CHAPTER 14

1727 Words
Chapter 14: Help THIRD PERSON's P.O.V Nang matapos mag-usap ni Isla at Cyrus ay hindi nawala sa isip ni Cyrus ang sinabi ni Isla. Hindi pa rin kasi makapaniwala si Cyrus na buntis ang kaibigan niya. Hindi tuloy alam ni Cyrus kung anong mararamdaman dahil una sa lahat ay nilihim ni Isla sa kanya na may problema ito. Pangalawa ay hindi nito sinabi sa kanya may naka-one night stand pala ito. Kung alam lang kasi ni Cyrus ang nangyayari sa buhay ni Isla ay naiwasan sana ng babae na hindi makilala ang ama ng dinadala nito. Pero hindi magawa ni Cyrus na sisihin si Isla dahil naisip niyang baka may problema rin sa sarili niya. Palagi kasing abala ang lalaki sa kanyang nobya kaya siguro hindi na nag-abala si Isla na magsabi sa kanya ng mga problema nito. Napaisip din si Cyrus kung alam na ba ni Cyril ang tungkol sa problema ni Isla. Bukod kasi kay Cyrus ay malapit din si Cyril sa babae kaya naman hindi maiwasan ni Cyrus ang mapaisip. Hindi namalayan ni Cyrus na nadi-distract na siya sa trabaho niya kaya naman ng mag-break ay agad siyang lumabas ng opisina niya at naabutan niya naman si Isla na inaantok habang naka sandal ang mukha nito sa kamay nitong nakapatong sa desk nito. Napabuntong-hininga si Cyrus dahil naisip niyang baka nagsisimula ng maglihi si Isla kaya naman naaapektuhan na ito ng pagbubuntis niya. Marahan lamang na hinaplos ni Cyrus ang ulo ng babae dahilan para magising ito at agad itong napatayo sa pagkakaupo nito. "B-boss! P-pasensya na mukhang nakatulog pala ako. May kailangan ka ba?" agad na tanong ni Isla kaya naman kumunot ang noo ni Cyrus. "I think you're pregnancy is really affecting you right now. Don't worry, I'm not mad if you're sleeping. Hindi mo naman maiiwasang makaramdam ng antok ngayon na buntis ka. It's already break, do you want to eat with me?" Cyrus asked her. Hindi naman nagawang tumanggi ni Isla at tumango na lang. Isa rin kasi sa gusto niyang maranasan ay ang makasamang kumain ang lalaking mahal niya. Kaya naman hindi maiwasang makaramdam ni Isla ng saya dahil sa wakas ay sasabayan siyang kumain ni Cyrus. At habang naglalakad sila patungong cafeteria ay agad namang nagsalita si Isla. "Hindi ka ba pupunta kay Ma'am Elvira ngayon? Usually kasi kapag may free time ka ay palagi kang nasa studio niya." Natigilan si Cyrus sa paglalakad ng marinig niyang sinabi iyon ni Isla. Hindi niya napigilang tingnan ang babae na may guilt sa mga mata dahil totoo naman ang tinuran nito. "I'm sorry, mukha bang masyado akong busy pagdating kay Elvira?" hindi napigilang itanong ni Cyrus kahit na alam naman na niya ang posibleng sagot sa tanong niya. "Well, sa kanya lang naman palagi umiikot ang mundo mo." nakangising sabi ni Isla kaya naman nakaramdam ng hiya si Cyrus. Hindi akalain ni Cyrus na ganun ang sasabihin ni Isla kaya parang nakaramdam siya ng hiya. "Pasensya na kung mukhang sobrang busy ko sa kanya. Kinailangan ko kasing maging abala para maayos ko iyong relasyon naming nasira eh." Mahina namang natawa si Isla. "Huwag kang humingi ng pasensya sa akin, boss. Normal lang namang pagkaabalahan mo iyong taong mahalaga at mahal mo eh. Huwag kang ma-offend sa sinabi ko kasi secretary mo lang naman ako. Isa pa sinasabi ko lang sa'yo iyong opinyon ko. Hindi mo iyon kailangang personalin." paliwanag ni Isla. Natahimik naman si Cyrus. Sunod na lang na ginawa niya ay um-order ng makakain nila. Tinanong niya lang si Isla sa gusto nitong kainin bago in-order ni Cyrus ang pagkain nila. Pagkatapos nun ay agad silang humanap ng vacant table. Pagkaupo nila sa table ay agad namang nagsimulang kumain si Isla at mukhang gutom na gutom ito. Napangiti naman si Cyrus nang makita si Isla na masiglang kumakain. "Huwag kang mag-alala, Isla. Simula ngayon, kapag hindi ako masyadong busy ay sasabayan na kita sa pagkain. Aalalayan kita kapag may free time ako para hindi ka mahirapan sa pagbubuntis mo. I'll accompany you on your check ups too." "Hindi na, sir. Si Cyril na ang bahalang sumama sa check up ko." sabi ni Isla habang patuloy ito sa pagkain kaya naman natigilan si Cyrus at napatingin kay Isla. "You mean, Cyril already knows that you're pregnant?" he asked in confusion. "Oh, I forgot to mention earlier. Cyril was the first person to find out that I'm pregnant. Nakapagpa-check up na ako kahapon at naresetahan narin ako ng mga vitamins na kailangan ko inumin." sabi naman ni Isla. Mahigpit tuloy na napahawak si Cyrus sa hawak niyang kutsara. Parang nakaramdam siya ng inggit at lungkot dahil kay Cyril. Hindi kasi akalain ni Cyrus na mas mauuna pang malaman ni Cyril ang tungkol sa pagbubuntis ni Isla. All this time, akala ni Cyrus ay mas malapit sila ng dalaga sa isa't-isa pero nagkamali pala siya. Mas mukha kasing pinagkakatiwalaan na ni Isla si Cyril kaysa sa kanya. "Bakit naman hindi mo sa akin unang sinabi iyong tungkol sa pagbubuntis mo?" malungkot na tanong niya kay Isla. "Sir, hindi ko naman obligasyon na sabihin sa inyo ang problema ko. I mean, oo may pinagsamahan tayo at tinuturing natin na kaibigan ang isa't-isa pero wala namang mali kung kay Cyril ko unang sinabi. Una sa lahat hindi na dapat kita ini-involve sa problema ko lalo na sa bagay na 'to kasi may nobya ka na. Ayoko lang masira ang relasyon n'yo ng dahil sa akin. Kahit sino naman yatang babae ay magseselos kapag nalaman nilang inaalagan ng nobyo nila ang ibang babae at buntis pa. Mamaya isipin pa ni Ma'am Elvira na nabuntis mo ako kaya nagi-insist ka na tulungan ako sa pagbubuntis ko." paliwanag ni Isla. Natigilan naman si Cyrus. Tama naman kasi ang lahat ng sinabi ni Isla at hindi niya magawang magprotesta. Naiisip na nga ni Cyrus na baka magselos si Elvira kay Isla at natatakot siyang isipin iyon. Pero sa kabilang banda ay hindi rin niya maiwasang mag-alala kay Isla dahil nung mga panahon na kailangan niya ng kaibigan noong muntik na silang maghiwalay ni Elvira ay si Isla lang ang tumulong sa kanya. At bilang ganti sa pagtulong ng babae ay gusto rin sana ni Cyrus na makatulong sa kanya. "Elvira isn't that kind of woman. Kilala ka na niya at alam kong maiintindihan niya pag sinabi ko sa kanya na kailangan mo lang naman ng katulong." "Sir, alam ko namang para sa inyo ay napakamaunawain ni Ma'am Elvira, pero hindi mo rin iyon masasabi. Iba ang takbo ng isip ng mga babae. Hindi n'yo naman kailangan obligahin ang sarili n'yo sa problema ko kasi kaya ko naman. Naaawa kaba sa akin kasi hindi ako mapapanindigan ng lalaking nakabuntis sa akin?" mariing sabi ni Isla. Hindi naman nakasagot si Cyrus. Tama naman kasi ang babae. Na kaya gustong tumulong ni Cyrus dahil nakaramdam siya ng awa sa babae. "I don't need your pity, sir. Do you think you will still feel pity for me if I tell you that I also really wanted something to happen between us and that man? I also expected that I might get pregnant because we didn't use protection." Isla said seriously while staring into Cyrus' eyes. "No. I don't believe you, Isla. I know you're not that kind of woman. Naniniwala akong aksidente lang na may nangyari sa inyo ng lalaki." seryosong sagot naman ni Cyrus. Natawa naman si Isla nang pagak. Agad na kumunot ang noo ni Cyrus ng marinig ang pilit na pagtawa ni Isla. "Sa tingin mo ba talaga na aksidente lang iyong nangyari sa akin? Sinadya ko iyon. Hinayaan kong may mangyari sa amin dahil ginusto ko iyon at hindi dahil aksidente lang. Kasi deep inside, malandi talaga ako at madalas kong hinihiling na sana ay maghiwalay na sila ng nobya niya dahil mahal ko iyong lalaki." mariing sabi ni Isla. Kumunot naman lalo ang noo ni Cyrus dahil naguluhan siya sa sinabi ni Isla. "Huh? What do you mean? I thought you didn't remember the man who got you pregnant?" "Of course not. I lied to you because I knew you would have search for the man who got me pregnant. But you don't have to do that. If the guy finds out I'm pregnant, it's possible that we might break his relationship with his girlfriend. I also don't want to break their relationship with his girlfriend because I'm the only one who wanted this to happen. I also don't want to ruin his relationship with his girlfriend so it's fine for me to keep it a secret for him and to be the only one to raise our child." Isla said coldly. Parang kumirot ang puso ni Cyrus ng makita ang lungkot sa mga mata ni Isla. Hindi niya akalain na ganun pala ang pinagdadaanan ni Isla. "But he needs to be responsible. Nabuntis ka niya at kahit pa na may girlfriend siya dapat lang na panindigan niya ang anak n'yong dalawa kahit na hindi niya ginusto na mabuntis ka." seryosong sabi naman ni Cyrus. Nakita naman ni Cyrus na seryoso siyang tiningnan ni Isla. "Bakit? Kung ikaw ba iyong nasa sitwasyon ng lalaki, magagawa mo bang iwan iyong babaeng mahal mo para lang sa babaeng nabuntis mo?" Napalunok si Cyrus bago sumagot. "Of course. Kahit gaano ko pa kamahal si Elvira, kung responsable naman ako sa pagbubuntis mo ay mas pipiliin kita. Ayokong lumaki ang anak ko na hindi buo ang pamilya dahil naranasan ko iyon. Ayokong lumaki siya at malaman na baka inabandona ko sila ng ina niya. Ayokong lumaki siya na malamang may ibang pamilya ang ama niya kasi hindi sila mahal ng ama niya. I'm willing to sarfice my love for Elvira if I have to be responsible for your pregnancy. Mas mahalaga sa akin ang magiging anak ko." paliwanag ni Cyrus. Hindi man sigurado si Cyrus kung magagawa niya ang mga sinabi niya kung siya man ang lalaking nakabuntis kay Isla pero kailangan niyang gawin ang tama. Masaktan man niya si Elvira ay wala siyang ibang magagawa dahil ayaw niyang may ibang bata na makaranas ng naranasan niya. Pangarap din kasi ni Cyrus na maging mabuting ama sa anak niya. At dahil malalim na ang pag-iisip ni Cyrus ay hindi niya namalayang umiiyak na pala si Isla. Kaagad niyang nilapitan ang dalaga saka pinunasan ang luha nito gamit ang hintuturo niya. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD