The Bad Girl's Gentleman
= Code 9 =
WHEN SOMETHING CHANGES ABOUT A GIRL, EVERYBODY GETS SUSPICIOUS AND THINK IT IS BECAUSE OF A GUY. Parang yung sa mga taong nagpapagupit ng buhok. Porket ba nagpa-short hair broken hearted na
agad? Well, hindi naman ako nagpa-short hair. Babali lang naman ako ng ilang minor school rules sa pagsusuot ng turtle neck araw-araw.
On Monday, I told them I just felt really cold. On Tuesday, I told them I still felt sick. But today? Hindi na gumana. Lalo na kay Trixie ang leader namin sa NSTP. Hindi ko alam kung anong ginawa ko noong nakaraan kong buhay para maparusahan ng isang Trixie sa buhay ko. But if weren't for Trixie's cruelty, edi baka hindi ako ang nag-ayos ng proposal kay Baz noon.
"May ketong ka ba?"
"What?" paglipat ng mga mata ko mula sa screen ng aking cellphone sa kaniya. "I don't even know what ketong is."
"Disease that first shows its symptoms on the skin." She has her arms crossed while standing in front of me. Nandito kami sa loob ng classroom at ako na naman ang naisipang pagtripan ng babaeng 'to. Wala akong balak makipag-usap sa kaniya kaya binalik ko ang tingin ko sa aking phone.
Baz still hasn't called again. The nerve! "What are you hiding?" tanong pa ni Trix.
"Stop talking to me. 'Wag ka nang makisali sa init ng ulo ko at tigilan mo pagpapapansin."
Trixie grabs a pull on my neck. "Then wear your uniform properly."
I don't know how long and sharp her nails are, but when they sink in my shirt, it tears as she pulls. She gasp when she sees my neck.
"Oh ano, inggit ka?!" sigaw ko sa kaniya at umirap.
"You slut."
"Yeah, I f****d your brother once. He was really good with his fingers."
She gasps louder sabay walk out. Inirapan ko ang pwesto kung nasaan siya kanina.
"Did you really?" tanong ni Via mula sa tabi ko.
"No!" sagot ko. That's the misconception about party girls. Porket nagpupunta sa bar at clubs pokpokin na agad? Everyone who hasn't been in parties think everyone there is a s**t.
"Those are really creative bruises on your neck," puna niya.
"So hindi naman pala gay-la ang jowaers niya," pag-upo ni Stefan sa kabila kong gilid. "Maharot ka. Di mo manlang siya pinigilan ayan naging tatlo tuloy."
Inirapan ko siya. "If you just know."
Errr!! Heto na naman po kami. Hindi na naman ako kinakausap ni Basil. Lagot talaga sa'kin 'to. Subukan niya lang tumawag... nako talagaaaa!!!!
"Ano, hindi ka na naman kinakausap?" tanong ni Stefan habang nag-aayos ng kilay sa tabi ko.
Hindi ko na kailangang sumagot para malaman niya kung ano ito. "Baka busy pa kay number five?"
Naputol ang pagtawa niya nang sabunutan ko siya. "Anong sabi mo?!"
"Aray!! Manang, ano ba?!" Hinampas niya ang kamay ko at inayos ang buhok niya habang nakatingin sa salamin. "Totoo naman! Bakit hindi siya makatawag sa'yo? Kasi busy! Busy sa ibang babae! Weekends daw ang schedule mo kaya no'n lang siya nagpaparamdam sa'yo."
Napatingin ako kay Via at nagkibit-balikat ito sa akin upang magsabi na he has a point.
Huminga na lang ako nang malalim at baka maibato ko talaga itong cellphone ko. Nag-cut class ako. Ewan ko ba sinusumpong ako.
Bumalik ako ng apartment at nagbukas ng Daniel's. Pumunta ako ng kwarto ko at nagkulong. Biglang sumakit ang tiyan ko wala pang kalahating bote. Ni hindi ko na nga natapos ang palabas na pinapanood ko nang makaidlip ako sa kama.
Pain in my lower abdomen wakes me up. There's blood on my sheets. What the f**k. God, I hate these days.
Maaga namang dumating si Via at napag-alaman ang kondisyon ko. Mayroon na kaagad siyang gamot. Sakitin kasi talaga ako sa panahon na mayroon ako.
As expected hindi na nga ako nakapasok kinabukasan. Maghapon lang akong nakahilata at natutulog. How I wish I have the strength to workout my sore muscles.
Friday nakapasok naman na ko. Trixie is cutting my neck with her eyes when she sees me walk in my uniform, hickies and all. Oh, just f**k it.
At talagang matindi si Baz. Ni hindi manlang nag-text at hindi manlang tumawag. Paano nga kung hindi lang ako ang girlfriend niya?
Well, who cares about that? May sinabi ba kong hindi kami pwedeng makipag-date sa iba? Pero sana sabihin naman niya sa'kin para hindi ako nag-iintay. Para pipiliin ko lang 'yung mga araw na tititigan ko ang cellphone ko para sa tawag niya.
It's been a week!! A week!! 168 hours passed at hindi manlang ako pumasok sa isip niya? That's so f*****g bullshit! Makipaghiwalay na kaya ako?
I sense na tatawag siya ngayon. It doesn't matter kung sinong maunang tatawag. Makikipaghiwalay na ko sa kaniya!
Kaya lang kakahawak ko palang sa phone ko, nag-ring na ito.
I let it ring a few times, pinag-iisipan ko kung sasagutin ko ba. Pero nanaig sa'kin na baka hindi na siya tumawag ulit at ako pa ang natalo.
"Hello?" tanong niya nang hindi ko siya batiin. Naupo ako sa aking kama at hindi sumagot. "Baby?"
I stay silent.
"Baby," he sighs as if he's also tired. Himala nga dahil wala pang alas-dose ay nakatawag na siya sa'kin.
Hindi pa sana ako sasagot pero natakot ako na baka hindi ko matiis ang kaka-Baby niya sa'kin. "What do you want?"
"Open the door, baby."
"What?!"
"Open the door. Please, baby."
"Maling babae tinawagan mo," I say and hang up. Aba, gago?! Anong pinagsasabi no'n? Lasing ba 'yun?!
He calls again and I answer the phone. "Leave me alone, Ba--"
He laughs from the other end of the call. "Baby, what are you talking about? I'll knock on the door. Come answer it."
Not a second later, I hear faint rapping outside. Napatingin ako sa pintuan. Not my door. But the door outside.
Is he really here?
And yes, he is.
He puts his phone down and ends the call and I put down mine.
"Funny how you have called the right girl at the right place," sabi ko sa kaniya.
"Oh, baby."
"Don't oh baby me, Baz," sabi ko at nag-cross arms. "Why are you here? How did you know our apartment number?"
He bows down his head. "I have my sources."
"Why are you here?"
"I want to see you."
"Ngayon lang? Not the other days? You don't even bother to call me."
"I know, baby," he says, waiting for my reaction. When I give none, he reaches for me and pulls me in a hug, his lips on my forehead. "I'm sorry, baby."
"Tigilan mo ko sa kaka-baby mo masasapak kita."
Pinaghiwalay niya ang mga kamay ko upang mayakap pa kong maayos. "I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry, baby."
"Tsk."
"Sorry na, baby."
"I hate you."
"And I miss you," he says and kisses my cheek. "Sorry na, baby."
I pull away from him. Paano ba namang hindi? Natutunaw ako sa boses at init ng katawan niya. He does sound sorry.
Pinapasok ko muna siya at baka kung sino pang tsismosa ang makakita sa'ming nagyayakapan dito.
"One week, Baz. One f*****g week!" I whisper shout out at him when we reach my bedroom. I close the door behind us and out of manners I tell him, "Take off your shoes."
I shouldn't have said that. That just means I want him to stay. But I do want him to stay. Oh burn me. I want him to keep saying that he is sorry.
Bago pa man ako makaupo sa kama ko hinatak na ko Baz. Hindi niya ko niyakap pero hawak niya ang mukha ko. Walang bukas na ilaw kaya hirap akong maaninag ang mukha niya.
"I'm really sorry, baby. I get home really late and I couldn't call you because I didn't want to wake you up."
"I lay sleepless anyway."
"If I'd known I would have called," he sighs. "Sorry na."
"Pero, Baz, lagi na lang bang ganito? I'll wait for you--God knows how long-- then you'll say sorry and that you miss me and I'll forgive you? Then we'll kiss and make up and the cycle repeats for the next few days?"
"We can compromise."
"No, sabihin mo sa'kin kung kailan ka lang pwede para hindi ako naghihintay. Since wala namang tayong naging kasunduan and I never bothered to ask before, pero ngayon itatanong ko na. Tell me the truth. Pang-ilan ba ko?"
"Pang-ilan saan?" he asks and I can hear the start of his laughter.
"Sa girlfriends mo. Iba ba kada-araw ang tinatawagan mo at pinupuntahan? Is this the reason why you don't want me to be your girlfriend?"
"No," he says. "If that's true then you should be able to feel that I favor you the most."
"Ano nga?!"
"Baby, ikaw lang naman eh. There's only you." Then he touches the circular faint purple spots on my neck. "I wouldn't have marked you mine if you weren't the only one."
Umirap ako sa kaniya at minasahe niya panandalian ang mga braso ko. "Do you want me to leave?"
I glare at him. Hindi ko alam kung nakikita niya ba pero gusto ko na siyang sampalin. "Ano? Aalis ka na naman? Hahayaan mong gan'to? Aba, matindi talaga."
Short laughter vibrates from his chest before he pulls me against it. "I don't understand you. But I still like you."
Kahit na galit ako ayoko namang iwanan na naman niya ko. Nangingibabaw 'yung pagka-miss ko sa kaniya. Damnnn. What iz happenin'?
"Sorry na, baby."
He hugs me closer, if that is still even possible. I circle my arms on his waist, still a little against my will.
Not a few minutes later, nahiga na din kami sa kama. I press my nose on the crook of his neck. Nakapaghilamos na siya at nabigyan ko din siya ng sarili niyang toothbrush. Baz refuses to take any of his clothing off. Hindi daw kasi siya nagsusuot ng undershirt sa ilalim ng dress shirt niya at mas lalong hindi siya maghuhubad ng pants sa kama ng babae.
Ewan ko din ba.
"Are you tired?" tanong ko.
"Yes. Why? Is there anything you want to talk about?"
Makikipaghiwalay na dapat ako sa'yo kanina. Umiling na lang ako.
"How was your day?"
"Wala, sumakit lang nang sumakit balakang ko."
"Why? What's wrong?"
"Mayroon kasi ako eh."
Humimas naman siya sa babang likudan ko. It feels comforting. "Does it still hurt?"
"A bit. But you weren't there when it hurt the most." "Baby, sorry na nga eh."
I smile. "I was just kidding. Matulog ka na."
"Your phone's buzzing."
Napalingon ako sa nightstand at nakitang umiilaw nga ang phone ko. Hindi ko pinansin.
"Aren't you going to answer?"
"No."
"Why not?"
"Why should I when you're here Baz-ing?"
He pinches my cheek at my corny joke. "It might be important." "Hinahanap lang ako ng mga tao sa club. You know, it's Friday." "Did I ruin your schedule?"
"I'd choose this over any party," I say and bury my head on his chest. He still smells nice even after hours.
"Baby." "Yeah?"
When he doesn't answer I tilt my head upwards to look at me. He is already looking at me.
"What?"
He kisses me first then whispers on my lips, "I really like you," then he kisses me again.
"You wouldn't be here if you don't," I smile.
He pulls me closer and the kiss goes deeper. He is embracing me and it just feels nice how tight his hug is, like he doesn't want to let me go.
All the sleepless night I spent the past week suddenly melts away as I fall asleep in his arms. Sana lang hindi ako masanay. I have to remind myself that
Baz is not here to stay. Nandito lang siya para magpalipas ng oras. Para lang mag-enjoy. Para may makasama sa panahon na wala siyang matawagan.
Baz leaves in the early morning, babalik kasi siya sa hacienda nila. Umuwi din ako sa bahay kahit tamad na tamad ako. Hindi naman nila pinansin ang pagsusuot ko ng turtle neck sa isang gabing pananatili ko doon.
Dahil kasama ko si Baz, hindi ko na in-expect na tatawag siya. Kuntento na ko sa pinagsamahan namin noong nakaraang gabi. Hayaan ko na lang muna siya sa kanila.
By Monday morning, hinahanap-hanap ko na naman siya. Iniintay ko na magt-text siya kahit na alam kong imposible.
"Kapag hindi pa siya tumawag mamayang gabi ako na tatawag sa kaniya," anunsyo ko kay Stefan at Via habang nakain sa isang kilalang cake shop.
"Wow, magbaba siya ng pride. Nai-in love ka na ba?" pang-asar pa ni Via.
"Are you kidding me?" pag-irap ko sa kaniya. "Gusto ko siyang makausap so bakit hindi ako tatawag?"
"Paano kung hindi sumagot?" tanong ni Stefan.
"Edi bahala siya diyan. Kawalan niya kapag hindi niya ko kinausap 'no."
The two of them laughs at ako naman 'tong nakatingin sa labas. Konti lang ang tao dahil weekday. Pero siguro din tanging ang mga may kaya at mayayaman lang na mga tao ang nakakapunta dito sa Sunnyside.
"Uy girl oh, tignan mo oh ang pretty ng girl. Sayang may asawa't anak na siya. Magpapakalalaki na sana ako," pagtawa ni Stefan.
"Parang kilala ko 'yun," sabat naman ni Via na nagkakanda haba din ang leeg sa kakatingin.
"Hay nako," sabi ko. Halos lahat ng kakilala ni Via kakilala ko din kaya lumingon ako baka sakaling kakilala ko.
"Girl," mahinang utal ni Via. It seems like she realized who it is. "f*****g tell me he is not who I think he is."
"Hala, girl-la..." pagsunod naman ni Stefan.
"Tell me that's not f*****g Baz!"
Humawak na agad si Via sa kamay ko para pigilan ako dahil alam niyang lalabasin ko talaga si Baz. "Uy girl baka naman mamaya pinsan niya 'yan, you know?"
Gusto kong humarap sa kaniya upang panlisikan siya ng mga mata, pero hindi maalis ang titig ko sa pamilyang nasa labas. Buhat-buhat ni Baz ang isang baby. Parang wala pang isang taon at lalaki ito base sa suot nitong mga damit at sapatos. Then walking by his side is the most gorgeous girl I've ever seen in my entire life. All legs and skin paler than milk. Napakatangos ng ilong at foreigner. Russian siguro or something na ganoon ang dugo.
"Pinsan?! Ano, what the f**k?! Nasa libro ba kami?!"
Tatayo na sana ako kung hindi lang nakihawak din si Stefan sa kamay ko. "May rason naman 'yan, girl. Hintayin mo na lang na sabihin niya sa'yo. Baka hindi pa siya ready."
I look alternately between my two friends. Nagmamakaawa ang mga mata nila na huwag akong gumawa ng eskandalo na pagsisisihan ko lang din mamaya. Kung sabagay, naka-uniform din ako. If things get worse, baka mag-viral pa kam sa internet at maungkat pa ang relasyon namin ni Baz.
So I let them pass. That one happy family. Baz is smiling as the baby pats his cheek, or maybe he is laughing because of something the woman said.
And all I can say is: "Tangina."