Chapter 19: Argument
THIRD PERSON's P.O.V
Nakauwi naman ng ligtas si Isla at gaya nang pinangako niya kay Cyrus ay nag-iwan nga siya ng message sa lalaki. Pagkatapos nun ay kumain lang si Isla ng hapunan na niluto niya bago natulog.
Habang si Cyrus at Elvira naman ay dumiretso sa condo unit ng lalaki. Doon naghapunan ang dalawa. Pinagluto pa ni Cyrus ang nobya niya ng paborito nitong pagkain at pagkatapos nun ay natulog na sila.
Magkatabing nakatulog ang dalawa kaya naman ng magising si Cyril kinaumagahan ay agad na kumunot ang noo niya ng makita niya si Elvira sa tabi niya.
Napapikit naman nang mariin si Cyril bago kinuyom ang kamao niya. Minsan kasi talaga ay hindi niya gusto ang pinaggagawa ni Cyrus.
Labag naman kasi sa loob niyang asikasuhin ang nobya ni Cyrus dahil hindi naman talaga ito gusto ni Cyril. Nang bumangon si Cyril ay agad siyang pumunta sa banyo para maligo at magbihis.
Sakto namang paglabas niya ng banyo ay nakita niya si Elvira na nakaupo na sa kama. "Cyril?" tawag ni Elvira sa lalaki.
Agad namang tiningnan ni Cyril nang seryoso si Elvira bago ito tinalikuran. Wala namang nagawa si Elvira kundi ang magpunta sa banyo para maghilamos at saka pumunta sa sala ng makita niya si Cyril na inaayos ang necktie nito.
Nilapitan naman kaagad ni Elvira ang lalaki bago kinuha ang necktie na inaayos nitong suotin saka siya ngumiti sa lalaki.
"Sabi ko naman sa'yo, ako na ang gagawa nito sa inyo ni Cyrus eh." malambing na wika ni Elvira.
Hindi naman inaasahan ni Elvira ng biglang hawakan ni Cyril ang kamay niya para pigilan siya sa pag-aayos ng necktie nito.
"You don't have to take care of me." Cyril said coldly to her.
Di nagustuhan ni Elvira ang sinabi ni Cyril kaya naman hinawakan niya ang braso ng lalaki ng magtangka itong talikuran siya ulit.
"Where are you going?" she asked.
"It's non of your concern, miss. I have to go to work early since I promised Sena that I would drive her to the company with me." Cyril told her firmly.
Agad na bumuka ang bibig ni Elvira sa pagkabigla dahil hindi niya inaasahan ang sinabi ng lalaki.
"Cyril, anong sinasabi mo? Sinabihan ko na si Cyrus na huwag na siya mag-abala na tulungan si Isla dahil ako na lang ang sasama sa check up niya. Ang gagawin n'yo lang ni Cyrus ay ang mag-focus kayo sa akin!" hindi naiwasan ni Elvira ang magtaas ng boses.
Cyril's jaw clenched. "Who are you to command me? Hindi naman kita nobya, miss. Si Cyrus lang ang nobyo mo kaya siya lang ang mapapasunod mo at hindi ako. Gagawin ko ang gusto ko lalo na ang pagtulong kay Sena." mariing sabi ni Cyril.
Kinagat ni Elvira ang ibabang labi niya at hindi niya napigilang sampalin si Cyril. Maski ang lalaki ay hindi inaasahan ang ginawa ni Elvira sa kanya.
"Did you just slap me?!" Cyril scoffs.
Naikuyom naman ni Elvira ang kamao niya. "Oo! Wala kang karapatang sabihin sa akin na hindi mo ako obligasyon dahil iisa lang kayo ni Cyrus! Pareho kayong nasa iisang katawan at alam kong isa ka lang sa mga personalidad niya na nagkaroon ng sariling pag-iisip!" galit na wika ni Elvira.
Pagak naman na natawa si Cyril bago napailing. "Alam mo kung bakit ayoko sa'yo? Kasi ang laki ng tingin mo sa sarili mo! Wala akong pakialam kung walong taon na kayong nagsasama ni Cyrus! Ginawa ko naman ang responsibilidad ko sa'yo gaya ng napag-usapan namin ni Cyrus pero ni-minsan hindi niya pinilit sa akin na mahalin ka! Hinahayaan ako ni Cyrus na gawin ang gusto ko basta susundin ko lang ang resposibilidad ko sa kompanya at sa'yo! Personalidad man niya ako o hindi, magkaiba pa rin kami ni Cyrus! Kaya si Sena lang ang pipiliin kong babae na gugustuhin ko kaysa sa'yo dahil alam ni Sena ang pinagkaiba namin ni Cyrus!"
Napatili si Elvira sa inis. "I hate you! Sasabihin ko kay Cyrus ang ginawa mo sa akin ngayon!" gigil na sabi ni Elvira.
"Go ahead! I don't care, mas maigi nga na malaman ni Cyrus na hindi tayo magkasundo para hindi niya na rin ipilit sa akin na pakisamahan ka!" matapang namang hamon ni Cyril.
Napatulala na lang si Elvira sa ere pagkatapos siyang iwan ni Cyril sa condo unit. Nagmaneho naman kaagad si Cyril patungong apartment ni Isla para sunduin ang dalaga.
Sobrang naging masaya si Cyril ng araw na iyon dahil nagawa niyang sabihin kay Elvira ang matagal niya nang kinikimkim. Alam ni Cyril na sasama lang ang loob ni Cyrus pag nalaman nito na inaway ni Cyril ang nobya niya pero wala namang magagawa si Cyril.
Gusto ni Cyril mamuhay na inaalagaan si Isla at wala ng ibang makakapagpabago ng isip niya. Mabilis namang bumungad sa lalaki ang imahe ni Isla na naghihintay sa labas ng apartment nito at napangiti ang lalaki.
Binuksan ni Cyril ang pinto ng driver's seat bago lumabas at saka pinagbuksan si Isla ng pinto. Inalalayan niya ang buntis na makapasok sa kotse bago siya bumalik sa driver's seat.
Pagkapaandar ni Cyril ng kotse ay napatingin din siya sa babae. Naka-light make up lang si Isla at mukhang bagong ligo lang din ito.
"Did you wait for too long?" Cyril couldn't help but ask her.
Isla shook her head then smiled at him. "No, you came just in time." she replied.
Napangiti naman si Cyril dahil akala niya ay pinaghintay niya nang matagal ang dalaga. "Pasensya na kung medyo late ako ng dating. Paano kasi, nagtalo kami ng nobya ni Cyrus." paliwanag ni Cyril.
Kunot-noo namang sinalubong ng tingin ni Isla si Cyril. "Bakit naman kayo nagtalo ni Elvira?" takang tanong ng babae.
"Because she's getting into my nerves." Cyril answered seriously.
"Huh?" Isla said looking confuse.
"She told me that I should stop taking care of you and I should only focus on her. Pumayag ako sa gusto ni Cyrus na asikasuhin ang nobya niya pag ako ang gising pero hindi naman sinabi ni Cyrus na sundin ko ang gusto ni Elvira. Nainis ako kasi inutusan niya ako na tigilan ang pagtulong sa'yo. I didn't knew that she's so selfish. Hindi niya nga alam na si Cyrus ang nakabuntis sa'yo tapos pagbabawalan pa niya ako na tulungan ka?" inis na kwento ni Cyril.
Natahimik naman si Isla. Hindi naman kasi siya manhid at alam ni Isla na kahapon ay mukhang nagseselos sa kanya si Elvira kaya naman napangiti siya nang pilit.
"Alam ko namang concern ka sa'kin pero hindi kaya kayo magtalo ni Cyrus dahil inaway mo si Elvira?" nag-aalalang tanong ni Isla.
"Huwag mo alalahanin ang babaeng iyon. Kung magalit man sa akin si Cyrus edi magalit siya. Ginagawa ko naman ang responsibilidad ko sa nobya niya kaya walang karapatan ang nobya niya na pagbawalan ako lalo na sa pagtulong ko sa'yo." mariing sabi ni Cyril.
Napangiti naman si isla. "Salamat sa pagtulong at concern mo sa akin, Cyril. Sinabi ko rin naman sa'yo na hindi mo ako resposibilidad. Huwag ka na lang sana gumawa ng bagay na pagtatalunan n'yo ni Cyrus. Mahalaga ka rin sa akin, Cyril kaya sana huwag ka gagawa ng ikakapahamak mo."
Huminga naman nang malalim si Cyril bago tumingin kay Isla saglit bago binalik ang tingin sa daan habang nagmamaneho.
"Wala ka ngang malapitan ngayon, lalayuan pa kita? Kung hindi ka papanindigan ni Cyrus ako ang gagawa. You know how much I like you, Sena and that will never change." Cyril said.
Naramdaman naman ni Isla ang pagkarera ng puso niya. Kahit papaano ay sumaya ang puso niya dahil sa sinabi ni Cyril. Alam kasi ni Isla na kahit hindi siya piliin ni Cyrus ay si Cyril naman ang palaging pipili sa kanya.
Kung si Cyril lang sana ang nauna niyang nagustuhan ay hindi sana siya nasasaktan ngayon. Huminga lang nang malalim si Isla bago tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan.
"Pero pag pinakiusapan ka ni Cyrus, makinig ka sa kanya, Cyril ah? Alam mo naman kung gaano kamahal ni Cyrus ang nobya niya. Tanggap ko naman na kaibigan lang ang tingin sa akin ni Cyrus. Baka kasi mapahamak kayo ni Cyrus kapag sumalungat ka sa gusto niya eh." sabi ni Isla.
Hindi na lang sumagot si Cyril. Di naman kasi nagustuhan ng lalaki ang sinabi ni Isla. Para kasing ayos lang sa babae na magparaya rin si Cyril para sumaya si Cyrus.
Inisip nalang ni Cyril na hahayaan niya na lang muna ang nangyari pero hindi niya hahayaan na magkalayo sila ni Isla lalo na't kailangan siya ng babae sa tabi nito.
Pagkatapos nang pag-uusap nila ay nakarating din sila sa harap ng kumpanya. Ipinarada lang ni Cyril ang sasakyan bago niya inalalayan si Isla palabas ng sasakyan.
Sabay lang na pumasok ang dalawa sa kumpanya ay naging abala kaagad sila sa trabaho. Naisip na lang ni Isla na sana ay maging safe ang pagbubuntis niya dahil iyon lang naman ang mahalaga ngayon para sa kanya at wala ng iba pa.
Naisip niya rin na sana ay hindi rin siya masyado pag-initan ni Elvira dahil sa pagtatalo nila ni Cyril kanina.
---