CHAPTER 9

2282 Words
Chapter 9: Past (2) CYRUS DELROY's P.O.V -FLASHBACK- Simula ng tumira ako sa bahay ng ama ko ay nasanay na rin akong mamuhay bilang Cyril. At gaya ng mga kasambahay nila ay natuto rin akong manilbihan. Kapag may bagay na hindi nagagawa ang mga kasambahay nila ay ako ang gumagawa. Katulad na lang ng magdidilig ng hardin nila, maglilinis ng pool at iba pa. Natuto rin akong gumawa ng sirang lababo nila dahil gusto ng ama ko na kahit iyon ay ako ang gumawa. Hindi lang iyon, kahit sa paglilinis ng mga sasakyan nila ay ako rin ang naglilinis. Gusto kasing ipamukha sa akin ng ama ko na hindi ako tumira sa mansyon niya para maging anak niya, kundi maging isang 'boy'. Pinilit ko lang na lang na tiisin ang mga bagay na nagpapahirap sa buhay ko dahil kahit gustuhin ko man na umalis sa poder ng ama ko ay hindi ko magawa. Bukod kasi sa wala na akong babalikan ay hindi rin naman sigurado kung pwede ako ulit makitira kina Aling Lina. Ngunit sa pagdaan ng mga araw sa paninilbihan ko sa bahay ng ama ko ay hindi ko mapigilan na mainggit kung paano niya pakitunguhan ang mga kapatid ko. Kitang-kita ko kasi kung paano niya ibigay sa mga kapatid ko ang mga bagay na gusto nila. Madalas din niyang nilalabas ang pamilya niya na hindi namin naranasan ni Mama. Hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit hindi kami piniling panindigan ng ama ko. Wala akong ideya dahil wala namang sinasabi sa akin si Mama tungkol sa ama ko. Kaya hindi ko rin maiwasan ang maguluhan sa sitwasyon ko. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit galit na galit sa akin ang ama ko at hindi niya ako matanggap bilang anak niya. Binantaan niya rin ako ng ilang beses na huwag akong lalapit sa mga kapatid ko dahil ayaw niya na masira ang tingin ng mga anak niya sa kanya. Sinunod ko lang iyon dahil sa palagay ko ay iyon ang mas makakabuti sa akin. Kapag nagkakasakit ako ay wala rin akong ibang magawa kundi ang magpatuloy sa pagtatrabaho sa kanila. Kahit kasi mga kasambahay ng ama ko ay walang pakialam sa akin kaya sarili ko lang talaga ang kakampi ko ng mga panahong iyon. At isang araw, habang naglilinis ako ng pool ay bigla kong nakita ang kapatid kong babae na panganay ni Papa sa bagong asawa niya na pa-palapit sa direksyon ko. "Hi, you're the 'boy' here right?" she asked me. Tumango naman ako bilang sagot at nagulat ako ng i-abot niya sa akin ang isang kahon na may lamang cupcakes. "I'm giving you that for your hardwork. I know you're still young but thank you for working to our family. I baked that earlier, I hope you like it." she told me while smiling genuinely. Parang kumirot ang dibdib ko dahil napakasinsero nang ngiti niya. Hindi ko akalain na mabuti palang tao ang kapatid ko kahit na hindi niya alam na ako iyong kapatid nila sa ibang ina. "Salamat, miss." pasalamat ko sa kanya bago ko kinuha ang isang cupcake sa kahon na hawak ko ngayon at saka iyon tinikman. Napangiti ako dahil ang sarap ng pagkaka-bake niya sa cupcake. "Ang sarap nito." I heard her sigh. "Oh my gosh, really?! I'm glad that I didn't failed to bake that, this time." she looks relieved. "Salamat ulit." iyon lang ang nasabi ko bago siya tumango at saka ako tinalikuran. Nakailang lingon pa siya sa akin bago siya tuluyang naglakad palayo sa akin. Napaupo ako sa sahig ng pool habang ninanamnam ang cupcake na binigay niya sa akin. Hindi ko rin namalayan na napangiti ako nang mapait dahil matagal ko ring pinangarap na magkaroon ng kapatid. Hindi ko lang mahiling sa nanay ko noon dahil single parent nga lang siya. Ngayon tuloy na naranasan ko kung paano ako pakitunguhan ng kapatid ko ay hindi ko maiwasang malungkot. Kung alam lang siguro niya na magkapatid kami, baka hindi na siya nagtangkang lumapit sa akin. Kaya simula ng sumanggi ang isipang iyon sa isip ko ay hindi ko naiwasang mapaisip. Paano kaya kung aminin ko sa pamilya ng ama ko na anak ako ni Papa. Matatanggap kaya nila ako sa pamilya nila? O baka mapalayas ako? Noong una ay binaon ko lang iyon sa isip ko pero habang patagal nang patagal ay mas naging matindi ang pangungulila ko sa pamilya na hindi ko na mapigilan pang magsalita. Kaya isang araw ay nagpasiya ako na magtakang lapitan ang pamilya ng ama ko. Wala noon sa mansyon si Papa kaya nagpasiya akong kausapin ang pamilya niya. Una kong nilapitan ang asawa ng Papa ko. Nung una ay hindi ako kinikibo nito dahil alam nga ng asawa ng ama ko na tauhan lang din ako sa bahay nila. "Ma'am, pwede ko po ba kayong makausap? Mahalaga lang po talaga iyong sasabihin ko tungkol sa asawa n'yo." kinakabahan man ay naglakas-loob pa rin akong sabihin. Humarap sa akin ang asawa ng tatay ko at tiningnan ako nito ng seryoso bago siya nagsalita. "And what is it that you wanted to tell me?" Huminga muna ako nang malalim. "Ang totoo po kasi, anak ako ng asawa n'yo sa ibang babae. Namatay po kasi ang nanay ko sa aksidente at nalaman po ni Papa iyong nangyari kaya kinupkop niya ako at hinayaan magtrabaho sa mansyon n'yo." paliwanag ko. Nakita kong tumaas ang kilay ng ginang bago ito tumawa nang malakas. "Ako ba'y pinagloloko mo, iho? Sa tingin mo ba ay maniniwala ako sa kasinungalingan mo? Ginagawa mo lang ba 'to para makahingi ka ng pera sa amin?" sarkasmong tanong niya sa akin. Naikuyom ko ang kamao ko dahil nagsimula na akong mabahala na baka hindi niya ako paniwalaan kaya naman nagpasiya akong ilabas ang wallet ko na may lamang picture namin ni Mama noong baby pa lang ako at hawak ako ni Papa. Pinakita ko iyon sa ginang at nakita kong nanlaki ang mga mata nito habang nakabuka ang bibig. Halatang hindi ito makapaniwala sa nakita niya at nagulat na lang ako ng hablutin niya sa akin ang wallet ko saka kinuha ang larawan na pinakita ko. Hindi niya ako kinausap pa at saka ako tinalikuran matapos kunin ang larawan mula sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako habang malungkot na napatingin sa wallet ko na ngayon ay wala ng litrato. Matapos ng araw na iyon ay wala akong nagawa kundi bumalik sa silid ko pagkatapos kong gawin ang trabaho ko at maghintay para kinabukasan. Nang magising ako kinaumagahan ay pinatawag ako ng isa sa mga katulong sa mansyon at sinabing pinapatawag ako ng asawa ni Papa. Pumunta naman ako sa living room kaagad kung saan ito naghihintay nang marinig ko kaagad ang pagtatalo ni Papa at nang asawa niya. "Don't fool me! You cheated on me! You actually had a child with my best friend, you're so shameless!" my father's wife shouted. "How many times do I have to tell you that there is no truth in what you are accusing me of!" my father also shouted back. Nang mapansin ako ng asawa ng tatay ko ay agad niyang nilabas ang larawan na pinakita ko sa kanya. "Are you still going to deny this evidence?! Ang anak mo mismo ang nagbigay sa akin nito!" sigaw ng asawa niya. Nakita ko namang kumunot ang noo ng ama ko bago ako binigyan nang masamang tingin. "Fine! I really got her pregnant but I swear, it was an accident! His mother also knew that! That's why she chose to runaway and raise her child alone!" my father confessed. Napalunok ako nang marinig ko ang sinabi niya. Gusto ko rin magalit sa ama ko dahil parang wala siyang pakialam sa amin ng nanay ko sa paraan ng pag-amin niya. Umiyak naman ang asawa ng tatay ko at tinalikuran siya pagtapos niyang umamin kaya napansin ko kaagad ang pagtingin sa akin ni Papa. Hindi ko lang inasahan ang sunod na gagawin niya. "You really f*cking dare to approach my wife to tell her that you're my son, huh?! I'm going to punish you for trying to destroy my family!" he told me angrily. Pagkatapos sabihin iyon ay agad niya akong hinawakan nang mahigpit sa braso saka ako kinaladkad palabas ng mansyon. Sinubukan ko namang bawiin ang braso ko habang ang puso ko ay tinatambol sa kaba dahil kita ko kung gaano siya kagalit sa akin. Napansin ko na lang na huminto kami sa isang bodega nila at saka kami pumasok sa loob. Nakita ko na lang na dinala niya ako sa basement nila kaya nakaramdam ako lalo nang takot. "P-pa! Patawarin n'yo na po ako!" nangangatog na ako matapos kong magmakaawa sa kanya. Hindi niya ako pinakinggan sa halip ay pabalagbag niya akong hinagis paupo sa sahig ng basement. Akala ko ay iyon lang ang gagawin niya. Matapos kong mapasubsob sa sahig ay agad niya akong sinabunutan sa buhok ko at saka ko naramdaman ang pagsuntok niya sa mukha ko. Nagsimula na akong umiyak ng mga sandaling iyon dahil sa matinding sakit na natamo ko sa mukha at katawan ko matapos niya akong bugbugin. "I f*cking want to kill you, right now! You're lucky that I'm going to just beat you! I'll lock you up here and wait for you to die in hunger!" he told me in gritted teeth. "P-pa, 'wag mo ko ikulong dito p-please! M-magpapakabait na ako, pa! P-parang awa mo na!" umiiyak na pagmamakaawa ko at nagsimula pa akong lumuhod kahit na nananakit na ang buong katawan ko. Imbis na pakinggan ang hinaing ko ay nakaramdam lang ako ng sipa sa sikmura ko kaya tumalsik na naman ako sa sahig. "Pagsisihan mong maigi ang ginawa mo dahil hinding-hindi kita mapapatawad! Mam*tay ka na sana sa susunod na pagbalik ko rito! Huwag mo rin ako matawag-tawag na Papa dahil wala akong anak na gaya mo!" malamig na sabi niya bago ako tinalikuran. Nang iwan niya ako sa basement ay wala akong ibang makita kundi ang dilim nang kapaligiran. Halos mawala ako sa ulirat ko habang nag-iiyak ako sa isang tabi dahil sa takot. Parang mababaliw ako nung panahon iyon dahil iyon ang unang beses na naranasan kong makulong sa isang masikip at madilim na lugar. Siguro ay isang linggo rin ang nakalipas simula ng ikulong ako sa basement ng tatay ko at dahil na rin sa gutom ay parang nabaliw na ako. Nagsimula akong makarinig ng mga ingay na parang may bumubulong sa akin kaya nagpa-panic ako sa tuwing mangyayari iyon. Nagsisigaw din ako sa loob ng basement para humingi ng tulong pero nanghina lang ako. Walang nakakarinig sa akin kaya naman ng maisip ko na baka mamatay na lang ako sa basement ay naalala ko ang nanay ko. Binalikan ko ang mga ala-ala ko sa kanya noong mga panahon na kasama ko pa siya. Nagsimula ako magsisi na sana ay hindi na ako naghangad na matanggap ako ng pamilya ng ama ko dahil kung hindi ako nagtangka ay hindi ko sana sasapitin ang bagay na nangyayari sa akin ngayon. Pananakit ng tiyan at sikmura ko ang isa sa mga kinailangan kong malampasan. Sobrang tuyo na ang lalamunan at labi ko dahil wala rin akong tubig na mainom sa lugar kung saan ako kinulong. Nakita ko nalang isang araw nang magising ako na may nagbukas sa pinto ng basement at ang unang tao na nakita kong sumilip doon ay ang panganay na babae ng tatay ko. "Cyril, a-ayos ka lang ba?" naiiyak na tanong niya sa akin matapos niya akong lapitan. Pumasok siya sa basement at gaya ng unang paglapit niya sa akin ay may dala-dala rin siyang box ng cupcakes. "K-kainin mo muna ito. P-pasensya ka na kung ngayon lang kita napuntahan. Ngayon lang kasi umalis ng mansyon si Daddy." umiiyak na sabi niya pagkatapos ay niyakap niya ako. Hindi ako nakapagsalita. Naiyak na lang din ako nang tahimik habang pinapakinggan ko siya. "Huli ko na nalaman na magkapatid tayo. Narinig ko na lang kasi na nagtatalo si Mom and Dad, tapos biglang binanggit ka ni Mommy. Patawad kung hindi ka matanggap ng mga magulang ko. H-huwag kang mag-alala, Cyril. Tutulungan kitang makatakas dito." Pagbitiw niya sa yakap ay agad niya akong tiningnan."A-anong sinasabi mo?" mahinang tanong ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit bago inabot sa akin ang bank book niya. "Ito iyong savings ko. Ibibigay ko sa'yo para pagnakaalis ka sa lugar na ito ay makapagsimula ka ulit. B-bilang kapatid mo ay ito lang ang bagay na maibibigay at maitutulong ko sa'yo. I'm sorry, I wanted to help you so much but this is the only thing I can do to help you." Nakita ko na kalahating milyon ang laman ng savings niya at napaiyak ako. Hindi ko kasi akalain na may tutulong pa sa akin. Nabigla ako na malaman na handa akong tulungan ng kapatid ko. Napaiyak din naman siya sa reaksyon ko at muli akong niyakap. "I'm Sydney. I'm your half-sister. Alam ko na malabong maging isang pamilya tayo pero sana huwag mo akong kakalimutan kapag nakaalis kana rito." nakangiting sabi niya sa akin kahit na malungkot ang mga mata niyang nakatingin sa akin. "Thank you, sis. H-hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito." umiiyak na tugon ko sa kanya. Matapos ng pag-uusap namin na iyon ay tinulungan ako ni Sydney na makatakas sa mansyon. Siya ang kumuha ng atensyon ng mga gwardiya para makatakas ako. Nang makaalis ako sa mansyon nila ay hindi pumunta ako sa malayong lugar. At gamit ang perang binigay sa akin ng kapatid ko ay naghanap ako ng maliit na paupahan. Para rin hindi maubos ang perang binigay niya sa akin ay pinagsabay ko ang pag-aaral ko sa kolehiyo at pagtatrabaho ng part-time. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD