CHAPTER 18

1541 Words
Chapter 18: Elevator THIRD PERSON's P.O.V Nang makatanggap si Elvira ng message mula kay Cyrus na na-trap ang dalawa sa elevator ay agad na pumunta si Elvira sa guard para humingi ng tulong. Agad namang kinontak ng guard sa hospital ang maintenance team nila para ma-rescue ang dalawa na na-trap sa elevator. Habang sila Isla at Cyrus naman ay na-trap sa loob nang elevator. Hindi natigil ang panginginig ni Cyrus at nagsimula na itong mamutla. Kaya naman dumoble ang pag-aalala ni Isla kay Cyrus at kaagad niyang niyakap ang lalaki. Paulit-ulit rin sinasabi ni Isla sa boss niya na magiging okay din ang lahat. "Sir, kumalma ka lang. Walang mangyayaring masama sa'yo." mahinahong sabi ni Isla. Unti-unti namang nawala ang takot ni Cyrus at napayakap na rin siya kay Isla. Hindi malaman nang lalaki pero nagsisimula na siyang kumalma dahil sa masarap na init nang yakap ng dalaga. Napapikit na lamang si Cyrus para maiwasan niyang mag-isip nang kung anu-ano habang nakayakap din siya sa babae. Naramdaman naman ni Isla na tumigil ang pangangatog nang katawan ni Cyrus at naramdaman niya rin ang pagsandal ng lalaki sa balikat niya. Hindi tuloy naiwasan ni Isla ang mapangiti dahil iyon ang unang beses na natulungan niya si Cyrus. Palagi kasing ang lalaki ang tumutulong sa kanya kaya ang sarap sa pakiramdam ni Isla na siya naman ang nakatulong sa boss niya. Inabot din sila nang dalawang oras sa paghihintay na may tumulong sa kanila. Hindi namalayan ni Isla at Cyrus na pareho silang nakasandal sa pader ng elevator habang nakaupo sila pareho sa sahig. Nang mabuksan nang tuluyan ang pinto nang elevator ay bumungad naman kila Elvira ang dalawa. Nakapulupot ang braso ni Cyrus sa bewang ni Isla habang si Isla naman ay naka-akbay sa balikat ni Cyrus. Agad namang naisip ni Elvira na mukhang magkayakap ang dalawa kanina pa at hindi nagustuhan ni Elvira ang itsura nang posisyon nila. Mabilis na hinaplos ni Elvira ang pisngi ni Cyrus na natutulog pa rin nang makalapit siya sa dalawa. Unang nagising si Isla at agad nitong tinanggal ang brasong nakaakbay kay Cyrus. Nang mamulat si Cyrus ay agad itong niyakap ni Elvira. "You made me worry so much about you, babe!" Pagkarinig ni Cyrus nun ay agad siyang napalingon sa tabi niya at nakita niyang pilit na ngumiti si Isla bago ito dahan-dahang tumayo. Naiwan naman si Elvira at Cyrus sa magkayakap na posisyon. Kaya naman marahang tinanggal ni Cyrus ang yakap ng babae bago sila parehong tumayo. "Babe, are you alright? Sa pagkakatanda ko kasi may claustrophobia ka 'di ba? Hindi mo pinaalala sa akin. Ako na lang sana ang sumama kay Isla." nag-aalalang turan ni Elvira. Nagsimula namang umalis ang dalawa sa elevator. "I'm sorry, baby. Pinag-aalala ba kita nang sobra? Hindi naman kasi namin inaasahan na biglang magloloko iyong elevator. Ayos lang naman ako kanina kung hindi lang nasira ang elevator." Hinawakan naman nang mahigpit ni Elvira ang kamay ni Cyrus bago tumitig sa lalaki. "Promise me, ito na ang huling beses na sasakay ka nang elevator. Ayokong may mangyaring masama sa'yo sa susunod lalo na kung wala ako." paalala ni Elvira. Wala namang nagawa si Cyrus kundi ang tumango. Nagsimula naman silang maglakad sa pinakamalapit na bench at doon sila naupong tatlo. Magkatabi si Elvira at Cyrus sa isang bench habang nasa harapang bench naman nila nakaupo si Isla. "Sir, ayos na ba ang pakiramdam n'yo?" nag-aalalang tanong ni Isla nang mapansin ni Cyrus na nakatingin ang babae sa kanya. Tumango naman ang lalaki. "A-ayos na ako. Salamat sa pagtulong sa akin kanina, Isla." Ngumiti naman si Isla pabalik at nang mapansin ni Elvira ang tinginan ng dalawa ay hindi niya mapigilang makaramdam ng selos. "Babe, next time huwag ka na gagawa ng ikakapahamak n'yo. Ito na rin ang huling beses na papayagan kitang samahan si Isla sa check up niya. Kung may sasama man sa kanya sa susunod, ako na lang ang mag-iinsist." Hindi naman makapagsalita ang dalawa kaya naman ng mapansin ni Isla na naguguluhan si Cyrus ay siya na lang ang sumagot kay Elvira. "Ma'am huwag na kayo mag-abala. Kaya naman ko naman magpa-check up mag-isa. Alam kong busy kayo ni Sir kaya pasensya na kung nangyari iyong kanina. Hindi na mauulit iyon, don't worry." sabi naman ni Isla. Hindi na nakasagot si Elvira dahil tumayo na bigla si Isla at nagsimula naman itong pumunta sa office ng OB GYNE niya. Pinisil naman ni Cyrus ang kamay ni Elvira bago ito hinalikan. "Baby, pupunta lang ako sa loob saglit. Kailangan ko lang malaman iyong lagay ni Isla. Can you wait here?" Tumango na lang si Elvira kahit labag sa loob niya. Pagkatapos nun ay mabilis namang sumunod si Cyrus sa loob nang office at nakita niya namang pinahiga na kaagad si Isla. Tulad sa unang proseso niya ay ganun din ang ginawa kay Isla. Mabuti na lang talaga ang naka-cover ang kumot sa may binti ni Isla kaya kahit nakahubad ang pang-ibabang suot niya ay hindi ito nakikita ni Cyrus. Napatingin naman sila sa monitor at nakita naman nila kaagad ang imahe sa loob ng matres ni Isla. Hindi maipaliwanag ni Cyrus ang nararamdaman niya. Kahit na nakasama naman siya kay Isla ng ilang beses sa check up nito ay hindi pa rin mapalagay ang lalaki sa tuwing nakikita niya ang imahe ng sanggol sa tiyan ni Isla. "You're already 7 weeks of your pregnancy miss. Sa ngayon ay wala namang problema sa baby. Malusog naman ito at wala akong nakikitang kumplikasyon sa pagbubuntis mo. Nagsisimula na rin magdevelop ang ibang parte ng katawan niya. Mas malaki na rin siya ng konti sa pea size. Basta tuloy lang sa pag-inom ng vitamins mo at huwag kalimutang umiwas sa stress. Huwag ka rin muna masyado magkikilos dahil medyo delikado pa ang pagbubuntis mo ngayon para maiwasan natin ang miscarriage. Bukod pa dun sundin mo lang ang diet mo. Huwag i-risk ang pagbubuntis mo sa mga pagkaing hindi mo pwede kainin. If naglilihi ka sa food na hindi pwede sa'yo, pwede siguro ang tikim-tikim lang. Always eat healthy foods and stop eating junk foods." nakangiting sabi naman ng doctor. Tumango naman si Isla bilang tugon at pagkatapos nun ay pinrint na rin ng doctor ang ultrasound result niya. Nang matapos namang magbihis ni Isla ay bumaba na siya sa hospital bed at saka lumapit sa doctor para kunin ang result ng ultrasound niya. Pagkalabas ni Isla at Cyrus ay hawak naman ng lalaki ang ultrasound result ni Isla. "I'm so proud of you, Isla. Sana ay walang mangyaring masama sa baby mo para makita ko rin siyang lumaki." nakangising sabi naman ni Cyrus. Nang makita ni Elvira na lumabas ang dalawa sa office ay napansin niya kaagad ang nobyo niyang hawak ang ultrasound result ni Isla habang nakangiti ang dalawang nag-uusap. Naikuyom ni Elvira ang kamao niya dahil nakakaramdam na naman siya nang selos. Hindi kasi masaya si Elvira na makitang masaya ang nobyo niya lalo na sa sekretarya nito. Alam naman ni Elvira na malapit ang dalawa sa isa't-isa pero hindi niya gustong ngumingiti ang nobyo niya sa ibang babae. "Babe, how's the check up?" Elvira tried to interrupt their talking. Nawala naman ang ngiti ni Isla at saka napatingin kay Elvira. "Nothing. The doctor said that she's fine." Cyrus answered while smiling. Tumango naman si Elvira. "That's great news! At tutal tapos naman na ang check up ni Isla, ihatid na lang muna natin siya bago tayo tumuloy sa condo unit mo." sabi naman ni Elvira. Napalunok naman si Isla. Pakiramdam niya ay sinadya ni Elvira na iparinig 'yun sa kanya. Binalik naman ni Cyrus ang result sa envelope bago inabot kay Isla. "Sure, baby. Isla, ihahatid ka na lang muna namin." sabi ni Cyrus at ngumiti pa kay Isla. Umiling naman ang babae. "No need, sir. Salamat sa pagsama sa check up ko. Magta-taxi na lang ako pauwi, baka kasi sobrang nakakaabala na 'ko sa inyo eh." "No, we have to send you home. It's also dark outside and it's dangerous to commute alone when you need to be safe." Cyrus insist. Muli ay umiling si Isla bago ngumiti nang pilit. "Sir, huwag na. Kaya ko naman mag-isa. Magme-message naman ako sa'yo kapag nakauwi ako ng ligtas eh." Huminga naman nang malalim si Cyrus at akmang pipilitin ulit si Isla nang sumabat si Elvira. "Don't mind her, babe. I know Isla can manage herself to go home alone. Sinabi na rin naman niya na ipapaalam niya sa'yo kapag nakauwi na siya." Tumingin naman si Isla kay Elvira at nakita niya namang seryosong nakatingin sa kanya ang nobya ng lalaki. Tila sinasabi ng babae sa kanya na sumang-ayon na lang siya. "Sige na, sir. Mauuna na ako. Salamat ulit sa pagsama sa akin, saka mag-iingat kayo sa pag-uwi ni ma'am." nakangiting sabi ni Isla bago nagsimulang maglakad palabas ng hospital. Hindi na nakapagprotesta si Cyrus. At habang tinitingnan niya ang papalayong si Isla ay napatingin na lang siya sa nobya niya bago napabuntong-hininga. "Don't worry, babe. I know she will be fine." Elvira tried to cheer him up. Tumango na lang si Cyrus bago hinawakan ang kamay ni Elvira habang naglalakad sila palabas ng hospital. Hiniling na lang ni Cyrus na maging ligtas si Isla pauwi. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD