Chapter 7: Unchanged
ISLA SENA's P.O.V
"Isla, I forgot to tell you that I'm going to Elvira's studio after my meeting." Cyrus told me.
Agad naman akong tumango kahit na nabigla ako sa sinabi niya. Matapos kasi nung may mangyari sa amin ay gaya nga ng hinala ko ay walang naalala si Cyrus tungkol sa gabing iyon.
Kaya sa loob ng dalawang buwan na lumipas matapos mangyari iyon sa aming dalawa ay hindi ko na nagawang kausapin siya tungkol sa bagay na iyon.
Bukod kasi sa mas pinili kong manahimik at ilihim kay Cyrus ang nangyari sa aming dalawa ay hindi rin kasi siya tumigil sa pagbisita kay Elvira.
Hindi natuloy ang kasal nila dahil sa break up na nangyari sa kanila two months ago. Bukod pa dun ay nililigawan daw kasi ulit ni Cyrus si Elvira para magkabalikan ulit sila.
Pumayag man ang ex niya ay hindi pa rin ako makapaniwala na ginagawa lahat ni Cyrus ang bagay na ito para lang bumalik sa ex niya.
Inaamin ko man na nakakaramdam ako ng inggit at selos ay wala naman akong magawa. Natatakot kasi akong magbago ang pagsasama namin ni Cyrus kapag nalaman niyang sinamantala ko nun ang pagiging lasing niya.
Wala naman din kasing nagbago sa pagsasama namin ni Cyrus. Ibig kong sabihin ay kung paano niya ako pinapatunguhan nung una ay ganun pa rin naman ang trato niya sa akin.
Kung may nagbago man sa aming dalawa ay masasabi ko pang ako ang nagbago. Hindi lang ako kundi pati si Cyril. Kung noon kasi ay abala siya palaging mag-party sa bar ay nabawasan naman iyon simula ng sabihin ko kay Cyril na nakikipagbalikan parin si Cyrus kay Elvira.
Nagbago rin ako ng konti dahil mas tumindi yata ang nararamdaman ko para kay Cyrus. Hindi man siya aware sa feelings ko ay aware naman ako na konting-konti na lang ay magiging obvious na kay Cyrus na may gusto ako sa kanya.
Kaya minsan ay nababahala ako dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ko maitatago ang nangyari sa amin ni Cyrus.
"May appointment ka pa mamayang 7 pm, boss. I-cancel ko na ba ang ibang naka-sched mo na appointment para hindi mo na masyado iisipin ang trabaho mo ngayon?" suhestiyon ko kay Cyrus.
He slowly nodded and then he gave me a warm smile. "Yes, thankyou! You're really the best secretary I've ever had. You really know how to handle my schedule very well."
Dahil sa pag-compliment niya sa akin ay naramdaman ko na naman ang pagwawala ng puso ko kaya pasimple akong napahawak sa dibdib ko at saka ako huminga nang malalim bago ngumiti.
"Syempre naman. Apat na taon na rin akong nagtatrabaho sa'yo kaya dapat lang na alam ko na ang dapat at hindi ko dapat gawin sa trabaho ko." nakangiting sabi ko.
Naramdaman ko namang hinawakan ni Cyrus ang balikat ko saka iyon marahang pinisil saka muling ngumiti nang matamis sa akin.
Pagkatapos niyang bumitaw sa balikat ko ay agad naman siyang pumasok sa conference room dahil magsisimula na ang meeting.
Habang ako naman ay walang ibang nagawa kundi ang maghintay sa labas ng conference room gaya ng palagi kong ginagawa. Naramdaman ko rin na parang umiinit ang pisngi ko kaya naman napapaypay na lang ako sa sarili ko gamit ang kamay ko.
Alam na alam kong namumula na naman siguro ang pisngi ko dahil sa saya at kilig na pinaramdam sa akin ni Cyrus kanina kaya naman imbis na mapangiti ay mapait akong napahinga nang malalim.
Hindi ko alam pero nitong nakalipas na mga araw ay parang napaka-emosyonal ko. Kapag kasi naiisip ko na wala namang namamagitan sa amin ni Cyrus ay parang gusto kong maiyak.
Isa pa kapag palagi ko nire-remind ang sarili ko na workmates lang talaga kami ni Cyrus at wala ng magiging higit pa dun sa relasyon namin ay parang dinudurog ang puso ko kaya gusto ko magwala at umiyak pero pinipigilan ko naman ang sarili ko na huwag iyong gawin.
"Huwag kang mag-alala, Isla. Apat na taon mo na itong ginagawa kaya masasanay ka ulit. Isang beses mo lang naman nagawa ang bagay na iyon kaya huwag kang masyadong umasa para 'di ka masaktan." bulong ko na lang sa sarili ko bago hinilot ang dibdib ko.
Pakiramdam ko kasi ay hindi ako makahinga at naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko kasabay ang pamamasa ng mga mata ko.
Kaya bago ako mapaluha ay nilabas ko na ang panyo ko saka ko pinunasan ang mata ko. Mabuti na lamang ay agad ding natapos ang meeting ni Cyrus dahil ng makalabas siya sa conference room ay hinanap niya kaagad ako.
"Let's go, Isla. We still need to do something. I need you to help me pick some gifts for Elvira." he told me after he grab my arms and started walking while holding my arms.
Napalunok na lang ako at tahimik siyang sinundan na makarating sa kotse niya sa parking lot. Nang makasakay kami sa sasakyan niya ay agad niya itong pinaandar bago siya nagpunta sa isang jewelry store.
"Good afternoon, ma'am and sir! What can I help you?" the attendant told us.
"Ah, hello! Can you recommend me some necklace for women?" Cyrus asked.
Agad namang tumango ang attendant bago ipinatong sa glass counter ang mga necklace na nilabas niya.
Napatingin naman ako sa mga kwintas na nilabas ng attendant. May nagustuhan naman ako sa mga inilatag ng attendant pero pinili ko na lang na manahimik dahil hindi naman ako tinatanong ni Cyrus.
Napansin ko lang na nakakunot ang noo niya habang naguguluhan sa pagpili ng alahas na gusto niyang bilhin.
"Uhm, Isla... What do you think? Ano sa mga ito ang sa tingin mong magugustuhan ni Elvira?" tanong ni Cyrus sa akin.
Agad naman akong nag-alangan na ngumiti bago napakamot sa ulo ko. Magaganda naman kasi iyon alahas na nasa pagpipilian pero nadismaya ako dahil narinig ko sa kanya na balak niya pala ibigay ang kwintas kay Elvira.
Kaya imbis na pumili ako ng maganda ay mas pinili ko iyong kwintas na sa tingin ko ay masyadong plain.
"I think she will like this more." I said then pointed at the necklace I suggested to him.
It's a gold necklace with a rhinestone pendant. Sobrang nipis lang din ng kwintas na iyon para maging agaw pansin at napalunok pa ako bago ko tiningnan si Cyrus.
He looked at me seriously. Hindi ko naman mabasa ang reaksyon niya kaya nauna na akong umiwas ng tingin sa kanya. Pagkatapos nun ay narinig ko na lang si Cyrus na kinausap ang attendant.
"I'd like to purchase this necklace." he said then pointed at the necklace I suggested.
Hindi ko naman maiwasan na mapangisi dahil sa tuwa na pinili niya talaga iyong kwintas na pinili ko. Pero agad din naman napawi ang pagngisi ko dahil naalala ko na baka lalong mapasama ang pagbabalikan nila kapag hindi nagustuhan ni Elvira iyong kwintas na ibibigay niya sa babae.
"Uhm, are you sure you really want that necklace?" I asked him hesitantly.
Ngumiti naman sa akin si Cyrus. "Yeah, actually I remembered that Elvira really wants everything simple especially when it comes to jewelry."
Tumango na lang ako saka huminga nang malalim. Binayaran lang ni Cyrus ang binili niyang kwintas bago lumapit sa akin.
"Let's go?" aya niya sa akin kaya tumango na lang ako.
Pagkatapos namin lumabas ng jewelry shop ay bumalik naman kami sa kotse niya at nagsimula na ulit siyang magmaneho.
"So, saan naman ang next destination natin?" tanong ko kay Cyrus. Napangiti naman siya ngunit hindi siya sumagot.
Napansin ko nalang na huminto kami sa malapit na flower shop. Sabay naman kaming bumaba ng sasakyan pero papasok pa lang kami ng flower shop ay parang babaliktad na agad ang sikmura ko.
Hindi ko nagustuhan ang amoy ng mga bulaklak kaya napaatras ako sa labas ng flower shop habang ang kamay ko ay nakatakip sa ilong at bibig ko na siyang ikinakunot ng noo ni Cyrus.
"What are you doing, standing still there?" he asked confusedly.
"Boss, ikaw na lang pala mag-isa pumasok. Hindi ko gusto iyong amoy ng mgs bulaklak. P-pasensya na." marahang sabi ko.
Nag-aalala man siyang napatingin sa akin ay agad naman siyang tumango bago nagpatuloy sa loob ng flower shop. Nagpasiya na lang akong bumalik sa loob ng sasakyan at nagpasiya na dun na maghintay.
"Grabe, napakaswerte talaga ni Elvira sa kanya. Kailan ko kaya mararanasan kay Cyrus ang mga bagay na ginagawa niya sa babaeng iyon?" mahinang hinaing ko sa sarili ko.
Hinawakan ko ang dibdib ko at pakiramdam ko ay ang bigat nang pakiramdam ko at parang naninikip ang dibdib ko. Tila gusto ko na namang maiyak pero wala naman akong karapatang malungkot kaya nagpasiya na lang ako na patatagin ang loob ko.
Wala pang kalahating oras ay nakita ko naman na lumabas na rin si Cyrus sa flower shop habang may hawak-hawak na daisies. Nabahala pa ako na baka hindi ko magustuhan iyong amoy ng bulaklak kaya nagpasiya na lang akong lumipat sa passenger's seat.
Sakto naman pagpasok ni Cyrus sa kotse ay nakalipat na ako sa backseat. Kumunot ang noo niya ng makita niya ako sa car mirror.
"Anong ginagawa mo diyan sa likod, Isla?" takang tanong niya kaya naman napangiti ako.
"Dito na lang ako sa likod, boss. Baka kasi hindi ko ma-tripan amoy ng bulaklak na dala mo eh. Isa pa ihahatid mo na lang naman ako sa company ulit." sabi ko na lang na siya namang nakapagpatawa kay Cyrus nang mahina.
"I really don't get you sometimes. Oh, well if you insist then." he chuckled before began driving again.
Hindi pa man kami nakakalayo sa binilhan namin ng bulaklak ay may tumawag na kaagad kay Cyrus. Hindi ko naman alam kung sinong tumawag pero narinig ko lang na sinabi niyang papunta na siya.
Doon ko lang na-realize na si Elvira ang kausap niya. Napalingon naman sa akin si Cyrus at mukhang malungkot ito saka huminga nang malalim.
"Look, Isla. First of all, I'm sorry but I don't think I can drive you back to the company. You see, something urgent came up and I needed to go there as fast as I could." he explained.
Mapait akong napangiti saka tumango. "Wala iyon, boss. Okay lang! Magta-taxi na lang ako. Malapit na lang naman iyong company dito. Mag-iingat ka na lang sa byahe." sabi ko bago ko nagpasiya na bumaba sa sasakyan.
"I'm really sorry, Isla. I promise that I'll make it up to you next time." he apologized before leaving me on the road.
Napabuntong-hininga na lang ako saka mapaklang natawa. "Well, sino ba naman ako 'di ba? Priority before secretary." natatawang turan ko na lang sa sarili ko.
Naglakad lang ako ng ilang hakbang para makarating ako sa parahan ng taxi. Siguro ay nakabalik ako sa company ay magdidilim na rin kaya wala akong ibang nagawa kundi ang mag-overtime.
Kailangan ko pa kasing tapusin ang trabaho na pinangako ko kay Cyrus at iyon ay ang i-cancel ang appointments niya ng last minute.
Sigurado akong makakatanggap na naman ako ng sermon sa mga clients ni Cyrus pero wala naman akong ibang magagawa kundi ang kainin ang pride ko.
Ginagawa ko naman ang lahat ng 'to para rin kay Cyrus kaya wala akong karapatan para magreklamo. Kahit na busy lang naman siya nitong nakaraang araw kakahatid-sundo sa ex niya.
Minsan tuloy ay naiisip kong sugudin si Elvira para sabihin sa babaeng iyon na kung may balak siyang bumalik kay Cyrus ay gawin niya na kaagad dahil naaawa rin ako kay Cyrus pag nakikita ko siyang umaalis ng company na masaya.
Tapos pagpapasok kinabukasan ay malungkot na naman siya dahil hindi pa rin niya nakukuha iyong sagot na gusto niyang marinig mula sa ex niya.
Nalaman ko pa nga na maski si Cyril ay nagmamakaawa na kay Elvira na balikan si Cyrus dahil naiinis na si Cyril sa dalawa. Paano kasi, kahit sa pagtulog nila Cyril at Cyrus ay nagmamakaawa si Cyrus kay Cyril na tulungan niya si Cyrus.
Nang matapos ko na ang trabaho ko ay agad akong napaunat bago ko nagpasiyang iligpit ang kalat sa desk ko. Saktong 9 pm na rin ako natapos kaya naman nagmadali na akong makauwi.
---