Chapter 17: Phobia
ISLA SENA's P.O.V
"Hindi ko magagawa iyong sinasabi mo, sis. Alam kong masaya sa pakiramdam kapag naging buong pamilya kami nila Cyrus pero ayoko naman maging selfish. Nauna dumating sa buhay niya si Elvira at wala akong balak sirain iyong relasyon na binuo at inayos na nila. Oo, mukha akong hypocrite dahil sa sinasabi ko dahil kung wala naman ako balak sirain sila sana hindi ko hinayaan mabuntis ako. Nadala kasi ako ng emosyon ko ng gabing iyon kaya nangyari samin ni Cyrus iyon. Pero kahit na nabuntis niya ako, kaya ko naman na buhayin mag-isa ang anak ko. Hahayaan ko lang si Cyrus na tumulong sa akin ngayon sa pagbubuntis ko pero pag nanganak na ako ay aalis na rin kami nang tuluyan ng anak niya sa buhay nila ng girlfriend niya." seryosong sabi ko kay Elise.
Nakita ko namang lumungkot ang mukha niya at saka napabuntong-hininga. Ngumiti naman ako at naramdaman kong hinawakan ni Elise ang kamay ko.
Mabuti na lang at natapos na kaming kumain na dalawa. Bago siya nagsalita ay tinitigan muna niya ako sandali. "Kung saan ka masaya, friend. Susuportahan kita palagi at hindi ako aalis sa tabi mo. Ninang pa rin ako ng anak mo kaya tutulungan ko kayo."
Tumango na lang ako. "Salamat, Elise. Mabuti na lang kahit wala na akong ibang matatakbuhan, nandyan ka pa rin."
"Syempre naman! Para saan pa at naging magkaibigan tayo kung hindi kita matutulungan 'di ba?" nakangising sabi naman niya.
Nang matapos kaming kumain ni Elise ay nagpasiya naman siyang maligo at magbihis dahil gusto niyang gumala naman kami sa labas lalo na't hindi na masyadong mainit sa labas.
Umalis kami sa apartment ni Elise at saka kami naglakad sa pinakamalapit na park. Nakita ko na marami doong mga bata na naglalaro kasama ang mga pamilya nila.
Napapangiti ako kapag nakikita ko ang tanawin ng masasayang pamilya dahil naaalala ko ang mga magulang ko. Kung hindi lang sana maagang kinuha ang parents ko ay sigurado akong magiging masaya sila kapag nakilala nila ang apo nila.
Niyaya naman ako ni Elise na pumunta sa ice cream parlor malapit sa park at kumain kami ng ice cream. Wala rin kaming ibang ginawa kundi mag-usap habang kumakain ng ice cream.
Pagkatapos namin kumain ni Elise ay nagsimula kaming maglibot sa park at nakita ko namang ang sasaya ng mga bata. "Soon, kapag lumaki na ang anak mo ay dito siya maglalaro." nakangising sabi ni Elise.
"Oo, bes! Tapos kapag nagkaanak ka na, dito na sila maglalaro ng anak ko." ngising sagot ko naman.
"Ay naku! Matagal pa iyang anak-anak na iyan sa akin, friend. Wala pa nga ako mahanap na matinong lalaki sa buhay ko eh." natatawang protesta naman niya.
"Baliw, okay lang iyan! Hindi naman natin kailangan ng lalaki sa buhay." nakangiting sagot ko bago kami naupo sa bench sa ilalim nang malaking puno.
"Ang sarap ng simoy nang hangin." komento ni Elise kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Oo nga eh." sabi ko bago ako huminga nang malalim.
Ngayon ko lang na-realize na ang bigat pala nang pakiramdam ko. Lalo na ngayon na nagsi-sink in na sa akin ang lahat.
Napakasaklap lang kasi na na-inlove pa ako sa taong imposible kaming sumaya at magsama.
"Kung ano man 'yang iniisip mo, itigil mo na iyan, inday! Kumukunot ang noo mo at sinabi naman siguro sa' yo ng OB GYNE na huwag ka magpapa-stress." babala sa akin ni Elise.
Napangiti naman ako bigla sa sinabi niya. "Sorry, bes. May naisip lang ako na nakakalungkot kaya bigla akong napasimangot."
"Basta, friend. Huwag mo ako kalimutan i-message pag kailangan mo ng tulong ko. Kahit nasa ibang bansa pa ako ay lilipad ako kaagad para makauwi rito. Lalo na kapag manganganak ka na. Alam ko matagal pa iyon pero syempre hindi mo naman mahuhulaan ang mga mangyayari." payo ni Elise kaya tumango ako.
"Huwag ka mag-alala, Elise. Ikaw ang unang-una kong tatawagan pag kailangan ko nang tulong pagmanganganak na ako." nakangiting sabi ko naman kay Elise.
Nang araw na iyon ay nagpasiya kaming maghiwalay ni Elise pagdating ng alasingko nang hapon. Kinailangan niya rin kasi magpahinga nang maaga dahil may pasok siya kinabukasan.
Habang ako naman ay naghihintay sa park para sunduin ni Cyrus dahil nga pinag-usapan namin na magpapa-check up kami ngayon.
Saglit lang naman akong naghintay dahil pagkatapos kong i-text kay Cyrus ang location ko ay nakarating din siya kaagad bago mag-thirty minutes.
Nang makita ko na huminto ang sasakyan niya sa harap ko ay agad akong tumayo para maghintay na pagbuksan ako ni Cyrus nang pinto.
Lumabas naman ng kotse si Cyrus at nakita ko na binuksan niya ang pinto sa backseat. Kumunot ang noo ko pero hindi ko naman nagawang tanungin siya at nagpasiya na lang ako na pumasok sa loob ng kotse nang makita ko si Elvira sa may passenger's seat sa tabi ng driver's seat.
Napalunok ako at naramdaman kong mabilis na nagkarera ang puso ko. Ito kasi ang unang beses na nagkasama kami sa iisang sasakyan nila Cyrus at Elvira.
Napapikit ako nang mariin dahil para akong naging third wheel sa kanila. Nang mapadilat ako ay agad akong napatingin sa may front mirror at nakita ko namang nakatingin sa akin si Elvira mula sa salamin.
"I'm sorry, Cyrus didn't mention that I'm going to tag along with your check up." she apologized.
Nang pumasok si Cyrus sa driver's seat ay hindi na lang ako kumibo bago pinaandar ni Cyrus ang sasakyan. Para hindi ako mailang sa presensya nang dalawa ay nagpasiya na lang akong sumandal sa upuan saka pinikit ang mga mata ko para matulog.
Ayoko kasing marinig ang pag-uusapan nila dahil bukod sa maiilang lang ako ay baka masaktan lang din ako. Hindi ko gustong masaksihan ang pagiging sweet nila sa isa't-isa dahil masakit lang iyon para sa akin.
Nang makarating kami sa hospital ay naramdaman kong huminto ang sasakyan. Didilat pa lang ako mula sa pagkaka-idlip ko nang maramdaman kong hawakan ni Cyrus ang braso ko.
"We're here." he whispered. Nang dumilat ako nang tuluyan ay nakita kong nakabukas na ang pinto sa tabi ko habang nakatayo si Cyrus sa harap nang pintuan.
Ngumiti lang ako nang pilit sa kanya bago ko hinawakan ang kamay niya para sa pag-alalay niya sa akin pababa nang sasakyan.
Pagkababa ko ng kotse ay agad naman na inalalayan ni Cyrus si Elvira pababa kaya nang magsimula kaming maglakad sa loob ng hospital ay mabilis na kumapit si Elvira sa braso ni Cyrus.
Nauuna sila na maglakad kaysa sa akin na nasa likuran nang dalawa. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa lungkot na nararamdaman ko ngayon.
Alam ko naman na masaya silang pareho, sadyang hindi ko lang kaya maging masaya para sa kanila kahit tanggap ko na matibay ang relasyon nilang dalawa.
"Sa second floor pa iyong OB GYNE ko. Dalawang tao lang daw iyong pwede pumasok sa office." sabi ko naman sa kanila at nakita ko namang nagkatinginan ang dalawa.
Nasa harap kami nang elevator. Marami kasing pumipila sa check up ng OB GYNE kaya baka hindi na makasama ang isa sa kanila.
"What do you think, baby?" Cyrus asked his girlfriend.
Nakatingin lang ako sa kanila at nagulat ako nang makita ko si Elvira na lingunin ako bago tingnan ulit si Cyrus.
"You should assist her. Kaya naman tayo nagpunta rito kasi gusto mo siyang samahan di ba? Hihintayin ko na lang kayo rito sa baba." malumanay na sagot naman ni Elvira.
Tumango lang si Cyrus bago hinalikan sa noo ang nobya niya. Pagkatapos nun ay hinawakan ni Cyrus ang braso ko bago kami pumasok sa loob nang elevator. Kumaway lang si Elvira sa amin bago nagsara ang pinto ng elevator.
Napatingin naman ako kay Cyrus dahil nakita kong niluwagan niya ang necktie na suot niya. Alam kong hindi siya kumportable tuwing sasakay siya sa elevator dahil sa claustrophobia niya.
"Sir, ayos lang ba kayo?" nag-aalalang tanong ko. Tumango naman siya kahit halata naman na pilit ang ngiti niya.
"Don't worry, I'm fine." he answered.
Tumango lang ako. Pagkatapos nun ay tumingin ako sa pinto nang elevator. Hindi pa man kami nakakarating sa second floor ay bigla na lang namin naramdaman ang paghinto nang elevator kasabay ang mahinang pagyanig nito.
At dahil sa konting pag-along ng elevator ay biglang humawak si Cyrus sa bewang ko na para bang pinoprotektahan niya ako. Mabilis na kumabog ang puso ko at nagulat kami pareho nang biglang namatay ang ilaw ng elevator.
"Sh*t!" napamura na lang si Cyrus at sinubukan pang pindutin ang bawat buttons ng elevator pero walang nangyari. Mukha kasing na-stuck kami sa loob nang elevator.
Maya-maya pa ay naramdaman kong napaupo sa sahig si Cyrus kaya naman umupo rin ako sa tabi niya. Sunod kong nilabas ang cellphone ko para buksan ang flashlight.
Pagkatingin ko kay Cyrus ay nakita ko kaagad ang pamamawis niya. He started sweating so much and he also began to gasped for air.
Sinubukan ko siyang yakapin at tawagin ang pangalan niya pero hindi niya ako naririnig. "P-please let me out!" he begged.
Mahina lang niya sinabi iyon kaya nagsimula na rin akong mag-alala para sa kanya. Hindi kasi 'to nangyayari sa company kaya hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya.
Ngayon ko lang nakitang takot na takot si Cyrus at para itong hihimatayin ano mang oras dahil sa paghahabol nito nang hininga.
"Sir, kumalma ka please. Huwag ka mag-panic. Nandito lang ako, makakaalis din tayo rito." sabi ko bago ko kinapkap ang bulsa niya sa pants.
Mabilis kong tinext ang number ni Elvira pagkakuha ko sa phone ni Cyrus para siya ang tumawag nang tulong para sa amin. Hiniling ko na lang na makalabas kami ng elevator bago pa may mangyaring masama kay Cyrus.
---