Chapter 30: Stress
THIRD PERSON's P.O.V
Sa sobrang nangyari sa buhay ni Isla ay hindi niya namalayan na nasa last stage na siya ng second trimester ng pagbubuntis niya.
Nagsimula na lumaki ang tiyan ni Isla simula ng magsimula ng maging six months ang pagbubuntis niya. At sa loob ng nakaraang ilang buwan ay maraming nangyari.
Bukod sa wala namang nagbago sa pakikutungo ni Cyril at Cyrus sa kanya ay nagsimula naman mahirapan si Isla sa pagbubuntis niya.
May mga araw kasi na hindi siya nakakapasok dahil nagkakasakit siya at minsan naman ay mabilis na siyang mapagod kaysa noong nasa first trimester pa lang siya.
Kaya kapag maganda lang ang kondisyon ni Isla at saka lang siya hinahayaan pumasok ni Cyril at Cyrus sa kumpanya. Sinabihan pa nga siya ng dalawa na huminto muna sa pagtatrabaho dahil baka makasama sa kanya ngunit hindi siya nakinig.
Gusto kasi ni Isla na makatulong pa rin sa kumpanya kahit na hindi na siya palagi nakakapasok. Kaya pa naman ni Isla, sadyang may mga araw lang talaga na hindi sumasang-ayon ang kondisyon niya sa trabaho niya.
Patuloy lang din sa pag-attend si Isla sa weekly check up niya at madalas na rin niya nakakasama si Cyrus sa pregnancy class niya. Simula kasi ng malaman ni Cyrus na um-attend si Isla dun ay sumama na ito sa babae.
Hindi lang naman iyon ang mga nangyari. Ilang buwan na rin ang nakalipas simula ng mag-release ang TGC ng bagong smartphone model.
Ni-release nila iyon simula ng makuha nila ang TTC at ngayon ay iisa na lang ang pangalan ng dalawang kumpanya.
Ang dating Tech Trend Company ay isa na ring Tech Go Company. Tinawag na lang nilang second branch ang TTC para hindi na malito ang mga empleyado ng dalawang kumpanya.
Matagal-tagal din ang hinintay ni Cyrus bago niya natanggap ang report sa ni-release nilang new model ng smartphone nila.
Habang naglalakad si Isla papasok sa loob ng kumpanya para i-report kay Cyrus ang resulta ng mass release nila ay hindi maiwasan ni Isla ang kabahan.
Ilang araw din kasi siyang nawala sa kumpanya dahil isa si Isla sa nag-manage ng pagre-release ng smartphones nila sa market.
Kaya nang makarating na si Isla sa wakas sa harap ng opisina ni Cyrus ay huminga pa siya nang malalim bago nagpasiyang pumasok sa loob.
"Oh? You're back, Isla!" Cyrus smiled when he said that to her.
Para tuloy dinurog ang puso ni Isla ng makita niya ang matamis na ngiti ng lalaki sa kanya. Tumango lang siya nang seryoso bago nilapag sa desk ni Cyrus ang folder na naglalaman ng report ni Isla.
"As you can see, isang linggo rin akong hindi nakabalik sa kumpanya dahil naging abala ako sa pagma-manage sa product natin. Inipon ko rin ang limang buwan na sales sa report na 'yan para malaman natin kung may changes ba ang sales natin ngayon sa sales natin last year." paliwanag ni Isla.
"Yeah, I know. Ako ang nag-assign sa'yo ng trabaho kaya hindi mo na kailangan i-explain. I'm hoping for a good result so I'm going to read the report." Cyrus told her.
Nanahimik naman si Isla para bigyan nang katahimikan ang paligid nila ni Cyrus. Tahimik namang binasa ni Cyrus ang nasa loob ng folder at nakita ni Isla ang pagbago ng ekspresyon nito.
Kumunot ang noo ni Cyrus at tila hindi nito nagustuhan ang nabasa sa report ni Isla dahil ilang beses ding nag-igting ang panga niya.
Maya-maya pa ay bahagyang napatalon sa gulat si Isla nang ilapag ni Cyrus nang malakas ang folder sa desk niya na lumikha ng malakas ng ilaw.
"Are you f*cking kidding me?! Is everything I read for real?" he scoffed.
Isla immediately bit her lower lip and couldn't speak. Alam kasi ng babae na nabigla si Cyrus sa nalaman nito kaya halatang dismayado ito.
"Sir, lahat ng nilagay ko sa report ay totoo. Hindi nga rin ako makapaniwala sa naging resulta ng sales natin." mahinahong paliwanag ni Isla.
Narinig naman ni Isla na mahinang napamura si Cyrus habang napapahilot sa sintido nito. Napasandal din ang lalaki sa swivel chair nito habang nakatingala sa kisame ng opisina nito.
"Seryoso ba talaga?! Paano naman nangyaring nalugi tayo sa sales?! Naiplano naman natin ng tama ang lahat 'di ba? Kaya paano nangyaring kahit isa sa new model na ni-release natin ay walang bumili?!" mukhang napu-frustrate na sabi ni Cyrus.
Huminga nang malalim si Isla bago tumugon. "Nalaman ko kasi sir na nung araw na nag-release tayo ng new model ng smartphone natin ay sumabay ang PRIME TECH sa mass release natin. Mukhang mas pumatok sa masa ang ni-release nilang smartphone kaya lahat ng sales dapat na para sa atin ay napunta sa kanila. Ngayon ko lang din napagtanto na may spy sa company natin. Hindi naman kasi siguro malalaman ng kalaban natin kung kailan ang release ng new smartphones natin kung walang nagre-report sa kanila 'di ba?"
Napagtanto ni Cyrus na tama nga ang babae. Kaya siguro pumalpak ang project nila dahil na rin may nakapasok na spy sa company nila.
At kahit pa na mahanap ni Cyrus kung sino ang nakapasok na spy sa company niya ay matatagalan pa siya bago makapag-release ng bagong gadget ng company nila.
Naubos kasi ang kalahati ng company budget nila dahil nga bumili si Cyrus ng stocks sa TTC. At kapag nagpasiya si Cyrus na gastusin ang natirang pera para sa kumpanya niya ay siguradong maba-bankrupt na sila kapag pumalpak pa ulit ang project nila.
Doon nagsimulang ma-streess si Cyrus sa kakaisip dahil sa nangyari sa project na ni-release ng kumpanya. Gustong magwala ni Cyrus ngunit 'di niya magawa.
At kahit pa anong gawin ni Cyrus ay hindi sila basta makakabangon agad kapag hindi nakagawa ng paraan si Cyrus kung paano nila mababawi ang nawalang budget ng kumpanya.
"F*ck! I don't know what to do anymore! Why did this happen to us now?! How can we recover the company's lost budget if we can't even sell the new model of our smartphones that we released?!" Cyrus said in frustration.
Naiintindihan naman ni Isla kung saan nanggagaling ang frustrations ni Cyrus. Maski kasi si Isla ay hindi rin malaman ang gagawin nung una niyang malaman ang resulta ng project nila.
Hindi tuloy naiwasan ni Isla na makaramdam nang pag-aalala sa lalaki dahil ito na yata ang pangalawang beses na nasaksihan niyang problemado si Cyrus.
"Pwede naman sigurong mag-isip muna tayo ng magandang plano para sa next project release. Kailangan muna natin magdoble ingat para hindi umabot sa puntong ma-bankrupt tayo. At 'yung mga na-release na natin sa market na new model ng smartphones natin na hindi nabenta, bakit hindi na lang muna natin ibenta ng mas mababa sa original price? Para kahit konti ay maibalik natin 'yung ibang nawala sa company budget. Tapos 'yung ibang hindi pa naman na-release na new model ng smartphone natin ay i-remodel na lang natin ulit. Gawin na lang nating mas upgraded version nung nauna nating na-release para mas may chance sa susunod na bumenta." suhestiyon ni Isla sa lalaki.
Napabuntong-hininga naman si Cyrus. Tama naman kasi ang sinabi ni Isla. Pero wala pa ring kasiguraduhang hindi sila malugi kapag wala silang naibalik sa income ng company.
"Thank you for the suggestion, Isla. You can go back to your seat now." Cyrus said in a low voice.
Bagsak ang mga balikat na bumalik si Isla sa cubicle niya at nang makabalik siya sa upuan niya ay napabuntong-hininga siya.
Alam kasi ni Isla na down na down si Cyrus ng mga sandaling iyon at alam din ni Isla na hindi niya mako-comfort ang boss niya kahit ano pang sabihin niya ngayon.
Hiniling na lang ni Isla na magiging maayos din ang lahat para kay Cyrus. Pagkatapos nun ay nagsimula na ulit magtrabaho si Isla. Inayos lang ni Isla ang schedule ni Cyrus at pagkatapos nun ay pumunta siyang cafeteria para bumili ng makakain.
Naisip kasi ni Isla na kumain na muna para hindi na siya kakain pag-uwi nila ni Cyrus mamaya. Hindi pa man natatapos kumain si Isla sa in-order niyang pagkain ay nakatanggap agad siya ng message mula kay Cyrus.
From: Cyrus (BOSS)
Isla, I'm sorry. Can you commute when you go home later? I can't bring you because I need to cool down first. I don't want to go to work tomorrow with something on my mind so I can't take you home today. I hope you understand that I need some time alone today.
Kahit na may ideya na si Isla na mag-iinom si Cyrus ngayon araw ay hindi pa rin maiwasan ni Isla na mag-alala sa lalaki. Alam din ni Isla na kapag bumalik siya sa opisina ng lalaki ay wala na ito sa opisina.
Kaya walang nagawa si Isla kundi ang tapusin ang natira niyang trabaho bago nagpasiyang umuwi.
At habang nakasakay sa taxi ay hindi maiwasan ni Isla na isipin ang boss niya kaya naman sa huli ay pinabago niya ang destinasyon ng pupuntahan niya.
Imbis na sa address ng apartment niya ay pinabago niya sa taxi driver ang direksyon ng pupuntahan niya sa bar kung saan palaging umiinom si Cyril noon—sa Cloud Bar.
Medyo natagalan pa nga sila na makarating sa Cloud Bar. At nang huminto ang taxi sa harap ng bar ay inabot lang ni Isla ang bayad niya.
Napansin pa ni Isla na mukhang nagtataka ang taxi driver sa kanya bago siya bumaba. Naisip naman ni Isla na kahit sino naman ay magtataka kung makita nila ang isang buntis na pupunta sa bar.
Kaya naman bago pumasok si Isla sa loob ng bar ay bumili siya ng facemask na sinuot niya sa mukha niya para hindi niya malanghap gaano ang mga usok ng sigarilyo mula sa loob ng bar.
Nang makapasok si Isla ay mabilis naman niyang natanaw sa hindi kalayuan si Cyrus na umiinom sa harap ng bar counter. May hawak itong baso na naglalaman ng alcohol.
Hindi naman alam ni Isla kung anong iniinom ng lalaki pero nang makalapit siya sa lalaki ay napansin kaagad ni Isla na mukhang lasing na ang lalaki.
Hinawakan agad ni Isla ang braso ng lalaki at mabilis naman itong napalingon sa kanya. Namumungay na ang mga mata nito habang nakatingin kay Isla.
"Oh? Isla, what the hell are you doing here?" Cyrus asked and then he began hiccuping.
Napahinga nang malalim si Isla bago inakbay ang braso ng lalaki sa balikat niya. "Sir, nandito ako para sunduin ka. Kailangan mo na umuwi kasi baka dito ka na matulog."
He groaned. "No! I'm not done drinking yet."
"Sir, please? Huwag n'yo na ako pahirapan. Baka nakakalimutan mo yatang buntis ako, sir." sabi ni Isla para mapilit si Cyrus na umuwi na.
Wala namang nagawa si Cyrus kundi ang sumunod kay Isla. Inabot lang ni Cyrus ang card niya para makabayad sa ininom niya kanina bago sila nagpasiyang lumabas ng bar ni Isla.
At habang naglalakad sila pabalik sa sasakyan ng lalaki ay dahan-dahan lang pinasakay ni Isla si Cyrus sa tabi ng driver's seat.
Pagkatapos nun ay si Isla naman ang pumwesto sa driver's seat ng maisakay niya na si Cyrus sa loob ng kotse.
Pinaandar lang ni Isla ang sasakyan ni Cyrus at habang nasa byahe ay napansin naman ni Isla na nakatulog na si Cyrus sa byahe.
Nakaramdam naman ng lungkot si Isla ng makita niya ang lagay ng lalaki sa tabi niya. Nag-aalala siya sa lalaki dahil mukhang malaki ang naging impact ng nangyari sa project nila para sa lalaki.
Huling nakita kasi ni Isla na problemado si Cyrus ay noong naghiwalay sila Cyrus ni Elvira noon. At ngayon na nakikita na naman ni Isla ang lagay ng lalaki ay hindi niya mapigilang mabahala.
Kapag nahihirapan kasi si Cyrus ay nahihirapan si Isla dahil hindi niya kayang nalulungkot ang lalaki. Ayaw man ni Isla na magpadala sa emosyon niya dahil baka makaapekto iyon sa pagbubuntis niya ay hindi naman mapigilan ng babae ang nararamdaman niya.
Alam din ni Isla na hindi makakapagpokus sa trabaho ang lalaki kapag magulo ang nasa isip nito. At kapag nagsimulang maging busy si Cyrus ay alam ni Isla na baka iyon naman ang pagtalunan nila Cyrus at Elvira.
Kaya naman habang nagmamaneho ang babae hindi niya mapigilang mag-isip ng mga pwedeng gawin nilang solusyon sa problema ng kumpanya.
Once rin kasi na pumalpak si Cyrus sa trabaho niya ay baka mapatalsik ito sa pagiging CEO niya dahil sa mga board of directors.
Ayaw man isipin ni Isla na posibleng mangyari iyon ay hindi niya mapigilan dahil alam niyang hindi rin 'yun malabong mangyari.
Malayo na ang narating ni Cyrus dahil sa pagsisikap nito at kahit na hindi man nasaksihan ni Isla nung nagsisimula pa lang ang lalaki ay alam ni Isla ang mga hirap na dinanas ni Cyrus bago nito marating ang estado niya sa buhay ngayon.
Maya-maya pa ay nakarating na rin sila sa parking lot sa harap ng Pent&Condos kung saan nakatira si Cyrus. Tinanggal lang ng babae ang seat belt na suot ng lalaki at nang akmang gigisingin na ito ni Isla ay biglang nagsalita ang lalaki habang nananatiling nakapikit.
"Maybe that's why my own father couldn't recognize me because I'm a failure. Maybe I'm too embarrassing to be the son of a famous businessman." Cyrus said while frowning.
Napabuntong-hininga kaagad ang babae dahil malinaw niyang narinig ang sinabi ni Cyrus. Hinawakan lang ni Isla ang braso ng lalaki.
"Sir, hindi iyan totoo! Walang kahiya-hiya sa'yo. Maniwala ka sana sa sarili mo at maging proud ka sa sarili mo dahil hindi naman natatapos lahat dito ang mga bagay na narating mo na. Alam kong balang-araw ay mas magiging matagumpay ka pa. Kailangan mo lang talaga makalampas sa mga pagsubok para mas maging matibay ka sa hinaharap." sabi ni Isla.
Naisip ng babae na hindi siya naririnig ng lalaki kaya nang makita niyang nakatitig sa kanya ng seryoso ang lalaki ay mabilis na napalunok si Isla.
"T-thank you for motivating me, Isla. You're really a good friend of mine, I'm really glad to have you in my life." Cyrus murmured.
Mabilis namang namula ang pisngi ni Isla pero mabilis niyang iwinasiwas ang kilig na nararamdaman niya para alalayan si Cyrus na makalabas ng sasakyan.
At dahil gising na si Cyrus ay hindi na nahirapan si Isla na alalayan ang lalaki patungo sa condo nito. Ginamit lang ni Isla ang key card ni Cyrus at nang buksan niya ang pinto ng condo-unit ng lalaki ay bumungad agad sa kanila si Elvira na nakatingin sa kanilang dalawa sa may harap ng pintuan.
"Why are you so late? And why are you two together?" Elvira asking as if she's suspecting them for doing something.
Mabilis namang umiling si Isla. "Ma'am, mali ka ng naiisip. Sinundo ko lang si Sir sa Cloud Bar kasi nandun siya kanina nag-iinom. Nagkaproblema kasi sa kumpanya kaya siguro nagpakalasing siya. Kayo na lang sana ang magdala sa kanya sa kwarto para makapagpahinga na siya. Kailangan ko na rin umuwi kasi gabi na." paliwanag naman ni Isla bago tinalikuran ang dalawa pagkatapos alalayan ni Elvira si Cyrus.
Pagkasara ng pinto ng condo-unit ng lalaki ay kaagad namang umalis si Isla para makauwi na rin.
---