CHAPTER 16

1542 Words
Chapter 16: Check up ISLA SENA's P.O.V Ilang linggo rin ang lumipas simula ng ipaalam ko kay Cyrus na buntis ako. Hindi naman naging madali ang lahat dahil kinailangan ko na magdoble-ingat. Bukod pa dun ay pareho akong sinasamahan ni Cyril at Cyrus sa check up ko weekly sa OB-GYNE ko. Masaya naman ako dahil kahit paano ay walang naging problema sa baby ko. Healthy naman siyang nagde-develop sa tiyan ko at iyon naman ang mahalaga sa akin. At ngayong araw ay wala akong trabaho dahil weekends. At dahil kakabalik lang ulit ni Elise sa pinas ay makikita ko ulit siya. Nag-usap naman na kami sa message na magkikita kami ngayong araw sa bahay niya. Napili namin na sa bahay na ni Elise magkita dahil mukhang pagod pa ang kaibigan ko dahil sa trabaho niya kaya naman pagkatapos kong maghanda ay umalis na ako sa bahay. Sumakay na lang ako ng taxi dahil pinagbawalan ako ni Cyril at Cyrus na magmaneho ng sasakyan ko dahil baka mapano ako kahit na wala namang epekto iyon sa pagbubuntis ko. Wala pa rin namang pagbabago sa tiyan ko. Parang hindi pa rin ako buntis pero mas lumala ang mga sintomas ko. Madalas ay hindi ako makatulog dahil palaging sumasakit ang tiyan ko. Minsan naman ay hindi ako makakain kasi para akong nasusuka. Kaya madalas na pumupunta sa bahay ko si Cyril kapag siya ang nasa katawan nila Cyrus dahil sa pag-aalala sa akin. Madalas pa nga na madaling araw na siya umuuwi sa condo nila para matulog dahil sa kakaalaga sa akin. Kaya naaawa ako kay Cyrus pag pumapasok sa trabaho na mukhang puyat. At para maiwasan na mapuyat si Cyril at Cyrus pag pumapasok sa trabaho ay sinabihan ko na lang si Cyril na pupunta na lang siya sa apartment ko kapag sobrang urgent gaya na lang kapag nag-crave ako ng hating-gabi. Natutuwa rin naman ako kay Cyrus dahil sinasabayan niya na rin ako kumain kapag break namin sa company. Hatid-sundo na rin nila ako ni Cyril pagpapasok sa trabaho kaya minsan ay hindi ko maiwasang mapa isip. Nababahala lang ako na baka ay pinagseselosan na ako ni Elvira dahil mas pinagtutuunan ako masyado ng pansin ni Cyrus at Cyril pero hanggang ngayon naman ay hindi pa rin ako sinusugod ni Elvira. Siguro dahil busy ito masyado at walang panahon sa mga taong katulad ko. Nang makarating ako sa labas ng apartment ni Elise ay agad akong kumatok sa pinto niya. Lumabas naman si Elise ng bahay na tanging sando at shorts lang ang suot. Mukhang kakagising lang din nito dahil magulo pa ang buhok paglabas nito ng bahay. "Natutulog ka pa ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Ngumiti naman sa akin si Elise bago ako niyakap. "Kakagising ko lang. Puyat kasi ako kagabi. I miss you friend, buti nandito ka na." malambing na sabi niya habang yakap ako. Niyakap ko rin naman pabalik si Elise dahil gaya niya ay na miss ko rin siya. Pagkatapos naming magyakapan ay agad akong inakbayan ni Elise papasok sa bahay niya. "Pasensya ka na, friend. Makalat pa sa bahay kasi hindi ako nakakapaglinis. Alam mo na, palagi kasi akong nasa labas kaya walang nag-aasikaso sa bahay." natatawang wika pa niya. Tumango lang ako habang nakangiti. "Upo ka muna sa sofa, magluluto lang ako ng kakainin natin." sabi nalang ni Elise. At dahil maaga pa naman ay pareho pa kaming hindi nag-aalmusal. Maaga ko kasi napili pumunta sa bahay ni Elise dahil sasamahan ako ni Cyrus sa check up mamaya. Sigurado naman ako na nandun siya kay Elvira ngayon. Baka nga nagde-date sila ngayon. Napangiti ako nang pilit dahil naramdaman kong pumait ang sarili kong laway dahil sa naisip kong iyon. Masakit pa rin kapag naiisip ko na kay Elvira pa rin babalik si Cyrus kahit na sakin siya palaging tumatakbo ngayon dahil pinili ni Cyrus na tulungan ako sa pagpapalaki ng anak namin kahit walang alam si Cyrus na siya ang ama ng bata. Saglit lang naman akong naghintay kay Elise dahil nakapagluto kaagad siya ng agahan namin. Mabuti na lang at hindi ko inayawan ang luto na pasta ni Elise. "Sensya na sis, 'yan lang kinaya ng budget ko sa almusal." natatawang usal ni Elise kaya napangisi rin ako. "Baliw, ayos lang! Buti nga at hindi nag-inarte si baby." sabi ko. Narinig ko naman na kumalansing ang kutsara ni Elise ng mabutiwan niya ito. Nakita ko namang nakangiti siya sa akin. "Oh my gosh. Nakalimutan ko pala na buntis ka nga pala! Buti pala at pinaalala mo!" sabi niya saka sumubo ng pasta sa bibig. "Oo nga eh. Tapos nalaman ko pa nung kasama ko si Cyril." kwento ko naman. Alam naman ni Elise ang tungkol sa sitwasyon ni Cyrus kaya kilala niya rin si Cyril. Nang magsimula akong sumubo ay agad namang nagsalita si Elise. "Eh 'yung boss mo? Alam na ba niya na siya ang ama?" curious na tanong sa akin ni Elise. Natahimik ako saglit at hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin. Napansin ko namang hinintay lang ni Elise na magsalita ako kaya sa huli ay wala kong nagawa kundi ang magsalita. "Hindi. Alam niya lang na buntis ako pero hindi ko binanggit na siya ang ama." paliwanag ko. Nanlaki naman ang mata ni Elise. "Ay! Why naman ganorn?!" hindi makapaniwalang tanong niya. "Kasi nagkabalikan na sila ng ex niya eh. Okay na sila kaya bakit ko pa sisirain iyong relasyon nila 'di ba? Isa pa natatakot akong magalit si Cyrus sa akin kapag nalaman niyang nagsinungaling ako ng ganun katagal sa kanya tungkol sa nangyari sa amin." paliwanag ko kay Elise. Napahilot naman ito sa noo niya at mukhang namo-mroblema sa sinabi ko. "Jusko naman! Ang hirap naman ng sitwasyon mo, friend. Ang dami-dami kasi ng pwede mong magustuhan, iyon pang loyal ang pinili mo. Bukod pa dun pinili mo pa iyong lalaking never kang lilingunin." sabi ni Elise na siyang dahilan kung bakit bumigat ang pakiramdam ko. "Aray ha? Oo na, alam ko naman na hindi ako mahal at kahit kailan ay hindi ako pipiliin. Kaya nga mas pinili ko na lang magsinungaling sa kanya 'di ba? Pero kahit na hindi niya alam na siya ang ama gusto niya pa rin ako tulungan sa pag-aalaga sa sarili ko ngayong buntis ako." sabi ko naman. "Ay wow naman! Baka naman mamaya pag-initan ka ng jowa niyan, sis ha? Ikaw na pinagkakaabalahan, mamaya isipin pa na kabit ka." babala sa akin ni Elise. Umiling naman ako. "Hindi naman siguro. Sabi kasi niya kinausap niya na si Elvira at mukhang ayos lang sa nobya niya. Isa pa, kahit na walang alam si Cyrus ay hindi ko magawang ipagkait sa kanya ang karapatan niyang maging ama sa anak ko kahit na 'di niya alam." "May ganun? Nahiya ka pa kasi friend! Hindi ka na lang umamin!" naiiling na turan niya. "Pag ginawa ko iyon, baka iwan niya si Elvira. Alam mo bang tinanong ko siya na what if siya iyong ama ng dinadala ko. Alam mo bang sinabi niya? If siya daw iyong ama ng anak ko, ako ang pipiliin niya kaysa kay Elvira. The reason is he didn't want his child to grow up like him without a complete family. Maganda namang ayaw niyang maranasan ng anak niya ang naranasan niya pero paano naman iyong jowa niya? Isipin mo, eight years na sila tapos iiwan niya lang iyong babae kasi nakabuntis siya ng ibang babae. Iniisip ko pa lang na ako ang nasa sitwasyon ni Elvira ay parang masakit na. What more pa kaya kung siya mismo ang makaranas 'di ba? Wala naman kasi akong intensyon na sirain sila. G*ga ko lang sa part na hinayaan kong may mangyari sa amin ni Cyrus." paliwanag ko. Sumimangot naman si Elise. "Alam mo, friend... nakakainis ka! Alam kong mabuti kang tao pero ang OA mo masyado! Hindi ka dapat laging nagpaparaya. Kailangan mo rin iyong boss mo sa tabi mo lalo na ngayon nagbunga iyong ginawa n'yo. Malay mo pag nalaman niyang nabuntis ka niya matutunan ka niyang mahalin. Okay lang naman maging selfish kahit minsan lalo na kung sa ikakaligaya mo naman." Hindi ko na namalayan na nagsimula nang dumaloy ang luha ko sa pisngi ko. Tama naman si Elise. Walang masama kung maging selfish tayo paminsan-minsan. Pero kahit saang anggulo kasi tingnan, mali iyong ginawa ko. Mas mabuti na ilihim ko na lang ang katotohanan kaysa makasakit ako ng kapwa ko babae. Alam kong masakit ang maloko at ayokong isipin niya na niloko siya ni Cyrus ng dahil sa akin. Ako lang naman ang gumawa ng kat*ngahan na iyon kaya ako lang dapat ang magdusa. Hindi ko kayang isugal ang pagmamahal ko kay Cyrus dahil tulad niya ay mabuting tao rin si Elvira. Kung hindi sila nagkakilalang dalawa ay hindi maghe-heal ang puso ni Cyrus sa mapait niyang nakaraan. Iyon ang pinagpapasalamat ko sa lahat. Na kahit hindi kami nagkakilala ni Cyrus nang mas maaga ay nakilala niya naman ang anghel sa buhay niya. Kahit na alam kong hindi ko habang-buhay maitatago ang katotohanan kay Cyrus at kahit na mangyari man na malaman ni Cyrus ang totoo ay hindi magbabago ang isip ko. Mag-isa kong bubuhayin ang anak ko para hindi masira ang relasyon nila ni Elvira na pinaghihirapan nilang buohin. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD