Chapter 21: Discussion
CYRUS DELROY's P.O.V
Nagising na naman ako sa paligid na nababalot ng dilim. Na-realize ko kaagad na kasalukuyan akong gising sa panaginip kung saan kami madalas na nag-uusap ni Cyril.
Nang magsimula akong maglakad ay agad kong natanaw si Cyril na nakatayo habang nakatalikod sa akin.
"Cyril!" tawag ko sa pangalan niya at kaagad naman niya akong hinarap.
Nagtaka ako nang makita ko siyang seryoso na nakatingin sa akin. Doon pa lang ay alam ko na baka may problema at kailangan niya ulit akong kausapin.
"Kamusta? May nangyari ba habang tulog ako?" tanong ko sa kanya.
Huminga muna siya nang malalim bago ako tiningnan nang seryoso. "Your girlfriend told me to stay away from, Sena. She also told me that I should stop helping her. Sa totoo lang, wala akong pakialam kung magalit ka sa akin, Cyrus. Nainis ako sa sinabi ng nobya mo kaya nagawa ko siyang pagsalitaan ng hindi maganda. Sinabi ko sa kanya na hindi ko susundin ang inuutos niya dahil may sarili akong karapatan at mas pipiliin ko si Sena kaysa sa kanya."
Alam ko na kaagad na galit si Cyril base sa pananalita nito. Hindi naman ako nakapag-react kaagad sa sinabi niya dahil hindi ko naman inaasahan ang sinabi niya.
"What do you mean? Did Elvira already recognize that you're not me?" I tried to asked calmly.
Tumango siya habang nakakunot ang noo. "Yes. She also called my name. Gusto yata ng nobya mo na pati ako ay maging loyal sa kanya. Sinabi ko sa nobya mo na hindi ko magagawa ang gusto niya dahil sinusunod ko lang naman ang mga responsibilidad na binigay mo sa akin. Sinabi ko rin sa kanya na ikaw mismo ang nagbigay sa akin ng karapatan na gawin ang gusto ko kapag ako naman ang gising sa atin at ang gusto kong gawin ay ang tulungan si Sena. Sigurado akong magrereklamo siya sa'yo pag nagkita kayo." paliwanag niya.
Doon ako nalinawan sa pagpapaliwanag niya. Hindi ko naman ine-expect na magde-demand ng ganun si Elvira kay Cyril. Akala ko kasi ay hindi niya pa rin kaya makita ang kaibahan naming dalawa.
Kahit na sinabi ko na sa kanya ang tungkol sa split personality ko. Alam kong nasabi lang ni Elvira ang mga bagay na iyon dahil ayaw niyang may masabi ang ibang tao sa akin.
Lalo na sa mga taong hindi alam ang kondisyon ko. Kaya naiintindihan ko kung bakit nagtalo si Cyril at Elvira. Hindi ko naman magagawang sabihin kay Cyril na ibigay ang gusto ni Elvira dahil gaya ng sabi niya kanina ay ako ang nagbigay ng karapatan kay Cyril na gawin ang gusto niya.
Isa iyon sa mga dahilan kung bakit magkasundo kami ni Cyril kahit na ilang taon na kaming naghahati sa katawan ko. Bukod pa dun ay hindi naman pumalpak si Cyril sa responsibilidad niya sa kumpanya at kay Elvira.
Sadyang masaya lang si Cyril kapag tumatambay sa bar para mambabae. Pero alam ko na hindi na nagagawa ni Cyril ang bagay na gusto niyang gawin simula ng malaman niya ang lagay ni Isla.
Alam ko kasi na kung gaano kahalaga si Isla sa akin ay ganun din kahalaga para kay Cyril si Isla. Kaya siguro siya ang tumutulong kay Isla kapag wala ako dahil ayaw niya rin na mahirapan si Isla sa pagbubuntis nito.
"I'm apologize if that's what she did to you. Don't worry, I'll try to talk to her when I wake up. Sasabihin ko sa kanya na huwag ka na ulit niyang pipigilan sa gusto mong gawin." seryosong sabi ko kay Cyril.
"Mabuti naman kung ganun. Isa pa hindi ko pa pala nasasabi sa'yo na isa sa mga manager ng TECH TRIBE company ang umaway kay Sena kanina. I want you to remember that. Muntik na mapasama si Sena kung hindi ko sila naabutan na nagtatalo. I want you to fire that woman after we finally got the biggest share in that company." Cyril added.
Kumunot agad ang noo ko dahil hindi ko inaasahan ang sinabi niya. Hindi ko akalain na may ibang tao na aawayin si Isla.
Nakaramdam din ako ng pag-aalala para sa kanya dahil nagdadalang-tao si Isla. Naisip ko rin na baka mamaya ay may naging masamang epekto ang nangyaring iyon kay Isla.
"What happened to her? Is she alright? Hindi ba masyadong na-stress si Isla sa nangyari?" nag-aalalang tanong ko kay Cyril.
Umiling naman siya sa akin. "Huwag kang mag-alala. Sinigurado kong ayos lang ang lagay niya bago ko siya iwan sa apartment niya paghatid ko sa kanya kanina. Just make sure that you would take care of her on my behalf when I'm absent."
Hindi na ako sumagot dahil sasang-ayon naman ako kay Cyril kahit hindi niya ako utusang alagaan si Isla.
Kahit na magalit si Elvira ay hindi ko naman pwedeng pabayaan si Isla lalo na't kailangan niya ang tulong namin ni Cyril hanggang sa makapanganak siya.
Pagkagising ko ay tumama ang sinag nang araw sa mukha ko. Bumangon kaagad ako sa kama saka ako naligo at nagbihis bago dumiretso sa parking lot para imaneho ang kotse ko patungo sa studio ni Elvira.
Huminga ako nang malalim saka ako nagsimulang maglakad papasok sa studio ni Elvira. Hinanda ko na ang sarili ko para kausapin siya tungkol sa kinuwento sa akin ni Cyril.
"Good morning, baby." I greeted her with a smile but she didn't look at me.
Nakita kong kunot ang noo ni Elvira at mukhang bad mood siya ngayon kaya naman napabuntong-hininga ako bago ako naglakad palapit sa kinauupuan niya.
Nakatutok siya sa monitor niya habang inaayos nito ang documents na kailangan niyang ayusin.
"Baby, nandito na ako. Hindi mo ba ako babatiin pabalik?" malambing na tanong ko kay Elvira saka siya niyakap mula sa likuran niya.
Huminga siya nang malalim bago tumayo at saka siya pumunta sa mannequin niya na suot ang gown na kakatapos niya lang gawin.
"Can't you see that I'm not in the mood to talk to you?!" she answered me while she looks annoyed.
"Why? Are you still mad from yesterday? I already know what happened yesterday between you and Cyril. I know you're upset about what he said yesterday but I want to apologize to you on his behalf." I said calmly.
Hinarap niya ako at masama akong tinitigan. "Iyan lang ba ang sasabihin mo? Alam mo naman pala ang ginawa niya sa akin kahapon. Bakit parang hindi ka yata dismayado sa lalaking iyon?" iritableng sabi ni Elvira.
"Alam kong hindi mo nagustuhan ang ginawa at sinabi niya sa'yo kahapon. Ngunit wala naman akong magagawa eh. Tulad ng sinabi ni Cyril ay hinayan ko siyang magdesisyon na para sa sarili niya. Hindi ko siya mapipigilan sa gusto niya lalo pa't hindi ka naman niya pinabayaan lalo na ang kumpanya ko kapag wala akong malay. I'm sorry if you're disappointed but just like him, I also want to continue taking care of Isla." I tried to explain.
Tumaas ang kilay ni Elvira at tila hindi nito nagustuhan ang sinabi ko. "Sinasabi mo bang hindi mo susundin ang gusto ko? Nakalimutan mo na ba na dahil sa pagtulong mo sa sekretarya mo ay muntik ka na mapahamak nun sa hospital?!" inis na singhal niya sa akin.
Huminga ako ulit nang malalim saka nagsalita. "Kaibigan ko si Isla, baby. Hindi ko naman siya pwedeng pabayaan lalo na't wala naman siyang ibang kaibigan na pwede niyang asahang tumulong sa kanya. Isa pa, hindi naman sinasadya ni Isla na ma-trap kami sa elevator. Wala ka naman dapat ikabahala, baby. Nobya kita at walang magbabago sa nararamdaman ko. Sadyang hindi ko lang kaya makita na mahirapan si Isla lalo na't buntis pa siya. I hope you get my point. Hindi ko naman ginagawa 'to para lokohin ka. Walong taon na tayo, Elvira. Wala ka pa rin bang tiwala sa akin?" malungkot na tanong ko.
Nakita ko namang nilipat niya ang tingin niya sa iba saka huminga nang malalim. "Hindi mo rin ako masisisi kung bakit ako nagkakaganito. Natatakot lang naman ako na mahulog ang loob mo sa babaeng iyon. Isa pa, mukhang gustong-gusto siya ni Cyril kaya todo ang tanggi niya sa sinabi ko na layuan niya ang sekretarya n'yo. Boyfriend kita at gusto kong kahit ang split personality mo ay maging loyal sa akin. Nasa iisang katawan lang kayo, masama bang gawin ko lang ang makakabuti sa inyo?" mariing sabi naman ni Elvira.
I hugged her tight then kissed her forehead. "I'm glad that you're concern with me. But Cyril and I are two different people. Oo, siguro nga ay parte ko si Cyril pero magkaiba pa rin kami ng isip at gusto sa buhay. Hindi mo pwede ipilit kay Cyril ang bagay na hindi niya gusto. Ako lang naman kasi ang nagmamahal sa'yo sa aming dalawa kaya naiintindihan ko kung hindi ka magagawang sundin ni Cyril. Isa pa, ginagawa pa rin naman niya ang mga responsibilidad ko sa'yo kahit minsan ay wala ako sa tabi mo at siya ang pumapalit sa akin 'di ba? Hayaan mo na lang sana siya. I promise this will be the last favor I asked you. Pag nakapanganak na si Isla ay hindi na ako gagawa ng bagay na ikakaselos mo, please?" I tried to begged her.
Sa huli naman ay nagkasundo kami ni Elvira at napapayag ko siya sa gusto ko at dahil dun ay nawala na ang mga isipin at pag-aalala ko para kay Cyril at Isla.
---