Chapter 6: Friend
ISLA SENA's P.O.V
Gaya ng pinangako ko kay Elise ay ngayong araw ako makikipagkita sa kanya kaya maaga pa lang ay umalis na ako ng bahay. Kinailangan ko kasing magmadali dahil saglit lang kami magkikita ni Elise.
Bukod kasi sa busy palagi ang schedule ng kaibigan ko ay madalas din siyang lumalabas ng bansa dahil sa trabaho niya bilang isang flight attendant.
At dahil hinatid naman ako kagabi ni Cyril sa bar para kunin ang kotse ko ay mabilis akong nakabyahe ngayon papunta sa coffee shop kung saan kami magkikita ng kaibigan ko.
Mabuti na lang at hindi pa rin ako kinokontak ngayon ni Cyrus. Alam ko kasing si Cyrus naman ang gising ngayong araw dahil salit-salitan naman sila ni Cyril lumabas palagi.
Pagkapasok ko sa coffee shop ay nakita ko kaagad si Elise na kumaway sa direksyon ko kaya mabilis akong naglakad sa harap ng table niya.
Umupo ako sa harapan ni Elise bago sinenyasan ang waiter para sa order ko. Um-order lang ako ng Frappuccino pagkatapos ay saka ko hinarapan si Elise.
"So, anong balita sa'yo, friend?" nakangising tanong ni Elise sa akin kaya naman napangiti ako at saka napabuntong-hininga.
"Ikaw talaga, bes! Ang bilis mo talagang makaramdam! Napakalakas ng radar mo pagdating sa mga tsismis!" natatawang biro ko naman kay Elise at natawa rin naman siya.
"Syempre! Ano pa bang saysay ng pagkikita natin kung hindi mo ako se-serve-an ng tea!" ngising sagot naman niya sa akin.
Alam ko naman na ang tea na tinutukoy niya ang tungkol sa tsismis na ikukwento ko sa kanya. Kahit na hindi naman talaga iyon matatawag na tsismis dahil bukod sa nangyayari kay Cyrus ay isa sa mga kinukwento ko kay Elise ay ang sitwasyon ko kay Cyrus.
"Well... Gaya ng matagal mo ng hinihintay, sa tingin ko nagpo-progress na ako sa one-sided love sa pagitan namin." mahinang sabi ko pero sapat na para marinig niya.
Agad ko namang narinig ang pagsinghap ni Elise habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin habang nakangisi.
"Oh my gee! Nag-confess ka na ba?!" excited na tanong niya kaya napakamot agad ako sa batok ko.
"Hindi pa." maiksing sagot ko.
Mabilis namang ngumiwi si Elise saka napanguso. "Seryoso ka ba diyan, te?! Eh akala ko nag-progress na?" takang tanong niya.
Tumango ako saka ngumiti nang pilit. "Ano kasi—nag-break na sila ng girlfriend niya. Tapos after ko siya sunduin sa bar nun dahil lasing na lasing siya..." napalunok ako bago humingang malalim. "... May nangyari sa aming dalawa."
Agad namang nabilaukan si Elise at napaubo matapos niyang sumipsip ng drinks niya sa baso habang pinapakinggan akong magsalita.
Tinapik-tapik kaagad ni Elise ang dibdib niya at nang makabawi siya ay bigla siyang napasigaw. "WHAT?!"
Napansin ko naman agad na pinagtinginan kami kaya ng mapatayo siya sa gulat dahil sa sinabi ko ay mabilis ko siyang hinawakan sa braso niya bago siya hinila paupo ulit.
Sakto naman na dumating ang in-order kong drinks kaya mabilis kong hinigop iyon bago ko binalik ang tingin ko kay Elise na ngayon ay hinihilot ang noo niya.
"G*ga ka talaga, friend! Ang sabi ko sa'yo mag-confess ka! Hindi ko naman sinabi sa'yong isuko mo muna ang bataan bago mo ipaalam sa lalaki na iyon na may feelings ka sa kanya!" stress na sabi niya sa akin kaya nag-aalinlangan akong napangisi.
"Iyon nga ang sabi mo k-kaso nadala ako eh... H-hindi ko rin alam anong pumasok sa isip ko at naisip kong gawin iyon kahit na may chance na wala siyang maalala sa nangyari sa amin nung gabing iyon." paliwanag ko.
Napabuntong-hininga nang malakas si Elise habang paulit-ulit na napapailing. "Jusko ka mars! Inii-stress mo naman ang beauty ko! Ang saklap naman ng ginawa mo sis—mars! Bago pa niya malaman iyong feelings mo, mukhang mauuna pa yata iyong bunga n'yong dalawa!" napapailing niyang komento sa akin.
Agad akong natigilan sa sinabi ni Elise. Doon ko lang na-realize na hindi nga pala kami gumamit ng proteksyon ng gabing iyon. Hindi ko rin nagawang uminom ng emergency pills kaya napalunok ako.
"Naku, Elise! M-mukhang isa pa nga iyan sa magiging problema ko. H-hindi pala kami gumamit ng proteksyon at nakalimutan kong uminom ng emergency pills kinabukasan." kinakabahang sabi ko kay Elise kaya lalo niyang natampal ang noo niya.
"Oh, kita mo na! Paano ka na ngayon niyan? Sabi mo pa naman sa akin mukhang patay na patay iyong lalaki mo sa ex niya. Anong gagawin mo kapag nagkabalikan sila tapos na-anakan ka niya, aber?" tanong ni Elise sa akin na para bang nanay ko na nanenermon sa akin.
Peke akong napatawa bago tinuloy ang paghigop ng drinks ko sa baso. At sa bawat paglunok ko ay hindi ko rin maiwasang mapa-isip. Ano nga bang gagawin ko kapag nakumbinsi ni Cyrus na magkabalikan sila ni Elvira?
"You're hopeless, friend. Hindi ko rin alam ang gagawin ko kung ako iyong nasa kalagayan mo ngayon. Kahit saang anggulo mo kasi tingnan, ikaw ang kawawa. Hindi ka na nga papakasalanan pag na-anakan ka, mukhang magiging single mother ka pa sa lagay mong iyan. Knowing na handa mong isakripisyo ang kaligayahan mo para sa lalaking iyon kahit apat na taon mo ng tinatago iyong feelings mo para sa kanya." sabi ni Elise na nakapagpagising sa akin sa realidad.
Hindi ko namalayan na sunod-sunod na palang pumatak ang luha ko. Naisip ko kasi ang sinabi niya at kapag nakikita ko ang imahe ni Cyrus na masaya na ulit siya sa piling ni Elvira ay parang dinudurog ang puso ko.
Ngunit sa kabilang banda ay wala akong magawa para sirain ang kaligayahang iyon ni Cyrus. Ganun ko kasi siya kamahal, na ayos lang sa akin kung hindi siya sasaya sa piling ko. Ang mahalaga lang kasi sa akin ay makita ko siyang masaya kahit hindi man ako ang makakasama niya sa hinaharap ay ayos lang.
Naramdaman ko nalang na umupo sa tabi ko si Elise at niyakap ako nang mahigpit habang hinahagod ang likuran ko. "Bakit ba kasi hindi mo magawang maging selfish kahit minsan. Para naman kasi sa kaligayahan mo iyon, friend. I-mean wala naman sigurong masama kung subukan mong maging matapang at magawa mong umamin sa kanya. Kung hindi niya man tanggapin ang nararamdaman mo atleast magkakaroon ka na ng dahilan para kalimutan iyong nararamdaman mo para sa kanya." payo sa akin ni Elise kaya napayakap din ako sa kanya nang mahigpit pabalik.
"Bes, hindi ko yata kayang umamin s-sa kanya... Kapag kasi nakikita ko siyang hindi masaya kapag umamin ako ay parang mas triple iyong sakit na mararamdaman ko kapag nakikita ko siyang mas masaya sa piling ng ex niya. Ang mahalaga lang naman kasi sa akin ay ang kaligayahan niya..." nahikbing sagot ko naman kay Elise.
"Hayy... Ewan ko, friend. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko sa'yo. Grabe ka rin naman kasi magmahal eh. Doon ka pa talaga sa taong wala namang katiting na nararamdaman para sa'yo. Ang dami naman kasing lalaki sa mundo bakit siya pa eh!" naiinis na sabi ni Elise pero ramdam ko parin ang pag-aalala niya para sa akin.
"Wala eh. Siguro nga ay t*nga talaga ako, bes. Kahit siguro kasi i-untog ko ang ulo ko sa pader ay hindi ako basta magdadala. Siya pa lang naman kasi ang unang lalaki na minahal ko ng ganito. Kuntento na ako sa kung anong meron kami. A-ayoko ipagkait sa kanya iyong kaligayahan na iyon kaya ayos lang sakin kahit hindi ako sumaya. S-siguro nga tama ka, bes. Baka palakihin ko na lang iyong magiging bunga ng ginawa namin ng ako lang mag-isa." mahinang sabi ko.
Alam kong wala pa naman akong nararamdaman na pagbabago sa katawan ko pero hindi rin namang malabo na mag-assume ako na baka nga ay mabuntis ako.
Bukod sa siya ang unang lalaking nakagalaw sa akin ay hindi rin ako safe nung araw na may nangyari sa amin kaya mataas talaga ang chance na mabuntis ako ni Cyrus.
"Don't worry, dear. Hindi ko naman hahayaan ka na mag-isang buhayin ang magiging ina-anak ko. Kapag nagbunga ang ginawa n'yo ng boss mo, asahan mong nandito lang ako sa tabi mo. Handa akong ipagpaliban ang trabaho ko anytime kung kakailanganin mo ng tulong ko, tandaan mo iyon palagi ah?" nakangiting sabi ni Elise kaya tumango naman ako.
Natapos naman kami sa diskusyon namin at nagpokus na lang kaming pag-usapan ang ilang bagay gaya ng pagbabalak ni Elise umuwi sa probinsya if ever man na mabuntis ako at kailangan ko ng lugar kung saan ako pwedeng manganak.
Wala pa man ay pina-plano na ni Elise ang magiging pagbubuntis ko kaya hindi ko maiwasang maging emosyonal. Para na rin kasi talagang magkapatid ang turingan namin sa isa't-isa kaya masasabi ko talaga na swerte akong naging kaibigan ko siya.
At kahit na madalas naii-stress sa akin si Elise dahil sa mga kagag*han ko sa buhay ay hindi niya parin ako nagawang iwan at abandunahin.
Tulad kasi ni Elise ay pareho na kaming ulila sa magulang kaya ang isa't-isa na lang ang kasangga namin.
"Siya nga pala, bes... Kailangan ba matutuloy ang kasala mo?" tanong ko kay Elise na siyang dahilan kung bakit bigla itong natahimik.
Mabilis tuloy kumunot ang aking noo habang nakatitig sa kanya. Sinubukan ko pang basahin ang ekspresyon niya pero nahirapan lang ako dahil wala siyang pinapakita sa akin na reaksyon.
Inubos lang ni Elise ang laman ng baso niya bago ako tiningnan. "We already broke up, friend. He cheated on me, and I found out last week before I came back to the country. Iyong gag* na iyon, napaka-kapal ng mukha! Hindi na nga kagwapuhan nagawa pa niyang magloko sa akin! Ang sarap nilang sakalin pareho ng babae niya, pero hinayaan ko na sila! Ayokong mag-aksaya ng oras sa kanila pareho!" pagra-rant sa akin ni Elise at nang mapansin kong napaluha siya ay niyakap ko siya ulit.
Kung kanina ay ako ang kino-comfort niya, ngayon naman ay ako na ang gumagawa sa kanya. Hindi ko pa naranasan na magkaroon ng nobyo kaya hindi ko alam kung gaano kasakit para kay Elise ang maloko pero alam kong masakit at mahirap magmahal.
"Paano mo naman nalaman na niloloko ka niya, bes? Saka bakit pinalampas mo lang iyong ginawa nila? Dapat sana gumanti ka sa kanila kahit paano dahil sinaktan ka nila at pinagmukha ka nilang t*nga!" nanggagalaiti na sabi ko.
Ngumiti naman siya nang pilit bago umiling. "Hindi magandang gumanti lalo na sa ginawa nila sa akin. Hahayaan ko na lang na ang karma ang magparusa sa kanila dahil ayoko ring maging katatawanan ng ibang tao. Ayoko isipin nila na desperado akong kunin ang atensyon ng hayop na lalaking iyon! Hinayaan ko lang sila dahil ayoko na ma-involve sa affair nila ng babae niya!"mariing sabi ni Elise.
Pinunanasan niya rin naman ang mga mata niya gamit ang tissue na nasa mesa namin bago ngumiti sa akin.
"Isa pa, ayos lang ako, friend! Huwag ka mag-alala dahil single at ready to mingle na ulit ako noh! Magmo-move on lang ako saglit at makakahanap din ako ng ipapalit ko sa hayop na lalaking iyon! Mas gwapo at mas mayaman sa kanya!" seryosong sabi ni Elise kaya napangiti ako.
Hindi ko pala dapat masyadong maliitin si Elise dahil gaya ng pagkakakilala ko sa kanya ay hindi siya magse-settle for less. At alam ko rin na gaya ng sinabi niya ay wala pa sigurong ilang linggo ay makakahanap na ulit siya ng bago.
Pang-model naman kasi ang ganda ni Elise kaya sigurado akong marami din ang maghahabol sa kanya lalo na't wala ng bumabakod sa kanya, isa pa ay maganda rin naman ang trabaho niya kaya may tiwala ako sa kaibigan ko.
"Huwag ka mag-alala, bes. Kakayanin natin 'to pareho! Balang-araw ay magiging masaya rin tayong mareho!" nakangiting sabi ko at agad naman kaming naghawak kamay para magsalo sa tawanan na may konting harutan.
Kaya kahit maiksi lang ang oras ng paglabas at pagkikita namin ni Elise ay nag-enjoy pa rin ako dahil bukod sa na-miss ko siya ng sobra ay nagawa naming magsabi sa isa't-isa ng problema namin.
---