CHAPTER 20

1542 Words
Chapter 20: Mess ISLA SENA's P.O.V Pagsapit ng alas-dose ng tanghali ay agad kong binuksan ang pinto ng opisina ni Cyril saka ako ngumiti. "Sir, oras na para sa meeting n'yo sa TTC." paalala ko kay Cyril. Mabilis namang tumayo si Cyril para lumapit sa akin at saka naman siya nagsimulang maglakad. Nasa gilid naman ako ni Cyril at sinabayan lang siya sa paglalakad. Pagkatapos nun ay sumakay kami sa kotse niya patungo sa TECH TRIBE Company. Hindi pa rin kasi natatapos ang pagbenta kay Cyrus at Cyril ng TTC. Kaya hanggang ngayon ay pumupunta pa rin kami dun para sa meeting. Gusto kasing makuha ni Cyrus ang malaking shares ng kumpanya para maging associate na ang TTC sa TGC na pagmamay-ari ni Cyrus. Nang makapasok kami sa loob ng building ay mabilis namang pumunta sa meeting room sila Cyril at ang iba pang mga shareholders. Sa labas lang ulit ako naghintay at habang naghihintay ako sa labas ay bigla ko na namang naramdaman ang pangangasim ng sikmura ko. Ito kasi ang mas nagpapahirap sa akin, ang sintomas ng pagbubuntis ko. Hawak ko ang tiyan ko habang naglalakad ako nang mabilis patungo sa banyo. Pero dahil sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko namalayan na nabunggo ko ang isang babae. Nabigla ako sa pangyayari dahil natapon sa damit niya ang mainit na kape na hawak nito at natapunan din ako sa braso ko. Kahit na sobrang hapdi ng balat ko ay mabilis akong tumingin sa babae na galit na galit na nakatingin sa akin. "Naku! Pasensya na miss! Hindi kita napansin k-kaya nabunggo kita. Nagmamadali kasi ako eh! I'm really sorry!" I tried to apologize. Nagulat naman ako ng marahas niyang ihagis sa aking ang baso ng kape na natapon sa sahig at tumama iyon sa dibdib ko. At dahil sa ginawa ng babae ay nagkamantsa rin ang damit ko at napanganga ako sa gulat dahil hindi ko inaasahan ang ginawa niya. "Are you f*cking blind?! Ano ba kasing ginagawa mo at hindi mo man lang nagawang bigyan ng atensyon ang dinadaanan mo?! Hindi mo ba alam kung gaano kamahal ang damit kong 'to?! Sinayang mo pa iyong coffee na binili ko! Napakat*nga mo naman, sobra!" sigaw sa akin ng babaeng nabunggo ko kaya naman mabilis naming naagaw ang atensyon ng mga empleyado sa hallway. Napayuko ako dahil sa kahihiyan. Hindi ko naman inaasahan na bukod sa ipapahiya niya ako ay magagawa niya pa akong awayin. Kagat ko ang ibabang labi ko bago muli akong humingi nang tawad. "Patawad talaga! Hindi ko naman sinasadya, miss. Sana huwag mo na akong sigawan kasi nakakahiya sa maraming tao." mahinahong pakiusap ko pero hindi niya pinansin. "I don't care if you're embarrassed with your own carelessness! Dapat lang talagang mapahiya ka dahil ang t*nga mo! Ano bang magagawa mo ngayon? Sa tingin mo ba mababayaran mo itong damit ko na minantsahan mo?! You look pathetic and poor and I know you couldn't even afford a branded clothes." she yelled at me and tried to humiliate me more. Napapikit na lang ako nang mariin habang nakakuyom ang kamay kong nakahawak sa laylayan ng skirt ko. "S-sabihin mo na lang sa akin kung magkano ang kailangan ko bayaran para sa damage na idinulot ko sa'yo. Hindi ko naman talaga sinasadya, miss. Huwag mo na sana ako sigawan kasi pwede namin nating pag-usapan 'to nang maayos." kalmado pa rin na pakiusap ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Bukod pa dun ay inirapan niya ako bago pagak na tumawa. "Apology not accepted! Sino ka ba kasi at bakit nandito ka sa kumpanya namin?! Hindi ka naman taga rito ah? At kahit na bayaran mo pa ang damit ko ay hindi mo ito mababayaran ng buo dahil mukha ka lang namang purita! Hindi bale na lang! Ayoko na mag-aksaya ng oras sa mga kagayang mong tat*nga-t*nga!" mariing sabi niya sa akin. Hindi ko na kinaya ang mga sinasabi niya sa akin. Nasasaktan na kasi ang pride ko at bukod pa dun ay masyado na niya akong minamaliit. Magsasalita na sana ako nang maramdaman kong may umakbay sa akin at nang tingalain ko ito ay nakita ko kaagad si Cyril. His jaw was clenching and he's also glaring at the woman who insulted me. "And who the f*ck are you say that to my secretary? Kung may nagawa man siyang mali, anong karapatan mo para ipahiya at insultuhin siya ng ganyan? May naging ambag ka ba sa buhay niya? Humingi naman siya ng tawad at paumanhin sa'yo 'di ba? Sinabi niya pa na babayaran niya ang damit mong nadumihan kahit na ikaw na nagsusuot naman ng damit na iyan ay basura ang pag-uugali." mariing sabi ni Cyril. Napasinghap ang mga taong nanonood sa paligid namin at ang babae namang umaway sa akin ay nanlaki ang mga mata habang nakanganga. "If you don't want accept her apology then don't. You don't eve deserve her apology. Dapat nga magpasalamat ka na lang at mabuti ang kalooban ni Isla. Kung ibang babae siguro ang nakaharap mo ay napahiya ka lang dahil sa kagaspangan ng ugali at kayabangan mo. Akala mo naman sino kang mataas eh mas mukha ka namang hampaslupa kaysa kay Isla. How much money do you need?" he added with a fierce gaze. Hindi naman nakapagsalita ang babae sa sinabi ni Cyril. Natahimik ito at hindi man lang magawang tingalain si Cyril. Habang ako naman ay hindi makapaniwala sa mga sinabi niya. Alam kong minsan ay ganun ang ugali ni Cyril lalo na kapag hindi niya gusto ang taong kausap niya pero hindi ko inaasahan na magsasalita siya ng ganun ka grabeng salita. Sunod na ginawa ni Cyril ay naglabas siya ng tseke saka iyon pinirmahan bago pinakita sa babaeng kaharap namin. "Take this blank check! Isulat mo na lang diyan kung magkanong halaga ang kailangan mo dahil sisiguraduhin ko na iyan na ang huling tulong na mahihingi mo sa akin. Kapag nabili ko na nang tuluyan ang company na 'to, sisiguraduhin kong ikaw ang unang empleyado na palalayasin ko rito. Hindi ako tatanggap ng mga empleyadong kagaya mo! You only have the manager position and you keep acting like you're the company owner. Class A lang naman iyong damit na suot mo. What? Did you think that I wouldn't know that you're only wearing at cheap clothing? Sa susunod bago ka magsalita, kilalanin mo muna sana ang babanggain mo." pagkasabi ni Cyril nun ay agad niyang tinapon sa sahig ang blank check na hawak niya kanina at saka iyon inapakan bago tinitigan ang babaeng kaharap namin na hindi na magawang kumibo. Pinulupot lang ni Cyril ang braso niya sa bewang ko bago kami naglakad palayo sa babae. At habang naglalakad kami palayo ay hindi ko napigilang lingunin iyong babaeng inalisan namin. Hindi talaga ito nakagalaw sa kinatatayuan niya habang tinititigan at pinag-uusapan na ito ng mga ibang empleyado na nakapaligid sa kanya. Pagkatapos nun ay binalik ko ang tingin ko kay Cyril na nakakunot pa rin ang noo at mukhang galit pa rin. Kaya naman nang ma-realize ko kung ano ang nangyari kanina ay hindi ko naiwasang mapangisi at matawa nang mahina. "Grabe ka talaga, Cyril. To the rescue ka talaga agad ah? Hindi mo naman kailangan ipamukha sa babae kanina lahat nang sinabi mo. Kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko eh." nakangiting sabi ko kay Cyril habang naglalakad kami palayo. "Kaya mo sarili mo? Eh bakit hinayaan mo siyang tapak-tapakan ang pagkatao mo? Ilang beses kitang narinig na humingi nang tawad sa kanya kahit na iniinsulto ka lang niya pagkatapos mo mag-sorry. Kung hindi pa ako sumingit sa inyo ay hindi ka pa titigilan nung babae." mariing sabi ni Cyril. "Gusto ko kasi siya makausap nang mahinahon. Saka ayoko na kasi palakihin iyong gulo kaya sinubukan ko humingi sa kanya ng tawad nang ilang beses." mahinahong sagot ko naman. "Kahit pa! Don't let anyone insult you like that ever again. Kapag may taong gumawa ulit nun sa'yo ay hindi ako magdadalawang-isip na ipagtanggol ka ulit. Ayoko na may ibang tao na mangmamaliit sa'yo dahil hindi mo deserve ang insultuhin!" seryosong sabi ni Cyril. Na-touch naman ako nang sobra at hindi ko maiwasan ang mapangiti kay Cyril kahit gusto kong umiyak ay hindi ko ginawa dahil ayokong mag-alala siya sa akin. Naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit saka kami huminto sa paglalakad. "Kapag kailangan mo ako, kahit pa na si Cyrus ang gising sa amin ay susubukan kong damayan ka sa lahat nang oras na kailangan mo ako. Ayokong may mangyari ulit na ganito sa'yo lalo na't buntis ka pa. Paano kung akala mo okay ka lang pero naii-stress ka na pala sa sinasabi nila? Kaya sana kahit pa na awayin ka ng iba ay lumaban ka. At kapag sinubukan ka nilang saktan ay ako ang makakalaban nila dahil hindi ko hahayaang maargrabyado ka, kahit sino pa 'yan!" determinadong sabi ni Cyril kaya napatango na lang ako at niyakap siya. Totoo namang na-stress ako sa pinagsasabi ng babae pero hindi naman sobrang stress dahil dumating naman kaagad si Cyril para ipagtanggol ako. Mabuti na lang talaga at kasama ko si Cyril. Siya lang kasi ang nakakapagparamdam sa akin na safe ako sa anu mang bagay pag siya ang kasama ko eh. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD