CHAPTER 10

2070 Words
Chapter 10: Past (3) CYRUS DELROY's P.O.V —FLASHBACK— Dahil sa tulong na binigay sa akin ni Sydney ay nakahanap ako ng maliit na paupahan kung saan ako nanuluyan sa syudad. Naghanap din ako ng malapit ng unibersidad para makapagsimula sa pag-aaral sa kolehiyo. At para masinop ang pera na binigay sa akin ng kapatid ko ay naghanap din ako ng part-time job. Mabuti na lang talaga at natanggap ako bilang barista sa isang coffee shop malapit sa university na papasukan ko. Kaya naman nung nagsimula akong mag-aral ulit, sa tuwing may pasok ako na hanggang gabi ay dun naman ako walang pasok sa coffee shop. At kapag naman maaga ang uwi ko galing university ay saka naman ako di-diretso ng pasok sa coffee shop. Sa loob ng isang taon na pamumuhay ko ng mag-isa ay iyon na ang naging daily routine ko. Pinagsikapan kong makatapos ng ganun ang ginagawa ko at mabuti na lang talaga at tinutulungan ako ng may kapal. Sa tingin ko rin kasi at ginagabayan ako ng nanay ko kaya hindi ako nahirapan mabuhay ng mag-isa. Kahit palagi akong puyat at pagod sa pag-aaral at pagta-trabaho ay hindi ako sumuko dahil pinangako ko sa sarili ko na kapag nakapagtapos ako sa kurso ko ay magkakaroon din ako ng sarili kong kumpanya. Ilang taon din ang lumipas at sa wakas ay nakapagtapos ako sa kolehiyo. Nang makatapos ako ay dun ko rin sinimulan lahat ng pangarap ko. Naghanap ako ng bagay na pwede akong mag-invest sa una. Nagsubok din akong magtrabaho sa ibang kumpanya at part-time employee. Nang makaipon ako nang malaki ay saka ako bumili ng sarili kong shares sa kumpanyang pinapasukan ko hanggang sa hindi na lang ako naging empleyado dun. Naging isa na rin ako sa board of directors ng kumpanya kung saan ako nag-invest ng sarili kong shares. At dahil sa pag-angat ko ng kaunti ay nakilala ko si Elvira. Sa isang gathering kami nagkakilala at nalaman ko na kaibigan siya ng isa sa mga employee ng kumpanya namin. Siguro ay na-love at first sight ako sa kanya kaya sinubukan kong kunin ang number niya. Akala ko pa nga ay hindi niya ibibigay pero pumayag naman siyang mag-exchange numbers kami. Matapos nun ay niyaya ko siyang lumabas tuwing weekends at nang magsimula kaming magkapalagayan ng loob ay saka kami nagpasiya na magkaroon ng label. Pero bago ko siya maging nobya ay niligawan ko rin siyang mabuti. Siguro ay napatanuyan ko naman ang sarili ko sa kanya kaya sa huli ay napasagot ko rin siya. Wala namang naging problema sa relasyon namin ni Elvira. Mahal na mahal namin ang isa't-isa at para na rin kaming mag-asawa dahil madalas kaming nasa bahay ng isa't-isa. Nang tumagal kami ng isang taon ay doon naman nagbago ang lahat sa akin. Unti-unti ko kasing napapansin na madalas kong nakakalimutan ang mga nangyayari sa akin. Bigla na lang akong nagigising mula sa malalim na pagtulog ko at kahit si Elvira ay napansin niyang nagiging makakalimutin na rin ako. Napansin ko rin kasi na madalas may sinasabi si Elvira na ginawa namin ngunit hindi ko natatandaan na nagawa namin ang bagay na iyon na magkasama kami. Kaya naman doon ako nagpasiyang magpakonsulta sa doctor. Agad kong sinabi sa doctor ang nangyayari sa akin at nakumpirma niyang baka meron akong DID. Mas kilala sa tawag na Dissociative Identity Disorder. Napagtanto ko lang din na baka iyon nga ang sakit ko dahil madalas din akong bangungutin sa nangyari sa akin nung nakulong ako sa basement. Nagkaroon din ako ng claustrophobia. Nalaman ko lang na may ganun akong phobia nung isang beses na na-trap kami sa elevator ni Elvira. Kinabahan si Elvira sa akin nung bigla akong nag-panic at nawalan ng malay at nalaman niya rin ang tungkol sa claustrophobia. Pero ang bagay na nilihim ko sa kanya ay ang pagkakaroon ko ng split personality. Mabuti na lang din at nakausap ko ang split personality ko noon ng isang beses na nakatulog ako. Nakausap ko siya sa panaginip ko at doon ko siya nakilala. Nalaman ko na lang na 'Cyril' ang pangalan ng split personality ko. At nalaman ko rin na may isang bagay kami na hindi mapagkasunduan. Ayaw kasi ni Cyril na mag-stay sa relasyon namin ni Elvira dahil gusto niyang magpakasaya kapag siya ang kumokontrol sa katawan namin. In-short, party goer si Cyril. Hindi ko naman alam kung bakit ganun ang naging ugali niya dahil hindi naman ako nagpa-party noong nag-aaral pa ako. Isang beses lang ako nagpunta nun sa bar noong birthday ng ka-blockmate ko sa university. Syempre nag-enjoy ako nung panahong iyon pero hindi ko afford na araw-araw tumambay sa bar kaya mas nagpokus ako sa pagtatrabaho at pag-aaral ko. At dahil hindi ko naman pwedeng pagbawalan si Cyril sa gusto niyang gawin ay hinayaan ko na lang siya sa isang kondisyon. Kapag may araw na makikipagkita ako kay Elvira at siya ang nasa katawan namin ay kailangan niyang magpanggap bilang ako. Sumang-ayon naman sa akin si Cyril dahil kaya niya namang magpanggap bilang ako. At kapag maghihiwalay na sila ni Elvira ay saka siya di-diretso sa bar para magsimulang magpakasaya. Naging matagumpay naman ang ganung routine namin ni Cyril sa loob ng maraming taon. At sa loob din ng ilang taon ay marami ring nagbago sa buhay namin. Nung minsang malugi ang kumpanya na pinapasukan ko ay nagpasiya akong bilhin ang kumpanya nila dahil nagkaroon na ako ng malaking ipon. At nang maibenta sa akin ang kumpanya na nalugi ay agad kong binago ang pangalan nun. Tech GO Company ang ipinalit kong pangalan dahil nagpasiya akong patakbuhin ang kumpanya na gumagawa ng bagong technology at gadgets. In-apply ko lang ang natutunan ko sa kursong natapos ko. Nag-hire din ako ng mga tao at hindi naman ako nahirapan dahil tinulungan ako ni Elvira na mapalago ang kumpanya ko habang abala rin siya sa sarili niyang career bilang fashion designer. Hindi naman naging madali ang lahat para sa akin dahil ilang beses din kaming nalugi pero hindi ako sumuko. Nang makadiskubre kami ng gadget ay sinubukan namin iyong i-release at hindi ko naman inaasahan na magiging matagumpay iyon. Ang model ng gadget na ni-release namin ay isang smartphone na pumatok sa masa dahil bukod sa affordable ang presyo nito ay matibay din. Marami ang tumangkilik sa smartphones namin at nang tumaas ang sales namin dun ay saka kami nag-release ng ibang version nito. Hanggang sa nakilala na nga ang kumpanya sa ko bansa. Hindi pa kami nakakapag-release ng branch sa ibang bansa dahil ayokong masyado na maging abala. At nang tumagal na ang kumpanya ko nang apat na taon ay doon ko na rin nakilala si Isla Sena. Nag-apply siya sa kumpanya ko nun bilang executive secretary. Hindi ko rin naman inaasahan na iyon ang desisyon na hindi ko pagsisihan. Tinanggap ko si Isla bilang sekretarya ko at nang matanggap siya sa kumpanya ay hindi naman siya pumalpak gaano sa trabaho niya. Noong una ay madalas siyang magkamali pero nung tumagal na siya sa kumpanya ay siya na ang isa sa mga tauhan ng kumpanya na pinaka-pinagkakatiwalaan ko sa lahat. Dalawang-taon pa lang si Isla sa kumpanya ko ay nalaman niya na kaagad na magkaibang tao kami ni Cyril. Naging kaibigan din namin siya pareho ni Cyril. At kahit na nalaman ni Isla ang tungkol sa sakit ko ay hindi siya natakot sa akin. Mas nararamdaman ko pa nga ang pag-aasikaso niya sa amin ni Cyril. Kaya naman isa rin si Isla sa naging dahilan ng pagiging matagumpay ko dahil kung hindi ko siya naging sekretarya ay hindi magiging malago nang sobra ang kumpanya ko. Nakilala naman ni Elvira si Isla at nakikita rin ni Isla kung gaano namin kamahal ni Elvira ang isa't-isa. Kaya hindi rin magawang pagselosan ni Elvira si Isla dahil alam niya kung gaano ka-competent na employee si Isla. Iyon na rin siguro ang dumagdag sa pagiging swerte ko kay Elvira dahil hindi siya palaging nagseselos. Mas iniintindi kasi ni Elvira ang sitwasyon ko. —END OF FLASHBACK— I just noticed that Elvira was crying after I told her about what happened to me. We've been together for eight years but she doesn't know about my past because I've kept it a secret from her. "Baby, why are you crying?" I asked in concern. "Nakakalungkot lang kasi marinig mula sa'yo, iyong tungkol sa nangyari sa nakaraan mo. Naiinis a-ako sa sarili ko kasi nagawa kitang saktan d-dahil lang naghinala ako sa'yo. H-hindi ko alam na sobrang lalim pala ng pinagdadaanan mo at a-alam kong hindi madali ang lahat ng iyon. K-kung nakilala lang kita ng mas m-maaga ay nagawa sana kitang damayan sa hirap mo." humihikbing turan niya kaya naman hindi ko napigilang mapangiti. Nagsimula na rin mamasa ang mga mata ko pero pinilit kong huwag maiyak dahil ayokong magmukhang mahina sa mga mata ni Elvira. "Thank you, baby. Alam kong nasasaktan ka dahil sa narinig mo pero huwag mo na iyon masyado isipin. Tapos na ang nakaraan ko at habang buhay na lang iyon magiging bahagi ng nakaraan ko. Ayos lang din kung hindi tayo nagkakilala kaagad dahil ayokong mahalin mo ako dahil lang sa awa na nararamdaman mo para sa akin." seryosong sabi ko naman habang nakahawak sa kamay niya nang mahigpit. Niyakap ako ni Elvira at hindi pa rin siya tumigil sa pag-iyak kaya hinagod ko ang likuran niya. "Don't worry, babe. Starting from this day, I promise you that my understanding will be wider when it comes to you. I will love you more and I won't leave you. I will always listen to your problems and I won't suspect you for anything immediately. I love you, babe." she said to me sincerely before kissing me quickly on the lips. Tumango ako bilang tugon sa sinabi niya saka rin siya hinalikan sa labi nang mabilis. "I love you more, baby. I'm glad that we're back together again." I told her happily. Pagkatapos namin mag-usap ay nagpasiya na rin kaming umuwi dahil inabot na rin kami ng gabi. At dahil ayaw umuwi ni Elvira sa bahay niya ng araw na iyon ay nagpasiya kaming matulog nang magkasama sa condo-unit ko. Doon nagpalipas ng gabi si Elvira. At dahil sabik na sabik din kami sa isa't-isa ay may nangyari sa amin ng gabing iyon. Nang matapos kaming magsiping na dalawa ay humiga siya sa tabi ko habang nakaunan siya sa braso ko. Nakapatong naman ang isang braso ko sa bewang niya at saka ko siya hinila palapit sa katawan ko. Tanging kumot lang ang tumatakip sa katawan naming hubad at pareho naming ramdam ang init nang katawan ng bawat-isa. Naging mahimbing ang tulog namin ni Elvira ng gabing iyon habang magkayakap kami. Sobra rin ang saya na naramdaman ko dahil sa wakas ay maayos na ulit ang relasyon namin. Nang makatulog na ako ay agad naman akong napunta sa madilim na lugar at nakita ko kaagad si Cyril na nakatalikod sa akin. Dun ko na-realize na natutulog na ako ng mga oras na iyon dahil pwede ko na makausap si Cyril. Masaya ko siyang tinawag at sinabi ko sa kanya ang nangyari sa pagitan namin ni Elvira. At habang kinukwento ko kay Cyril ang nangyari samin ni Elvira ng araw na iyon ay napansin kong hindi siya mukhang masaya. "Sigurado ka bang ayos lang na nagkabalikan kayo?" nag-aalangang tanong sa akin ni Cyril kaya naman kumunot ang noo ko. "Oo naman! Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Elvira, 'di ba?" sagot ko sa kanya. Hindi naman kumibo pa si Cyril sa sinabi ko kaya naman hindi ko mapigilang magtaka sa kinikilos niya. Para kasing may nililihim siya sa akin at ayaw niyang sabihin. "Kung saan ka masaya." maiksing sabi niya na lang. "Siya nga pala, Cyril. Magpapahinga na ako, ikaw na ang bahala maghatid kay Elvira bukas sa studio niya ah? Alam mo na rin siguro ang gagawin mo. Sa condo ko kasi pinatulog si Elvira kaya huwag mo sana siyang pabayaan." bilin ko kay Cyril bago ako humiga sa madilim na ere. Para kasi kaming nakakulong ni Cyril sa isang kalawakan na punong-puno ng kadiliman. Tanging ang liwanag na makikita mo lang ay ang nakapaligid sa katawan namin ni Cyril. "Fine, whatever." he answered before lying down beside me. Pumikit na lang ako ng mga sandaling iyon bago ko nilamon ng antok ko. Hinintay ko na lang ang araw kung kailan ako naman ang magigising sa katawan namin. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD