyril. Kapag magkasama talaga sila ng lalaki kapag ito ang kasama niya ay palagi siyang inaaya nitong kumain bago ito pumunta sa bar. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit magaan ang loob ni Isla kay Cyril dahil kahit alam ni Isla kung gaano kaloko at babaero si Cyril ay hindi nasira ang impression niya sa lalaki. Mabait naman kasi ito kapag pinapatunguhan siya. Bukod pa dun ay parang nakaka-date niya na rin si Cyrus kahit na si Cyril ang gumagawa nun para kay Isla. Masaya lang din si Isla makasama si Cyril lumabas minsan dahil parang naging bestfriend na din ang tingin niya sa lalaki. Wala sigurong pagkakataon na nadismaya siya sa lalaki dahil wala naman itong ginawa kundi puro kabutihan sa kanya. Kung iba nga lang ang tatanungin ay mas madaling magustuhan ang katulad ni Cyril kaya hindi maisip ni Isla kung bakit ba patay na patay pa rin siya kay Cyrus kahit palagi namang pinapakita ng lalaki sa kanya na wala itong kahit anong interes sa kanya. Kasi kung patay na patay si Isla kay Cyrus ay ganun din naman ang lalaki sa ex-fiance nito. At iyon din ang dahilan kung bakit parang nagu-guilty si Isla sa ginawa nila ni Cyrus kagabi. Bukod kasi sa wala sa tamang ulirat si Cyrus ay sinamantala rin ni Isla ang pagkakataong iyon para maangkin siya ng lalaking mahal niya. "I already ordered our food. Ano bang iniisip mo na sobrang lalim kanina pa at hindi ka kumikibo, Sena?" tanong ni Cyril na nakapagpabalik kay Isla sa realidad matapos mag-isip nang malalim. "Ah, naalala ko lang kasi iyong nangyari kagabi. Pakiramdam ko tuloy ay ang laki ng kasalanan ko kay Cyrus. Ang totoo kasi niyan, napagkamalan ako ni Cyrus na ako si Elvira sa sobrang kalasingan. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko. Paano kapag tinawag niya ako bukas? Wala naman akong pasok bukas kaya dapat makakahinga pa ako kahit papaano sa nangyari samin kagabi pero kinakabahan ako. Baka kasi maalala niya iyong nangyari samin paggising niya." naguguluhang sabi ni Isla. Nagulat naman ang babae matapos niyang maramdaman na inabot ni Cyril ang kamay niya. "Don't be too nervous. Cyrus won't remember anything because when that man gets drunk he always remembers nothing after he finishes drinking. Also, I told you that I won't tell him your secret, right? Just act like nothing happened. You won't be guilty in the first place, if you thought about just confessing. That's why you feel uneasy because you'd rather keep quiet than admit your feelings for him," Cyril told her. Napakagat naman sa ibabang labi niya si Isla. Kaya napabuntong-hininga naman si Cyril ng makita ang reaksyon niya. "Just follow my advice. If you're afraid of what might happen if he remembers what happened last night, just pray for a good outcome. Even if there's a small chance that he won't push you away after he remembers everything, just always think that I'm your ally and I'll always be by your side. If you're still afraid, I'll just talk to him." Cyril added. Pinisil naman ni Isla ang kamay ni Cyril na nakahawak ngayon sa kamay niya saka nginitian ang lalaki. "You don't have to worry about me too much, Cyril. Besides, you've done a lot for me. You don't have to assume the responsibility that should be for Cyrus. It's fine with me that you support me in everything as long as about Cyrus. Also, I'm not afraid, I thought about everything that could happen. I'm just nervous because Cyrus might hate me, that's all I'm thinking about." Isla explained to him. "But still! Even though Cyrus and I have different personalities, we still share the same body. So whatever he is responsible for, I am also responsible. Especially when it comes to you, Sena. You are important to me and for Cyrus too, I won't let him hate you just because of one mistake. If he hates you and rejects you just because of that, don't worry, Sena. I will never leave your side, I promise you, I will always be right here." Cyril tried to give her assurance. Hindi naman napigilan ni Isla ang mapaluha sa narinig niyang sinabi ni Cyril. Kapag kasi nakatingin siya sa lalaki ay hindi niya maiwasang isipin na ganun din ang itsura ni Cyrus sa harap niya kung ito ang lalaking nagbibigay ng assurance ngayon sa kanya. Ngunit napangiti siya nang mapait dahil alam niyang imposibleng si Cyrus ang magsabi ng ganun sa kanya lalo na't hindi naman siya ang babaeng mahal nito. "Thank you, Cyril. Giving me this much assurance is enough. I appreciate you for trying to cheer me up." Isla said while smiling fakely. Napabuntong-hininga naman si Cyril dahil alam niyang nalulungkot pa rin ang babae. Kaya hindi na siya nakapagpigil pa at mabilis siyang tumayo sa upuan niya at saka lumipat sa tabi ni Isla saka ito niyakap. "You can cry all you want. Hindi mo kailangan magpanggap sa harapan ko, Sena. Huwag kang mag-alala, malalampasan mo rin lahat ng ito. Hindi ka nag-iisa dahil gaya nga ng sabi mo palagi lang akong nasa tabi mo." sabi ni Cyril saka hinagod ang likod ng dalaga. Hindi na nakapagpigil si Isla at tuluyan na siyang napaiyak habang nakasubsob siya sa dibdib ng lalaki. Di niya alam na ganun pala kasarap sa pakiramdam kapag may taong nagco-comfort sa kanya sa mga panahon na nado-down siya. Bukod pa dun ay walang ibang ginawa si Cyril kundi ang pagaanin ang bigat na nararamdaman niya kaya kahit paano ay bumuti ang pakiramdam niya. Naisip ni Isla na tama si Cyril dahil hindi siya nag-iisa. Kaya handa na si Isla harapin si Cyrus sa susunod na mga araw kapag nagharap sila dahil alam naman niya na kahit hindi maging maganda ang resulta sa nangyari kagabi ay may tao pa rin si Isla na matatakbuhan kapag nalungkot ulit siya. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD