Chapter 22: Meet up
CYRUS DELROY's P.O.V
Na-late na akong nakapasok sa kumpanya ng dumaan pa ako sa studio ni Elvira para kausapin siya. Hindi nga lang kami ulit magkikita ni Elvira mamaya dahil may business trip siya sa ibang lugar.
Sumang-ayon lang naman ako sa sinabi niya at pagkatapos nun ay pumasok na ako sa kumpanya. Pagkarating ko sa opisina ko ay agad kong nakita ang pagiging abala ni Isla.
Mukhang seryoso ito at nang makita niya ako ay agad siyang sumunod sa akin na pumasok sa loob ng opisina ko.
"Boss, may problema tayo. Tungkol ito sa shares na balak nating bilhin sa TTC. Bukod kasi sa kumpanya natin ay may ibang kumpanya rin ang nais na bilhin ang pinakamalaking shares sa TTC." seryosong sabi ni Isla kaya agad na kumunot ang noo ko.
"Sino naman ang nagkainteres sa TECH TRIBE COMPANY?" seryosong tanong ko.
Agad namang huminga nang malalim si Isla bago sumagot sa tanong ko. "SMART TECH COMPANY, sir."
Nagpintig ang pandinig ko sa sinabi ni Isla. Bigla kong naalala ang nakaraan ko na pilit kong binabaon sa hukay.
"Are you serious?" I asked to double check her answer and she slowly nodded.
Kilala ang SMART TECH COMPANY sa isa sa mga pinakamatagal na technology and gadget company sa buong mundo. At kahit na mataas palagi ang sales ng kumpanya ko ay hindi ko magagawang tapatan ang kumpanyang 'yun.
Dahil ang CEO ng STC ay ang ama ko. Ang kumpanyang iyon ang dahilan kung bakit sobrang yaman ng pamilya nila at iyon din ang dahilan kung bakit nagtayo ako ng sarili kong kumpanya.
Marami akong natutunan noong nanunuluyan pa lang ako sa mansyon ng ama ko noon. Palagi ko kasi siyang naririnig na may kausap sa phone at palagi siyang busy sa meetings niya.
Iyon din ang naging inspirasyon ko kaya ako kumuha ng course na makakatulong sa company ko dahil gusto ko ring maging kasing yaman ng ama ko.
Kahit na hindi maganda ang naging pakitungo sa akin ng tatay ko ay hindi ko naman masasabing puro masama lang ang naidulot niya sa buhay ko.
At kahit na nagawa niya akong saktan at muntik na niya akong patayin ay siya ang ginawa kong inpirasyon para makaahon ako sa kahirapan ng buhay.
Kaya hindi ko inaasahan na magkikita kami ulit ng ama ko sa ganitong paraan. At kahit pa na gustuhin kong makuha ang TTC ay malabong maipanalo namin ang malaking shares kung ang kumpanya ng ama ko ang makakalaban namin sa pagbili ng shares.
Napapikit ako nang mariin bago ko hinilot ang noo ko gamit ang kamay ko. Napansin naman ni Isla ang ginawa ko kaya marahan siyang lumapit sa akin saka ako nag-aalalang tiningnan.
"Sir, ayos lang ba kayo?" alalang tanong niya kaya pilit akong napangiti sa kanya.
"I'm sorry, I don't think we can get the highest shares in TTC. Lalo na kung ang kakumpitensya natin ay ang STC. Kung ikukumpara mo ang kumpanya natin sa STC ay sigurado akong ipapaubaya na nang TTC ang kumpanya nila sa pinakamalaki at pinakamayamang kumpanya." mapait na sabi ko.
Naramdaman kong hinawakan ni Isla ang balikat ko habang malungkot siyang nakatingin sa akin.
"Bakit naman bigla na lang kayong nawalan ng pag-asa, sir. Sigurado ba kayong hindi natin kayang makuha ang pinakamalaking shares sa TTC? Marami na tayong narating kaya bakit ngayon pa kayo susuko? Wala namang mawawala kung susubukan pa rin natin ipaglaban ang shares na gusto nating makuha 'di ba?" nakangiting sabi ni Isla.
I was suddenly encouraged by what Isla said. Because I felt scared when I found out that my father's company was our competitor, so I immediately thought of giving up. But Isla is right, there is probably nothing to lose if I still try to fight to get the shares we want to get.
After I left my father's house, I was very afraid to see and face him again because of the trauma I experienced because of him. And now that I am old enough I must learn to stand on my own two feet. I will not allow myself to be a coward again, especially since there are people who support me behind me. Like Isla and Elvira. I also won't let Cyril get mad at me just because I was a coward so I will fight as hard as I can.
I smiled at Isla before nodding. "You're right, Isla. I shouldn't just give up just because our competitor is better. I have to prove that even if we're not the same state as the company we're competing with, we can still achieve what they want to take from us. Don't don't worry, we will fight as hard as we can."
Napangiti si Isla sa sinabi ko at nabigla ako nang yakapin niya ako. At dahil naisip ko na baka masaya lang si Isla sa naging desisyon ko ay nagawa ko siyang yakapin ng pabalik.
Pagkatapos nun ay bumitaw kami sa yakap nang isa't-isa. "Siya nga pala, naalala ko na may binanggit sa akin si Cyril nung nakausap ko siya. Totoo bang may umaway sa'yo sa TTC nung wala ako?" hindi ko napigilang itanong sa kanya.
Napakamot si Isla sa ulo niya bago naiilang na tumango. "Ayos naman na ako, boss. Huwag kayo mag-alala sa akin. Naipagtanggol naman ako ni Cyril at wala namang masamang nangyari sa akin."
"Are you sure? You might be stressed later because of what happened yesterday. You know that stress can harm you, especially when you're pregnant, right? So when something happens to you because of what that woman did , I will never forgive her." I said firmly.
Umiling naman si Isla. "Don't worry, sir. I'm really fine. Hindi naman ako na-stress eh. Isa pa hindi naman ako masyadong naapektuhan sa ginawa sa akin ng babaeng iyon."
Huminga ako nang malalim bago tumango nang marahan. "Mabuti naman kung ayos ka lang. Nag-aalala ako para sa'yo, Isla. Sana huwag mo na ulit hahayaan na may ibang tao na mamaliitin at iinsultuhin ka, maliwanag?" pakiusap ko sa kanya.
Tumango naman si Isla bago ngumiti sa akin. "Hindi mo na kailangan sabihin iyan. Kaya kong lumaban mag-isa na walang tulong at lalong hindi ko hahayaan na may umaapi sa akin."
Pagkatapos sabihin iyon ni Isla ay napangiti ako. Alam ko naman na hindi siya nagsisinungaling dahil kilala ko si Isla.
Hindi siya basta-basta pumapayag lalo na kapag may nakikita siyang sinasaktan. Kaya alam kong hindi niya rin iyon hahayaang mangyari sa kanya.
Naniniwala akong ipaglalaban ni Isla ang karapatan niya kapag may sumubok ulit na apihin o awayin siya.
Iyon nga rin ang isa sa katangian ni Isla na nagustuhan ko dahil hindi siya basta-basta nagpapaapi katulad ni Elvira. Kaya kapag nakikita ni Isla na malungkot ako ay sinusubukan niyang pagaanin ang loob ko dahil ganun siyang klase ng tao.
Pinangako ko rin sa sarili ko na pag may ibang nanakit sa kanya ay ipagtatanggol ko siya kahit pa na sino pa sila. Mabuting kaibigan si Isla kaya hindi ko hahayaan na masira ang confidence niya dahil lang sa walang kwentang salita at walang katotohanan.
Gagamitin ko ang kapangyarihan ko para labanan ang mga taong gustong saktan ang mga mahalaga sa akin. At habang walang ibang lalaki na nagtatanggol kay Isla ay kami muna ni Cyril ang magpoprotekta sa kanya.
Para ko na rin kasing matalik na kaibigan si Isla at parang kapatid na ang tingin ko sa kanya kaya maisip ko pa lang na may umaapi sa kanya ay parang gusto kong manakit.
Bihira ko pa namang makita na umiyak si Isla dahil sa isang bagay. At hindi ko naman nakita na umiyak si Isla dahil lang may nang-insulto sa kanya.
Alam kong malakas si Isla at hindi basta-basta natitibag ang loob niya kaya naniniwala ako sa kanya kapag sinasabi niya sa akin na hindi niya hahayaan na apihin siya ng iba.
Kaya naman nagbabalak akong hanapin ang lalaking nakabuntis kay Isla dahil hindi ako papayag na magdusa siyang mag-isa sa pagbuhay sa anak niya dahil lang sa hindi niya kilala ang lalaking nakasama niya nang gabing iyon.
Wala akong pakialam kung magkano man ang magastos ko sa imbistigasyon. Ang mahalaga lang para sa akin ay matulungan ko si Isla na mabuo ang pangarap niyang pamilya.
Hindi ko rin naman kasi masasabi kung hanggang kailan ko lang magagawang makatulong sa kanya. Kapag kasi pinakasalan ko na si Elvira at hindi ko na magagawang suportahan at tulungan si Isla sa lahat nang oras.
Magkaibigan kami pero hindi ibig sabihin nun ay magkasama kami ni Isla habang buhay. Kaya hangga't may oras pa ako para ayusin at tulungan si Isla sa problema niya ay gagawin ko na.
Isa lang naman kasi ang gusto kong mangyari para kay Isla. Iyon ay ang makita at mahanap niya na ang lalaking makakasama niya habang buhay.
Gusto ko makilala ang lalaking karapat-dapat para sa kanya. Kasi kahit alam ko naman na gusto ni Cyril si Isla ay malabong magsama sila.
Lalo na't may nobya na ako. Hindi magandang tingnan na magkaroon kami ng magkaibang nobya ni Cyril. Isa pa, matagal ko na pinag-iisipan kung magpapagamot ako sa kondisyon ko pagkatapos naming ikasal ni Elvira.
Ayoko kasing mahirapan si Elvira dahil sa sakit ko kaya kapag nakausap ko si Cyril sa nais kong mangyari pagkatapos namin ikasal ni Elvira ay saka ako magpapagamot.
---