Chapter 8: Past
CYRUS DELROY's P.O.V
After I left Isla on the side of the road, I hesitated because I was worried that something might happen to her if I let her travel alone.
But since Elvira called me that she needed me to come to her studio immediately, I just hope for Isla to return to the company safely.
Ilang saglit lang akong nagmaneho at nang makarating ako sa tapat ng studio ni Elvira ay agad akong bumaba sa sasakyan ko para magmadaling pumasok sa loob.
Nakita ko naman si Elvira na nakaupo sa swivel chair niya habang malungkot na nakaharap sa monitor ng laptop niya.
"Baby, what's wrong? Did something happen?" I asked then I immediately came next to her then I looked at her worriedly.
"Cyrus... A-ano kasi iyong client ko. Bigla na lang siyang nag-cancel ng order niyang gown kaya nalungkot ako. I worked hard on her gown, so if she doesn't take her order, my hard work and the materials I used to make her gown will be wasted." she said and then started crying.
Wala akong magawa kundi ay yakapin siya habang marahang hinahaplos ang likuran niya. Hindi pa man kami nagkakabalikan ulit ay handa pa rin ako damayan siya dahil ito rin ang magiging isa sa dahilan para bumalik siya sa akin.
Di ko lang talaga kayang maghiwalay kami ni Elvira kaya kahit na hindi natuloy ang kasal namin ay ayos lang sa akin dahil binigyan niya naman ako ng pagkakataon para ayusin ang nasira naming relasyon sa pamamagitan ng panliligaw ko ulit sa kanya.
"Don't worry baby. Alam kong may ibang client pa na mag-ooffer sa'yo. Kung may nasayang man sa mga materyales na ginamit mo, papalitan ko na lang. Huwag ka na malungkot, okay? Let's eat outside so it can help to cheer you up." I said then gave her the bouquet of daisies I bought earlier.
I saw Elvira's eyes widen at what I gave her and she couldn't stop being emotional so she jumped to me and hugged me.
"T-thank you, Cy. You don't know how much you made my day, today." she thanked me while sobbing.
"Hush now. Huwag ka mag-alala, baby. Hinding-hindi ako aalis sa tabi mo ngayon ng hindi gumagaan ang pakiramdam mo." sabi ko sa kanya saka hinawakan ang kamay niya pagkatapos namin bumitaw sa pagyakap sa isa't-isa.
Hinila ko lang siya patungo sa kotse ko saka ko siya pinagbuksan ng pinto sa tabi ng driver's seat. Pagkapasok ni Elvira sa loob ng kotse ay agad naman akong sumunod na sumakay sa loob.
Pagkapasok ko ay ini-start ko rin ang engine ng sasakyan saka nagsimulang magmaneho patungo sa restaurant kung saan kami madalas kumakain.
Nakarating din naman kami agad at nang makababa kami pareho sa sasakyan ay pumasok kami kaagad sa loob ng restaurant.
In-order ko lang sa waiter ang madalas naming order-in ni Elvira bago ko siya tiningnan. Nakita ko namang hindi na siya nakasimangot at medyo um-ok na rin ang mood niya.
Kinapa-kapa ko pa sa bulsa ng coat ko ang box ng necklace na binili ko sa kanya dahil balak kong tanungin ngayon si Elvira kung okay lang sa kanya na magkabalikan na ulit kami ngayon.
Pagkarating ng order namin ay tahimik lang kaming nagsalo sa pagkain ni Elvira. Walang nagsalita sa amin pareho habang kumakain kaya mabilis kaming natapos.
Nang matapos kaming dalawa sa pagkain ay huminga ako nang malalim bago ko kinuha ang kamay ni Elvira saka ko iyon hinalikan.
"I love you, baby... I know we're not good right now but I just want you to know how much I love you. I don't even know how long I should keep this from you but I hope we can get back together." I said sincerely to her then handed her the necklace box I bought for her.
I saw Elvira's mouth opened and she immediately covered it with her hand while looking at the necklace box I handed her. She burst into tears before opening the necklace box and when she saw the necklace inside the box I noticed her hand shaking while holding the necklace. "Oh my god. This is so beautiful, Cy." she said crying.
Napangiti ako nang marinig ko ang sinabi niya dahil na-realize ko na tama ang pinili ni Isla na kwintas para kay Elvira.
"Baby, can we be together again? I don't want to see you alone anymore. I want to fulfill my responsibility to you as your boyfriend if you only agree to come back to me. Please, Elvira... Can you be my girlfriend again?" I asked her.
Agad naman siyang tumangu-tango habang naluluha. "Y-yes, babe. I'll be your girlfriend again." she answered.
Napatayo naman ako dahil sa tuwa saka ako napahiyaw. Napansin ko pang pinagtinginan kami ng mga tao kaya naman pareho kaming natawa ni Elvira.
Pagkatapos nun ay agad akong lumipat sa tabi niya saka ko kinuha ang kwintas sa kamay niya para tulungan siyang isuot iyon.
Nang maisuot ko na nang tuluyan sa leeg niya ang kwintas ay hindi ko naiwasang mapangiti dahil nakita kong bukod sa bagay ang kwintas sa kanya ay napakaganda niya talaga.
"You're so beautiful, baby." I complimented her then kissed her lips passionately.
I immediately felt her response when I kissed her and then she clung to my neck to deepen the kiss. After a few seconds we broke the kiss and then we exchange smiles with each other.
"I'm sorry, baby. Alam kong hindi mo makakalimutan iyong naging dahilan ng break up natin pero gusto ko lang sabihin na hindi na ako gagawa ulit ng bagay na ikakagalit at ayaw mo. Hindi ako mangangako dahil ayokong masira ang tiwala mo ulit. Basta siguraduhin ko na lang na matutupad lahat ng bagay na sinabi ko sa'yo. Hindi lang puro salita dahil gagawin ko ang lahat para matuloy na ang kasal natin." nakangiting sabi ko sa kanya kaya naman napangiti rin siya.
"I know, babe. Thank you for not choosing to leave me. Thank you for staying by my side after me being mean to you." she apologized.
I gave her a peck on her forehead before shrugging my head. "No, baby. Don't apologize to me. I deserved it because I couldn't feel the pain you experienced because of me."
"Hmm, okay. Bago tayo umalis, gusto ko munang itanong kung ano bang dahilan ng pagkakaroon mo ng DID." seryosong tanong niya sa akin kaya napahinga ako nang malalim.
Nakapag-decide na kasi ako na kapag tinanong sa akin ni Elvira ang bagay na ito ay handa ko siyang sagutin ng maayos.
"Actually nalaman ko lang na may DID ako nung bago tayo magkakilala noong college tayo. Pasensya ka na kung nilihim ko iyong sakit ko sa'yo noon dahil ayokong matakot ka sa akin." mahinang sabi ko.
Hindi naman sumagot si Elvira sa sinabi ko. Sa halip ay ngumiti lang siya sa akin ng sinsero kaya nagpasiya na akong ikuwento sa kanya ang kabuuan ng kwento ko.
—FLASHBACK—
I was eighteen that time when I found out that my mom died because of the car accident.
Papauwi pa lang dapat si Mama nung araw na iyon nung naaksidente siya galing trabaho.
"Cyrus, wala na ang Mama mo. Tumawag sa akin ang hospital para kumpirmahin iyong nangyari. Condolence sa'yo, iho. Kung wala kang ibang kasama sa pagpunta sa hospital ako na lang ang sasama sa'yo." sabi ni Aling Lina.
Si Aling Lina iyong kapit-bahay namin na malapit na kaibigan ni Mama. Simula kasi ng magkaisip ako ay na-realize ko na walang ibang bumubuhay sa akin kundi ang Mama ko lang.
Laki ako sa hirap dahil single parent ang bumubuhay sa akin nung mga panahong bata pa lang ako hanggang sa mag-seventeen years old ako.
Umiyak ako ng sobra nang mabalitaan ko iyong sinabi ni Aling Lina kaya nung makarating kami sa hospital ay hindi ako natigil sa pag-iyak lalo na nang makita ko yung katawan ng ina ko na nakahiga sa malamig na higaan habang ang katawan niya ay nakabalot sa puting kumot.
Maputla na si Mama ng mga oras na iyon at wala akong ibang maisip kundi ang paano na ako na wala na si Mama sa tabi ko.
Sinubukan naming hanapin ni Aling Lina yung taong sadyang sumagasa sa Nanay ko pero hindi kami nagtagumpay. Mayaman kasi iyong taong nakapatay sa Nanay ko kaya hindi na namin nabigyan ng hustisya si Mama.
At dahil namatay na si Mama ay mag-isa akong nag-celebrate ang birthday ko habang tinatapos ko ang pag-aaral ko sa high-school. Sinabi kasi sa akin ni Aling Lina na siya muna ang tatayong guardian ko hanggang sa makatapos ako ng highschool.
Tinupad iyon ng kapitbahay namin pero dumating din iyong araw na naubos iyong naiwang savings ni Mama para sa akin. At dahil labandera lang din si Aling Lina ay hindi niya rin ako matulungan na makapag-college.
Nag-celebrate kami ni Aling Lina nung maka-graduate ako sa highschool at sinabay na rin sa eighteenth birthday ko.
Balak ko na lang sana magtrabaho pagkatungtong ko ng disi-otso pero pinigilan ako ni Aling Lina dahil may naghahanap daw sa akin.
Doon ko nakilala na ang taong naghahanap pala sa akin ay iyong tunay kong ama. Nakilala ko siya dahil sa larawan na iniwan sa akin ng ina ko.
Inipit ko iyong sa wallet ko para mahanap ko ang ama ko pagdating nang araw pero 'di ko naman inaasahan na siya ang kusang maghahanap sa akin.
"I'm your father, and I'm here to take you with me. From now on, you're going to live with my family." he told me.
Wala akong ibang nagawa kundi ang pumayag na sumama sa ama ko kahit na wala akong nakitang emosyon sa tuwing titingnan niya ako.
Bukod pa dun ay malamig niya akong kinausap kaya hindi tuloy ako makapaniwala kung siya nga ba ang ama ko.
Habang si Aling Lina naman ay masaya para sa akin dahil bukod sa may pamilya pa na kukupkop sa akin ay binayaran din siya ng ama ko ng malaking halaga ng pera sa pag-aalaga sa akin nung pumanaw na si Mama.
Nung umalis kami sa lugar kung saan ako lumaki kasama ang Mama ko ay hindi ko maiwasang malungkot dahil naisip ko na may iba na rin palang pamilya ang ama ko kaya siguro inabandona niya kami noon.
Hindi ko man gusto makasama ang ama ko ay wala akong ibang nagawa dahil wala naman na akong ibang mapupuntahan kaya sumama na lang ako sa kanya.
Akala ko kasi ay makakapagsimula ako ulit pagkatapos mamatay ni Mama pero hindi pala. Nung makarating kasi kami sa bahay ng tatay ko ay agad niya akong pinakilala sa mga tauhan niya sa mansyon nila. Ang akala ko na ituturing akong amo sa bahay niya pero hindi pala.
"From now on, you're going to work for us so you can live. Gaya ng mga tauhan namin sa mansyon ay pasasahurin ka lang namin ng tama at hahayaan manatili rito kung gagawin mo nang maayos ang trabahong ibibigay sa'yo." malamig na bilin sakin ng tatay ko.
Naguluhan ako at hindi ko maintindihan kung bakit niya sinabi iyon sa akin. Naisip ko kasi na kung kinuha niya lang ako para magtrabaho sa pamilya niya ay hinayaan niya na lang sana ako sa poder ni Aling Lina.
"Pa, bakit kinuha mo pa ako kina Aling Lina kung balak mo lang pala na pagsilbihan ko ang bago mong pamilya?" may hinanakit na tanong ko pero seryoso niya lang akong tiningnan.
"Magpasalamat ka na lang kinuha kita para maranasan mong tumira sa mansyon, kahit na kailangan mo manilbihan para mabuhay. Huwag na huwag mo ulit ako tawaging Papa dahil hindi kita tinuturing na anak. Tanggapin mo na lang ang pagkupkop ko sa'yo bilang tulong sa namayapa mong ina." malamig na sabi niya.
Pagkatapos sabihin sa akin iyon ay tinalikuran niya ako na parang wala lang. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot at galit sa ama ko.
Nalungkot ako dahil umasa ako na kinuha niya ako para makabawi siya sa akin sa mga panahong inabandona niya kami ni Mama. Galit naman dahil kahit tunay niya akong anak ay balak niya akong makihalubilo sa mga kasambahay nila para mabuhay.
At simula ng tumira ako sa mansyon bilang 'boy' ay nadiskubre ko rin na kasama ng ama ko sa mansyon ang bago niyang pamilya. Nakilala ko rin ang mga kapatid ko sa ama pero hindi nako pinayagan ng tatay ko na makalapit sa kanila.
Binago rin ng tatay ko ang pangalan ko bilang Cyril dahil ayaw niyang makilala ako ng bago niyang asawa na anak ako ni Papa sa ibang babae.
---