CHAPTER 24

1520 Words
Chapter 24: Ending CYRUS DELROY's P.O.V Siguro kung nakakamatay lang ang mga titig ay kanina pa ako nalagutan nang hininga. Kitang-kita ko sa mga mata ng ama ko ang galit niya habang nakatitig sa akin. Nabalot din nang katahimikan ang paligid namin dahil nanatili lang na nakikinig sa amin ang mga kasama namin sa loob ng meeting room. Nang lingunin ko si Isla ay kitang-kita ko ang mga mata niyang nag-aalalang nakatingin sa akin. Sa totoo lang ay natatakot pa rin ako sa magiging reaksyon ng ama ko. Ito kasi ang unang pagkakataong nagawa ko siyang sagutin. Noon kasi ay grabe ang takot na naramdaman ko sa kanya simula ng ikulong niya ako sa basement. "Sa tingin mo ba ay hiniling ko rin na maging anak ang isang tulad mo? Kung hindi lang naman ako nalasing nung gabing kasama ko ang nanay mo ay wala ka sana ngayon sa mundo!" mariing sabi ng ama ko. Naikuyom ko ang kamao ko saka pilit na tumawa. "Pagkakamali man o hindi ang tingin mo sa gabing pinagsamahan n'yo ni Mama ay wala akong pakialam. Kasi kahit na hindi man intensyon ng ina ko na mabuhay ako sa mundo ay ginawa niya pa rin ang responsibilidad niya sa akin hanggang sa mawala siya mundo. Hindi tulad mo na sa sobrang duwag ay nagawang abandonahin kaming mag-ina. Alam kong alam mo rin ang tinutukoy ko Mr. Marcel. Alam kong kahit papaano ay minahal n'yo rin ang ina ko dahil may litrato kayo kasama ang ina ko noong sanggol pa lang ako. Naaalala mo pa ba iyong larawan na pinakita ko sa asawa n'yo? Kitang-kita naman dun ang ngiti n'yo na para bang kahit minsan ay naging masaya kayo sa tabi ng ina ko." mariing sabi ko sa kanya. Nakita kong nawala ang tingin sa akin ng ama ko at nagawa niyang tumingin sa ibang direksyon na para bang guilty siya sa sinabi ko. Hindi ko rin namalayan ang sarili kong napahawak nang mahigpit sa kamay ni Isla dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko. "I don't care what happened in my past because of you. I just want to thank you for bringing me to life in this world with my mother. Somehow you are still the reason why I am here in front of you now and able to breathe because I'm alive." I added. Alam kong tinatago lang ng ama ko ang emosyong gusto niyang ipakita sa akin dahil sa mga nasabi ko. At dahil matagal din siyang hindi nakakibo sa sinabi ko ay nakita kong hinawakan siya ni Sydney sa braso niya na parang sinasabi na magsalita na siya. "Maybe it's even better if we just put an end to the past and forget our relationship with each other. I can see that you can live alone in this world even without parents to guide you. I won't be able to apologize for what I did to you because I don't want to look like a hypocrite. I have already made so many mistakes against you and I know nothing will change even if I apologize to you now. Also there's only one thing that's important to me. And that's seeing you live on your own two feet even without my help. Even though it's against my heart to tell you this, I still want you to know that I'm impressed with the effort you made to get to where you are today. Just keep working hard and when I'm ready I'll come back to apologize when I realize everything I've done wrong to you." he explained in serious manner. Hindi ko magawang kumibo sa mga sinabi niya. Sa totoo lang ay masama pa rin talaga ang loob ko sa kanya pero hindi ko naman maiwasan ang makaramdam ng saya sa sinabi niya. Alam kong hindi siya sincere sa mga sinasabi niya pero kahit na ganun ay matagal ko rin naman kasing pinangarap na sana ay maintindihan ng ama ko ang sitwasyon ko. "Dad, we should let go of this company. Marami pa naman tayong option, isa pa mas nauna sila sa kumpanyang 'to." sabi ni Sydney sa ama namin. Our father took a deep breath before speaking. "Alright, this company, I'll leave it to you. Maybe it's even better if you become the new owner of this company. I promise, our paths will never cross again and I hope that you will be more successful in all your plans in life." Sunod na nangyari ay narinig kong tinawag ng ama ko si Sydney para umalis na sa meeting room. Huli ko namang nakita na ngumiti si Sydney sa akin bago kumaway saka sila lumabas ng meeting room. Mabilis akong napahawak sa dibdib ko at pakiramdam ko ay lumuwag na ang pakiramdam ko. Siguro dahil sa wakas ay nabigyan na nang katahimikan ang gumugulo sa isip ko. Alam kong hindi ko pa mapapatawad ang ama namin sa ginawa niya noon sa akin kaya tama lang hindi ulit magtagpo ang mga landas namin sa ngayon. Hindi pa rin ako handang patawarin siya sa ginawa niya sa akin noon na nagdulot sa akin nang malaking trauma pero nakahinga ako kahit papaano dahil nalaman kong balang-araw ay hihingi rin siya nang tawad sa akin sa lahat ng kasalanang nagawa niya. Narinig ko namang tumikhim si Mr. Ramos bago nagsimulang magsalita ulit. "At dahil umatras na ang isa sa competitor nila Mr. Heinrich ay nakapagpasiya akong sa'yo na lang i-ooffer ang shares ko sa kumpanya. Congratulations Mr. Heinrich, ikaw na ang magiging bagong owner ng TECH TRIBE COMPANY. Sana ay mas lumawak ang kumpanya at mas lumago ito kaysa dati na ngayon na ikaw na ang may-ari." bati niya sa akin. Napangiti ako bago nakipag-shake hands kay Mr. Ramos. Binigay niya rin sa akin ang kontratang pipirmahan ko at nagawa ko naman iyon basahin lahat para malaman na rin kung sino ang ibang mga share holders sa kumpanya. At dahil nagtagumpay kaming kunin ang TTC ay kinausap ko na rin si Mr. Ramos tungkol sa binanggit sa akin ni Cyril na nangyaring gulo kung saan nasangkot si Isla. "Mr. Ramos, alam kong naipagkatiwala n'yo na sa akin ang TTC. Nasabi ko rin na wala akong babaguhin na empleyado sa kumpanya na ito pero gusto ko sanang humingi ng pabor." seryosong sabi ko. "Sure, ano naman iyong hihilingin mong pabor, Mr. Heinrich?" tanong niya sa akin. Hinawakan ko ang kamay ni Isla para mapalapit siya sa tabi ko saka ko muling nagsalita. "Meron kasing isang empleyado rito sa TTC ang nagawang bastusin at insultuhin ang secretary ko. Isa siyang manager sa company na ito at nais ko sana siyang tanggalin sa pwesto niya. Siya lang naman ang gusto ko parusahan at pinapangako kong walang ibang empleyado na matatanggal kung alam nila kung saan sila dapat lumugar." seryosong paliwanag ko naman kay Mr. Ramos. Napansin kong kumunot ang noo niya dahil mukhang nabigla yata siya sa sinabi ko. Sunod ko namang naramdaman ang pagkalabit sa akin ni Isla. "Sir, hindi na kailangan! Huwag mo na gawin iyan dahil wala namang nangyaring masama sa akin. Isa pa napatawad ko na iyong babae kaya hindi mo na kailangan magtanggal ng employee rito." mahinang sabi ni Isla pero sapat na para marinig namin ni Mr. Ramos. "No. I strongly disagree! Nasaktan ka man o hindi ay mali pa rin ang ginawa sa'yo ng taong 'yun! Buntis ka pa naman at paano kung nag-cause iyon ng stress sa iyo?" mariing sabi ko naman. Napahinga nang malalim si Mr. Ramos saka nagsalita. "I truly apologized Ms. Marques. Hindi ko alam na nagdadalang-tao ka pala ngayon. Isa pa ay hindi ko rin nalaman ang nangyari sa'yo kaya hindi ko nagawang aksyunan ang problemang kinasangkutan mo. At para na rin sa kapakanan mo ay papayag na ako sa pabor ni Mr. Heinrich. Masisisanti ang taong 'yun na gumawa ng gulo na kinasangkutan mo Ms. Marques. Hindi mo na rin siya makikita pa sa kumpanyang ito kahit na kailan. Sana lang ay walang masamang naidulot ang employee namin sa pagbubuntis mo." sinserong hingi naman nang paumanhin ni Mr. Ramos kay Isla. Hindi nagawang magprotesta pa ni Isla at mas pinili na lang niyang manahimik. Pagkatapos ko makapirma sa kontrata ay inabot ko na rin kay Mr. Ramos ang tseke na nagkakahalaga ng ten billion pesos para sa seventy percent shares na pinaubaya niya sa amin. Sa totoo lang ay malaking halaga na iyon para sa kumpanya nilang palugi na at mas maliit pa sa kumpanya ko. Kahit na masyadong malaking pera ang nagawa kong pakawalan ay umaasa pa rin ako na maging successful ang project na ire-release namin sa kumpanyang ito. Natapos ang araw na iyon na napagtagumpayan namin ni Isla ang pagkuha sa shares ng TTC. Kahit pa na inabot kami ng ilang buwan para lang ibigay sa amin ni Mr. Ramos ang offer ay naging ayos naman lahat ng paghihintay at pagtitiyaga namin ni Isla. Nung araw na iyon ay nagpasiya akong tapusin nang mas maaga ang trabaho namin ni Isla sa kumpanya dahil balak ko siyang ilibre na kumain sa labas para sa celebration na rin namin sa successful transaction ng TTC. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD