Chapter 4: Cyril
ISLA SENA's P.O.V
Marahan kong idinilat ang aking mga mata dahil sa ingay ng alarm clock. At nang marahan kong inunat ang aking katawan ay naramdaman ko kaagad ang pananakit ng aking mga kasu-kasuan.
Nang tuluyan kong imulat ang mga mata ko ay agad akong napabalikwas ng bangon sa higaan ng ma-realize ko na wala ako sa sarili kong silid, kundi nasa loob ako ng kwarto ni Cyrus.
Mabilis na tinambol ang puso ko dahil sa takot na baka ay maabutan niya akong katabi niya sa kama. Nang lingunin ko siya sa tabi ko ay nakita kong katulad ko ay nakahubad rin siya.
Napamura ako nang ilang beses sa utak ko dahil sa takot na madiskubre ni Cyrus ang nangyari sa amin kagabi na hinayaan ko lang mangyari.
Kaya kahit na nananakit ang iba't-ibang parte ng katawan ko ay sinubukan ko pa rin na tumayo sa kama. Mabilis kong pinulot ang mga damit ko sa sahig habang nakapulupot ang ibang parte ng kumot sa katawan ko at akmang hahakbang na paalis ng maramdaman kong may humawak sa braso ko.
Parang tumalon ang puso ko sa kaba habang unti-unting lumilingon sa likuran ko at nang makita ko ang lalaking katabi ko sa kama na nakatingin sa akin ng seryoso ay napalunok agad ako.
"I-it's not what you think it is..." I said nervously.
Napakagat pa ako sa ibabang labi ko ng marinig ko siyang biglang natawa. Agad na tumaas ang kilay ko at saka kumunot ang aking noo nang may ma-realize ako.
"C-cyril?" sinubukan ko siyang tawagin at nakita ko ang paglawak ng pagngisi niya sa akin.
"Oh gosh! Did I scare you, Sena?" he asked while trying to stop himself from laughing at me.
Agad ko siyang nasuntok sa braso niya nang ilang ulit dahil sa inis at takot na naramdaman ko dahil sa ginawa niya.
"B-bakit mo naman ako tinakot nang ganun?!" kinakabahang sabi ko sa kanya.
Napailing naman siya bago bahagyang pinunasan ang mga mata niyang naluha-luha pa dahil sa kakatawa.
"I'm sorry, I just tried to prank you. Actually, kanina pa ako gising. Hinintay lang kitang magising para makita ko iyong reaksyon mo pag naisip mong si Cyrus 'yung humawak sa' yo." nakangising saad niya sa akin.
Napairap naman ako bago marahang naupo sa kama. Para kasing nanghina ang tuhod ko sa ginawa ni Cyril. Akala ko kasi talaga ay si Cyrus pa rin ang magigising kanina.
Saka ko lang naalala na salit-salitan nga pala sila ni Cyril kung magising. Agad akong napabaling kay Cyril sa tabi ko at tumingin sa kanya ng seryoso.
"What? Why are you looking at me? Oh, by the way... What happened? I mean, why did you sleep with Cyrus, naked? Did you two had s*x last night?" he asked me seriously.
Mabilis akong napalunok bago marahang tumango. "N-nalasing siya kagabi. Sinundo ko siya sa bar na madalas mong pinupuntahan at h-hindi ko na rin naman namalayan na may mangyayari sa amin." sagot ko naman.
"Why? Did something happened? Bakit naman magpapakalasing si Cyrus, kagabi?" takang tanong niya.
"Elvira and him broke up because of you. Nakita ka daw ni Elvira na may kahalikan sa bar at inakala niyang ikaw si Cyrus." paliwanag ko sa kanya.
Agad namang napakamot sa ulo si Cyril. "Opps! My bad!" sabi niya sakin.
"Oo, kasalanan mo talaga! At dahil pareho na tayong may kasalanan kay Cyrus, I hope... Huwag mo itong ipapaalala sa kanya." sinubukan ko namang ipakiusap sa kanya.
"Why? I thought you like him? Sa tingin mo ba hindi ka magugustuhan ni Cyrus?" seryosong tanong niya kaya napangiti ako nang mapait.
"Alam mo naman kung gaano niya kamahal si Elvira 'di ba? I mean, nagpakaselfish lang naman ako kagabi kaya may nangyari sa amin. Hinayaan kong sumaya iyong sarili ko kahit na alam kong imposibleng maalala niya iyong pinagsaluhan naming gabi na iyon." saka ako napabuntong-hininga.
"Sinabi ko naman kasi sa'yo, ako na lang eh. Kung ako iyong pinili mo hindi ka sana nasasaktan ngayon." ngising turan niya.
Inirapan ko naman siya. "Ikaw? Eh napaka-playboy mo kaya! At kung ikaw iyong pinili kong mahalin, baka palagi akong umiiyak. Mas okay na sa akin na one-sided iyong nararamdaman ko kay Cyrus, atleast hindi niya ako sinasaktan kasi alam niyang may feelings ako sa kanya."
"Paano naman niya malalaman iyang feelings mo kung bukod sa manhid siya, bestfriend at secretary lang talaga tingin niya sa'yo?" tanong niya naman sakin.
"Ah, ewan! Basta ikaw, Cyril! Manahimik ka, okay? Tayo-tayo lang ang makakaalam ng nangyari kagabi, maliwanag?" seryosong sabi ko sa kanya.
Nagkibit-balikat nalang siya sa akin bago tumango. "Opo, boss! By the way, uuwi ka na ba?" tanong niya agad sakin.
Tumango naman ako bago tumayo ulit at saka ko inipit nang mabuti ang kumot sa katawan ko.
"Ang unfair naman, hindi ba pwedeng ako na ang magtuloy sa ginagawa n'yo ni Cyrus kagabi?" sabi naman ni Cyril saka tinaas-baba pa ang kilay niya habang ngising-ngisi sa akin.
"Heh! Tapos na kami, saka masakit na ang katawan ko!" sabi ko sa kanya bago hinila ang kumot sa kanya para magpunta sa banyo.
Narinig ko naman siyang tumawa bago ko siya iniwanan sa kama. Mabilis lang akong nagpalit ng damit bago ako nagpasiyang lumabas sa banyo at sakto namang nakabihis na rin si Cyril.
"Kumain ka muna bago ka umalis. Mamaya ka na pumasok, sabay na tayo." sabi niya kaya tumango nalang ako.
Sinundan ko lang si Cyril na magpunta sa kusina ng condo-unit nila. Agad naman siyang naglabas ng mga ingredients sa ref at saka nagsimulang maghiwa at lutuin ang putaheng balak niyang lutuin.
Naupo naman ako sa tapat ng mesa at pinanood siyang magluto. Sinuot ni Cyril ang puting apron bago nagsimulang magluto.
Hindi ko naiwasang mapangiti habang pinagmamasdan siya. Alam ko kasi kung gaano kapilyo at maloko si Cyril pero kapag nagseryoso ito ay lumalabas ang pagiging maasikaso niya.
Oo, may pagkababaero talaga si Cyril pero hindi mo maitatanggi na kahit papaano ay makikita mo sa kanya ang isa sa mga katangian ni Cyrus at iyon ay pagiging gentle person nilang pareho.
Alam naman ni Cyril matagal na akong may gusto kay Cyrus pero hindi niya iyon pinaalam kay Cyrus. Sa tuwing magkakapalit kasi sila ng katauhan ay nalaman ko na kapag nakakatulog silang pareho ay nagagawa nilang mag-usap na dalawa.
Siguro ay walang ideya si Cyril sa nangyari kay Cyrus kagabi dahil hindi siya kinausap nito. Marahil ay nagtatampo si Cyrus sa kanya kaya hindi ito nagsabi kay Cyril tungkol sa hiwalayan nila ni Elvira.
Natigil ako sa pag-iisip nang malalim ng maamoy ko ang pagkaing inihain sa akin ni Cyril. Nakita kong naglapag siya ng carbonara sa harapan ko at sa amoy pa lang nito ay parang maglalaway na ako.
"Ito talagang pinakagusto ko sa'yo, Cyril! Na-miss kong tikman ang luto mo. Paano kasi palagi kang busy after mong gawin ang trabaho n'yo ni Cyrus sa opisina." sabi ko kay Cyril habang nakangisi at saka sinimulang isubo ang pasta sa bibig ko gamit ang kutsara na hawak ko.
Napansin ko namang nakapangalumbaba si Cyril sa harapan ko habang titig na titig sa akin na kumakain.
"Oh, really? Then tell me anytime you want me to cook for you. Don't hesitate to let me know next time, Sena. You always knew that I can give time for you sometimes, right?" he told me while staring at me seriously.
Bigla tuloy akong nailang sa pagtitig niya sa akin at saka ako sunod-sunod na napalunok sa pastang kinakain ko. Tumango lang ako sa kanya at saka sinubukang ngumiti ng sinsero sa kanya.
Napansin ko namang nagsimula na rin siyang kumain pagkatapos niyang tanggalin ang suot niyang apron. Ilang sandali lang naman ay natapos din kaming kumain at saka ko nagpasiyang tumayo mula sa pagkakaupo.
Pagkatapos nun ay naglakad ako pabalik sa sala saka naupo sa sofa. Nararamdaman ko pa rin ang pananakit ng katawan ko pero minabuti ko namang huwag ng pansinin iyon.
Nang mapatingin ako kay Cyril ay nakita ko namang tapos na niyang linisin ang pinagkainan namin at inayos pa niya ang damit niya.
"Maliligo lang ako para sabay na tayong pumasok." sabi niya sa akin kaya tumango nalang ako.
"Cyril, ibaba mo na lang pala ako sa Cloud Bar mamaya pag-uwi. Kailangan ko kasing balikan iyong kotse ko dun kasi iniwan ko iyon sa bar kagabi. Kotse nyo kasi iyong ginamit ko para maihatid si Cyrus kagabi." wika ko.
Tumango naman siya bago nagmadaling bumalik sa kwarto niya. Sandali lang naman akong naghintay at nang matapos na si Cyril sa pagbihis ay nakita ko namang naka-ayos na siya.
Sunod naman ay sabay kaming umalis ng condo-unit niya. Nang makarating kami sa parking lot ay agad namang nagmaneho si Cyril.
Sa kalagitnaan ng byahe ay bigla siyang humindo sa isang dress shop. Nang lingunin ako ni Cyril ay nakita ko namang ngumiti siya.
"Go buy some new clothes. Ang pangit naman pag nakita ng ibang employees na hindi ka pa nagpapalit ng damit simula kahapon." sabi niya kaya wala akong ibang ginawa kundi ang sumang-ayon sa kanya.
Pumasok ako sa loob ng dress shop at pumili lang ng isang long-sleeved blouse at panibagong black fitted skirt. Binayaran ko iyon gamit ang black card ni Cyril na binigay niya sa akin.
Doon na rin ako nagpalit sa dress shop ng damit at nang makapagpalit na ako ay agad naman akong bumalik sa kotse. Hindi naman na nagsalita pa si Cyril ng makita niya ako, sa halip ay nagpatuloy na lang siya sa pagmamaneho.
Wala pa mang kalahating oras ay nakarating na rin kami sa Tech GO Company building. Pinark lang ni Cyril ang kotse bago kami sabay na lumabas ng sasakyan.
Sabay na rin kaming naglakad papasok sa loob ng building. But because I still feel sore, I couldn't walk straight and Cyril immediately noticed me not walking straight.
Naramdaman ko na lang ang paglingkis ng braso niya sa bewang ko saka ngumisi sa akin. "Let me help you walk. Alam kong si Cyrus ang may kagagawan nito sa'yo, but let me take care of you for now."
Hindi naman ako nakapagprotesta dahil aminin ko man o hindi ay mas gusto kong ganito kabait sa akin si Cyril.
Di man ganun ka showy si Cyril ng pagiging maalalahanin niya ay madalas naman ay sa akin niya nilalabas ang pagiging maalalahanin niya.
Napansin ko naman ang mga empleyadong nakasalubong namin na napapatingin sa gawi namin pero sinubukan ko na huwag na lang yun pansinin.
Pagkarating namin sa floor ng office ni Cyrus ay agad namang pumasok sa loob si Cyril at ako naman ay naiwan sa cubicle ko.
Nasa labas lang naman kasi ng opisina ni Cyrus ang cubicle ko kaya hindi ko na kinailangan pumasok sa loob ng opisina nila.
At dahil maaga naman kaming dumating sa company ay nagpasiya muna akong tingnan ang phone ko at nakita ko namang nag-message sa akin si Elise—bestfriend ko.
Siguro ay ilang linggo na rin kaming hindi nakakalabas kaya ng mabasa ko na inaaya niya ako kumain sa labas bukas ay pumayag ako sa gusto niya.
Tutal ay wala naman akong pasok bukas dahil sabado. Pagkatapos ko mag-reply sa message ni Elise ay nagpasiya na akong kumilos para ayusin ang schedule ni Cyril para sa meeting niya mamaya.
Malapit na kasi ang pre-release ng new gadgets ng Tech GO Company kaya kinakailangan naming mag-double time ngayon.
Ang maganda lang kasi kay Cyril ay kahit puro pambababae lang ang nasa isip niya ay nagagawa niya pa rin gampanan ang trabaho ni Cyrus sa opisina.
Ayaw man ni Cyril ang magtrabaho sa company ni Cyrus ay hindi niya naman sinubukang sinarain ang career ni Cyrus.
Sa halip ay tinulungan niya pa ito. Kaya sa tuwing lumalabas si Cyril ay bukod sa pagba-bar hopping ay nailalaan niya na ang ibang oras ng araw niya sa pagtatrabaho.
Nagkasundo din kasi sila ni Cyrus na hindi siya hahayaan ni Cyrus gumastos sa mga bagay na gusto niya kapag hindi pinaghirapan ni Cyril ang perang gagastusin niya.
Mabuti nalang din talaga at nasa iisang katawan lang sila kaya iisa lang din ang utak na gamit nila. Kung matalino si Cyrus ay ganun din si Cyril dahil nasa iisang katawan lang naman sila.
Hindi ko na rin namalayan na ilang oras na rin ang lumipas simula ng magtrabaho na ako dahil bukod sa abala ko sa pag-iisip tungkol kay Cyril ay naging abala rin ako sa pag-aasikaso ng schedules nila Cyrus at Cyril para ngayong araw.
---