CHAPTER 23

1614 Words
Chapter 23: Competitor CYRUS DELROY's P.O.V Nang sumapit ang hapon ay agad kaming naghanda ni Isla sa pagbalik sa TTC. Kinailangan kasi naming bumyahe patungo sa kumpanya nila para sa gaganaping meeting. At gaya nga nang binalita sa akin ni Isla ay ang ama ko ang isa sa competitor namin sa pagkuha ng malaking shares sa TTC. Huminga ako nang malalim dahil kahit na nakapagpasiya na akong lumaban sa ama ko ay kinakabahan pa rin ako. Nangangamba ako sa pwedeng mangyari lalo na kapag nalaman ng ama ko na sinubukan ko siyang kalabananin. Maya-maya pa ay nakarating na kami sa parking lot ng TTC. Inalalayan ko si Isla na makababa sa sasakyan saka kami nagsimulang maglakad papasok sa loob nang company building. Pagkatapos nun ay hinawakan ni Isla ang braso ko saka ngumiti sa akin. Tumango naman ako na may ngiti sa labi bago kami sumakay sa elevator at nang makarating kami sa palapag kung nasaan ang meeting room ay nagmadali na kami ni Isla makapasok sa loob. This time, I took Isla inside the meeting room. I also remembered what Cyril told me what happened to Isla when Cyril left her outside the meeting room. Nang makapasok kami sa loob ay napansin naming tahimik ang lahat ng taong naroon. Huminga ako nang malalim bago umupo sa pwesto ko at inaya ko rin naman si Isla na maupo sa tabi ko. Ilang saglit din kaming naghintay at nang muling bumukas ang pinto ng meeting room ay nakita ko ang ama ko na pumasok kasama ang kapatid kong si Sydney na siyang tumulong sa akin na makaalis sa puder ng ama ko. Agad namang sinimulan ang meeting ng makarating ang ama ko. Diniscuss ulit kung sinu-sino ang mga shareholders at kung ano ang goal nila sa pagbebenta ng malaking shares ng kumpanya nila. Nalulugi na kasi ang TTC kaya kailangan nila ng bagong kumpanya na hahawak sa company nila para muling umangat ang company nila. Kaya nga lang ay hindi na matatawag na TECH TRIBE COMPANY ang kumpanya nila kapag sa ibang kumpanya na napunta ang malaking shares nila dahil magiging iba na ang owner ng kumpanya nila. Ang sabi naman ng may ari ng malaking shares ay ayos lang sa kanya dahil ayaw niyang mawalan ng trabaho ang mga tao sa kumpanya nila kung iyon lang naman ang paraan para maisalba ang trabaho ng empleyado nila. Isa sa mga naging competitor ko noon ay ang Tech Tribe pero nagbago ang lahat ng malugi ang company nila. At dahil binili ko lang din naman ang malaking shares ng Tech GO Company noon ay nailipat sa akin ang ownership at naging CEO pa ako kaya naman nagbakasakali ako na makuha ang malaking shares sa TTC dahil isa rin sa goal ko ang palawakin ang TGC. Bukod pa dun ay bilib ako sa owner ng TTC dahil hindi sarili niya ang iniisip niya kundi ang mga empleyado nila. Pumayag naman ako sa kondisyon nila na panatilihin ang mga empleyado kapag sa akin nailipat ang malaking shares. "I'm sorry, but I disagree with your condition. If you really want this company to grow, you should first remove the employees who do not contribute to the company's development. There are many employees in this company who are not competitive enough. Most of your employees are undergraduates so they cannot solve the small problems in this company. So if were become the new owner of TTC I will fire all of them and change the employees with competitive and intelligent people." my father commented. "Sir, hindi ko magagawang ibigay ang malaking shares sa inyo kung iyan ang binabalak n'yong gawin sa mga empleyado namin." seryosong sabi ni Mr. Ramos na company owner. "If you don't like what I said, you just wasted the opportunity for this company to rise. You will not rise if you keep people in this company who will not contribute to your company. In order for the company to rise, you must start to the employees. If your people aren't smart and hardworking, you can expect the company to really collapse along with the employees here." my father said coldly. Nakita ko kung paanong hindi nakapagsalita si Mr. Ramos. Alam ko rin naman ang punto ng ama ko. Isa siyang successful businessman kaya sigurado akong natatameme si Mr. Ramos dahil hindi siya makapagdahilan sa sinabi ng ama ko. Isa pa ay sigurado naman kasing aangat ang kumpanyang 'to kung siya ang makakahawak nito dahil marami na siyang naging achievements bilang isa sa pinakamatandang CEO ng bansa. Pero dahil nakikipagkumpetensya ako para sa shares ng kumpanya na 'to ay dapat lang na labanan ko ang ama ko. "Everything you said was true, but I think that's how you became a successful businessman. For me, it's fine if I follow Mr. Ramos' conditions. There's nothing as bad as not changing employees because people are easy to teach. It doesn't matter to me if they are not smart, that's why there's what we called management. They were the ones to take care of the problem. The only thing I would replace is the people at the top because they are the only ones who have the ability to fix the company's problem. I know that Mr. Ramos' employees here are the ones who just need to scrape to survive. That's why he accepted undergraduates because those people are one of the hardest to find a job. What do you think will happen when all the employees here are fired just because they changed owners? It's like you denied them to live." I said bravely to my father. Nakita kong napatingin siya sa akin. Si Sydney ay napatingin din sa akin habang nanlalaki ang mga mata dahil sigurado akong hindi niya rin ine-expect na makita ako sa kumpanyang 'to. "You? What are you doing here?" my father asked looking confuse. Ngumiti ako sa kanila bago nagsalita. "Nandito ako dahil isa ako sa may gustong bilhin ang ownership ng company ni Mr. Ramos." "Hah! Ang lakas ng loob mo na makipagkompetensya sa akin. Sa tingin mo ba ay may abilidad kang kunin ang kumpanyang ito? Lalo na sa tulad mong wala namang narating?" naiiling na sabi ng ama ko. Naramdaman kong hinawakan ni Isla ang kamay ko kaya ngumiti ako sa kanya bago ko hinarap ang ama ko ulit. "Paano mo naman nasabi iyan? Hindi mo naman nasaksihan ang lahat ng pinagdaanan at narating ko sa buhay. Nagsumikap ako para marating ko ang posisyon ko ngayon bilang CEO ng TGC. Siguro nga ay maliit lang ang kumpanya ko kumpara sa company mo pero tulad mo ay isa na rin akong businessman. Wala man akong binatbat laban sa'yo pero hindi iyon sapat na rason para umatras ako sa laban na 'to. Gagawin ko lahat nang makakaya ko para sa akin ipagkatiwala ni Mr. Ramos ang ownership ng TTC." seryosong sabi ko. Nakita kong sumama ang tingin sa akin ng ama ko saka nito kinuyom ang kamao niya. "Napakawalang-hiya mo. Hindi dapat talaga kita dinala sa mansyon namin noon! Kung alam ko lang na nanakawan mo ang anak ko ay hindi na sana kita kinupkop noon! Ang lakas nang loob mong magsalita sa akin samantalang hampas-lupa ka lang naman!" galit na sabi niya kaya napatawa ako nang pagak. "Ang kapal din naman ng mukha n'yo para akusahan ako nang pagnanakaw. Una sa lahat, hindi ko naman hiniling sa inyo na kupkupin ako. Hindi ako magpapasalamat sa utang na loob na gusto n'yong bayaran ko dahil wala akong utang na loob sa inyo. Nakalimutan n'yo na ba ang ginawa n'yo sa akin dahil lang nalaman ng asawa mo na anak mo ako sa ibang babae? Pinagsilbihan ko ang pamilya mo pero hindi ako nagnakaw sa inyo kahit kailan! Ang perang natanggap ko galing kay Sydney ay kusang loob niyang binigay sa akin para makatakas ako sa impyernong mansyon na pag-aari mo!" mariing sagot ko naman. Lumingon agad ang ama ko sa tabi niya kung saan nakaupo si Sydney. Hindi siya tiningnan ng kapatid ko dahil nakangiti sa akin si Sydney habang nakatingin sa akin. "Kulang pa lahat ng pinalamon n'yo sa akin sa pang-aabusong inabot ko sa inyo. Hindi n'yo alam kung ilang taon ng buhay ko ang naging pagdudusa ko dahil sa trauma na inabot ko sa puder n'yo. Hindi ka nakatulong sa buhay ko kahit kailan dahil nagsariling sikap ako para marating ko ang estadong ito sa buhay ko!" dagdag ko pa sa kanya na mariin. "You ungrateful bastard! Sana nga talaga ay hindi ka na pinanganak ng ina mo dahil wala kang utang na loob! At kahit na kailan ay hinding-hindi kita ituturing na anak ko dahil napakawalang-hiya mo at ang kapal nang mukha mo!" he yelled after he stood up from his seat. Natawa akong muli. "Wala kayong karapatang sabihin ang mga bagay na iyan. Matatanggap ko lang iyan kung totoong hindi pinangarap ni Mama na maging anak niya ako. Ina ko lang ang totoong nagmahal sa akin at hindi kayo na sariling ama ko. Wala rin kayong karapatan na sabihin na hindi n'yo ako ituturing na anak dahil kahit na kailan ay hindi ko naramdaman na ama ko kayo! Maswerte kayo kila Sydney dahil kaya nilang sikmurain ang maging ama ang tulad mong halimaw! At kung makakabalik lang ako sa nakaraan, hihilingin ko na sana hindi kayo ang naging ama ko! Hinding-hindi na ako masisindak sa inyo lalo na't wala kayong naging magandang dulot sa buhay ko! Huwag na huwag na kayo makikialam sa akin kahit kailan dahil hindi ko kailangan ang atensyon n'yo. Gawin mo lang ang bagay na gusto mo at ganun din ang gagawin ko!" mariing sagot ko bago tumitig nang masama sa ama ko. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD