Chapter 26: Beautiful
THIRD PERSON's P.O.V
Hindi magawang makatulog ni Isla dahil kapag napapatingin siya sa paligid ng kwarto ng lalaki ay naaalala niya lang ang gabing naging dahilan ng pagdadalang-tao niya ngayon.
Kaagad na bumangon si Isla dahil bigla niyang naisipan na kumain ng bulalo. Iniisip pa lang ni Isla na matikman ang bulalo ay parang naglalaway na siya sa sobrang pagkatakam.
Nang tiningnan ni Isla ang bedside alarm clock ni Cyrus sa kwarto ay nakita niyang alas-dose na rin ng gabi. Napabuntong-hininga siya dahil naisip niyang baka mamaya ay wala ng bukas na karendirya na nagtitinda ng bulalo.
Mabilis siyang bumaba ng kama saka naglakad palabas ng kwarto ni Cyrus. Pagkatapos nun ay agad namang pinuntahan ni Isla si Cyrus sa sala kung saan ito kasalukuyang natutulog.
Nang mapatigil siya sa harapan ni Cyrus ay nakita niyang natutulog na ang lalaki kaya napakagat si Isla sa kuko ng hinlalaking daliri niya sa kamay.
Hindi kasi malaman ni Isla kung paano niya gigisingin si Cyrus lalo na't natutulog na ito ngayon. At dahil sa hirap siyang makapagdesisyon ay napabuntong-hininga siya ng malakas.
Napansin naman ni Isla na biglang gumalaw si Cyrus at kasabay nun ang pagdilat ng mga mata nito. "Isla? B-bakit gising ka pa? Anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ni Cyrus.
Pagkatapos nun ay napaupo ang lalaki saka tumingin kay Isla. Napanganga naman si Isla sa gulat dahil hindi niya inaaasahang magising ang lalaki dahil lang sa buntong-hininga niya.
Kaya nang makabawi si Isla ay agad siyang napapikit bago muling tumingin sa lalaki saka sinabi ang gusto niyang sabihin dito.
"A-ano kasi sir... Parang gusto ko kumain ngayon ng bulalo kaso baka wala ng bukas na nagtitinda kaya magpapasama sana ako sa'yo na bumili." mahinang sabi ni Isla ngunit sapat na para marinig ni Cyrus.
Mabilis namang tumayo si Cyrus sa sofa saka nito sinuot ang coat niya at kinuha ang car keys niya.
"Sure, let's go!" Cyrus told her then smiled.
Napangiti naman si Isla kaya naman agad siyang sumunod sa lalaki. Hindi naman nagpalit si Isla ng damit na suot dahil wala naman siyang damit na pwedeng suotin sa bahay ni Cyrus kaya iyong suot niyang office attire ay iyon pa rin ang suot niya ngayon.
Pagkatapos nilang makasakay sa kotse pagkarating nila ng parking lot ay pinaandar din kaagad ni Cyrus ang kotse niya patungo sa pinakamalapit na karendirya.
At gaya nga ng naisip ni Isla ay karamihan sa mga tindahan ay sarado na dahil hating-gabi na rin kaya naman napalayo rin ang byahe nila.
Ilang oras din silang bumyahe kalayuan sa condominium kung saan nakatira si Cyrus at maya-maya pa ay may natanaw sila Isla na karendirya.
Mabilis na ipinarada ni Cyrus ang kotse niya sa harapan ng karendirya saka sila bumaba ni Isla. At dahil biglang lumamig ang simoy ng hangin ay agad namang sinuot ni Cyrus kay Isla ang coat na suot niya.
Hindi naman inaasahan ni Isla ang ginawa ni Cyrus kaya naramdaman niya ang pag-init ng pisngi niya. Kasabay din nun ang pagkabog nang dibdib niya dahil sa hindi inaasahang ginawa ng lalaki para sa kanya.
"Sir, anong sa inyo?" tanong kay Cyrus ng matandang ginang na mukhang tindera ng karendirya.
"Miss meron po ba kayong bulalo na tinitinda?" tanong ni Cyrus kaya naman nagkatinginan ang tinderang babae at ang asawa nito.
"Naku, naubos na ang tinitinda naming bulalo, sir!" sagot namang ng ginang.
Mabilis na sinulyapan ni Cyrus si Isla at kitang-kita niya namang napanguso ang babae dahil sa lungkot at pagkadismaya.
"Kung ganun, meron pa bang malapit na karendirya rito na nagtitinda ng bulalo?" tanong naman ulit ni Cyrus.
Muling nagkatinginan ang mag-asawa. At sa pagkakataong iyon ay napatingin na rin kila Cyrus at Isla ang ibang customers na kumakain sa harap ng karendirya.
"Wala ng ibang karendirya malapit dito sir, bukod samin! Siguradong mahihirapan kayong makahanap ng ibang karendirya na bukas pa rin kahit hating-gabi na." sabi ng ginang.
Mas lalong bumagsak ang balikat ni Isla ng marinig ang sinabi ng ginang. Napaisip rin ang babae na baka hindi niya magawang kumain ng bulalo ng oras na iyon dahil wala ng ibang nagtitinda bukod sa karendiryang nasa harapan nila.
"Bakit? Naglilihi ba nang bulalo ang misis mo, sir?" tanong naman ng asawa ng ginang kay Cyrus kaya nagkatinginan kaagad si Cyrus at Isla.
Mabilis na kumaway si Isla para sabihin sanang mali sila ng iniisip sa kanilang dalawa ng bigla siyang akbayan ni Cyrus na ikinabigla naman ni Isla.
"Yes. As you can see my wife is pregnant. Naglilihi siya ngayon at mukhang gustong-gusto talaga niyang kumain ng bulalo ngayon kaya naghanap kami kahit galing pa kami sa kabilang barangay." sabi naman ni Cyrus.
Bumagsak kaagad ang panga ni Isla dahil hindi niya inaasahan ang sinabi ng lalaking nakaakbay ngayon sa kanya. Hindi kahit kailanman naisip ni Isla na magagawang magpanggap ni Cyrus bilang asawa niya.
"Kung ganun, mahirap nga ang sitwasyon n'yo. Tutal kailangan naman talaga masunod ang pinaglilihi ng buntis, ay magluluto na lang ulit kami ng bulalo para sa misis mo, sir. Iyon ay kung matutulungan mo kaming bumili ng ibang ingredients na naubusan kami kanina ay magagawa naming magluto ulit ng bulalo para sa misis n'yo. Ayos lang ba iyon sa inyo?" sabi naman ng ginang.
Napangiti kaagad si Cyrus sa narinig. "Oo naman! Pakibigay na lang sa akin ang listahan ng mga ingredients na wala na kayo diyan para makahanap ako at makabili ulit."
At dahil sa sinabi ni Cyrus ay mukhang natuwa rin ang mag-asawa sa kanya. Habang si Isla naman ay walang ibang nagawa kundi ang pagmasdan si Cyrus habang nakikipag-usap sa mag-asawang tindero.
Unti-unting nabuo ang ngiti sa labi ni Isla nang ma-realize niyang ginagawa lang ni Cyrus ang mga bagay na iyon para maibigay sa kanya ang pagkaing gustong-gusto nilang kainin mag-ina.
Hindi man alam ni Cyrus pero para kay Isla ay sobrang na-touch siya sa ginawa ng lalaki. Lalo na't ginagawa ni Cyrus ang mga bagay na iyon para sa kanilang mag-ina.
Dun pa lang ay napatunayan na ni Isla na mabuting ama ang lalaki kung sakali mang magkaanak sila ni Elvira. At kahit na si Cyrus naman talaga ang ama ng dinadala ni Isla ngayon sa sinapupunan niya ay hindi niya talaga kayang aminin sa lalaki ang totoo.
Kaya naman gusto na lang ni Isla sulitin ang mga sandaling tulad nito kung saan pinapakita ni Cyrus sa kanya ang pagiging mabuting ama sa anak nila.
Hindi namalayan ni Isla na napaluha na pala siya dahil sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam siya ng bitterness. Lalo na't alam niyang imposibleng sumaya sila ng lalaki kapag nalaman ni Cyrus na nabuntis nito si Isla.
Alam kasi ni Isla na magagalit si Cyrus sa kanya dahil sinamantala ni Isla ang gabing lasing si Cyrus para mabuntis siya. Kahit pa na hindi naman intensyon ni Isla na mabuntis.
Sadyang inasahan niya lang ang resulta na mabubuntis siya dahil nagawa niyang kalimutan na uminom ng proteksyon kinabukasan ng magising siya sa tabi ni Cyrus.
Kaya naman naisip ni Isla na dadalhin niya hanggang sa hukay niya ang katotohanan na may anak sila ni Cyrus dahil ayaw niyang masaktan at ayaw niya rin masira ang relasyon ni Cyrus at ang nobya nito.
"Hey, are you alright? Why are you suddenly crying?" Cyrus asked with his voice full of worries.
"H-hindi, napuwing lang ako." sinubukan pang magsinungaling ni Isla.
Cyrus shook his head. "No, I know you're lying. Tell me what's going on so I could know what's happening to you."
Ikinuyom ni Isla ang kamao niya bago pilit na tumawa. "Hindi, natuwa lang ako kasi makakakain na ako ng bulalo mamaya. Alam mo na, moodswings ng buntis." palusot niya.
Hindi na tumugon si Cyrus at nanatiling nakatingin na lang sa kanya. Maya-maya pa ay tinawag na ang lalaki ng ginang saka inabot kay Cyrus ang papel na naglalaman ng listahan ng mga ingredients na kailangan nito bilhin.
"I'll buy this things then go back again later. Iiwan muna kita rito." sabi ni Cyrus bago humarap sa ginang.
"Miss, kung pwede lang po sanang iwan ko muna si misis sa inyo. Baka kasi mapagod siya kakabyahe kaya sana patuluyin n'yo muna siya sa loob. I'll make sure to compensate you later after I came back." Cyrus pleaded.
Tumango naman ang mag-asawa sa kanya. "Oo naman! Halika ma'am, tuloy kayo sa loob. Masama pa naman sa buntis ang mahamugan dahil baka sipunin o ubohin kayo." sabi naman ng ginang kay Isla bago siya inaya sa loob ng karendirya.
Pagkatapos pumasok ni Isla sa loob ay narinig niya ring umalis na ang sasakyan ni Cyrus kaya wala siyang nagawa kundi ang umupo sa isang silya na binigay sa kanya ng asawa nang ginang.
Nakahawak lang si Isla sa laylayan ng skirt niya habang tahimik na naghihintay sa pagbalik ni Cyrus. Napansin naman ni Isla na abala rin ang mag-asawa sa pag-aasikaso ng mga customers kaya walang nagawa si Isla kundi ang manood sa dalawa.
At maya-maya pa nang makaalis na ang ibang customers nila ay lumapit kay Isla ang ginang. "Ma'am ang swerte n'yo naman sa asawa n'yo. Kitang-kita naman na ginagawa niya ang lahat para masunod ang pinaglilihi n'yo." nakangiting sabi ng ginang kay Isla.
Pilit namang napangiti si Isla dahil kahit na gusto niyang sumang-ayon sa ginang ay hindi niya magawa dahil alam niyang wala namang katotohanan sa sinabi nito.
Hindi naman kasi talaga sila mag-asawa ni Cyrus kahit na totoong ginagawa ni Cyrus ang mga bagay na iyon para sa kanilang mag-ina.
"Oo nga eh. Sobrang mabait lang talaga si Cyrus." tanging na sabi na lang ni Isla.
Natahimik naman ang ginang sa sinabi ni Isla. "May problema ba kayo ng asawa mo, ma'am?" takang tanong ng ginang.
Agad na napatingala si Isla sa ginang at nakita niyang seryoso itong nakatingin sa kanya kaya ngumiti siya at umiling.
"Wala naman po. Mabuting tao si Cyrus at naaappreciate ko ang lahat ng ginagawa niya para sa aming mag-ina. Wala nga akong masabi sa lalaking iyon eh. Siguro ganito lang ako dahil naaapektuhan ng pagbubuntis ko ang emosyon ko at madalas pa rin akong malungkot." sabi ni Isla kaya naman napabuntong-hininga ang ginang.
"Alam ko ang pakiramdam mo ma'am. Ganyang-ganyan ako dati noong pinagbubuntis ko ang panganay namin ng mister ko. Huwag kang mag-alala, kapag nasa second trimester kana ay bubuti na ang mood swings mo kaya mag-iisip ka lang lagi ng mga masasayang bagay para maiwasan mo rin ang stress." nakangiting payo ng ginang kay Isla.
Tumango lang si Isla at maya-maya pa ay narinig niya na bumusina ang sasakyan ni Cyrus. Pumasok ito sa loob ng karendirya habang dala-dala ng lalaki ang supot ng mga ingredients na pinabili sa kanya kanina.
Mabilis namang inasikaso ng mag-asawa na lutuin ang bulalo na gustong kainin ni Isla kaya naman hindi sila naghintay ni Cyrus nang matagal.
Mahigit kalahating oras lang ang hinintay nila bago naluto ang bulalo. Inihain lang kay Isla ang isang bowl ng bulalo at agad namang napangiti si Isla ng maamoy niya ang bagong luto na bulalo sa harap niya.
Kaagad namang sumandok si Isla sa mangkok ng sabaw bago iyon hinipan sa kutsara saka ito hinigop.
Doon lang naramdaman ni Isla ang pagkulo ng sikmura niya dahil sa gutom na naramdaman niya ng malasahan niya ang masarap na sabaw.
Hindi naman mapigilan ni Cyrus na mapangiti habang pinagmamasdan si Isla na nage-enjoy sa pagkain ng bulalo nito. Di mapigilan ni Cyrus na masiyahan sa nakikitang reaksyon mula sa itsura ng babae habang kinakain ang pagkaing pinaglilihian nito.
"Masarap ba?" hindi naiwasang tanong ni Cyrus at nakita naman ni Cyrus ang pinakamagandang ngiti galing sa labi ng babae.
"Sobra! Mukhang gusto ko pa mag-take out ng bulalo nila." nakangiting sagot ni Isla at alam ni Cyrus na masaya ang dalaga.
At sa hindi malamang dahilan ay naramdaman ni Cyrus na parang may kumurot sa puso niya ng makita ang ngiting iyon mula kay Isla.
Hindi naman kumirot ang puso niya ng maramdaman niya ang pagkurot sa puso niya dahil imbis na kirot ay kiliti ang naramdaman niyang sensasyon galing sa puso niya.
Naisip ni Cyrus na napakaganda pala ni Isla kapag ngumingiti ito. Nasabi rin ni Cyrus sa isip-isip niya na iyon siguro ang unang beses niyang nakita na ngumiti nang ganun kasaya si Isla.
Kung hindi kasi seryoso ang babae sa harap ni Cyrus ay palagi naman kunot ang noo nito at parang pinipigil nito palaging maiyak kapag nakikita niya ang babaeng nakatingin sa kanya.
At ngayon na nasaksihan ni Cyrus na sumaya nang sinsero ang babae hindi niya maalis sa isip niya ang magandang imahe nang dalaga habang nakangiti ito nang pagkatamis-tamis.
"You look more beautiful when you smile, Isla." Cyrus gasped immediately when he realised that he uttered the words from his mind.
Kaagad na natigilan si Isla sa sinabi niya. Hinarap ni Isla ang lalaki at napatitig dito ng makita niya si Cyrus ay umiwas naman ang lalaki ng tingin at kitang-kita ni Isla ang pamumula ng tenga nito.
Napalunok si Isla at biglang nakaramdam nang init sa pagitan nila ng lalaki kaya naman naipaypay ni Isla ang sariling kamay habang umiihip sa kawalan.
Biglang naging awkward sa pagitan nila ng lalaki at nakaramdam ang dalawa ng ilang sa isa't-isa dahil sa salitang binitawan ni Cyrus.
May kung ano tuloy na kumikiliti sa kaibuturan ni Isla at hindi niya maiwasang makaramdam ng kilig kapag naaalala niya ang sinabi ng lalaki sa kanya.
Akala ng babae ay uuwi na naman siyang malungkot ngunit hindi naman pala iyon mangyayari dahil sigurado si Isla na papasok siya bukas na may nakapaskil na ngiti sa labi dahil nagawang pasiyahin ni Cyrus ang gabi niyang iyon.
---