CHAPTER 15

1570 Words
Chapter 15: Pity THIRD PERSON's P.O.V "Isla, why are you crying?" Cyrus asked in worriedly. Hindi kasi mapigilan ni Isla na mapaluha matapos niyang marinig ang sinabi ni Cyrus. 'Di inaasahan ng babae ang naging sagot ni Cyrus dahil akala niya ay mas pipiliin nito si Elvira. Nagu-guilty tuloy si Isla dahil kahit na alam niya na ang gagawin ni Cyrus kapag nalaman nitong ito ang ama ng pinagbubuntis niya ay hindi pa rin nagawang aminin ni Isla ang totoo. Mahal na mahal niya ang lalaki at alam ni Isla na hindi sasaya si Cyrus sa kanya kahit pa na maging isang pamilya sila. Ayaw ni Isla na mapilitan si Cyrus na panindigan siya dahil lang sa responsibilidad nito sa kanya. Gusto kasi ni Isla na lumaki ang anak niya sa pamilyang mahal ang isa't-isa. At alam ni Isla na imposible iyon dahil may posibilidad na kapag naghiwalay si Cyrus at Elvira dahil sa kanya ay hindi siya matututunang mahalin ng lalaki. Kaya ayos lang kay Isla na ilihim ang totoo sa lalaki dahil ayaw niyang mas masaktan lalo. Mas mahuhulog lang siya sa lalaki kapag inalagaan siya nito dahil lang may responsibilidad ito sa kanya. "N-napakabuti mo talaga, sir. Pero kung ikaw man iyong lalaking nakabuntis sa akin ay hindi ko rin sasabihin sa'yo ang tungkol sa pagbubuntis ko. Kung ikaw man iyong lalaking mahal ko ay hindi ko kakayaning saktan ka dahil lang sa responsibilidad na kailangan kong pagampanan sa'yo." mariing sabi ni Isla na patuloy lang sa pagluha. Napabuntong-hininga si Cyrus. Ito lang kasi ang unang pagkakataon na nakita niyang umiyak si Isla sa harapan niya at parang kinukurot ang puso niya. Hindi kasi talaga kaya ni Cyrus kapag umiiyak ang mga babaeng mahalaga sa kanya. Kaibigan na rin kasi ang turing niya kay Isla kaya naman nahihirapan din si Cyrus sa sitwasyon ng babae. "Huwag kang mag-alala, Isla. Alam kong malalampasan mo rin ang mga pagsubok na ito. At gaya ng sinabi ko ay sasamahan kita sa pregnancy journey mo sa abot ng makakaya ko." paliwanag ni Cyrus. "Sinabi ko na hindi mo na kailangan gawin iyon, sir. Mag-focus ka nalang sa nobya mo dahil hindi mo rin masasabi kung kailan kayo magkaka-anak." mariing sabi ni Isla. Umiling naman si Cyrus. "Malabong mabuntis si Elvira dahil nagte-take siya ng pills at hindi pa siya handang mabuntis. Busy pa siya sa career niya kaya naman naiintindihan ko kung hindi pa kami magkakaanak bago kami ikasal." Naikuyom naman ni Isla ang kamao niya. Hindi na siya nagsalita pa at huminto na lang siya sa pag-iyak. Nagpatuloy na lang din siya sa pagkain niya. At dahil napansin na rin ni Cyrus na huminto si Isla sa pag-iyak ay nagpatuloy na lang din siya sa pagkain. Pagkatapos nun ay naging abala na sila sa meeting para sa bagong gadget na balak i-launch ng company ni Cyrus. At habang busy si Cyrus sa meeting ay hindi mawala sa isip ni Isla ang naging usapan nila kanina. Hindi siya makapaniwala na ganun ang opinyon ni Cyrus kung malaman nito na ito talaga ang ama ng anak ni Isla. Natuwa ang puso ni Isla ngunit sa huli ay mas nangibabaw ang guilt. Hindi magawang maging masaya ni Isla nang tuluyan dahil kahit alam niya na baka tanggapin ni Cyrus ang pagbubuntis niya ay hindi pa rin nawawala ang takot niya. Natatakot pa rin si Isla dahil baka kahit matanggap ng lalaki ang pagbubuntis niya ay magalit pa rin ito at madismaya sa kanya dahil pinagkakatiwalaan siya ni Cyrus. Isa pa ay ayaw makasakit ni Isla ng ibang tao tulad ni Elvira kung sakali man na iwan ito ni Cyrus para sa kanila ng anak niya. Ayaw ni Isla na mangyari iyon dahil hindi kakayanin ng konsensya niya pagnasira ang relasyon ng dalawa dahil sa kanya. Tanggap naman na kasi ni Isla na hindi siya magagawang mahalin ni Cyrus kaya kahit masakit na mag-isa niya lang bubuhayin ang anak nila ay hindi niya magawang magpaka-selfish. Alam naman kasi ni Isla kung gaano kamahal ni Cyrus at Elvira ang isa't-isa. Handang magbulag-bulagan si Isla para lang sa kaligayahan ng lalaking mahal niya. Nang umabot na ang gabi ay maagang pinauwi ni Cyrus ang ibang empleyado nila at gaya rin ni Isla ay pinauwi rin siya ng maaga ni Cyrus. "I'll send you home. Delikado na magmaneho ka lalo na't buntis ka na pala. Dadaan narin tayo sa restaurant para makabili tayo ng kakainin mo mamaya pag-uwi mo. Don't forget to call me anytime na nag-crave ka sa food na gusto mo." bilin ni Cyrus. Hindi naman magawang tumanggi ni Isla kahit gustuhin niya dahil pakiramdam niya ay iyon lang ang paraan para maalagaan ni Cyrus ang anak nila kahit na wala itong ideya na ang anak niya ang inaalagaan niya. "Thank you, sir. Bibilhin ko na iyong mga kailangan ko mamaya para hindi na kita maabala pag-uwi mo. Alam ko naman kasing mamaya ay magkasama na kayo ni Ma'am Elvira." sabi naman ni Isla. Tumango na lang si Cyrus bago pinagbuksan ng pinto si Isla para makasakay sa kotse ng lalaki. Pagkapasok ni Isla ay sunod namang pumasok sa kotse si Cyrus. Nagmaneho rin ito kaagad at maya-maya pa ay huminto sila sa restaurant. Nagpatake-out lang si Cyrus para sa bahay nalang kakain si Isla. Lahat naman ng binili ni Cyrus ay nagustuhan ni Isla dahil iyon din ang mga pagkain na nais niyang kainin. Pagkatapos nun ay muling nagmaneho ang lalaki at nang makarating sila sa apartment ni Isla ay inalalayan siya ni Cyrus pababa ng kotse. "Thank you sa paghatid sa akin, sir. Mag-iingat kayo sa byahe." nakangiting sabi ni Isla. Hindi naman inaasahan ni Isla ang sunod na gagawin ng lalaki. Naramdaman na lang ni Isla ang mahigpit at mainit na yakap nito at hindi na napigilan ng puso niyang magwala. Napakasarap sa pakiramdam na yakapin siya ni Cyrus dahil iyon lang ata unang beses na niyakap siya ni Cyrus at hindi ni Cyril. "When I said that I want to help you, I'm being sincere. Huwag mo sana isiping abala ka sa akin, Isla. Para sa akin, isa ka na sa pamilya ko kaya hindi ko kayang makita ka na nahihirapan. Pareho na tayong ulila at magkaibigan tayo kaya gusto kitang damayan sa problema mo. Nandito lang ako palagi sa tabi, okay?" sinserong sabi ni Cyrus ng bumitaw ito sa yakap. Gustong maiyak ni Isla. Gusto niya ring halikan si Cyrus ng mga oras na iyon pero pinigil niya ang sarili at kinuyom na lang niya ang kamao niya saka tumango sa lalaki. "Thank you." tanging nasabi na lang ni Isla. Ngumiti naman ang lalaki pabalik sa kanya at nang makasakay na ulit ito sa kotse ay kinawayan na lang ito ni Isla habang palalayo ang kotse nito. "Please... tibayan mo ang puso mo, Isla." bulong ni Isla sa sarili niya bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Isang oras mahigit din ang binyahe ni Cyrus bago nakarating sa studio ni Elvira. At nang makarating dun si Cyrus ay nakita naman niyang ginagawa ni Elvira ang bagong gown na tinahi niya. "Baby, how's your day?" Cyrus asked. Ngumiti naman si Elvira bago nito binigyan nang mabilis na halik sa labi ang lalaki saka niyakap. "I'm tired earlier but not anymore that you're here now." Elvira told him sweetly. Napangisi si Cyrus dahil sa narinig saka hinalikan sa noo ang nobya bago ito hinila paupo sa couch. Habang kalong niya si Elvira ay saka nagsalita si Cyrus. "Isla's pregnant, baby. I'm so worried about her because she didn't tell the guy that he got her pregnant." Cyrus said. Hindi naman makapaniwala si Elvira sa narinig. Kilala niya na kasi si Isla dahil ilang taon na rin itong sekretarya ni Cyrus. "Hindi ba niya nabanggit sa'yo kung sino iyong ama ng bata?" tanong ni Elvira. Umiling naman si Cyrus. "I don't know. Everytime I asked her why she didn't tell the guy, she always avoid the topic." "That's too bad. Mahihirapan siyang magbuntis kung walang aalalay sa kanya." sabi naman ni Elvira. "Yeah. That's why I decided to help her. Plus, Cyril already knows that she's pregnant." Cyrus said. Nagulat naman si Elvira at napatayo mula sa pagkakaupo sa hita ng nobyo niya. Hindi lang si Cyrus kundi pati ang split personality nito ay gustong tulungan si Isla. "Why would you help her?" Elvira asked looking confused. "Because she's a friend of mine. Plus, both of us are orphan. Nasa ibang bansa rin madalas ang kaibigan niyang si Elise kaya walang ibang makakatulong sa kanya ngayon kundi kami ni Cyril. At kahit hindi ko man tulungan si Isla ay sigurado akong tutulungan pa rin siya ni Cyril." paliwanag naman ni Cyrus. Hindi nagustuhan ni Elvira ang ideya ng pagtulong ni Cyrus at Cyril sa sekretarya ng mga ito. Babae pa rin kasi si Isla kahit saang anggulo mo pa tingnan. At hindi gusto ni Elvira na mas pagtuunan ng nobyo niya ng pansin si Isla kaysa sa kanya pero sa kabilang banda ay naisip ni Elvira na kahit tutulan niya ang gusto ng nobyo niya ay hindi ito makikinig sa kanya. "O-okay then. Do what will makes you comfortable. Basta huwag mo lang kakalimutan ang responsibilidad mo sa akin. Baka naman mamaya pag na-busy ka sa kanya ay makalimutan mo na ako." seryosong sabi naman ni Elvira. "Of course not! You're still my first priority, baby." Cyrus assured her with a smile. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD