CHAPTER 25

2028 Words
Chapter 25: Communication THIRD PERSON's P.O.V Nang makalabas si Sydney at ang ama niya mula sa meeting room ay agad namang huminto si Sydney sa paglalakad na siya ring nakapagpatigil sa ama niya. "Dad, can you go back to the car first? I just wanted to say something to Cyril." Sydney said. His father was silent for a moment before nodding. "His real name is Cyrus, darling. I only introduced him to you as Cyril before because I was afraid you would find out that he is my son by another woman." her father said seriously. Tumango naman si Sydney bago sinundan ng tingin ang ama niyang naglalakad palayo mula sa direksyon niya. At gaya ng pakay ni Sydney ay naghintay nga siya sa labas ng meeting room para hintayin si Cyrus na makalabas. Matapos naman ang meeting nila Cyrus at Isla kay Mr. Ramos ay agad namang umalis sa meeting room ang dalawa at nang makalabas sila pareho ay bumungad kaagad sa dalawa ang naghihintay na si Sydney sa labas ng meeting room. "Cyrus!" Sydney called her brother when she saw him leave the meeting room. Cyrus was immediately surprised by what he saw. "Sydney! What are you doing here? I thought you left earlier?" Cyrus asked still in disbelief. "I waited for you to finish the meeting and go out. I wanted to talk to you. It's been a few years since we last saw each other. It's just so impressive to see you again, especially now that you're a successful businessman." Sydney replied with a smile. Napangiti naman si Cyrus. Sa hindi niya malamang dahilan ay nakaramdam siya ng saya matapos marinig iyon mula sa kapatid niya. Bago pa naman kasi makarating si Cyrus sa posisyon niya ngayon ay ang dami niyang pinagdaanan na halos maging imposible ang success niya ngayon. Ngunit dahil hindi nagawa ni Cyrus na sumuko sa pagsubok at laban niya sa buhay ay narating niya ang rurok ng tagumpay niya ngayon. "It's nice to hear that from you, Sydney. I know it's been a few years since you helped me get out of the mansion and when you gave me the money you were saving, just so I could start over. I'm also happy to see you are now good and happy. In truth, everything has not been easy for me. When I remember the help you gave me, I cannot give up because I also want you to be proud of me when the day comes. Because for me, you're my one and only family, so thank you, Sydney. I wouldn't have been this successful if you hadn't been able to help me before." Cyrus while smiling and feeling grateful. Napabuntong-hininga si Sydney bago napayakap sa kapatid niya. Hindi rin napigilan ni Sydney na maging emosyonal kaya napaluha siya matapos marinig ang sinabi ng kapatid niya. "Kahit ano man ang mangyari, magkapatid pa rin tayo at walang kahit sino ang makakapagpabago ng bagay na 'yun, Cyrus. Oo, hindi naging mabuting ama si Dad sa' yo pero alam ko na darating din ang araw na magiging maayos din ang relasyon n'yong dalawa. Hihintayin ko ang araw na malaya kong masasabi sa kahit sino na kapatid kita at iisang pamilya tayo." sinserong sabi naman ni Sydney. Tumango si Cyrus bago niyakap pabalik ang kapatid niya. Pagkatapos naman nilang magpalitan ng yakap ay agad naman silang bumitaw sa isa't-isa. Nang matapos ang pag-uusap nila ay pinagmasdan lang silang dalawa ni Isla. Hindi mapigilan ni Isla ang maging masaya para sa magkapatid. Iyon din kasi ang unang beses na nakilala ni Isla ang isa sa mga pamilya ni Cyrus kaya naman para kay Isla ay mahalaga ang sandaling iyon para sa kanya. "Alright, I'll leave you first. Let's meet again next time when there's a chance. This is my business card, just call me anytime if you need my help." Sydney said smiling to Cyrus before handing the man her business card. Kumaway lang si Sydney ng magsimula na itong maglakad papalayo. Kumaway lang din si Cyrus sa kapatid niyang babae bago binalik ang atensyon niya kay Isla. Napansin naman ni Cyrus na pinupunasan ni Isla ang mga mata nito na tila naluha kaya agad na kumunot ang noo niya. "Are you crying, Isla?" he asked worriedly. Peke namang natawa si Isla pero patuloy lang sa pagpunas nito ng luha bago tumingin kay Cyrus. "Hindi, ano kasi... Natuwa lang ako kanina na makita kayong magkapatid na nag-uusap. Naalala ko rin kasi iyong kinuwento mo sa akin na may kapatid ka na tumulong sa'yo makaalis sa mansyon ng ama mo dati. Ngayon kasi na nakita ko siya in person, hindi ko naiwasang mapangiti lalo na nung nakita ko kung paano ka niya tratuhin. Maswerte ka sa kapatid mo, sir." mahinahong paliwanag ng sekretarya niya ngunit emosyonal pa rin hanggang ngayon. Niyakap naman ni Cyrus si Isla para mapakalma ang babae. Kasabay nito ay hinagod niya rin ang likuran ni Isla para pagaanin ang pakiramdam nito. "Hindi mo naman kailangan maging emosyonal eh. Sadyang ganun lang talaga kabait si Sydney. Malaki nga ang pasasalamat ko sa kanya dahil hindi magiging successful ang transaction natin sa TTC kung hindi rin dahil kay Sydney. Nagawa niyang kumnbinsihin ang ama namin kaya tayo ang nakakuha sa shares." halata sa boses ni Cyrus ang saya niya. Gumaan naman ang pakiramdam ni Isla nang yakapin siya ni Cyrus at marinig ang sinabi nito. Sobrang saya niya para kay Cyrus kahit na nahihirapan si Isla ngayon sa sitwasyon nila ng lalaki. Bumitaw naman kaagad si Isla sa yakapan nila bago ngumiti sa lalaki. "Thank you sa pag-comfort sa akin, sir. Siguro dapat na umalis na tayo kasi baka ma-traffic pa tayo." Nang sabihin iyon ni Isla ay tumango na lang si Cyrus bago nagsimulang maglakad papuntang parking lot. Pagdating nila sa parking lot ay pinagbuksan niya kaagad ng pinto si Isla para makasakay ito sa kotse. Pagkatapos nun ay si Cyrus naman ang sunod na sumakay sa sasakyan bago nagsimulang magmaneho patungo sa pinakamalit na restaurant kung saan sila magce-celebrate ng gabi. Ilang saglit lang naman ay nakarating din sila sa restaurant at wala silang sinayang na oras. Pagkapasok nila sa loob ng restaurant ay agad naman silang kumuha ng table bago nag-order sa waiter. At dahil natakam si Isla sa mga pagkain sa menu ay marami-rami rin ang pagkaing in-order niya habang si Cyrus naman ay um-order ng wine at steak. Hindi naman sila naghintay nang matagal sa pagkain nila para mai-serve sa kanila kaya naman nang makapagsimula na silang kumain ay saka nagsalita si Cyrus. "Let's toast for our success!" he told Isla. Tinaas naman ni Isla ang baso niyang may laman na tubig bago sila nag-toast ng mga baso nilang dalawa. "Congratulations with your success, sir!" Isla greeted him. Napangiti naman si Cyrus bago nito ininom ang wine sa basong hawak niya. Pagkatapos nun ay naghiwa siya ng steak sa plato niya bago sumubo. Si Isla naman ay nagsimula na ring kumain. Um-order kasi ang babae ng pasta, seafood at desserts. Kahit na alam ni Cyrus na hindi maganda na masobrahan si Isla sa pagkain ay hindi niya ito pinagsabihan dahil gusto niyang mabusog ang babae. "Kumain ka lang nang kumain, Isla. Sabihin mo lang din sa akin kung may iba pa ka pang gusto. Hahayaan muna kita kainin lahat ng gusto mo ngayon pero sa susunod kailangan mo na sundin ang diet na binigay sa'yo ng OB-GYN mo." nakangiting sabi ni Cyrus. Nakangiti naman si Isla habang kumakain at sarap na sarap naman ang babae sa mga putaheng kinakain niya. Habang si Cyrus naman ay hindi rin naiwasan ang mapangiti dahil sa nakita niyang reaksyon ng babae. Kahit na nakakaramdam pa rin si Cyrus ng awa para kay Isla dahil wala itong partner na nag-aalaga at umaalalay sa kanya lalo na ngayong buntis ito. At habang tahimik silang kumakain pareho ay hindi napigilan ni Cyrus ang magsalita. "Isla, alam kong wala itong connect sa celebration natin ngayon pero gusto ko lang na malaman mo na hangga't kaya ko ay gusto ko makatulong sa'yo ngayon sa pagbubuntis mo. Huwag mo sana isipin na pabigat ka sa kumpanya ko ngayon na buntis ka. Gusto ko rin sana manatili ka sa company ko ng matagal at kapag nakapanganak ka ay bumalik ka sa company bilang sekretarya ko." Natigilan naman si Isla sa pagsubo ng pagkain dahil sa sinabi ng lalaki. Biglang kumirot ang puso ni Isla dahil alam niyang imposible ang gusto ng lalaki. Balak kasi ni Isla na kapag nag-leave na siya sa trabaho ay hindi na siya babalik ulit sa kumpanya ng lalaki dahil balak ni Isla na magpakalayo para buhayin ang anak niya mag-isa. At walang balak si Isla na ipaalam kay Cyrus o kahit kay Cyril ang plano niyang iyon. Ayaw niya kasing malaman ni Cyrus na anak nito ang dinadala niya dahil baka lumabas pa na kamukha ng lalaki ang anak nila at iyon ang kinakabahala ni Isla. Huminga siyang malalim bago ngumiti kay Cyrus at para pagtakpan ang planong iniisip niya ay tumango lang siya sa lalaki. "Thank you, sir." iyon lang ang sinabi ni Isla bago nagpatuloy sa pagkain. Natagalan pa nga silang matapos kumain sa restaurant dahil medyo naparami rin ang inom ni Cyrus. Kaya naman ng uuwi na sila ay si Isla na lang ang nagpresintang magmaneho pauwi. "Pasensya ka na, Isla ah? Hindi ko napigilang uminom ng marami. Ikaw pa tuloy ang magmamaneho sa atin pauwi." nagu-guilty na sabi ni Cyrus. Umiling naman si Isla habang nakangiti sa lalaki. "Sir, ayos lang. Ito naman kasi ang gawain ko noon 'di ba? Hindi naman makakasama sa akin ang magmaneho pansamantala. Magpahinga lang kayo diyan at ako na ang bahala magmaneho sa atin pauwi." Ngumiti naman si Cyrus bago tumango kay Isla. Pumikit naman ang lalaki ng maramdaman nitong umandar na ang kotse nila. At habang nasa byahe sila ay napapatingin si Isla sa katabi niyang natutulog. Agad na naging mapait ang panlasa niya dahil hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot sa tuwing may ganitong pangyayari sa pagitan nila ni Cyrus. Kung nataon lang siguro na wala itong karelasyon ay hindi siguro magiging ganito kalungkot si Isla dahil iisipin niya na siguro kahit papaano ay may pag-asa sa pagitan nila ni Cyrus. Kaya naman napailing si Isla dahil ayaw niyang mag-overthink. Makakasama kasi sa kanya kung mag-assume siya sa mga bagay-bagay sa pagitan nila ni Cyrus. Itinatak niya sa isip niyang tama na sa kanya kahit na makita niya ang lalaki sa malayo o hindi kaya'y makausap lang ito. Hindi na dapat siya maghangad pa nang kahit ano sa lalaki dahil ayaw niyang masaktan ng sobra sa huli. Ipinarada lang ni Isla ang kotse sa parking lot ng condominium kung saan nakatira si Cyrus at saka niya tiningnan ang lalaki bago ito ginising. "Sir, nandito na tayo sa condo n'yo." mahinang sabi ni Isla sa lalaki. Napangiti naman si Cyrus bago tumango. Lumabas sila ni Isla sa kotse at saka sila naglakad papasok sa loob ng condominium para sumakay sa elevator patungo sa condo-unit ni Cyrus. Nang makarating sila sa condo-unit ni Cyrus ay agad namang pumasok ang dalawa sa loob. "Isla, mas mabuti sigurong dito ka na magpalipas ng gabi. Sa sofa na lang ako matutulog para dun ka na lang magpahinga sa kwarto ko." nakangiting sabi ni Cyrus. Agad namang namula ang pisngi ni Isla ng maalala niya ang nangyari sa kwarto ni Cyrus noong minsang lasing ito bago may nangyari sa kanilang dalawa. Pinaypay ni Isla ang sariling kamay dahil nakaramdam siya bigla na uminit ang paligid niya bago pekeng umubo. "Sir, ayos lang kung dun na kayo sa kwarto n'yo matulog. Masyado kayong malaki para sa sofa matulog kaya ako na lang ang magpapahinga sa sofa." mahinahong sabi ni Isla. Mabilis namang umiling ang lalaki. "No, ikaw dapat sa kwarto. Sige na, huwag na matigas ang ulo, Isla. Ayokong sumakit ang katawan mo pag nagising ka bukas dahil diyan ka sa sofa natulog. Buntis ka kaya dapat komportable ang pagtulog mo." Wala namang nagawa si Isla dahil kahit ipilit niya ang gusto niya ay hindi naman siya papayagan ng lalaki kaya sumang-ayon na lang siya sa gusto nito. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD