Hindi ko halos makilala ang sarili ko habang nakaharap sa malaking salamin na may mga ilaw sa gilid. Si Tito Ben ang nag-ayos sa akin sa isang separate na kwarto habang nasa office naman si Third at doon inaayusan.
"Bakit tinatago mo yung ganda mo! Bagay na bagay sa iyo yung kulay mo. Kilala mo ba si Vanessa Hudgens yung Hollywood actress ng High School Musical, magkatulad kayo ng kulay at ganda!" patuloy na papuri sa akin ni Tito Ben.
Nilugay at diniretso niya yung mahaba kong buhok na hanggang siko at nilagyan lang ng simpleng hair clip sa gilid. Ang pulang lipstick ay litaw na litaw sa maliit kong labi habang manipis na make-up naman ang nilagay niya sa mukha ko at pinaganda lang ang mata. Hindi niya kinapalan dahil hindi raw bagay sa kulay ko kapag masyadong makapal ang make-up.
"Red muna yung isuot mong damit. Tanggalin mo na yung bra mo kasi may padding naman yung dress." Pinakita niya sa akin ang isang red sleeveless dress.
"Po?" ulit na tanong ko sa kanya.
Winagayway niya sa harapan ko yung damit, "Hindi kasi maganda kapag bra, litaw yung strap kaya may padding naman bilang protection. Don't worry at safe naman yung ganitong damit. Sa mga pageant nga mas malala pa yung suot nila."
Pinasadahan ko naman ng tingin iyon. Hindi ko alam kung sukat ng aba talaga sa akin yung damit lalo na at pakiramdam ko ay hindi kami same size ng katawan ni Frances. Nanginginig ang kamay na inabot ko yung bestida mula sa kanya.
"Lalabas lang ako tapos katok ka lang kapag tapos ka na para makapasok ako at may retouch pa tayong gagawin." Sabi niya sa akin bago lumabas ng kwarto.
Para naman akong nanghina bigla. Wala naman kasi akong ideya na ganito yung mangyayari. Kung alam ko lang sana na mga ganitong klase ang isusuot ko ay hindi na sana ako pumayag pa. Pero no choice na rin naman lalo na at nandito na ako, naayusan na at magbibihis na lang.
Pagkatapos kong hubarin yung robe ay tinanggal ko na rin yung bra batay sa sinabi ni Tito Ben. Tama rin siya dahil may padding yung damit kaya hindi nakakailang kahit wala akong suot na bra. Wala naman sigurong makakalahata tsaka bukod pa doon ay masyadong fit yung damit na bumabakat sa katawan ko yung ayos nito. Hanggang ibabaw ng tuhod ko iyon at kitang-kita ang hubog ng katawan ko.
Kumatok ako sa pintuan gaya ng sinabi ni Tito Ben. Pumasok naman kaagad siya at pinasadahan ako ng tingin. "Ikot ka nga." Utos niya sa akin.
Umikot naman ako gaya ng sinabi niya. Nakangisi siya pagkaharap ko sa kanya.
"Ang ganda mo girl! Ang kinis mo masyado at talagang ang ganda ng pagiging Morena mo! Yung next outfit mo is gown, sure ako na babagay iyon s aiyo ng bongga talaga!" pumalakpak pa ito sa akin bago kinuha ang isang high heels.
"H-Hindi po ako sanay sa ganitong damit." Sabi ko sa kanya.
"Normal lang yan. Bagay na bagay nga sa iyo eh." Kumindat pa siya sa akin.
Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Hindi naman din kasi maiintindihan ni Tito Ben kasi ako yung naiilang talaga sa nangyayari. Excited na lumapit ito sa hilera ng mga sapatos sa isang tabi at kumuha ng isang mataas na sapatos na mayroong heels.
"Seat ka diyan girl." Utos niya sa akin.
Agad naman akong sumunod at umupo sa high chair kung nasaan ako kanina. Lumuhod siya sa harapan ko at agad na sinuot yung sapatos. Inalalayan pa niya akong tumayo kaya kinailangan kong humawak sa braso niya para hindi matumba.
"Fifteen ka lang ba talaga?" tanong niya sa akin habang sinusuot sa tenga ko ang isang hikaw.
"Opo." Sagot ko naman sa kanya. Kanina ko pa sinabi yung edad ko sa kanya, hindi ba siya naniniwala?
"Mukha kasing nasa 18 na yung katawan mo. Ngayon lang ako naka-meet ng fifteen na ganyan ang katawan." Sabi pa niya sa akin.
Nakaramdam ulit ako ng pagkailang sa sinabi niya sa akin. Hindi ko alam kung dapat akong matuwa doon o hindi. Nakakailang kasi talaga. Kaya nga mas gusto kong nakabalot ang katawan ko dahil sa mga taong humuhusga sa katawan ko. Alam ko naman na kakaiba yung katawan ko kumpara sa mga ka-edad ko.
"Ang liit masyado ng bewang mo. Matakaw ka bang kumain?" tanong pa niya sa akin. "Alam mo kung isasali kita sa pageant, sure ako na panalo ka na agad." Nailing na sabi pa niya sa akin.
Alanganin ang ngiti na sinagot ko kay Tito Ben bago niya tapusin ang retouch niya sa akin. "Tara na. Let's meet your groom na." sabi pa niya sa akin.
Kinailangan ko talagang humawak sa braso ni Tito Ben para lang makalakad palabas ng kwarto. May mag mata na dumapo sa amin lalo na yung ilang guest na naroon. Mabilis naman akong yumuko para hindi nila mapagmasdan. Hindi ako sanay sa ganitong atensyon.
"Hi!" Matinis na boses ni Tito Ben. "Ang gwapo-gwapo naman ni Thirdy!" kinikilig na sabi nito.
Nag-angat naman ako ng tingin at agad na nagtapo ang mata naming ni Third. He's looking at me intently habang bahagyang nakanganga ang mga labi. He looks dashing sa suot niyang white long button-down sleeves, nakatupi lang iyon hanggang sa siko niya at nakabukas ang tatlong butones at isang maong pants.
Kung inayusan man si Third ay hindi masyadong halata dahil natural na gwapo rin naman na talaga siya. Bigla akong tilanunan ng hiya sa dibdib habang sinusubukang sabayan ang tingin ni Third sa akin.
"Ano na? Speechless ka na ba, Third?" tanong ni Tito Ben dito.
Tumikhim naman ako para bumalik sa ayos yung isa. Napakurap pa ito bago lumapit sa akin. Amoy na amoy ko yung pabango niya at halos kilabutan ako sa presensya niya. Naka-heels na ako pero mas matangkad pa rin siya sa akin.
"Lia," tawag niya sa akin bago ako pinasadahan ng tingin.
"Maayos lang ba?" tanong ko sa kanya.
"You look wonderful." Aniya sa akin.
Tipid na tumango naman ako sa kanya habang pinapakiramdaman yung malakas na t***k ng puso ko. Masyadong abnormal kapag malapit ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganito iyon ngayon. Hindi naman ako ganito dapat.
"Saan ba first location niyo ha?" tanong ni Tito Ben ulit sa amin.
"Sa tabing dagat po." Sagot ni Third sa kanila.
"Let's go na. Andoon na ata yung mga kaklase niyo." Anito bago naunang maglakad sa amin ni Third.
Magkaagapay naman kami ng lakad ni Third. Ang nakakailang lang ay kailangan ko pang humawak sa braso niya dahil hindi ako sanay maglakad ng may suot na mataas na heels.
"Careful, love." Aniya sa akin.
Napatingin naman ako sa kanya pero mukhang wala lang sa kanya yung paraan ng pagtawag niya sa akin. Sa akin kasi hindi. May dumaang kilabot sa katawan ko sa tawag niya na iyon.
Pagdating naming sa labas ay lumulubog na halos ako sa buhangin kaya napahawak na si Third sa likuran ko para alalayan ako. Napahigpit din ang hawak ko sa braso niya dahil doon.
"Pwede ko bang tanggalin yung heels. Lumulubog ako sa bunhangin." Sabi ko sa kanya.
Naiiwan na kami nina Tito Ben dahil namataan na nila yung setup sa kung saan gagawin yung shoot. Nag-angat din ng tingin si Third kina Tito Ben at nakitang malayo na nga ang mga ito sa amin.
"Intayin mo ko dito, love. Kukuha lang ako ng tsinelas sa loob." Inalalayan muna niya ako bago siya mabilis na tumakbo at bumalik sa loob ng building.
Nakasunod naman ang tingin ko sa kanya habang pilit na inaalis sa isip ko yung paraan ng tawag niya sa akin. Hindi ako sanay, bakit ganun?
Mabilis din na nakabalik sa Third at may dala nga siyang tsinelas. Walang sabi naman na lumuhod siya sa harapan ko at akmang tatanggalin ang sapatos na suot ko.
"Anong gagawin mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Tatanggalin yung sapatos mo. Hindi kita pwedeng payukuin kasi baka may makita yung iba sa'yo." Anito sabay pinamulahan ng mukha tsaka binaling ang tingin sa sapatos ko.
Kinagat ko naman ang ibabang labi ko para iwasan ang magsalita sa kanya. Iniwas ko na lang din ang tingin ko ng dahan-dahan at magaan niyang tinanggal ang strap ng suot kong sapatos. Sa pagdampi ng kamay niya sa paa ko ay animo'y may dumaloy na elektrihiya mula sa mga daliri niya papunta sa buong katawan ko.
Tumikhim ako at iniwas ang tingin habang pinapalitan niya ang suot kong sapatos ng tsinelas. Para namang nakahinga ang paa ko sa ginawa niya na iyon. Ang laking tulong.
Tumayo na rin siya at tinignan ako, kung kanina na nakasuot ako ng mataas na sapatos ay nakatingala na ako sa kanya what more pa ngayon?
Bigla akong umatras palayo kay Third dahil mas kaya ko ng maglakad ngayon. "Salamat." Tanging nasabi ko sa kanya bago naunang maglakad. Kukunin ko sana yung sapatos ko mula sa kanya kaya lang ay hawak na niya iyon.
Mas nakakakilos akong mabuti ngayon dahil sa magaan na yung kilos kumpara kanina. Nakarating naman kami sa grupo na namangha rin sa itsura ko at nagbigay din ng reaksyon na katulad ni Third. Bumalot ang hiya sa akin sa sandaling iyon.
"Ang ganda mo naman pala, Amelia! Bakit tinatago mo yung sarili mo sa cardigan! Huwag mo na uulitin iyon!" Ani ni Naomi sa akin.
"Hindi lang ako sanay kasi." Sagot ko sa kanya. At hanggang ngayon ay hindi ako sanay sa paraan ng tingin nila sa akin. Para akong insekto na binubusisi nila sa ilalim ng microscope. Kahit yung mga kaklase namin na hindi ako tinatapunan ng tingin ay nakatingin ngayon sa akin.
Mabilis na binawi ng mga ito ang tingin sa akin pagkakita sa kung sino ang katabi ko. Agad na nagpulasan ang mga ito at kunwari ay abala sa kung ano. Hindi ko na kailangan lingunin kung sino iyon.
"Start na tayo?" tanong ni Carol sa amin. Siya ang photographer ngayong araw habang si Joshua naman ang sa video.
"Anong eksena niyo mga bebe?" tanong ni Tito Ben sa mga ito habang inaayos ang lumilipad kong buhok. Tinanggal naman niya yung hair clip ko dahil mas bagay daw kapag walang clip.
"Ah, di bale, lalakad lang po sila mula doon hanggang sa board walk po. Sasabayan ko po si Joshua habang nag-vi-video tapos kumukuha naman po ako ng picture. Kunwari po inlove na inlove sila sa isa't isa, may mga part po na kailangan naka-lean sa balikat ni Third si Amelia. Basta po mailabas yung natural sweetness. Ayoko po kasi silang diktahan sa dapat nilang gawin, gusto ko pong natural lang sana." Mahabang paliwanag ni Carol dito.
Natural sweetness? Wala kaming ganun ni Third. Napalingon naman ako kay Third na nakatingin na sa akin.
"Goodluck guys. Pakitaan niyo kami!" pumalakpak pa si Tito Ben at yung assistant nito na nag-ayos kay Third kanina.
"Start na tayo para makarami." Ani ni Joshua.
Nagbuga naman ako nang malalim na buntong-hininga. Eto na nga talaga gagawin na namin ito. Pilit kong iniiwasan pero ang ending ay ako rin pala ang gagawa. Kung alam ko lang sana na sa akin din ang bagsak ay tinanggap ko na noon pa. Pahamak din kasi talaga itong si Frances.
"Let's go?" yakag na tanong ni Third sa akin.
Tumango naman ako sa kanya bago naglakad sa starting point na sinabi nila Carol at Joshua.
"Sakto at hawak mo yung sapatos niya, Boss Third. Huwag mo na bitawan tapos kahit holding hands muna kayo ng una, kung gusto mo i-twirl mo siya ng kaunti. Ganun." Paliwanag ni Joshua.
"Kailangan ba nakangiti kaming dalawa?" tanong ni Third sa mga ito.
"Kahit hindi, kusa naman kasing lalabas iyon. Huwag natin pilitin kasi pangit yung dating." Sagot ni Carol naman.
Hindi ko nga alam kung makakangiti ba ako sa nangyayari ngayon. Hindi ko naman kasi inaasahan ang sandaling ito. Kung bakit naman nangyayari ito ngayon pa. Gusto ko na lang tumakbo pauwi. Pero kung hindi ko ito haharapin ngayon ay matatagalan pa ang paghihirap ko.
Walang salit na kinuha ni Third ang kamay ko at hinawakan iyon. May dumaloy na init mula sa kamay niya patungo sa akin kaya agad akong napabitaw ng hawak sa kanya. Nagtatakang tinignan nila ako sa ginawa ko.
"K-Kailangan bang nakahawak talaga sa kamay?" tanong ko sa kanya, sa kanila.
"Oo!" makapanabay na sagot nina Carol at Joshua.
Malalim na buntong-hininga naman ang pinakawalan ko bago ako tumango sa kanila. Nakalahad naman ulit ang kamay ni Third at kahit nag-aalangan ay inabot ko iyon at hinawakan. He squeezes it lightly before looking at the two na nasa harapan naming dalawa.
"Calm down, love. We can do it." Mahinang bulong niya sa akin.
Hindi na ako kumibo sa kanya hanggang sa nagbigay ng signal yung dalawa na maglakad na kaming dalawa. Walang imikan sa pagitan naming habang naglalakad. Wala ring ibang movements maliban sa paghawak ng kamay lang.
"Cut! Ano ba iyan!" matinis na sigaw ni Tito Ben at agad na tumakbo palapit sa amin.
Hinila ko naman ang kamay ko mula kay Third at pinunas iyon sa bestida na suot ko. Ang awkward kaya! Tapos ang gaspang pa ng kamay ko kaya nakakahiyang ihawak sa malambot na kamay niya.
Humahangos na lumapit si Tito Ben at hinarap kaming dalawa. "Jusko! Ano yun? Bakit ganun? Magpakita naman kayo ng emosyon dalawa. Mag-usap kayo habang naglalakad tapos kunwari masaya kayong dalawa. Ang stiff ninyong tignan!" Naiiling na sermon ni Tito Ben sa amin.
Tinignan ko sina Joshua at Carol na halatang disappointed din sa ginawa naming dalawa ni Third. Mahirap naman kasi talaga. Hindi siya madaling gawin.
"Paano po ba?" tanong ko kay Tito Ben.
Tito Ben rolled his eyes bago lumapit sa amin ni Third. Kinuha niya yung kamay ni Third at pwersahan na nilagay sa bewang ko para animo'y nakayakap sa akin. Kumalabog naman yung dibdib ko sa pangyayaring iyon. Halos marinig ko yung t***k ng puso ko sa tenga ko sa nangyaring iyon. Sobrang lapit naming ni Third sa isa't isa.
"Huwag mong tatanggalin iyan!" inis na sabi ni Tito Ben kay Third.
Naging stiff naman ako sa ginawang iyon ni Third at halos pigilan ko ang paghinga ko habang pinakikinggan naming yung dapat daw namin gawin sabi ni Tito Ben. Wala ng pumapasok sa tenga ko dahil nauunahan na ito nang malakas na t***k.
"Naiintindihan niyo bang dalawa ha?" tanong ni Tito Ben.
Napatingin naman ako kay Tito Ben bago marahang tumango. Kailangan kong tumango kahit wala naman akong naintindihan sa paliwanag niya. Hindi ko rin kasi alam kung dapat o tama pa bai tong nangyayari ngayon.
"Sige, gawin niyo na!" anito sa amin bago bumalik sa pagiging audience sa isang gilid.
Nagpakawala naman ako ng malalim na buntong hininga at tinignan si Third, "Hindi ko alam ang gagawin kaya ikaw na ang bahala." Sabi ko sa kanya.
He nodded before giving a signal to Carol and Joshua. Muli ay sabay kaming lumakad habang nagsasalita siya, "May nagustuhan ka na ba sa buong buhay mo, Lia?" tanong niya sa akin out-of-nowhere.
"Wala—"
"Ngumiti ka lang habang nagsasalita ka para kunwari masaya yung pinag-uusapan nating dalawa." Pagputol niya sa iba ko pang sasabihin pagkatapos ay inalis niya yung kamay niya sa likuran ko at pinaghugpong ang kamay naming dalawa.
Pinilit ko naman na ngumiti katulad ng sinabi niya, "Bakit mo naman natanong ha?"
Natigilan naman si Third habang nakatitig sa akin. "Third." Untag ko sa kanya.
"Ha?" kinurap pa niya ang mata niya habang nakatingin sa akin. "Iwasan mong ngumiti sa iba, Lia. Baka mahulog yung iba sa iyo." Sabi niya sa akin.
Parehas kaming natigilan ng paglalakad at napatingin sa isa't isa. "Seryoso ba yang sinabi mo? Kasi sanay na sanay na ako na hindi ngumiti." Unti-unting naglaho yung smile sa labi ko sa sinabi niya. Ayoko yung sinabi niyang iyon. Kumakalabog yung dibdib ko doon!
"Sa iba lang, Lia. Huwag na huwag kang ngingiti sa iba, Lia. Gusto kong maging makasarili at sa akin ka lang ngingiti." Seryosong sabi niya sa akin.
Umiling ako sa kanya at hinampas na lang ang braso niya para maging shot na rin sa ginagawa. Hindi ko na gustong pag-usapan pa ito.
"Ang corny mo, Third. Tigilan mo yan." Sabi ko sa kanya bago nagsimula ulit na maglakad.
Pinilit ko na lang na mag-focus sa pinagagawa sa amin para matapos na lang din kaagad. Ayoko kasing dalhin pa hanggang kinakabukasan yung prenup shoot na ito. Bukas kasi gagawin naming yung ceremony naman. Masyadong hassle kung mag-iinarte pa ako at maging cause pa iyon ng pagtagal ng ginagawa namin.
Kung ano-ano pang klase ng picture ang pinagawa sa amin ni Third. Mayroong nakayakap siya sa akin mula sa likuran, may isa na kinunan kami mula sa likod habang nakaharap kami sa dagat para against the light daw yung effect. Hindi ko alam kung dapat kong ikatuwa na maganda yung resulta ng unang set ng pictures naming dalawa.
Hindi pa doon natatapos dahil kinakailangan na naming magpalit nung gown at solo shot na namin iyon. Mas mabuting ganun na nga lang para hindi na kami mahirapan pa. Kinulot ni Tito Ben this time yung buhok ko kaya mas matagal yung oras ng pag-aayos ko hindi katulad ng pag-aayos ni Third.
Sigurado rin na sinisinumulan na siyang kunan ng video at pictures dahil nauna siyang natapos.
"Hindi ba kayo friends ni Third?" kuryosong tanong ni Tito Ben sa akin habang nakahawak siya sa dulo ng gown ko. Naglalakad kami papunta sa location ulit at sa garden iyon.
Napalingon ako sa kanya, "Hindi lang po kami close dalawa pero casual naman po kami sa school," Sagot ko sa kanya.
Tumango-tango si Tito Ben sa akin, "Hindi naman sa usisero ako masyado, Amelia. Pero feeling ko may gusto sa iyo si Third. Kitang-kita sa mata niya na gusto ka niya." Sabi pa niya sa akin.
Umiling ako sa kanya, "Part lang po ng project iyon—"
"Naku negative ka diyan. The eyes can't lie, Amelia. Kahit magkunwari ka na hindi mo gusto ang isang tao, hinding-hindi magsisinungaling ang mata lalo na kapag nakatingin ka sa taong mahal mo."
Gusto kong i-deny yung sinasabi niya kasi ayokong paniwalaan iyon. Masyadong malabo para mangyari iyon. "Mabuti lang po talaga si Third sa mga babae." Sagot ko pa sa kanya.
Tumango si Tito Ben sa akin, "Siguro sa iba pero baka iba ang trato niya s aiyo. Try to see him in other light. Malay mo chance kayong dalawa."
Alanganing ngiti ang binigay ko sa kanya. Sobrang imposible ng sinasabi niya para mangyari kaagad iyon. Parang ni sa hinagap ko ay hindi ko lubos na maiisip na may posibilidad kaming dalawa ni Third.
"Ganyan ba makatingin ang walang gusto?" tanong ni Tito Ben sa akin pagdating naming sa location at nakitang naroon si Third.
Tapos na ito sa shoot nito at mukhang iniintay na lang nga ako na dumating din talaga. Bakit kasi hindi na lang ito umalis?
He looked at me with those eyes as well. Kung gusto ko mang tanggihan yung sinasabi ni Tito Ben ay mukhang malabo na iyon mangyari dahil pinapatunayan ni Third na totoo ang statement nito.
"Bagay kayo. Ship ko kayong dalawa pero unahin niyo munang dalawa yung pag-aaral niyong dalawa." Bulong pa ni Tito Ben sa akin habang may malaking ngiti sa labi.
Malabo.
Sobrang malabo yung pinapangarap niyang mangyari sa pagitan naming dalawa ni Third.
Imposible.